BREAKING: Ama ni Dr. Yumol, patay sa pamamaril sa Lamitan City
Binaril at napatay ang ama ni Dr. Chao Tiao Yumol habang ito ay nasa kanyang tahanan sa Claret lane, Barangay Maganda, Lamitan city Basilan.
Naganap ang pamamaril alas 6:30 kaninang umaga.
Ang dalawang mga suspect ay sakay ng motorsiklo at naka bonnet.
Nakatayo sa harap ng kanyang bahay si Rolando Yumol nang dumating ang mga supsect at agad siyang pinagbabaril.
Patay na si Rolando nang idating sa ospital.
Sinabi ni BARMM police regional director Brig. Gen. Arthur Cabalona na nagsasagawa na ng malalimang imbestigasyon ang Lamitan City Police Office at ang Basilan Provincial Police.
Ang biktima, na kilala bilang "Bobong" at isang retired Philippine Constabulary member, ay nakatayo sa harap ng ipinasarng clinic ng kanyang anak nang pagbabarilin.
Si Dr. Yumol ay siyang bumaril at nakapatay kay dating Lamitan City Mayor Rosita Rose Furigay habang ito ay nasa loob ng Ateneo de Univeristy campus sa Quezon City para dumalo sa graduation ng kanyang anak.
Patay din ang long time aide nito at ang Ateneo security guard.