Kidapawan's Timpupo fest draws biggest float parade participants
KIDAPAWAN CITY - Nasa dalawampung pribado at pampublikong ahensya ang lumahok sa Fruit Float Parade kahapon para sa culmination program ng Kasadya sa Timpupo 2023.
Magkakaiba ang naging tema ng bawat Float na lahat ay gawa sa prutas at ibang mga produkto mula sa lungsod.
Nagtagisan sa desinyo at nagpasiklaban sa nasabing parada ang mga partisipante para maiuwi ang kampyonato.
Itananghal na Champion ang fruit float mula sa District 2 & 8 na tumanggap ng P100,000.00 bilang premyo; 2nd place naman ang Saniel Cruz National High School na nag-uwi ng P75,000.00; habang 3rd placer ang Brgy Linangkob na nag-uwi ng P50,000 pesos.
Sa tuwa sa nasabing festival ay dinagdagan ng pangunahing pandangal na si Senator Ronald Dela Rosa ang premyo ng P100,000. pesos at P60,000 pesos naman mula kay Governor Emmylou Lala Talino Mendoza na hahatiin para sa bawat partisipanteng nakapasok sa top 3.
Kinagabihan naman ay ginanap ang ikatlong bahagi ng Pyromusical Competition sa Magsaysay Ecopark.
Anim na partisipante mula sa ibat-ibang lugar, ang tampok sa nasabing kompetisyon.
Tinanghal na Champion ang JR SKYWORKS na partispante mula Cabadbaran City, Agusan del Norte
2nd Cagayan de Oro City, CHADA FIREWORKS
3rd General Santos City, SANICOM FIREWORKS
4th Sibulan, Negros Oriental - BOLO EVENTS & PYRO
5th Valencia City, Bukidnon - PLANET DX EVENTS & PYRO at
6th Tagbiliran City, Bohol - WOW FIREWORKS