Sunday May, 19 2024 12:29:37 AM

Full text of Pres. Aquino's speech during MILF decommissioning of guns, combatants

 • 21:46 PM Tue Jun 16, 2015
406
By: 
Edwin Fernandez
(drrichswier.com)

Bilang pambungad, hayaan
ninyo pong ibahagi ko ang ilang bagay na naging palaisipan sa akin sa mga
lumipas na taon.
Noong
bata pa po ako, noong umuusbong ang karahasan dito, hindi po ba masasabi
natingand Ang pinagmulan ng hidwaan ay ang pananamantala ng iilang tao, kadalasan
Kristiyano, sa mga kababayan natin dito sa Mindanao. Nang makita ng mga
mapanlamang na walang pinag-aralan ang mga nagbubungkal ng lupa, ipinatitulo
nila sa kanilang mga sarili ang mga lupain. Ito ang nagtulak sa mga kapatid
nating Moro na ipaglaban ang nararapat lang sa kanila. Ang tanong po natinand
Kung pang-aabuso sa batas ang ugat ng problema, hindi ba nararapat lang na
batas na kumikilala sa karapatan at kultura ng mga kapatid nating Muslim ang
maging solusyon? Mas mainam sana kung katulad ng Indigenous Peoples Rights Act,
na meron tayo ngayon, ang naging tugon ng pamahalaan sa panawagan ng ating mga
kababayan.
Alam
po natin na hindi ganoon ang nangyari. Ipinadala ng gobyerno ang ilang bahagi
ng ating Philippine Constabulary. Nang tumindi ang hidwaan at di na kayang
makontrol ang kaguluhan, ipinadala naman ang Sandatahang Lakas. Ang nangyariand
Imbis na makamit ang kapayapaan ay lalo pang naging masalimuot ang sitwasyon.
Dagdag
paand Kung ikaw nga ang nasa posisyon ng mga kapatid nating inagawan ng lupa
noong panahong iyon, hindi ka ba mawawalan ng pag-asa kung lahat ng iyong
lapitan ay tila iisa ang tono at ang tugon ay Walang magagawa diyan”? Isipin
din po ninyoand Dahil sa alitan dito sa usaping agraryo, na walang makuhang
katarungan, inilagay nila sa kanilang mga kamay ang batas at nag-usbungan ang
mga grupong armado.
Ang
akin poand Kung inaapi ka na at napilitan kang umalis sa sistema, o labanan pa
ito, dahil wala ka nang tiwala, dahil kulang ang kalinga ng Estado, naging iba
kaya ang tugon mo? Matapos nga po ang ilang dekada ng barilan, matapos magamit
ang mga armas, mismong ang ating Sandatahang Lakas na ang nagsasabiand Ang
solusyon dito sa Muslim Mindanao ay di lang magmumula sa AFP ang kailangan ay
whole of government approach. Kailangan ng lehitimong tugon sa mga lehitimong
hinaing kailangan tulungan ang mga naisantabi nating mga kapatid para magkaroon
ng tunay na katarungan.
Nang
maging malinaw po ito sa akin, dumating naman ang panibagong mga katanungan.
Kung masyado nang malalim ang mga sugat na ginawa ng putukan at gantihan, paano
pa maipupunla ang tiwala? Pasintabi kay Usec. Manny Bautista, gagamitin kong
halimbawa ang nangyari sa kanyang pamilya. Inimbitahan noon ang kanyang amang
si General Teodulfo Bautista, na makipagdiyalago sa Sulu para sa kapayapaan.
Subalit hindi pala kapayapaan ang hangad ng kausap niya kundi karahasan. Ang
mga ganitong insidente nga ng karahasan ang nagpalala sa hinagpis na dala ng
digmaan para sa maraming Pilipino, kaya hindi mo maaasahang sisibol ang tiwala
sa pagitan ng magkabilang panig.
Sa
ganitong sitwasyon, paano tayo aabot sa isang kasunduang katanggap-tanggap sa
lahat kung ang mga negosyador mismo ay walang tiwala sa isa’t isa? Naisip ko
nga po na ilang henerasyon ang bibilangin bago magkaroon ng tunay na diyalogo.
Isa nga po sa mga naging mungkahi ang magkaroon ng palitan ng mga estudyante sa
ating bansa. May mga kabataang taga-Mindanao na mag-aaral sa Luzon at Visayas
at may mga taga-Luzon at Visayas na mag-aaral naman sa Mindanao. Sa ganitong
paraan, makakabuo ng mas matibay na relasyon ang mga bagong henerasyon, at
kapag sila na ang may tangan ng renda ng kapangyarihan, makakapag-usap sila
bilang magkakaibigan, imbis na bilang magkakaaway na may kanya-kanyang mahabang
listahan ng hinanakit. Matagal na proseso ito, at malamang ay hindi ko na
makikitang nagbubunga ng mga tulad kong hindi na ganoon kabata.
