Kaanak ng mga nasawi sa Antipas highway mishap, nagsindi ng kandila sa crash site
Local News • 21:30 PM Tue Mar 26, 2024
377
By:
Edwin O. Fernandez
ANTIPAS, North Cotabato - Binisita ng mga kaanak at kaibigan ng 17 mga nasawi ang lugar kung saan nangyari ang highway accident noong lunes ng tanghali sa Barangay Luhong.
Nagsindi rin sila ng kandila di kalayuan sa nasunog na passenger van at nag-alay ng panalangin.
Kasama nila ang mga kawani ng Antipas local government unit sa pangunguna ni Mayor Cris Cadungon.
Namigay din ang LGU ng cash assistance sa pamilya ng mga nasawi.
Nagsorry na din ang driver ng HOWO truck na si Edwin Nasiad. Aniya hindi niya sinadya ang pangyayari at ito ay talagang aksidente.