Tuesday Feb, 25 2020 11:15:26 AM

NDBC BIDA BALITA (10.21.19)

NDBC BALITA • 16:00 PM Mon Oct 21, 2019
391
By: 
NDBC NCA

HEADLINES:

1. DRUG SUSPECT, arestado sa drug raid sa Cotabato city; tatlong mga lalaki, huli rin matapos makuhanan ng iligal na droga sa isang checkpoint sa Pigcawayan, North Cotabato.

2. Dalawa katao, kumpirmadong nasawi dahil sa magnitude 6.3 na lindol sa North Cotabato, ayon sa OCD 12

3. BUHAWI, sumira ng mga bahay at nambuwal ng mga puno sa Tupi, South Cotabato

4. Itinuturing na “ama ng local government code” na si dating Sen. Nene Pimentel, pumanaw na.

 

ANG DETALYE NG MGA BALITA…

 

Mga nararamdamang afterschocks, posibleng magtatagal pa hanggang sa anim na buwam – ayon sa Philvocs

Abot na sa mahigit limang-daan ang mga naitalang aftershocks sa lalawigan ng North Cotabato matapos ang magnitude 6.3 na lindol na tumama sa malawak na bahagi ng Mindanao.

Sa naging panayam kay Philvocs Kidapawan IOC Manager Engineer Hermes Daquipa, ang magnitude 6.3 na pagyanig ay siyang pinakamalakas na lindol sa kasaysayan ng North Cotabato at aasahang magtatagal pa ng hanggang sa anim na buwan o mahigit pa ang nararamdamang aftershocks.

Nagdulot din ito ng trauma sa lahat ng mamamayan ng probinsiya kung kaya’t pinaalalahanan na maging handa sa lahat ng pagkakataon.

Maari rin anyang mag download ng Hazard Hunter mobile app ng PHILVOCS na isang fault finder application na magagamit upang matukoy ang mga lugar na mataas ang panganib na hindi ligtas kung may naitatalang malakas na pagyanig.

Dagdag pa ni Daquipa, wala din anyang dapat na ikabahala ang mga mga nakatira malapit sa bukid Apo dahil tectonic ang dahilan ng pagyanig.

Potentially-active volcano rin ang Apo at hanggang sa ngayon ay wala pang naitatalang paglindol sa naturang bulkan, maari ring magiging active ang isang potentially active volcano pero sa matagal pa na panahon. NDBC BIDA BALITA

 

-0-

 

Tatlo ka tao ang kumpirmadong nasawi dahil sa magnitude 6.3 na lindol sa North Cotabato – ayon sa OCD 12

Ito ang kinumpirma ni Office of the Civil Defense o OCD 12 information officer Jorimae Balmediano sa naging panayam ng Radyo-BIDA.

Ayon sa kanya, ang tatlo ang mga nasawi ay mula sa bayan ng Mlang at sa bayan ng Alamada North Cotabato. Sina tony Pananggulon na mula sa bayan ng Mlang at Macasnar Litignumamba ng bayan ng Alamada ay kapwa nasawi dahil inatake sa puso matapos ang pagyanig gabi noong miyerkules. Samantala, pitumpu’t dalawa naman ang kumpirmadong nasugatan sa buong rehiyon.

Sa buong North Cotabato, 1, 452 ang bahagyang nasira habang 260 naman ang totally damage, labindalawa dito ay mula sa Sultan Kudarat province. Sa kabuuang pamilyang naapektuhan dulot ng pagyanig ay umabot na sa 3, 343 na pamilya kabilang na dito ang mula sa mga ospital sa Kidapawan City.

Patuloy rin anya ang pag-iikot ng Philvocs sa mga lugar na may mga bagong faultline sa buong rehiyon 12.

Mas pina-iigting na rin ng ahensya ang information dissemination lalo na ang pagsasagawa ng earthquake drill na duck cover and hold na noo’y hindi siniseryoso ng kaamihan. Nagsisimula na rin sa pamamahagi ng mga tulong ang bawat lokal na pamahalaan sa lugar na naapektuhan ng pagyanig. V

 

 

-0-

 

Senator Bong Go, aasahang bibisita at mamimigay ng tulong ngayong araw sa mga pamilyang apektado ng lindol sa North Cotabato

Aasahang bibisita si Senator Christopher Lawrence Bong Go sa mga pamilyang naapektuhan ng malakas na pagyanig sa mga bayan ng North Cotabato.

