Tuesday May, 21 2024 04:07:02 AM

Man who claimed to be ex-priest arrested in drug buy bust

Local News • 17:30 PM Thu Jun 20, 2019
2
By: 
DXND Kidapawan
Ang police mug shots ni John Baring Ferolin na nagpakilalang pari matapos mahuli sa anti-drug operation sa Matalam, North Ctoabato.

MATALAM, COTABATO - Arestado ang isang nagpakilalang siya ay dating pari sa isinagawang drug buy-bust operation sa loob ng isang kainan sa palengke ng Matalam, North Cotabato, pasado alas 2:00 ng hapon kahapon.

Kinilala ni Matalam Police chief Capt. Brian Placer ang suspek na John Baring Ferolin, 42-anyos na taga Barangay Lower Katingawan, Midsayap, North Cotabato.

Ayon sa report, inaresto si Ferolin matapos mabilhan ng iligal na droga ng nagpanggap na poseur buyer na isang police asset.

Narekober sa kaniya ang isang piraso ng sachet ng shabu at ilang drug paraphernalia at ang buy-bust money.

Napag-alaman na dati ng nakulong ang suspek dahil rin sa kasong may kinalaman sa droga noong taong 2016.

Matagal ding minamanmanan ang suspek bago tuluyang bumagsak sa kamay ng mga otoridad.

Nakakulong na ngayon sa custodial facility ang nasabing suspek at nahaharap sa kasong paglabag ra 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Nagpakilala si Ferolin na siya ay dating miembro ng Mission Society of the Philippines o MSP.

Subalit sa isang pahayag mula kay Fr. Jonathan Germinanda, MSP superior para sa www.ndbcnews.com.ph, mahigpit nitong pinabulaanan na may miembro silang pari na nagngangalang John Baring Ferolin.  Wala din aniya silang naging seminarista na ganoon ang pangalan.

Nalulungkot si Fr. Germinanda na nadawit ang kanilang kongregasyon sa bagay na ito.

 

Groups, BARMM officials condemn Cotabato City chapel bombing

COTABATO CITY - Various sectors condemned Sunday’s grenade attack on a small Catholic chapel in a residential area here that hurt two worshipers and...

2 drug peddlers nabbed, over P1-M shabu seized in Pikit anti-drug ops

GEN. SANTOS CITY  – Anti-illegal drug entrapment operation in Barangay Ladtingan, Pikit, North Cotabato on May 19, 2024, led to the arrest of...

MNLF’s political bloc urges members to stay off hostile politics

COTABATO CITY - The political party of the Moro National Liberation Front on Saturday reminded its more than 90,000 duly registered members to avoid...

Granada na pinaglaruan ng isang binatilyo, na recover ng PNP sa Bansalan, Davao Sur

KIDAPAWAN CITY - Nakaligtas sa tiyak na kamatayan ang isang 14 na taong gulang na binatilyo matapos na marecover mula sa kanya ng pulis ang isang...

Cardinal Quevedo's statement of condemnation on Cotabato chapel bombing

As a member of the BARMM Council of Leaders representing the Christian Settler Communities and as Catholic Cardinal, I condemn in the strongest terms...