Friday May, 03 2024 03:37:27 PM

NDBC BIDA BALITA (1.10.16)

 • 16:40 PM Tue Jan 10, 2017
872
By: 
NDBC NCA

NEWSCAST

JANUARY 10, 2017 (TUE)
7and00 AM

HEADLINESand

1. LIMA hanggang sampung dayuhan na
umano ay nangre-recruit at nagsasanay ng mga local terrorist, minamanmanan ng
mga otoridad sa Mindanao.

2. Pikit Mayor, sinampahan ng kasong
perjury ng Ombudsman

3. Mga suspek sa pagpatay sa pulis na
anak ng bise alkalde sa Tupi, South Cotabato, kinasuhan na

4. Koronadal City, nagdiriwang ngayon ng 77th foundation anniversary DA Sec. Pinol, guest of honor IBINUNYAG ni PNP Chief, Police
Director-General Ronald dela Rosa na may lima hanggang sampung dayuhang
terorista na nagsasanay at ginagawang ‘training ground’ ng terorismo ang
Pilipinas.

Ayon kay dela Rosa, magkakaiba ang nationality
ng naturang mga susek na hinihinalang may ugnayan sa Islamic State of Iraq and
Syria o ISIS.

Sinabi ni dela Rosa na maliban sa 5-10
international terrorists na kanilang mino-monitor ay maaaring may mga kasamahan
pa ang mga ito na nasa Mindanao.

Sabi pa ng opisyal, marami sa mga
dayuhang ito ay mukhang Pinoy, lalo na yung mga Malaysian at Indonesian, na
marunong na ring magsalita ng tagalog at iba pang local dialect.

Una nang isiniwalat ng mga pulis sa Central
Mindanao na ang dayuhang napatay sa engkuwentro sa Maasim, Sarangani noong Linggo
ay sangkot sa recruitment ng lokal na teroristang Ansar Al Khilafah Philippines.

Ayon kay dela Rosa, si Abu Naila ay
isang Sudanese national na bumiyahe sa Pilipinas kasama ang kanyang asawa.

Aniya, si Naila ang nagsasanay ng mga
recruit ni Mohammad Maguid alyas Tokboy, kaya siya napasama sa grupo.

Si Maguid ay una nang napaslang sa
shootout sa Kiamba, Sarangani matapos manlaban sa mga pulis.

Sa ngayon, nasa tatlong miyembro na
lamang umano ng Ansar Al-Khilafa Philippines ang natitira sa Sarangani kasunod
ng pagkasawi ng kanilang lider na si Mohammad Jaafar Maguid alyas Tokboy Magid,
at dalawang dayuhang bomb expert na kasamahan nito, maliban pa sa tatlong
naaresto.

Sinab ni PNP 12 Director Police Supt.
Romeo Galgo na

Sa kabila nito ay hindi pa rin sila
kampante at patuloy ang ginagawang pagtugis sa mga natitirang miembro ng
nasabing ISIS-inspired group, upang tuluyan nang mawala at hindi na
makapanggulo pa sa probinsya at mga karatig na mga lugar. PINASOK ng mga pulis mula
sa PNP 12 ang tahanan ni Barangay Rosary Heights 10 chairperson Kombol
Manalangkay kaninang pasado alas tres ng madaling araw.

Sa panayam kay Manalangkay,
ang naturang mga pulis ay naghain ng search warrant laban sa kanya na inisyu ni

RTC 12 Branch 16 Judge
Alandrex Bitoya.

Ito ay kaugnay umano ng
pagkakaroon niya ng mga hindi lisensyadong armas at iligal na droga.

, sinabi ni
Manalangkay na maayos niyang tinanggap ang mga otoridad sa kanilang tahanan dahil
aniya, buo ang kanyang suporta sa kampanya ng Pangulong Duterte laban sa mga
iligal na baril at bawal na gamot.

Samantala, sunod na
pinasok ng mga pulis ang tahanan ni Barangay Kagawad Saudi Manalangkay, anak ni
barangay chairperson Manalangkay.

Subalit negatibo rin ang
resulta ng naturang operasyon dahil wala rin namang nakuhang mga baril at
iligal na droga ang mga otoridad sa tahanan ng barangay official. Mahigit
sampung milyong pisong halaga na ng mga Marijuana ang nakumpiska ng mga
otoridad sa mga bulubunduking bahag ng Matanog, Maguindanao.

Sinabi ni
SPO4 Junior Abas ng Matanog PNP, ito ay dahil sa mas pina igting na kampanya ng
pamahalaan kontra iligal na droga.

