Mayor Sandigan ng Datu Salibo, Maguindanao Sur, inaresto ng CIDG dahil sa kasong murder
Breaking News • 23:00 PM Wed Oct 11, 2023
694
By:
DXMS NDBC
COTABATO CITY - INARESTO kagabi ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group o CIDG-BARMM si Mayor Solaiman Sandigan ng Datu Salibo, Maguindanao del Sur.
Alas 7 kagabi nang i-serve ng mga tauhan ng CIDG ang warrant of arrest laban kay Sandigan sa bahay nito sa Barangay Poblacion, Datu Salibo.
Ang warrant of arrest ay inisyu ng 12th Judicial Region RTC Branch 15, Cotabato City. Walang inirekomendang pyansa ang korte.
Si Sandigan ay inaresto dahil siya ay iniuugnay sa pagpatay kay Datu Salibo town Councilor Demson Silongan noong April 2023.
May apat pang kasama sa warrant of arrest ang boluntaryong sumuko sa CIDG.