Sa ulat, personal na tutungo ang senador sa Tulunan, North Cotabato na siyang sentro ng Magnitude 6.3 na pagyanig. Siya ay mamamahagi ng tulong ang opisyal sa mga residente na nawalan ng tahanan at kabuhayan dahil sa malakas na lindol.

Magbibigay rin ng tulong ang senador sa pamilya ng mga nasawi at nasugatan sa lindol. Nabatid na una ng isinailalim sa state of calamity ang mga bayan ng Makilala at Mlang na siyang malubhang naapektuhan ng malakas na paglindol sa lalawigan.

Umabot na sa labin-apat ang nasugatan na mula lamang sa bayan dulot ng pagyanig at maraming mga struktura ang nasira.

 

-0-

 

Mga mangagawa ng nasunog na Gaisano mall sa Gensan bunsod ng lindol sa Central Mindanao tutulungan ng TESDA 12.

Makikinabang sa libreng scholarship training ng Technical Education and Skills Development Authority ang mga mangagawa ng Gaisano sa General Santos City. Matatandaan na ang nasabing establisemento ay nasunog kasapay ng malakas na lindo na sumalanta sa Central Mindanao.

Ayon kay TESDA 12 Regional Director Rafael Abrogar II maaring magaaral ng mga technical courses ng ahensya sa kanilang mga training centers ang mga mangagawang nawalan ng trabaho. Kaugnay nito kinausap na ni TESDA Gensan-Sarangani Provincial Director Remegias Timonio ang Human Resources Officer ng nasabing mall.

Ito ay upang matukoy kung sino ang maaring makinabang sa kanilang mga programa. Ang nasunog na Gaisano mall na isa sa pinakamalaki sa Mindanao ay mahigit tatlumpung taon nang nagbibigay ng serbisyo sa mga mamamayan ng General Santos City at karatig lugar.

-0-

 

 

 

ARESTADO ang isang babaeng drug suspect sa ikinasang buy bust operation ng mga otoridad sa Purok Lawaan, Mother Brgy. Bagua, Cotabato City.

Kinilala ng City PNP ang nahuling suspek na si ALICIA LAMLA SALIK, alyas “ Otto” at “Ukay”, 44 years Old, Single, at residente rin ng nasabing Barangay.

Nadakip ang suspek matapos pangunahan ni Police Station 4 commander Maj. RAZID LINGCOB ang operasyon at mapagbentahan ng suspek ang isang pulis na nagpanggap na buyer pasado alas otso ng gabi kamakalawa.

Nakuha mula sa suspek ang isang sachet ng pinaghihinalaang shabu at marked money na ginamit sa operasyon.

 

-0-

 

ARESTADO rin ang dalawang mga lalaki nang maharang ang mga ito sa isang checkpoint at makuhanan ng iligal na droga sa Pigcawaya, North Cotabato

Nakilala ang mga nadakip na sina Edmond Borromeo Barona, 47 anyos, single, isang negosyante at King Aljon De Leon Ate, 28 anyos, single, walang trabaho at pawang mga taga Barangay Nicaan, Libungan, Cotabato.

Sa report ng Charlie Company ng Army’s 34th Infantry Battalion, habang nagsasagawa sila ng checkpoint sa Barangay, Simsiman, Pigcawayan nang maharang nila ang ang dalawang mga suspek pasado alas dyes ng gabi kamakalawa dahil walang plaka ang sinasakyan nilang motorsiklo

Sinubukan pa umanong tumakas ng dalawa pero napigilan sila ng mga sundalo at nang inspeksyunin ay nakuha mula sa mga ito ang isang sachet ng suspected shabu

Kasalukuyan nasa Custodial Facility ng Pigcawayan PNP ang mga suspek at nahaharap sa kasong paglabag sa R.A 9165 O comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002

 

-0-

 

MULING nasungkit ng Maguindanao provincial government ang Seal of Good Local Governance o SGLG mula sa Department of the Interior and Local Government o DILG.