Ayon kay
Abas, mula July hanggang December 2016 ay nakapaglunsad sila ng tatlong
malalaking operasyon laban sa mga marijuana plantation sa naturang bayan.

Pinakahuli
nito ay sa Sitio Babaken, barangay Bayanga Sur kung saan nasa 200 marijauan
trees ang kanilang na-uproot at sinunog habang nasa sampung libong marijuana
seedlings din ang kanilang nakumpiska.

Sa ngayon
sabi ni Abas, patuloy pa rin nilang sinusuyod ang iba pang mga bulubunduking
barangay sa Matanog kung saan hinihinalang mayroon pang mga nakatagong
Marijuana plantation.

Samantala,
nabatid na may mga personalidad nang kinasuhan kaugnay ng operasyon ng
Marijuana plantation sa Matanog.

Kabilang dito
ang isang Bading Borero, na taga -Sitio Sitio Kolodan, barangay Bayanga Sur na
inaresto ng mga otoridad at ngayon ay nakakulong na.

Patuloy
namang tinutugis ng kapulisan ang dating barangay chairman ng Bayanga Sur, sa
Matanog na sangkot sa operasyon ng Marijuana plantations sa naturang barangay.

Nakatakdang ipatawag
ni Pangulong Rodrigo Duterte ang lahat ng mga alkalde sa bansa para magkaalaman
sa mga sangkot sa iligal na droga.

Sinabi ng
Pangulo na dadalhin niya ang mga mayor sa loob ng isang kuwarto, walang
papayagang makapasok at sila-sila lamang ang mag-uusap.

Ayon sa
pangulo, ipapakita niya ang hawak niyang makapal na drug matrix sa mga mayor at
ipapahanap doon ang kanilang mga pangalan.

Sa oras daw
na magpositibo ang pangalan ng mga mayor, tiyak na mahaharap sila sa malaking problema
at mas mabuting magbitiw na lamang sila o kaya ipapapatay niya sila kung hindi
maipaliwanag ang pagkakadawit sa listahan.

Samantala, kumbinsido
naman si Pangulong Duterte na shabu at terorismo ang dalawang pangunahing
problema sa Mindanao.

Iginiit nito
na ginagamit ng mga terorita ang iligal na droga para magkaroon ng pondo sa
kanilang pagsasagawa ng karahasan.

Ayon sa Pangulo, maliban sa mga terorista, ang iba
ay pera lang ang habol habang ilan naman ang sumasakay lang sa negosyo.

Sa kabilang
dako naman, susunod na umanong hahabulin ng mga otoridad ang iba pang miyembro
ng Maute Group kasunod ng pagkakapatay sa No. 1 most wanted terrorist ng
Sarangani Province na si Mohammad Jaafar Maguid, at dalawang kasamahan nito na
mga foreign bomb trainer.

Ito ang
sinabi ni Defense Secretary Delfin Lorenzana sa pagbisita sa lalawigan.

Ayon sa
kalihim, ang pangalang Tokboy Maguid ay matagal nang nasa listahan ng kanilang
order of battle na siyang lider ng mga terorista sa Southern
Mindanao.

Inamin ni
Lorenzana na malaking tagumpay sa mga otoridad ang pagkamatay ni Maguid.

Subalit
kinakailangan pa ring mahabol ang mga kasamahan nito dahil mas delikado kung
tuluyang mabuo ang ugnayan ng mga ito sa Islamic State of Iraq and Syria.

MULING
NAGPATUPAD ng dagdag-bawas sa presyo ng kanilang mga produktong petrolyo ang
mga kumpanya ng langis sa bansa epektibo kanina.

Sabay-sabay
na nag-anunsyo ang tatlong kumpanya ng langis na Eastern Petroleum, PTT at Sea
Oil ng dagdag-bawas sa presyo ng produktong petrolyo.

Sa naturang
abiso, nabatid na may dagdag na 10 sentimos kada litro sa diesel at bawas
presyo naman sa kerosene na 15 sentimos.

Ang dagdag
bawas sa presyo ng mga produktong petrolyo ng sea oil ay epektibo kaninang hatinggabi,
habang kaninang alas-sais naman ng umaga nagpatupad ng price adjustment ang PTT
at Eastern Petroleum.

