Off duty soldier killed, buddy hurt in MagNorte ambush
COTABATO CITY - DEAD ON THE ARRIVAL sa pagamutan ang sundalong si Staff Sgt. Darwin Alaba habang sugatan ang kasama nitong si PFC Erwin Villa matapos silang pagbabarilin sa national highway ng Sitio Sandakan, Barangay Dalumangcob, Sultan Kudarat, Maguindanao del Norte pasado alas dose ng tanghali kahapon.
Sinabi sa DXMS Radyo Bida ni Sultan Kudarat PNP Chief Lt. Colonel Julhamin Asdani na sakay ng Kawasaki Bajaj MC 125 ang biktima galing ng 1st Brigade Combat Team Headquarters sa Barangay Pigcalagan ng nasabing bayan.
Pagsapit nila sa lugar ay bigla silang pinagbabaril ng riding in tandem suspects na sinasabing nakabuntot sa kanila.
Nagtamo ng malubhang sugat si SSg Alaba dahilan ng agaran nitong kamatayan habang si Private First Class Villa ay patuloy na ginagamot sa ospital.
Inaalam pa ng PNP ang motibo ng pananambang.