Ito na ang ikatlong pagkakataon na kinilala ng DILG ang husay sa pamamahala ng Maguindanao provincial government sa panahon ng panunungkulan ni dating Maguindanao Gov. Esmael “Toto” Mangudadatu na ngayon ay kinatawan ng ikalawang distrito ng Maguindanao.

Unang nagkamit ng Seal of Good Financial Housekeeping ang probinsya taong 2015. Nakuha naman ng lalawigan ang unang SGLG noong 2017 habang ang SGLG na igagawad ng DILG ngayong taon sa probinsya ay resulta ng DILG validation mula February 2018 hanggang April 2019 sa ilalim ng pamunuan ng dating gubernador.

Kaugnay nito ay pinuri at pinasalamatan ni Cong. Mangudadatu ang lahat ng mga dating opisyal at mga kawani ng Maguindanao provincial government na nagsikap at nagtrabaho para makamit ang naturang “Pagkilala sa Katapatan at Kahusayan ng Pamahalaang Lokal ng Maguindanao.

Giit ng dating gubernador, ang SGLG ay patunay lamang ng tapat at wastong pamamahala ng kanyang administrasyon.

Samantala, pinuri rin ni Cong. Mangudadatu ang 14 pang mga bayan sa Maguindanao na nagkamit din ng SGLG ngayong taon.

Gaganapin ang SGLG awarding sa Manila Hotel ngayong November 5.

 

-0-

 

TUKOY NA ng mga otoridad ang ilang mga personalidad na maaaring sangkot sa pananambang sa acting municipal treasurer ng President Quirino, Sultan Kudarat.

Gayunman, tumanggi ang President Quirino PNP na kilalanin ang mga suspek habang nagpapatuloy pa ang imbestigasyon sa naturang krimen.

Maalalang sakay ng government vehicle ang biktimang si Rey Torres ng Barangay Katico, President Quirino at pauwi na sana nang tambangan ng mga armadong lalaki sa bahagi ng Purok 1, Barangay Tinaungan.

Nagtamo ng maraming tama ng bala mula sa cal. 45 pistol ang biktima dahilan para agad siyang bawian ng buhay.

Marami ang naniniwala na posibling may kinalaman sa trabaho ng biktima ang pagpaslang sa kanya.

 

-0-

 

ISINAGAWA sa Cotabato Regional Medical Center ang kauna-unahang International Ibadah-Friendly Hospital Conference sa Cotabato city sa pangunguna ng Association of CRMC Muslim Employees o ACME.

Dinaluhan ni Bangsamoro Mufti Ustadz Abu Hurairah Udasan ang naturang aktibidad bilang kinatawan ni Bangsamoro Chief Minister Al Hadj Murad Ebrahim.

Tinalakay sa naturang conference ang mga paraan para maituring na Ibadah-Friendly ang isang ospital lalo na sa mga pagamutang sakop ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao o BARMM.

Ang CRMC na isa sa pinaka-malaking hospital sa Central Mindanao at karamihan sa mga pasyente ay mga Muslim kaya ina-asahang magiging kauna-unahan itong Ibadah-Friendly Hospital sa buong bansa.

Kaugnay nito, tinalakay naman ni Mufti Abu-Hurairah Udasan ang Moral Governance bilang bahagi ng pamamaraan ng pamamahala ni Chief Minister Ebrahim at upang gabayan ang ACME sa pagsusulong ng isang Ibadah-Friendly Hospital.

 

-0-

 

National Police clearance system, ilulunsad ng Kidapawan City PNP ngayong araw

Ipatutupad simula ngayong araw ang computerized system o National system na pagkuha ng police clearance sa Kidapawan City PNP. Systematic na ang pagkuha ng mga police clearance sa lahat ng mga nangangailangan na magagamit lokal man o abroad.

Ang aktibidad ngayong araw ay pangungunahan ni Kidapawan City PNP chief Police Lt. Col Ramel Hojilla na isasagawa naman sa Kidapawan City police station. Layon ng aktibidad na mabigyan na maayos at makabagong sistema ang mga kukuha ng police clearance sa PNP na magagamit bilang dokumento lalo na sa paghahanap ng trabaho at maraming iba pa.

Maari na ngayong kumuha ng police clearance sa madaling pamamaraan sa pamamagitan ng Online system at kailangan lamang sumunod sa itinakdang pamamaran ng PNP, at magdala ng dalawang government IDs.