Ito ang
pangalawang pagtaas sa presyo ng krudo ngayong buwan. Hindi na umabot ng pagamutan ang ama ng magkapatid matapos na masangkot sa vehicular accident ang kanilang sinasakyang Kawasaki Bajah motorcycle sa brgy. Inug-og Pikit, North Cotabato.Kinilala ang nasawi na si Omar Odin Guiamad, backrider motorsiklo na minamaneho ng kanyang anak na si Fahad Odin Guiamad kasama rin ang kapatid nitong si Abdulkahar Odin Guiamad na nagtamo ng matinding sugat sa ulo na naging dahilan rin ng kanyang kamatayan.

Ayon Pikit Deputy Chief, Police Inspector Arvin Cambang nakabangga ng tatlong biktima ang isa pang motorisklo na minamaneho ni Abdulhamin Suib Abdulkaar na taga Rajamuda, Pikit na nagtamo ng sugat sa kanyang kaliwang braso habang nasawi naman ang ama nitong backrider na si Suwaib Abdulkaar.Naisugod pa sa pagamutan ang amang si Suwaib pero binawian din ng buhay pati na ang pamilyang Guiamad kung saan ideneklarang dead on arrival si Omar.

Ayon sa report binabaybay ng motorsiklo ng Pamilya Guiamad ang national highway mula Barangay Dalingoen papuntang bayan ng Pagalungan habang ang isa naman ay galing Barangay Rajamuda at papalabas sa Crossing sa nabanggit na lugar nang maganap ang insidente.
Kapwa nagtamo ng pinsala ang dalawang motorsiklo na ngayon ay nasa kustodiya ng Pikit PNP.
Dahan-dahan ng bumabalik sa kanilang tahanan ang daan-daang pamilya sa Banisilan, North Cotabato matapos na lumikas nang umusbong ang enkwentro ng dalawang armadong grupo sa bayan nitong Disyembre 2016 lamang.

Ito ang kinumpirma ng Banisilan PNP kahapon. Nabatidna 26 na pamilya ang lumikas mula sa Sitio Matampay, Poblacion 1 habang 142 na pamilya naman sa Barangay Malagap, Banisilan na may halos pitong daang indibidwal, kasali na mga bata at matatanda.
Ayon sa Banisilan PNP, unti-unti nang humupa ang tensyon sa erya at katunayan naglagay na ng Joint Task Force ang pamunuan ng MILF sa pamamagitan ng Bangsamoro Islamic Armed Forces at ang pamunuan ng 34th IB ng Philippine Army sa nabanggit na erya.

Layunin nito na tuluyang mapahupa ang tensiyon ng dalawang grupo na una nang nagsimula sa pagitan nina Kumander Ali Rajamuda, Kumander Bobby Rajamuda at Kumander Kinig laban sa grupo nina Kumander Tanda at Kumander Paron.
Samantala, naniniwala naman ang PNP na posibleng rido ang dahilan ng engkwentro na may kaugnayan sa nangyaring ambush noong December 9, 2016 sa pamilya ni Chairman Panantaon Mantitayan ng Barangay Busaon, Banisilan.
Nahaharap ngayon sa kasong perjury si Pikit Mayor Sumulong Sultan.

Ito matapos na makitaan ng probable cause ng Office of the Ombudsman ang akalde dahil sa kakulangan ng impormasyon na iligay nito sa kanyang 2011 Statement of Assets, Liabilities and Net Worth o SALN. Sa imbestigasyon na bigong mailakip ng alkalde sa kanyang SALN ang ilang mga ari-arian nito.

Kabilang na rito ang agricultural land, P1.2-million Toyota Hilux at P1.3 milyong halaga ng Toyota Fortuner.
Sa ilalim ng Revised Penal Code o RPC, mahahararap sa kasong perjury ang sinumang opisyal o kawani ng gobyerno sakaling makaligtaang ilagay sa kanyang sinumpaang SALN ang lahat nitong mga ari-arian.

Sa ngayon ay wala pang pormal na pahayag si Mayor Sultan kaugnay sa nabanggit na issue.
Sinibak na sa kanilang mga posisyon ang dalwang opisyal ng Bureau of Jail Management and Penelogy matapos ang nangyaring pang-aatake sa North Cotabato District Jail o NCDJ.Tinanggal sina Senior Superintendent Alberto Balauag, BJMP Central Mindanao Director, at Superintendent Peter John Bongat, Jail Warden ng NCDJ.

Pinalitan ni Senior Superintendent Joel Superficial si Balauag, habang pinalitan naman ni Chief Inspector Jesus Singson ang pwesto ni Bungat.Ito ay base naman sa rekomendasyon ng Provincial Governement dahil na rin sa nagpapatuloy na imbestigasyon kaugnay sa insidente.

