Gunmen shot, hurt bus inspector in North Cotabato
Local News • 20:30 PM Tue May 21, 2019
793
By:
DXND
MAKILALA, North Cotabato - Blangko pa din ang Makilala PNP sa kung ano ang motibo ng mga suspek sa pagbaril sa isang bus inspector ng Mindanao Star Purok Talisay Old Bulatukan, sa bayan ng Makilala North Cotabato.
Nakilala ang biktima na si Roy Señas, nasa hustong gulang, may asawa at nakatira sa naturang lugar.
Sinabi ni barangay Old Bulatukan chairman Basilio Guinang, alas 5:30 ng umaga kahapon pinagbabaril ang biktima habang nag-aabang ng sasakyan kasama ang misis nito sa gilid ng National Highway.
Patuloy naman ngayong nagpapagamot si Señas sa isang ospital sa bayan matapos na magtamo ng sugat sa kanyang balikat.
Hanggang sa ngayon ay wala pang matukoy na posibleng motibo ang mga otoridad sa pagbaril sa biktima.