Ford Ranger pick-up vs tricycle in Kidapawan City : 1 dead, 6 hurt
KIDAPAWAN CITY - Wasak ang bumper ng Ford Ranger na ito matapos masangkot sa aksidente sa 114, Barangay Paco, Kidapawan kahapon.
Ayon sa report papuntang Midsayap ang nasabing Ranger nang biglang pumutok ang gulong nito dahilan para bumangga sa kasalubong nitong tricycle.
Sinabi ni Kidapawan City Traffic Management Unit (TMU) head Rey Manar na kinilala ang namatay na si Bejie Acquisa na driver ng nasabing tricycle.
Siya ay nasawi on the spot habang ang mga kamag-anak niyang pasahero ng tricycle ay nagtamo ng mga sugat sa ibat-ibang bahagi ng katawan.
Ang mga sugatan ay nakilalang sina Lenie Bendon Magbanua, 52; Rodolfo Magbanua, 57; Roselyn Magbanua Acquisa, 33, Bella Magbanua Acquisa, 6 years old; Brialle Acquisa, 3 at Aiai Talium, 13, lahat mga nakatira sa Barangay Del Carmen, Pres. Roxas Cotabato.
Ligtas naman at walang sugat ang driver ng Ford na si Eugene Niedo at mga kasama nito.
Tuloy pa ang imbestigasyon ng Kidapawan Traffic unit