Tuesday Feb, 25 2020 10:25:06 AM

NDBC BIDA BALITA (10.24.19)

NDBC BALITA • 09:30 AM Thu Oct 24, 2019
461
By: 
NDBC NCA

HEADLINES:

1. PANG-APAT sa Most Wanted List ng PNP at anim na iba pa, patay sa shootout sa Midsayap, North Cotabato.

2. MNLF member na nagtatago umano ng mga armas at iligal droga, nakatakas sa police operation sa Magpet, North Cotabato

3. Engineer, patay habang sugatan naman ang tatlo pang mga kasama nito sa pamamaril sa Tacurong City

4. Medical dentral services, ginawa ng Maguindanao Medical TEam para sa mga bilanggo ng provincial jail

 

ANG DETALYE NG MGA BALITA

 

PATAY ang pang-apat sa most wanted list ng mga otoridad at anim pang mga kasamahan nito matapos na makipagbarilan sa mga pulis at sundalong nagsagawa ng operasyon sa Sitio Narra, Barangay Tumbras, Midsayap, North Cotabato. 

Nakilala ang nasawi na si Mama Macalimbol alyas "Mama" na sangkot umano sa mga insidente ng pambobomba sa Midsayap at tumatayong pinuno ng isang armadong grupo na sangkot din sa iba’t ibang mga krimen sa North Cotabato.

Nakilala rin ang isa pa sa mga nasawi na si Bidis Macarimbang habang patuloy pang inaalam ng mga otoridad ang pagkakakilanlan ng limang iba pang namatay.

Sinabi ni Army’s 34th Infantry Battalion Commander Lt. Col. Glen Caballero na pasado alas singko ng umaga kahapon nang ikasa ng pinagsanib na pwersa ng Midsayap PNP at Army’s 34th IB at 8th Infantry Division ang operasyon laban sa target na si Macalimbol.

Nanlaban umano si Macalimbol at mga kasamahan nito dahilan para magkaroon ng 30 minutong bakbakan sa lugar hanggang sa mapatay ang pito, kabilang na ang pangunahing target ng operasyon.

Bukod sa mga bangkay ng mga nasawi ay nakuha rin sa encounter site ang dalawang cal.30 garand rifles, isang 7.62mm, isang Cal. 50 Improvised Barret, isang 7.62 mm M14 Rifle, isang Improvised 7.62 mm M14 Rifle with defaced serial number; at isang M16 5.56 mm Rifle bearing with serial number RP 182162.

 

-0-

 

ISANG PATAY na balyena ang natagpuan sa baybayin na bahagi ng Barangay Nalkan, Datu Blah Sinsuat, Maguindanao kahapon ng umaga.

Sinabi ni Datu Blah Sinsuat councilor Tha Sinsuat na agad ipinagbigay-alam ng mga residente ng lugar sa mga sundalo ang natagpuang patay na balyena.

Gayunman, hindi kaya ng mga sundalo at maging ng LGU na buhatin ang malaki at mabigat na balyena kaya’t nanawagan ang mga ito sa BARMM Ministry of Agriculture Fisheries and Agrarian Reform para sa tamang disposisyon ng natagpuang patay na balyena.

 

-0-

 

HANDA umano ang Commission on Elections o Comelec na magsagawa ng special elections sa tatlong mga lalawigan sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao o BARMM.

Ito ay kaugnay ng electoral protest na inihain ni dating Senator Bongbong Marcos laban kay Vice President Leni Robredo.

May nakabinbing petisyon si Marcos na ibasura ang resulta ng halalan sa Maguindanao, Lanao del Sur at Basilan dahil sa umano’y talamak na karahasan, dayaan at pananakot noong 2016 elections.

Sinabi ni Comelec spokesperson James Jimenez na trabaho ng Comelec na magdaos ng halalan kaya kung kinakailangan anya ay magsasagawa sila ng special elections sa tatlong mga probinsya.

Gayunman, sinabi ni Jimenez na kailangan munang alamin ng Presidential Electoral Tribunal kung may failure of elections sa nasabing mga lugar bago makapagsagawa muli ng halalan.

