Construction worker, patay matapos mahulog sa overpass sa Koronadal
KORONADAL CITY, South Cotabato - Pumanaw na ang construction worker na nahulog sa overpass kahapon sa kahabaan ng Alunan Avenue.
Ayon kay Police Staff Sergeant Lyndel Villaflor, investigator-in-charge ng Koronadal City PNP, ang biktima ay kinilala na si Vince Mark "Mikko" Bitchayda, 28 anyos, single at residente ng Purok Aguinaldo, Barangay Lapuz, Norala, South Cotabato.
Tinatayang nasa 15 metro ang taas ng overpass kung saan nahulog si Bitchayda.
Dagdag ni Villaflor, nakuryente umano ito sa live wire habang nagpipintura na naging dahilan ng pagkahulog nito.
Nabatid na walang gamit na safety belt si Bitchayda at wala din itong suot na helmet.
Agad naman isinugod sa South Cotabato Provincial Hospital ang biktima para gamutin.
Dadalhin sana sa DAvao City hospital si Bitchayda subalit binawian rin ito ng buhay habang ibinabiyahe.