Thursday May, 16 2024 10:12:29 AM

Isa pang kaso ng pamamaril, naganap sa Pikit, biktima isang security guard

Local News • 09:00 AM Fri Jan 26, 2024
487
By: 
DXND/NDBC
Photo from Nor Lyn FB.

KIDAPAWAN CITY -  SECURITY GUARD, dead on the spot matapos binaril habang sakay ng kaniyang motorsiklo sa tapat ng Barangay Hall ng Barangay Batulawan, Pikit, SGA BARMM ngayong umaga.

Kinilala ng Pikit PNP ang biktima na si Apolinario Taniongon Apolinario, 38 taong gulang, security guard at taga Barangay Takepan, Pikit, North Cotabato.

Dala ang kanyang motor, patungo na si Apolinario sa kanyang post na isang business establishment sa Poblacion Pikit nang paputukan ng mga suspect na sakay din ng motor.

Makikitang nakahandusay ito sa National Highway matapos isagawa ng mga hindi pa kilalang mga suspek ang krimen.

Apat na putok ng baril ang narinig ng mga bystanders sa lugar.

Nagpapatuloy ang paghabol ng PNP at 90th Infantry Battalion, Philippine Army sa suspek.

Nabatid na kahapon isang BPAT member rin ang binaril-patay sa Barangay Takepan sa nasabing bayan.

Ito na ang ika lima sa mga biktima ng pamamaril ngayong 2024 sa bayan at pang apat na kaso ng pamamaril.

Kahapon lang ay may binaril din sa Pikit.

Dinikitan at pinagbabaril ng dalawang mga nakamotorsiklong suspect ang BPAT member sa Barangay Takepan, Pikit, North Cotabato alas 3:00 ng hapon kahapon.

Nakilala ang biktima na si Thong Mangaon Balaguna, 45 years old ng Barangay Nalapaan, Pikit North Cotabato.

Dalawang lalaki na nakasuot ng itim at brown long sleeve shirt, base sa mga saksi na agad namang tumakas pagkatapos ng krimen.

Ayon sa ulat, sakay ng motorsiklo ang biktima nang pagbabarilin di pa tukoy na suspect sa nasabing area. Sa ngayon, hindi pa masabi ng PNP kung ano ang posibleng dahilan ng pamamaril at pagpatay sa biktima.

 

2 drug peddlers arrested, over P1-M worth shabu seized in Cotabato City

COTABATO CITY  – Two big-time drug peddlers were arrested and over P1 million worth of shabu was seized from them during an entrapment operation...

"Octogenarian" green sea turtle released back to the wild in SarBay

KORONADAL CITY - An elderly female green sea turtle, locally known as ‘pawikan’ that was rescued in Barangay Luma Kiamba, Sarangani Province, has...

Drug peddler, huli sa drug buy bust sa Delta Bridge, Cotabato City

HULI ang isang drug suspek sa ikinasang drug buy bust operation ng PNP sa Brgy. Salimbao, Sultan Kudarat, Maguindanao Del Norte, pasado alas 5 ...

OPAPRU: IRR of amnesty grant to fast-track ex-rebels' integration

MANILA – The release of the implementing rules and regulations (IRR) of amnesty proclamations issued by President Ferdinand R. Marcos Jr. would...

Cotelco: All area collection offices close on May 16

KIDAPAWAN CITY - Inanunsyo ng Cotabato Electric Cooperative na ang Area at Collection offices ngayong Mayo 16, 2024 (Huwebes) ay sarado upang...