 

-0-

 

 

NAGLABAS ng memorandum ang office of the President ng Mindanao State University o MSU-Main sa lahat ng kanilang faculty and staff kaugnay ng nabaril na si Ivan Almeda sa loob ng MSU Marawi compound.

Batay sa memorandum na pirmado ni MSU-Main Vice Chancellor for Academic Affairs Dr. Florencio Recoleto, hinihikayat ang lahat na magbigay ng Voluntary Monetary Contributions bilang tulong sa freshman student na si Ivan P. Almeda na kasalukuyang nasa Intensive Care Unit sa Amai Pakpak Medical Center, Marawi City.

Binigyan na rin ng security personnel si Almeda mula sa Division of Security Services base sa utos ni MSU System President Habib Macaayong na una na ring nangako na paiimbestigahan ang pangyayari upang mabigyan hustisya ang biktima.

Maalalang binaril sa ulo si Almeda noong October 17 sa loob mismo ng MSU compound ng hindi pa nakikilalang suspek.

 

-0-

 

PATULOY pang binabalangkas ng Bangsamoro Transition Authority o BTA ang pitong priority regional bills para sa mas maayos na pagpapatakbo ng mga bagong regional office sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao o BARMM.

Sinabi ni BTA Majority Floor Leader Atty. Lanang Ali Jr. na prioridad nilang matapos ang administrative code, Indigenous Peoples code, internal revenue code, civil service code, education, local government, creation of offices, at electoral code.

Ang mga nasabing priority bill kasi aniya ang magiging panuntunan at batayan sa isinusulong na bagong byurukrasya sa BARMM.

Giit ni Ali, kailangan nang maipasa ng mga miyembro ng parliament ang kanilang mga proposal bago magtapos ang taong ito para sa paglalaan ng mga kaukulang pondo.

 

-0-

 

HALOS dalawang daang mga inmate ng Maguindanao Provincial Jail ang nakabenipisyo sa libreng medical services na handog ng Maguindanao medical team.

Sinabi ni Maguindanao Provincial Jail Warden Atty. Abubakar Katambak na nakabenipisyo sa libreng medical check-up, dental services at tumanggap din ng mga libreng gamot ang kanilang mga inmate mula sa medical mission ng Maguindanao provincial government.

Ayon kay Katambak, malaking tulong para sa kanilang inmates ang medical mission lalo pa’t marami sa mga ito ang may sakit.

Malugod namang nagpasalamat si Katambak kay Maguindanao Gov. Mariam Mangudadatu sa pagtulong sa mga bilanggo.

Samantala, nabatid na patuloy ang pagsisikap ng pamunuan ng  Maguindanao Provincial Jail para mapanatiling malinis ang bilangguan.

Ayon sa kanilang jail warden, isang paraan kasi ito para maiwasan ang pagkakasakit ng mga bilanggo.

 

-0-

 

Senior citizen at isa pa, patay sa magkahiwalay na kaso ng pamamaril sa Mlang at Kidapawan City

Dead on the spot ang isang senior citizen at isa pang lalaki sa magkahiwalay na insidente ng pamamaril sa Kidapawan City at Mlang, North Cotabato.

Unang pinagbabaril ang isang lolo sa Purok 4, New Esperanza, Mlang, Cotabato na nakilalang si Jame Dumlao Bebillo, 62 anyos, magsasaka at residente rin ng nasabing lugar.

Sa ginawang imbestigasyon ng mga pulis, lumalabas na pinagbabaril ang biktima habang nakatayo lamang sa harap ng kanilang bahay alas 7:50 martes ng gabi nang lapitan siya ng mga suspek na mabilis ding tumakas patungo sa Barangay Neuva Vida, Mlang matapos ang krimen.

Samantala sa Kidapawan City pasado alas 7:00 ng umaga kahapon patay din matapos na barilin ang isang 39 anyos la lalaki na nakilalang si Eldin Vinte Biyo.

