BTA employee, patay sa pamamaril sa Cotabato City
PATAY ang staff ng isang miembro ng Bangsamoro Transition Authority makaraang barilin sa harap ng citi mall sa Gov. Gutierrez Avenue, Cotabato City alas 6:30 kagabi.
Ang biktima na si Sulainman Kusain Macabangon, 50 taong gulang na taga Barangay Awang, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte ay staff ng isang parliament member.
Sa spot report ni Cotabato City Police Station 2 commander Major Amil Andungan, nasa loob ng nakaparadang Toyota Vios ang biktima nang paputukan ng dalawang mga suspect na naka motor gamit ang 9mm pistol.
Isinugod siya ng mga police sa ospital subalit idineklara itong dead on arrival.
Naganap ang pamamaril kahit napakaraming tao sa kahabaan ng Gov. Gutierrez lalo pa ang may mga aktibidad kaugnay ng BARMM anniversary celebration.