Saturday Apr, 27 2024 03:56:22 PM

Dulangan-Manobo farmer seized by NPA, rescued by Army

Peace and Order • 08:45 AM Mon Oct 23, 2023
645
By: 
37th IB news release
Kausap ni Kalamansig Mayor Joaquin Concha (kaliwa) si Jonis matapos mailigtas ng Army mula sa kamay ng NPA. (Army photo)

LEBAK, Sultan Kudarat – Nasagip ng mga kasapi ng 37th Infantry (Conqueror) Battalion ang isang lalaki na kabilang sa Tribong Dulangan-Manobo na dinukot ng mga miyembro ng Teroristang New People’s Army (NPA) sa pagitan ng Barangay Limulan at Obial, Bayan ng Kalamansig, Sultan Kudarat noong ika-10 ng Oktubre 2023.

Kinilala ang nasabing lalaki sa pangalang Jonis, 20 na taong gulang at residente Brgy Limulan, Kalamansig, Sultan Kudarat.

Isiniwalat ni Jonis na sya ay sapilitang sinama ng mga teroristang NPA at inutusang bitbiin ang kanilang mga pagkain habang palipat-lipat sa ibat-ibang lugar.

May dalawang lalaki pa syang kasama na dinukot ng NPA at ilang beses na rin silang binantaan na patayin kung hindi sila susunod sa kagustuhan ng mga terorista.

Sa kabutihang palad, nakasagupa ng mga kasundaluhan ng 37IB ang grupo ng nasabing teroristang NPA noong ika-10 ng Oktubre 2023 kung saan nailigtas ng mga sundalo si Jonis.

Ayon kay Ltc John Paul Baldomar, Commanding Officer ng 37IB, nakatanggap ng impormasyon ang mga kasundaluhan mula sa mga residente ng naturang komunidad na mayroong grupo ng kalalakihan na gumagala sa kanilang barangay.

Dagdag pa Ltc Baldomar, mayroon na ring naiulat na 2 kalalakihan nawawala sa Barangay Obial kung saan sila ay huling nakita na sinama ng teroristang grupo.

Ang insidenteng ito ay naireport na rin ng kanilang mga pamilya sa himpilan ng pulisya ng Kalamansig, ayon kay Lt. Baldomar.

Si Jonis naman ay masayang naibalik sa kanyang pamilya noong hapon ng ika-10 ng Oktubre 2023 sa tanggapan ni Kalamansig Mayor Joaquin Concha na sya ring nagtayong witness sa nasabing kaganapan.

Pinahayag din ng mga magulang ni Jonis na nangunguha din na walang paalam ng mga pananim na gulay at mga prutas ang mga teroristang grupo na kung saan ito ang mga pangunahing pangkabuhayan ng mga residente sa nasabing lugar.

Nakipagtulungan naman si Jonis at kanyang pamilya sa awtoridad sa pagkakilanlan ng mga myembro ng teroristang NPA na dumukot kay Jonis para masampahan ng kaukulang kaso laban sa kanila.

Leaders fuse ranks for peaceful 2025 BARMM elections 

COTABATO CITY - Three provincial governors and the congressional representative of Basilan have agreed to help each other ensure a peaceful and...

Pregnant, companion arrested in DOS drug buy bust

DATU ODIN SINSUAT, Maguindanao del Norte - Kinilala ng PNP ang buntis na drug suspek na si Fatima Bagundang Esmail, 32-anyos at si Hamid Dalama...

Cotabato Light: NGCP sked power interruption for April 28 cancelled

COTABATO CITY - The Cotabato Light and Power Company today said the NGCP scheduled power service interruption for April 28, 2024 has been cancelled....

Miss U Ph bets visit Tacurong bird sanctuary

DAY 2, SULTAN KUDARAT: Sultan Kudarat is truly a land of wonders, both flora and fauna. As part of their continuing tour of the province’s sights,...

NDBC BIDA BALITA (April 26, 2024)

HEADLINES 1   ISA PATAY, tatlo huli sa firearms buy bust CIDG-BARMM sa Maguindanao del Sur 2   GRADE 7 student, patay na...