Ito
po ang dahilan kung bakit talagang makasaysayan ang araw na ito. Kung babalik
tayo ng ilang taon, isang napakalayong pangarap lang ang makitang naglalatag ng
armas ang isang armadong grupong matagal nang nakipaglaban sa pamahalaan. Hindi
lang isa, dalawa, o isang dosenang piraso ang armas na pinag-uusapan natin
dito. Ito po ay ilan sa pinakamataas na uri ng armas. Moderno po ang mga ito at
hindi pinaglumaan ang mga armas na ito, kayang magdulot—at talagang
nakapagdulot nga—ng matinding pagdurusa.
Mga
Boss, kailangan ko pong bigyang-diinand Ang mga kapatid nating Moro ay nangako,
at heto ang pruweba ng kanilang katapatan sa ating harapan. Kusang-loob pong
inilatag ng ating mga kapatid ang kanilang armas. Alam nilang nariyan pa rin
ang banta ng karahasan mula sa mga private armed groups, pero sa ginawa nilang
ito, tila sinasabi nila sa atinand Kapatid, itong pantanggol namin sa sarili
namin, di na namin kailangan. Buong pagtitiwala naming ipinapaubaya sa inyo ang
aming kaligtasan. Kapatid, itong armas, puwede na naming ibaba dahil naniniwala
kaming kasama namin kayo sa kagustuhan naming baguhin ang lipunan at buhay
namin.” Ginagawa nga nila ito kahit nakabitin pa ang Bangsamoro Basic Law, at
mangyayari pa lang ang Bangsamoro Transition Authority.
Kaya
nga po hindi ko masasabing sumusugal tayo sa pakikipag-usap sa MILF. Tsambahan
po ang sugal, at wala kang hawak na pruweba sa kapalaran mo. Ito pong ginagawa
naman natin ngayon ay napakatibay na patunay ng buo at busilak na pakikiisa ng
MILF sa ating usaping pangkapayapaan, at sa kanilang kahandaang talikuran ang
landas ng hidwaan. Iniaabot nila ngayon ang kanilang palad bilang imbitasyon
patungo sa higit na pagtitiwala at pagtutulungan. Nakakalungkot nga po na ang
gustong isagot ng ilan sa ating mambabatas sa imbitasyong ito ay itigil ang
BBL. Imbis na itanongand Paano ko ba mapapabuti pa ang BBL para matugunan ang
hinaing ng mga kababayan natin?” tila pinag-iisipan pa ng iba ay Paano ko ba
ito pipigilan o haharangin?”Sa
mga sandaling ito, naiisip kong para tayong nasa isang kasalan o parang nasa
Heart Break Hill doon po sa Boston Marathon. Sa kasalan, ang sabi po sa atin,
naroon ka na nga sa harap ng altar, alam mong siya na ang pakakasalan mo, pero
biglang napapaisip kaand Pipisilin ba niya sa gitna o sa dulo ang toothpaste?
Ibababa ba niya ang takip ng inidoro? Klaroand Mahal na mahal mo ang pakakasalan
mo, at di-hamak na maliliit lang ang mga agam-agam na ito, pero napapag-isip ka
pa rin. Gaya naman sa Heart Break Hill, papunta na tayo sa katuparan ng ating
samahan tungo sa kapayapaan ngayon pa ba tayo magkakaroon ng pagdududa kung
kaya nating tapusin ang marathon? Bigla ba tayong panghihinaan ng paniniwala,
lalo pa’t abot-tanaw na ang finish line?
Ito
po ang katotohananand Hindi kalabisan ang hinihiling ng ating mga kapatid sa
Bangsamoro ang hangad nila, disente at mapayapang pamumuhay, gaya ng sinumang
Pilipino. Kailangan din nating amining nagkulang tayo sa isa’t isaand Wala namang
nakasulat sa ating relihiyon at batas na kailangan nating ipagpatuloy ang mga
pagkakamali ng nakaraan. Narito na nga po tayo, binibigyan tayo ng pagkakataong
iwasto ang mali, tatalikuran pa ba natin ito?
Ang
masasabi ko po sa inyoand Personal kong tinututukan ang BBL. May isang
pagpupulong nga, kasama ang mga kasapi ng Kongreso, kung saan, sa hangarin
nating magkaroon ng tunay na meeting of the minds” at masagot ang anumang
agam-agam ay inabot kami ng madaling-araw sa paghimay at pagbubusisi sa draft
BBL. Ang gusto nga po natinand pagandahin nang pagandahin ang batas na ito.
Nakalagay
na nga sa kasaysayan natin ang ipinakitang halimbawa ng mga kapatid natin sa
araw na ito. Ilalagay rin sa kasaysayan kung ano ang tugon ng nakakaraming
Pilipino sa magandang ginawa nila. Ang tanong nga natinand Kung may sampung
hakbang para lubusang magkalapit, at ginawa na nila ang siyam at kalahating