Base sa nakuhang mga identification card ng biktima dalawa umano ang tirahan nito sa Barangay Luhong Antipas at Barangay Linao, Matalam.

Sa ulat, lulan ng motorsiklo ang biktima habang binabaybay ang daan patungong Matalam ang direksyon nang pagsapit sa lugar ay dinikitan siya ng riding in tandem suspek at pinagbabaril. Patay on the spot ang biktima habang isinasagawa na ngayon ang malalimang imbestigasyon sa motibo ng mga salarin sa pagpatay sa dalawa.(Cherry Exim) NDBC BIDA BALITA

 

-0-

 

Urban Committee head ng New People’s Army o NPA na nag-ooperate sa Mindanao, huli sa check point operation ng mga otoridad sa Kidapawan City

Arestado ang mataas na lider ng New People’s Army o NPA sa isinagawang check point operation ng PNP at AFP sa Kidapawan City. Nakilala ang naaresto na si Genativa Santentes Mindale, alyas kumander Karla, 54 years old na siyang urban head committee ng grupong NPA na nag-ooperate sa ilang bahagi ng Mindanao at matagal na din sa kilusan.

Sa naging panayam kay 39th Infantry Battalion commander Lt. Col Rhodjun Rosales, nahuli si Mindale sa check point operation na may dalang mga subersibong gamit at pampasabog. Si kumander Karla na may warrant of arrest dahil sa limang kasong frustrated murder ay kilala anya ng mga pulitiko at malalaking negosyante dahil siya ang kumukolekta ng extortion money.

Dagdag pa ni Rosales, mataas pa anya ang kanyang posisyon kay Kumander Jasmin na una ng nahuli sa Agusan Del Sur at taga President, Roxas Cotabato. Tinukoy din ng opisyal ang tatlong mga paaralan sa Central Minadanao na nagtuturo at naghahayag ng idolohiya ng kilusan na karamihan anya aymga kamag-anak lamang ng NPA.

 

-0-

Estudyante, patay matapos na bumangga ang minamanehong motorsiklo sa isa pang sasakyan sa Kidapawan City kagabi
DEAD on the spot ang isang estudyante matapos na bumangga ang kanyang minamanehong motorsiklo sa kasalubong na sasakyan sa Barangay Lanao, Kidapawan City alas 10:30 kagabi.
Sa ulat, nakilala ang nasawing drayber na si Milo Retiza na nakatira sa Bonafacio Street ng lungsod. Sinasabing pauwi na sana ang drayber matapos nitong inihatid ang kanyang kaklase nang mangyari ang aksidente dahilan ng kanyang agarangkamatayan.
Sugatan din ang drayber ng Izuzu Hi-Lander patuloy pang inaalam ang pagkakakinlanlan na license plate NHE 495. Patuloy ang mbestigasyon ng City PNP traffic section sa naturang aksidente.(cherry Exim) NDBC BIDA BALITA

 

-0-

 

Housing and Urban Development Coordinating Council o HUDCC, namigay na rin ng tulong sa mga pamilyang apektado ng lindol sa Makilala at Kidapawan City

Nakatanggap ng cash assistance mula sa Housing and Urban Development Coordinating Council o HUDCC ang mga pamilya mula sa Kidapawan City na apektado ng nagdaang lindol.

Abot sa 20 thousand pesos ang iniabot na tulong ng ahensya sa labin-apat na pamilya na bahagyang nasira ang kanilang bahay dulot ng pagyanig.

Personal na iniabot ang tulong nina HUDCC Chair Eduardo del Rosario, National Housing Authority Kidapawan Head Zeny Cabiles, City Vice Mayor Jivy Roe Bombeo at iba pang mga opisyal ang pamimigay ng tulong na ginanap sa senior citizen building kahapon ng hapon.

