Lalaki, patay sa pamamaril sa Cotabato City
Breaking News • 20:15 PM Mon Dec 26, 2022
1
By:
DXMS Radyo Bida Cotabato
Patay on the spot ang isang lalaki nang pagbabarilin ngayong gabi sa bahagi ng Gonzalo Javier St, Rosary Heights 7, Cotabato City.
Kinilala ni Cotabato City PNP Spokesperson Lt.Col. Carmelo Mungkas Jr ang nasawing biktima na si Jhonity Sapal Kubato.
Pauwi na sana ang biktima sakay ng kanyang silver Toyota Vios nang pagbabarilin ng mga suspek na naka motorsiklo.
Ayon sa ulat, tatlong mga kalalakihan ang sakay ng nasabing motorsiklo.
Patuloy pa ang imbestigasyon ng PNP at SOCO sa pinangyarihan ng krimen.