hakbang, ipagkakait mo pa ba ‘yung natitirang kalahating hakbang? Pagharap mo
ba sa salamin, hindi ka ba uusigin ng iyong konsensiya? Kung sa pagharang mo sa
napakagandang solusyon ay umabot ka sa puntong napahamak ang pamilya mo mismo,
mahaharap mo ba sila para sabihing Sorry, pinigilan ko kasi ang kapayapaan”?
Sa
inyo na bumabalangkas ng batas, at sa mga boboto kinalaunan sa plebisito
kaugnay ng BBLand Alalahanin n’yo ang araw na ito. Tayong nagpabaya sa kanila,
tayong nagmungkahi ng mga maling solusyon, tayo na hindi naging masigasig sa
pagprotesta at pagpigil sa pang-aabuso sa kanila, aagawin ba natin sa kanila
ang pagkakataong mabuhay nang may dignidad at matiwasay? Panghahawakan ba natin
ang mga takot na wala namang basehan? Gusto ba talaga nating magbalik sa mga
nasubukan nang solusyon pero di naman gumana at nanganak lang ng mas maraming
hidwaan, at nagpalalim lang sa sugat ng kawalang-tiwala?
Dito
ko nga po naalala ang sinabi ng isang pastor na Aleman na si Dietrich
Bonhoeffer. Isa po siyang pastor na pinatay nang panahon ng mga Nazi sa
Germanyand First they came for the communists, but I was not a communist so I
did not speak out. Then they came for the socialists and the trade-unionists,
but I was neither so I did not speak out. Then they came for the Jews, but I
was not a Jew, so I did not speak out. And when they came for me, there was no
one left to speak out for me.” Totoo poand ‘Pag hinayaan mong lapastanganin ang
karapatan ng iba, hindi ba’t pumayag ka na ring maulit ang ganitong siklo, at
balang-araw ikaw mismo ang puwedeng maging biktima nito?
Mga
Boss, bibigyang-diin ko poand Itong dating di natin maisip-isip na mangyayari,
nangyayari na. Nagawa nga po ng mga kapatid natin sa MILF ang napakalaking
hakbang na ito, at maiisip moand Mahihirapan pa kaya sila doon sa iba pang mga
hakbang? Palagay ko, magiging padali nang padali ang proseso. Ang panawagan ko
poand Suklian naman natin ang pagtitiwalang ipinakita nila sa atin. Sikapin
nating umabot sa puntong masasabi natingand Talagang binigay natin ang lahat ng
pagkakataon upang mabago nila ang kanilang buhay at maabot ang kanilang mga
pangarap. Pero ito nga poand Kung ang pananaw mo ay pahirapan ang pagpasa ng
batas, para mo na ring sinabing ipinagdamot natin ang dapat sana’y sa kanila
sinigurado nating wala silang pagkakataong umangat ginarantiya nating di na
sila bababa sa bundok. ‘Yan ang katumbas ng pagtutol po sa BBL.
Hindi
nga puwedeng sasabihin mong para ka sa kapayapaan, pero pinahirapan mo ang
pagbabalangkas ng BBL. ‘Yun bang di ka na nga nakontento sa siyam na butas ng
karayom, nagdagdag ka pa ng pansampu at panlabing-isa parang wala ka nang
ibang hangarin kundi siguruhing walang puwang para sa kapayapaan. Tulungan nga
po ninyo akoand Ano po ba ang itutugon ko ‘pag may nagtanong sa akin, Saan ba
‘yung konsensiya ng mga taong nagpapatagal ng proseso para magkaroon tayo ng
kapayapaan?”
Daang
libo na ang napinsala at namatay, at di na mabilang ang nawalan ng tirahan at
nasira ang komunidad, dahil sa apat na dekadang hidwaan. Kung di ka pa papanig
sa kapayapaan, ilan pa ang mamamatayan ng mahal nila sa buhay? Ilang pamayanan
pa ang maiipit sa putukan at kawalang seguridad? Ilan ang naghihirap na lalo
pang maghihirap? Gaano pa katagal bago kumatok sa sarili mong pintuan ang
kaguluhan at madamay ang sarili mong mag-anak?
Di
po natin maitatanggiand May utang tayo sa mga kapatid natin sa Bangsamoro. May
pagkakataon tayo ngayon upang itama ang naratibo ng pagdurusang sama-sama
nating kinaharap. Panahon na po natin ito. Ito ang ipinaglaban ng mga nasawi
nating kababayan. Ipakita natin sa mga nag-alay ng kanilang buhay, sa ating mga
kababayan, at sa buong mundoand Magkakaiba man ang ating pinanggalingan at
paniniwala, dahil pinagbubuklod tayo ng tiwala at pagmamalasakit sa isa’t isa,
walang hamong hindi natin kayang lampasan bilang isang bansa.