Maliban sa Kidapawan City, tumanggap din ng tulong ang pamilya mula sa bayan ng Makilala,Tulunan at sa bayan ng Mlang mga bayan ring isinailalim na sa state of calamity dahil lubos ang pinsala na idinulot ng lindol.(Cherry Exim)

 

-0-

 

CDRRMO sa Kidapawan City may babala sa mga nagpapakalat ng maling impormasyon sa social media tungkol sa lindol

Hindi magdadalawang isip ang tanggapan ng Kidapawan City Disaster Risk Reduction and Management Council o CDRRM na patawan ng parusa ang mga taong nagpapakalat ng fake news na may kinalaman sa lindol.

Sa pagpupulong na isinagawa ng nasabing tanggapan, inerekomenda ni CDRRM Head PSalmer Bernalte na sasampahan ng kasong paglabag sa cyberlaw ang sinumang magpapakalat ng maling impormasyon na umano’y may paparating na lindol.

Matatandang viral kamakailan sa social media ang isang post sa Facebook na may paparating na Magnitude 8.0 na lindol na aniya, isa umanong paalala mula sa NDRRMC.

Bagay naman na pinabulaan ng nasabing ahensya dahil hindi totoo ang nasabing impormasyon at walang siyentipikong basehan. Malinaw rin sa paliwanag ng Phivolcs na walang instrumento ang siyensa na makaka-detect kung may paparating na pagyanig.

Katuwang ng CDRRMC ang pulisya sa paghahanap ng mga taong nasa likod ng pagpapakalat ng maling impormasyon at sasampulan din ang mga ito dahil sa takot na idinulot nito sa mga tao. Nabatid na sa Davao City, dinala sa himpilan ang pulisya kamakailan ang mag-ina matapos magpakalat ng maling impormasyon hinggil sa tsunami.

Kaya apela ngayon ng City LGU sa mga mamamayan ng lungsod na iwasan ang magbahagi ug maglike ng mga hindi beripikadong impormasyon at huwag ring mag post ng mga balitang walang katotohan upang hindi mangamba ang mga tao.(Drema Bravo)

 

-0-

 

MNLF member na subject sa police operation nakatakas

Nakatakas sa isinagawang law enforcement operation ang isang lalaki na lider ng Mt Apo Substate ng Moro National Liberation Front o MNLF alas tres ng madaling araw kanina sa Sitio Waterfalls, Bongolanon, Magpet, North Cotabato.

Kinilala ang target ng operasypn na si Apostol Manib, 40-anyos na residente ng nasabing lugar. Bitbit ang search warrant ay tinungo ng Magpet PNP katuwang ang 72nd Infantry Battalion ng Philippine Army ang bahay ni Manib sa bulubunduking bahagi ng nabanggit na lugar.

Ayon kay Magpet PNP Chief, Police Capt. Rolando Dillera, matagal ng nirereklamo ng barangay ang grupo ni Manib na may mahigit isang daang myembro at problema na umano sa barangay. Nagpapaputok pa umano ito minsan ng kanyang baril dahilan para makalikha ng takot sa mga residente sa lugar.

Una naring idineklarang personan non grata ng LGU sa pamamagitan ng isang resolusyo ang grupo ni Manib sa naturang barangay pero hindi ito tumigil sa kanyang gawain. Matapos ang intellegence monitoring ng PNP ay nagpalabas ng warrant ang korte hinggil sa pagtatago ng armas, granada at mga bala ni Manib.

Kaninang alas tres ng madaling araw ng tinungo ng PNP ang bahay ni Manib pero sa gitna ng operasyon ay mabilis itong nakatakas. Dahil sa mabundok ang lugar ay kumaripas ng takbo si Manib sa masukal na bahagi ng lugar.

 

-0-

 

Engineer patay tatlong kasama sugatan sa pamamaril sa Tacurong City

Dead on arrival sa ospital ang isang Engineer habang nagpapagaling pa ang tatlong mga kasama nito matapos pagbabarilin sa Tacurong City, Sultan Kudarat dakong alas otso ng gabi kamakalawa.