Una ay kailangang mag-apply Online upang makapag rehistro, magtakda ng appointment, magbayad online at ang Photo and fingerprint capture. Para naman sa karagdagang mga katanungan ay maari lamang bumisita sa mga facebook page ng PNP. Ang national police clearance system ay makagaong pamamaraan na mas malawak ang saklaw, mas madali at maasahang sistema . NDBC BIDA BALITA

 

-0-

 

Pasilidad para sa children in conlict with the law na pinakamalaki sa Central Mindanao, pinasinayaan ng DSWD 12 sa Tantangan, South Cotabato

Nagagamit na ng mga children in conflict with the law o CILC ang Regional Rehabilitation Center for Youth o RRCY ng Department of Social Welfare and Development o DSWD sa bayan ng Tantangan, South Cotabato. Ang RCCY sa Tantangan na nagkakahalaga ng mahigit 39 million pesos ay pinakamalaking pasilidad para sa mga CICL sa Central Mindanao.

Nanguna sa pagpapasinaya nito noong Byernes si DSWD Undersecratary Rolando Joselito Bautista. Itoi ay laan sa mga kalalakihang CICL na sumasailalim sa rehabilitasyon bago makabalik sa kanilang pamilya at komunidad.

Ang mga CICL ay mga menor de edad na inutusan ng korte na sumailalim sa rehabilitasyon. Ito ay habang naghihintay sa suspensyon ng kanilang mga kaso. Maliban sa 60-bed capacity nito ang 5,000 square meter compound ng RCCY sa Tantangan ay pinatayuan ng convered court at administrative building. Ipinahayag naman ito ni DSWD 12 Regional Director Cezario Joel Espejo.

Ayon kay Espejo, patunay ito ng pagsulong ng ahensya at kasama nilang mga grupo sa kaparapatan at kapakanan ng mga kabataan. Tiniyak naman ni Region 12 Public Attorney’s Office Chief Sevillano Lorenzana III ang pagbibigay ng technical assistance bilang suporta sa proyekto. Ayon kay Lorenzana, malaking tulong sa mga CICL ang pagtatag ng nasabing rehab facility.

 

-0-

 

Kampanya kontra malaria pinaigting ng integrated provincial health office sa mga boundary ng South Cotabato sa Sultan Kudarat

Sinimulan na ng mga personnel ng Integrated Provincial Health Office o IPHO ang kanilang Inter-Provincial Border Operation sa barangay Ned, Lake Sebu, South Cotabato at boundary nito sa Kalibuhan, Palimbang, Sultan Kudarat.

Ito ay ayon kay Provincial Mosquito-borne Disease Coordinator Jose Barroquillo Jr. Ayon kay Barroquillo saklaw ng inter-provincial border operation ang pagsasagawa ng Blood Smearing for Malaria Parasites o BSMP, Filaria Strip o FTS, pamimigay ng Long Lasting Insecticide Treated Nets o LLTIN, Stream Clearing Operation at maraming iba pa.

Ang kanilang kay Barroquillo ay nakakuha sila ng 244 blood samples para sa BSMP at 240 naman saa FTS . Ipinahayag ni Barroquilo na nakinabang din sa LLTIN o chemecially treated mosquiotoes na kanilang ipinamigay ang mahigit 400 pamilya.

Ayon kay Barroquilo sinamantala rin ng mga staff ang pagkakataon para magsagawa ng Operationg Timbang, pamimigay ng mga vitimins A at deworming activities. Sa ngayon ang IPHO South Cotabato dalawang imported na kaso ng Malaria sa Tampakan, mula sa mga OFW na umuwi galing Papua New Guinea.

Magsasagawa din ng Malaria Border Operation ang IPHO South Cotabato sa iba pang boundary ng lalawigan sa NED, Lake Sebu at bayan ng T’boli. NDBC News AM Oct 21 Sinimula na ng Deaprtment of Public Works and Highways o DPWH ang pagpapalawak ng daan patungong Lake Sebu, South Cotabato.

