Misis nawili sa computer, tinaga ni mister sa Tampakan, South Cotabato
Nagpapagaling pa sa ospital ang isang babae na biktima ng pananaga ng sariling live in partner sa Tampakan, South Cotabato Martes ng gabi.
Kinilala ni Tampakan Chief of Police, Police Major Joseph Forro III ang biktima na si Angelou Peligrino, 23 years old nakatira sa Barangay Lambayong sa nasabing bayan.
Ayon kay Forro suspek sa krimen ang live-in partner ni Peligrino na si Joey Magon Jr., 28 years old trabahdor sa isang sagingan.
Ipinahayag ni Forro na dahil sa sobrang galit nagdilim ang paningin ng suspek at nataga ang live in partner.
Ito ay matapos maabutan paguwi gagling trabaho na naglalaro ng computer ang biktima at nagugutom dahil hindi pa nakapaghapunan ang kanilang apat na mga anak.
Ang biktimang si Peligrino na nataga sa ulo ay agad namang isinugod sa South Cotabato Provincial Hospital sa Koronadal City.
Matapos tumakas ang live-in parnter nitong si Magon ay sumuko naman sa mga barangay officials ng kanilang lugar.
Ayon kay Forro desidido naman ang biktima na kasuhan ang live in partner.