Mendoza accuses Pinols of threats, abuses
KIDAPAWAN CITY - North Cotabato Gov. Emmylou Mendoza who is running for vice governor issued a statement on the reported vote buying by four of her supporters in Barangay New Kalibo, Mlang, North Cotabato uncovered by police authorities on Friday night.
Below is her statement posted on her FB page.
PATULOY ANG PANANAKOT AT PANG AABUSO sa Bayan ng Mlang!
Isa na namang pananakot at pagmamalabis ang naranasan ng ating mga tauhan sa kamay ng mga Piñol, sa Barangay New Kalibo, Mlang kagabi.
Wala naman po sanang magiging problema kung maayos nilang inasikaso ang aming mga tauhan, ngunit hinarang nila ito, tinakot at kung anu-ano ang mga sinabi ng isang grupo sapagkat utos umano ito ni Vice Mayor Joselito Piñol.
Kaya, ang aming mga tauhan dahil sa takot, tumawag sa aming mga Abogado at aming staff upang humingi ng rescue kasi hindi na nila alam ang gagawin. Kayat, rumespundi agad ang mga kapulisan.
Oo, may dala silang pera humigit kumulang P200,000 upang pambayad sa mga Watchers.Isa bang krimen ang pagbabayad ng Watchers? Hindi po ayon sa ating Batas. Ito at isang legitimong gawain.
Malinaw na ito ay isang panlalabis at umanong abuse of powers sa balwarte ng mga Piñol.
Hindi pwedeng masira ang Serbisyong Totoo sa mga maling akusasyon ng mga Piñol. Hindi pwedeng maging dahilan ito upang itigil namin ang kampanya para sa progresibong Probinsya. Patuloy kaming magsisilbi sa bayan. Isang araw na lang ang kampanya.