Magandang
araw po sa inyong lahat. Maraming salamat po.

P108-M worth of shabu seized by PDEA-9 agents in Zamboanga City

COTABATO CITY - Agents of the Philippine Drug Enforcement Agency seized P108 million worth of shabu from a dealer entrapped in Barangay Canelar in...

Police rearrest 1 of 5 detainees who bolted Parang police lock-up cell

PARANG, Maguindanao del Norte  – Police authorities here have arrested one of the five fugitives who bolted the municipal police station...

Sulu Gov. Sakur Tan to seek BARMM office of chief minister

INANUNSYO ng Bangsamoro Grand Coalition o BGC ang kanilang pag-endorso kay Sulu Governor Abdusakur Tan na tumakbo bilang BARMM Chief Minister sa May...

5 preso nakatakas sa Parang detention facility, tulong ng publiko hiniling ng PNP

Nanawagan ang mga otoridad sa Parang, Maguindano del Norte na makipagtulungan sa kanila kung sakaling may mga nakakita sa mga lalaking nasa larawan...

NGCP scheduled power interruption for May 19 cancelled

What: CANCELLED NOTICE OF National Grid Corporation of the Philippines POWER INTERRUPTION When: Sunday, May 19, 2024 | 7:00 - 8:00 AM | 5:00...