BARMM parliamentary elections, tuloy ayon kay P. Marcos
Iginiit ni P. Bongbong Marcos Jr. na dapat matuloy na ang 1st Bangsamoro Parliamentary Elections sa 2025.
Yan ang kinumpirma ni Presidential Adviser on Peace, Reconciliation and Unity, Secretary Carlito Galvez, Jr.
Iginiit aniya ng Pangulo na dapat paghandaan ang nalalapit na eleksyon dahil mahalaga na magkaroon legitimacy at accountability ang halalan.
Nagpahayag rin ng boung suporta ang pangulo para sa darating na halalan.
Katunayan ayon kay Galvez, nag-usap na sila ng COMELEC para magkaroon ng voter's registration sa Camp Darapanan.
Hindi rin sang-ayon ang pangulo sa kahilingan ng mga Civil Society Organization na 3-year extension ng Bangsamoro Transition Authority.
Sapat na aniya ang anim na taong ibinigay na extension kaya't dapat magkaroon na ng eleksyon sa rehiyon.