Ayon kay DPWH South Cotabato Ist Engineering Head Eddie Amir, sakop ng 95 million pesos na proyekto ang may siyam na kilometrong daan ang Surallah-Lake Sebu-Maitum road sa Barangay Colongulo, Surallah. Ipinahayag ni Amir na mapapadali ng proyekto ang pagtungo sa bayanng Lake Sebu na isa sa mga pangunahing tourist destination sa Soccksargen.

Inaasahan na ito ay matatapos sa unang quarter ng 2020. Ipinahayag din ni Amir na tuloy din ang pakikipag ugnayan ng DPW sa Department of Tourism o DOT. Ito ay para sa pagpapatupad ng dagdag na mga road projects na lalo pang magpapadali sa pagpunta sa iba pang mga tourist attraction sa South Cotabato.

Ayon kay Amir, ito ay bilang pagpapatupad ng DPWH-DOT convergence at Tourism Road Infrastructure Project Prioritization Criteria na nagtatala ng mga panuntunan sa pagpapatupad ng mga road tourism projects.

 

-0-

 

NPA lider inaresto ng mga pulis at militar sa Sarangani

Ikinustodya ng Sarangani provincial police office ang mataas na lider ng New Peoples Army o NPA na kanilang naaresto kasama ng militar sa bayan ng Maitum, Sarangani. Kinilala ni PNP 12 Public Information Officer Lt. Col. Lino Capellan ang inaresto na si Jonie Calaba, 25 anyos.

Ayon kay Capellan siCalaba na nakatira sa Kalamsig , Sultan Kudarat ay vice commander ng Guerilla Front 73 ng NPA. Pinamumunuan umano nito ang Platoon Cheery Mobile ng Front 23 ng NPA.

Ang nasabing grupo ay nag-ooperate sa mga Barangay ng San Jose sa Banga at mga bayan ng Tupi, Polomolok, Lake Sebu, at T’boli sa South Cotabato. Sinabi ni Capellan si Calaba ay wanted dahil sa kasong arson. Walang pysansang inirekomenda ang korte sa kanyang temporaryong paglaya.

Ayon kay Capellan ang grupo ni Calaba ang siya umanong sumunog sa may 35 million pesos heavy equipment ng isang construction sa Kalamansig, noonng 2015. Ipinahayag naman ni PNP 12 Regional Director Brigadier General Alfred Corpuz na malaking tulong sa pagkakahuli nila sa mga NPA lider ang tulong mismo ng publiko.

Matatandaan na naharang sa checkpoing nt mga pulis sa bayan din ng Maitum ang Secretary General umano ng Front 73 ng NPA na si Nicanor Claro Pason. Si Pason ay pinaghahanap ng mga pulis dahil sa mga kasong murder, frustrated murder, rebellion, kindnapping ang serious illegal detention.

 

-0-

 

Buhawi sumira sa mga bahay at nagpatumba sa mga puno sa Tupi, South Cotabato

Nagiwan ng pinsala ang pananalsa ng buhawi kasabay ng malakas na ulan mag aalastres kahapon sa Tupi, South Cotabato. Siyam na mga bahay ang partially sa Barangay Poblacion,ilan sa mga ito ay natangayan ng bubong, habang ang iba naman ay tinamaan ng mga nabuwal na puno.

Ipinahayag ito ni Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office o PDRRMO Operation and Warning Chief Rolly Doanne Aquino. Ayon kay Aquino, hindi rin kinaya ng sampung mga nabuwal na punong kahoy ang hagupit ng buhawi. Sinabi ni Aquino na tinamaan din ng bumagsak na puno ang bubong ng isang gasolinahan at vulcanizing shop.

Naging dahilan din ng pagbagal ng trapiko sa Koronadal-General Santos City highway ang mga punong humambalang sa daan. Pinatumba din ng buhawi ang apat na mga poste ng kuryente. Sa kabila nito ayon kay Aquino walang naitalang nasaktan sa pananalasa ng nasabing kalamidad. Ayon kay Aquino maagap namang nagsagawa ng clearing operation sa mga apektadong lugar ang mga kasapi ng Tupi Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office

 

-0-

 

Halal processing nais ng Halal Industry Council 12 na mapagaralan din sa TESDA.

Pinagaaralan ngayon ng mga Halal stakeholders sa region 12 na malakip ang Halal food processing sa mga programa ng Technical Education and Skills Development Authority o TESDA.