Kinilala ni Tacurong Chief of Police, Lt. Col. Rey Egos ang nasawing biktima na si Joel Bastareche may asawa, private practioner at nakatira sa Barangay Poblacion sa nasabing lungsod. Ang biktimang si Bastareche ay agad na binawian ng buhay sanhi ng mga tama ng bala ng baril.

Habang sugtan naman ang mga kasama nitong sina Romeo Jayme, 57 years old, tricyle driver at Abang Suizo pawang mga taga Barangay Buenaflor sa nasabing lungsod.

Nagtamo din ng mga tama ng bala ng baril ang kasama pa nilang si Alvin Monahan, 35 years old, construction worker. Binaril ang mga biktima ng mga nakamotorsiklong suspek habang papaalis ang sinakyang tricyle pagkalabas sa isang Resto Bar sa national highway Barangay Buenaflor, Tacurong.

Ayon kay Egos hindi ba batid ng mga pulis kung sino ang mga salarin at ano ang motibo ng mga ito sa krimen. Gayunpaman umaasa ang nasabing police official na may CCTV footage ang mga katabing establisemento na makatutulong sa kanilang imbestigasyon sa naganap na pamamaril.

 

-0-

 

Philhealth binawi ang suspension sa accreditation ng isang ospital sa Gensan

Temporaryo lamang ang pagbawi ng Philippine Health Insurance Corporation o Philhealth region 12 sa suspension ng accreditation ng General Santos Doctors Hospital Incorporated o GSDHI sa General Santos City.

Gayunpaman hindi binanggit sa advisory ng Philhealth ang dahilan ng “holding in abeyance” sa advisory na kanilang ipinalabas noong October 17. Matapos bawiin ang suspension, maari nang mag-claim ng benefits sa Philhealth ang mga pasyente ng GSDHI.

Ito ay ayon kay Philhealth 12 Acting Regional Vice President Dr. Antoniette Ladio. Matatandaan na ang pagkakasangkot umano sa mga anomalya sa claim ang idinahilan ng Philhealth sa suspension ng accreditation ng GSDHI at pagbawi ng accreditation ng Dr. Arturo P. Pingoy Medical Center at Allah Valley Medical Specialists sa Koronadal City.

Ang pagbawi ng kanilang accreditation ay inapela na sa Philhealth ng dalawang mga opistal sa Koronadal. Kaugnay nito ipinahayag ni South Cotabato Governor Reynaldo Tamayo Jr na hindi tama na ang labis na naapektuhan sa desiyson na ito ng Philhealth ang kanilang mga myembro.

Ayon kay Tamayo mayroon pang ibang paraan para mapatawan ng kaukulang parusa ang mga ospital at mga doctor na sangkot umano sa anomalya.

Binigyan diin ni Tamayo na hindi dapat magskripisyo ang Philhealth memebers kaya inaasahanb nito ang agarang pagresolba sa nasabing problema. Tiniyak din nito ang tulong ng pamahalaang panlalawigan sa mga nagpapa-dialysis at mga na-admit na pasyante sa South Cotabto Provincial Hospital na apektadong pagbawi ng accreditation ng Philhealth sa dalawang mga malalaking ospital sa lalawigan.

 

-0-

 

Dialysis Center ilalagay ng pamahalaang panlalawigan sa provincial hospital ng South Cotabato

Sisikapin ng pamunuan ng provincial hospital ng South Cotabato na mapadali ang paglalagay ng dialysis center sa nasabing ospital.

Ipinahayag ito ni South Cotabato Provincial Hospital Chief of Hospital Conrado Brana. Ayon kay Brana mayroon nang aprubadong pondo para sa nasabing proyekto ang pamahalaang panlalawigan.

Sinabi ni Brana na agad na matapos ang nasabing proyekto. Ayon kay Brana malaki kasi ang epekto sa mga nagpapa-dialysis sa South Cotabato ang pagbawi ng accreditation ng Philhealth sa dalawang pinakamaling ospital sa lalawigan.

Ang dialysis center ay lalagyan ng sampung mga dialysis machine. Base sa datus ng Provincial Social Welfare and Development Office o PSWDO humiiling ng tulong pampa-dialysis ang may apatnaraang katao sa South Cotabato.

