Friday May, 31 2024 10:20:46 PM

6ID nasa Red Alert Status na hinggil sa BSKE 2023; troop deployment isinagawa

NDBC BANTAY HALALAN 2023 • 16:30 PM Fri Oct 27, 2023
523
By: 
6th ID news release
Mga sundalong inilaga sa ibat ibang Army units ng 6th ID, tumanggap ng bendesyon bago sila bumiyahe kanina. (6th ID photo)

CAMP SIONGCO, Awang, DOS, Maguindanao del Norte – Inilagay na sa Red Alert Status ni Major General Alex S. Rillera, ang Commander ng 6th Infantry (Kampilan) Division at Joint Task Force Central ang antas ng seguridad na ipinapatupad ng mga kasundaluhan sa Central at South-Central Mindanao.

Ito ang inihayag ni Maj. Gen. Rillera kasabay ng send-off ceremony kaninang umaga (October 27, 2023) ng tropa ng militar na buhat sa Division na magdadagdag ng pwersa sa mga lugar na nasasakupan ng 601st Brigade, 603rd Brigade at 1st Mechanized Brigade, ilang araw bago ang Barangay at Sangguniang Kabataan elections (BSKE 2023).

Kanselado muna ang mga prebelihiyo ng mga kasundaluhan upang matiyak na sapat ang pwersa ng militar na magbabantay sa seguridad ng mamamayan sa halalan sa Lunes.

“This is our opportunity to help our countrymen here in Central at South-Central Mindanao. To help them achieve a peaceful, orderly and safe elections”, wika pa ni Maj. Gen. Rillera.

Aniya pa, napakahalaga itong kaganapan na ito sa Bangsamoro Region dahil hindi lamang ang mga kapwa Filipino ang nakatutuk bagkus maging ang buong mundo.

Umaasa naman ang opisyal na magiging matagumpay ang halalan dito sa Bangsamoro dahil ang tagumpay ng Bangsamoro ay tagumpay ng bansa.

“Ipakita natin sa buong mundo that we are indeed, ready for development. Iba na ang Mindanao na nakagisnan noong 70s, 80s at mga nakaraang dekada dahil patuloy na nating natatamasa ang katahimikan sa kasalukuyan’, giit pa ni Maj. Gen. Rillera.

Bago ang send-off ceremony ay nagkaroon muna ng Interfaith Thanksgiving service na pinangunahan nina Cpt Jake Bilbao, ang Division Chaplain at Cpt Alinair C Guro, ang Assistant Division Chaplain. Binasbasan din ni Cpt Bilbao ang mga idedeploy na mga sundalo. Ang send-off ceremony ay dinaluhan din ng mga key officials, enlisted personnel at human resource ng Kampilan Division.

May be an image of 3 people and text

May be an image of 6 people, jeep and text

May be an image of 2 people, helicopter and text

 

Cotabato Light announces power service interruption for June 2

COTABATO CITY - The Cotabato Light and Power Company (Cotabato Light) today announced a scheduled power interruption affecting Clemente Aliño Street...

Drug den in North Cotabato province shutdown, 3 operators nabbed

COTABATO CITY - Anti-narcotics agents seized P85,000 worth of shabu and arrested three alleged drug den operators, suspected of sharing earnings with...

Kidapawan residents feast on 3K hito, tilapia in ‘Sugba sa Dalan’

KIDAPAWAN CITY –Thousands of residents flocked to the national highway here Thursday afternoon to partake of free grilled tilapia and “hito” or...

NDBC BIDA BALITA (May 31, 2024)

HEADLINES 1   SIMBAHANG KATOLIKO sa Cotabato, humiling na mapakinggan ang kanilang panig bago tuluyang ipasa ang divorce bill 2...

Application for August 2024 Career Service Exam open till June 13

MANILA – Individuals wanting to take the Aug. 11, 2024 Career Service Examination - Pen and Paper Test (CSE-PPT) for both Professional and...