44 mga motor na bora-bora ang tambotso, kinumpiska ng PNP
Local News • 16:45 PM Mon Mar 18, 2024
318
By:
DXMS
MIDSAYAP, North Cotabato - NASA 44 na mga motorsiklong Bora-bora (Open Pipe) ang nakumpiska ng Midsayap PNP sa kanilang ikinasang dragnet operation pasado alas 5:00 ng hapon kahapon sa Diversion Road, Barangay Sadaan, Midsayap, Cotabato.
Ayon kay Midsayap PNP Chief Lt.Col. John Miridel Calinga, nakatanggap sila ng ulat na magsasagawa aniya ng drag racing activity sa lugar ang grupo ng mga riders.
Kaya agad tinungo ng PNP ang lugar at hinuli ang mga motorsiklong walang mga kaukulang dokumento.
Ang lahat ng nakumpiska ay iisyuhan ng citation ticket.
Katuwang ng Midsayap sa panghuhuli ng mga bora-borang motorsiklo ang 2nd CPMFC.