 

-0-

 

Kaligtasan ng mga government buildings na apektado ng lindol sa lalawigan, tiniyak ng Operations and Warning Chief ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office ng South Cotabato

Apektado man ng mga pagyanig ligtas pa rin ang ilang mga government building sa lalawigan ng South Cotabato. Ito ay base naman sa Rapid Damage Assessment and Needs Analysis o RDANA na isinagawa ng mga otoridad kasunod ng 5.4 magnitude na pagyanig sa lalawigan City noong nakaraang lingo.

Mariing minomonitor ngayon ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office o PDRRMO ang mga tanggapan ng Provincial Agriculturist at Department of Agriculture 12. Paliwanag ni PDRRMO Operation and Warning Chief Rolly Doanne Aquino ito ay dahil sa mga crack sa nasabing mga istruktura. Hiniling din ni Aquino ang pagsasagawa muli ng assessment sa mga ito para masiguro ang seguridad ng mga mamamayan.

Ayon kay Aquino nanatili pa ring ligtas ang South Cotabato Gym at provincial hospital. Tiniyak din ni Aquino ang mariing monitoring ng PDRRMO sa kanilang intensity meter para manatiling alerto sa mga aftershock.

Umapela din si Aquino sa mga mamamayan na maging kalmado sa tuwing may mga pagyanig. Ayon kay Aquino marami kasi sa mga sugatan sa mga pagyanig ang mga nagpanic na mamamayan.

 

-0-

 

Marijuana plants sinunog ng mga otoridad sa Tampakan, South Cotabato

Nanguna sa ceremonial burning ng Marijuana plant sa harap ng munisipyo ng Tampakan, South Cotabato kahapon ang mga opisyal ng militar, PNP, Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA 12 at lokal na pamahalaan.

Ayon kay Tampakan Mayor Leonard Escobillo, layon nito na maipakita na may ginagawa ang gobyerno para masawata ang problema sa iligal na droga.

Naniniwala din si Escobillo na sa pamamagitan nito ay mapangalagaan ang kinabukasan ng mga kabataan. Ang mga sinunog na Marjuana plants ay bahagi ng mahigit 38,000 na nabunot na mga otoridad. Ang mga ito ay nagkakahalaga ng mahigit walong milyong piso.

Ipinaliwanag ni Escobillo na dahil mas accessible sa Tampakan , ng pagsalakay sa Marijuana plantation ay pinagunahan ng Tampakan PNP.

Ang Marijuana plantation na sinalakay ng mga personnel at PNP, militar at PDEA 12 ay matatagpuan kkasi sa mga tri-boundary ng Sitio Laplana, Barangay Kimlawis Davao Del Sur; Columbio, Sultan Kudarat at at Barangay Danlag sa Tampakan. Ang mga nakatas na cultivator ng nadiskubreng Marijuana plants na sina Gugwelen Macandon at Terso Macandon ay pinaghahanap pa ng mga otoridad.

Cotabato Light says its payment and customer service office open today

COTABATO CITY - The Cotabato Light and Power Company (Cotabato Light) has announced that its Collection and Customer Service office located at Al...

Mag-asawa sa Koronadal City, pinagsasaksak at napatay, suspek nahuli

KORONADAL CITY - Patay na nang datnan ng "drier caretaker" ang mag-asawang matatanda sa loob ng kanilang bahay sa Barangay Magsaysay, Koronadal...

6-member drug dealing gang surrender in Radjah Buayan

MAGUINDANAO --- Six drug dealers pledged to reform for good over the Qur’an Monday, three days after authorities shot dead two heavily-armed...

GenSan garbage collector: “Waste management awareness makes our job easier"

This was the statement of one of the street sweepers General Santos City during a conversation Wednesday afternoon with some personnel of the...

Military anticipating retaliation from group of slain drug dealers

MAGUINDANAO --- Authorities are bracing for possible retaliations by a heavily-armed drug trafficking gang that lost two members in an encounter...