Isa ito sa mga pinagusapan sa katatapos lang na kauna unahang Halal Agri Fishery Congress sa General Santos City. Ang plano na pagaaral sa TESDA ng halal food processing ay laman ng polisiya na binalangkas ng Halal Industry Council sa region 12 na pinamumunuan ng president nilang si Danda Juanday.

Ayon kay Juandday, layon nito na lalo pang maisulong ang Halal industry sa region 12. Tinalakay din sa Halal Agri Fishery Congress ang suporta ng pamahalaan sa industriya ng Halal, accreditation, export opportunity sa nasabing produkto at mga credit facility.

Ang nasabing aktibidad ay dinaluhan nina National Halal Management Office Program Coordinator Clint Hassan ng DA at DA 12 Regional Executive Director Milagros Casis.

 

-0-

 

NATIONAL NEWS………………….

 

PUMANAW NA ang dating Senate president at itinuturing na “ama ng local government code” na si Aquilino “Nene” Pimentel Jr. sa edad na 85.

Sinabi ni Sen. Koko Pimentel III na nagkaroon ng lymphoma ang kanyang ama, na kumalat na umano sa buong katawan nito.

Si Pimentel Sr. ang pangunahing may-akda ng Republic Act 7160, o ang Local Government Code of 1991 o ang batas na nagkaloob ng mas malawak na kapangyarihan para sa mga lokal na pamahalaan.

Kasama din si Pimentel sa mga founding member ng Partido Demokratiko Pilipino party na ngayon ay PDP-Laban.

Isa si Pimentel sa mga matitinding kritiko ni dating Pres. Ferdinand Marcos noong panahon ng Martial Law, at naging abugado pa sa mga biktima ng batas militar.

Nagsilbing senador si Pimentel mula 1987 hanggang 1992, at mula 1998 hanggang 2010.

Umupo rin ito bilang Senate President mula 2000 hanggang 2001.

Sa iba pang balita, nilinaw ni Labor Secretary Silvestre Bello III na wala pang mandatory repatriation o deployment ban ng mga Filipino worker sa Hong Kong.

Ayon kay Bello, wala pa silang natatanggap na advisory mula sa Department of Foreign Affairs hinggil sa alert level na basehan para sa implementasyon ng mandatory repatriation ng mga Pinoy sa Hong Kong.

Kaugnay nito ay pinaalalahanan ni Bello ang publiko na huwag magpapaniwala sa mga fake news na kumakalat sa social media at hintayin ang advisories at news bulletin mula sa Philippine consulate at DOLE.

 

-0-

 

Sa kabilang dako naman, tutungo ng Japan si Pangulong Duterte upang saksihan ang pormal na pag-upo sa trono ng bagong emperador ng nasabing bansa.

Ayon kay Sen. Bong Go, inimbitahan ng Japanese government ang Pangulo para sa koronasyon ni Prince Naruhito.

Una nang sinabi ng Malacañang na hindi dadalo ang Pangulo sa nasabing okasyon dahil sa napakaabala nitong schedule at baka magpadala na lamang ng kinatawan.

Sa darating na Oktubre 22, kokoronahan si Naruhito sa harap ng mga dignitaries mula sa 190 mga bansa.

NDBC BIDA BALITA (Feb. 25, 2020)

NEWSCAST

7:00 AM

HEADLINES:

1. Miembro ng Special CAFGU Active Auxiliaries, patay sa panibagong kaso ng...

NDBC BIDA BALITA (Feb. 25, 2020)

NEWSCAST

7:00 AM

HEADLINES:

1. Miembro ng Special CAFGU Active Auxiliaries, patay sa panibagong kaso ng...

Cotabato Light says its payment and customer service office open today

COTABATO CITY - The Cotabato Light and Power Company (Cotabato Light) has announced that its Collection and Customer Service office located at Al...

Mag-asawa sa Koronadal City, pinagsasaksak at napatay, suspek nahuli

KORONADAL CITY - Patay na nang datnan ng "drier caretaker" ang mag-asawang matatanda sa loob ng kanilang bahay sa Barangay Magsaysay, Koronadal...

6-member drug dealing gang surrender in Radjah Buayan

MAGUINDANAO --- Six drug dealers pledged to reform for good over the Qur’an Monday, three days after authorities shot dead two heavily-armed...