Monday May, 20 2024 02:45:17 PM

BSKE sa Datu Odin Sinsuat, magiging maayos at mapayapa, ayon kay Brig. Gen. Pangcog

NDBC BANTAY HALALAN 2023 • 09:00 AM Sat Oct 14, 2023
474
By: 
DXMS NDBC

DATU ODIN SINSUAT, Maguindanao - Makakaboto ang lahat ng mga botante at walang mangyayaring failure of election sa Datu Odin Sinsuat, Maguidanao del Norte.

Ito ang tiniyak ni 601st Infantry Brigade commander Brig. Gen. Oriel Pangcog kasunod ng ginagawang walk for peace at covenant signing ng mga kandidato sa bayan.

Handang-handa na aniya ang militar, PNP, Navy at Marines na magbantay sa boung Datu Odin Sinsuat upang hindi matakot na lumabas at bomuto ang mga botante.

Dalawang araw bago ang eleksyon, inaasahang ikakalat na ang lahat ng pwersa ng militar sa bayan.

Layunin nito na panatilihin ang kaayusan at mapigilan ang balak na panggugulo ng mga supporters ng ilang kandidato sa barangay.

Samantala, tiniyak din Maguindanao del Norte Police Provincial Office Provincial Director Police Colonel Salman Sapal na magiging ligtas at mapayapa ang halalan sa probinsiya.

Aprubado na rin aniya ang dagdag na PNP personnel upang magbantay sa mga hotspot area, lalo na ang Datu Odin Sinsuat.

MNLF’s political bloc urges members to stay off hostile politics

COTABATO CITY - The political party of the Moro National Liberation Front on Saturday reminded its more than 90,000 duly registered members to avoid...

Granada na pinaglaruan ng isang binatilyo, na recover ng PNP sa Bansalan, Davao Sur

KIDAPAWAN CITY - Nakaligtas sa tiyak na kamatayan ang isang 14 na taong gulang na binatilyo matapos na marecover mula sa kanya ng pulis ang isang...

Cardinal Quevedo's statement of condemnation on Cotabato chapel bombing

As a member of the BARMM Council of Leaders representing the Christian Settler Communities and as Catholic Cardinal, I condemn in the strongest terms...

NDBC BIDA BALITA (May 20, 2024)

HEADLINES 1   DALAWA SUGATAN nang pasabugan ng granada ang isang kapilya ng Simbahang Katoliko sa Cotabato City 2  ...