Nabatid na abot na sa 60 ang nahuli at napatay na mga inmates sa nagpapatuloy na manhunt operation ng mga otoridad mula sa 158 pugante. Nilinaw ngayon ni Makilala Institute of Science and Technology o MIST President Dr. Gerry Rigonan na may permit ang operasyon ng MIST sa bayan ng Makilala, North Cotabato.Ito ang paglilinaw ni Rigonan kaugnay sa issue na umano walang permit at hindi kalidad ang edukasyon na binibigay sa mga estudyante.

Ayon kay Rigonan, ang application ng permit ng paaralan ay ginagawa at nirerenew kada taon.

Aniya, may anim na mga kurso ngayon ang inoofer ng MIST.Apat rito ay may temporary permit na kinabibilangan ng Bachelor of Science in Agriculture 2nd yr, Bachelor of Science in Agriculture Technology hanggang 3rd year, Bachelor of Science in Entrepreneurship hanggang 3rd year, at Public Administration 2nd year.Habang dalawa sa kanilang mga courses offered ay mayroon nang government recognition o permanent permit na kinabibilangan ng Diploma in Midwifery, at Associate in Computer Technology.

Idinagdag din ng opisyal na hindi agad mabibigyan ng Government Recognition ng CHED ang isang kurso kung wala pang nakapag-graduate o umabot hanggang 4th year.Nabatid na iniinpeksyon ng Regional Quality assessment team ang kanilang mga programa kada taon.

Samantala, aasahan naman sa susunod na mga taon na mapapakinabanggan na ng mga estudyante ang ipapatayong State- of- the –Art facility ng MIST ng LGU Makilala.
Ideneklara ng Malakanyang ang Special Non Working Holiday sa Koronadal city ngayong araw.
Ibig sabihin nito walang pasok sa lahat ng mga pribado at pampublikong eskwelahan at taggapan sa lungsod.
Ayon kay City Mayor Peter Miguel layon nito na mabigyan ng pagkakataon ang mga mamamayan na makisaya sa 77th Foundation Anniversary at 17th Hinugyaw Festival.Ang selebrasyon ay sinimulan kaninang umaga sa pamamagitan ng misa sa Christ the King Cathedral.
Inaasahan naman ang pagdagsa ng mga mamamayan alas kwatro mamamayang hapon sa mga pangunahing kalye ng lungsod.
Ito ay upang saksihan ang mga kalahok sa Street Dancing Competition na Pyesta Kolon D’tal Grand Parada Showcase na magpapakita sa makululay na kultra ng mga tri-people ng Koronadal.
Ito ay lalahukan ng mga peformers mula lalawigan ng South Cotabato, Maguindanao at Sultan Kudarat.
Ang street dancing showdown ay susundan ng pasiklaban ng mga kalahok sa South Cotabato Sports Complex kung saan gaganapin ang closing program ng selebrasyon.
Kumpirmado na rin ang pagdalo sa programa ni Department of Agriculture Secretary Manny Pinol.
Darating din si League of the Cities of the Philippine President o LCP President at Angeles City, Pampanga Mayor,Edgardo Pamintuan.Tampok din sa selebrasyon ang magdamagang Disko sa Kalye at Alunan Avenue.
Magpapa-raffle din ng kabuhayan showcased para sa maswerteng mamamayan ang lokal na pamahalaan.
Sinimulan na ng Department of Education o Deped region 12 ang kanilang deworming sa mga pampublikong eskwelahan.
Ito ay kaugnay sa ikalawang bugso ng National Schools Deworming Month o NSDM.Ayon kay Deped 12 OIC Regional Director Arturo Bayucot, target ng programa na mabigyan ng pampurga ang mga estudyante sa k to 12 program na nasa 5 hanggang 17 anyos.
Inatasan na rin Bayucot ang mga opisyal sa mga distrito at division ng Deped na regular na magsumite ng report hinggil sa kanilang deworming kada araw.
Umapela din sa Bayucot sa mga pribdong ekswelahan sa region 12 na makiisa sa kanilang NSDM.
Katuwang ng Deped sa pagpapatupad ng deworming program ang Department of Health o DOH. Tiniyak ni Koronadal City Chief of Police, Superintenent Barney Condes ang pagpapatupad ng mahigit na seguridad sa pagtatapos ngayong araw ng 17th Hinugyaw Festival at 77th Foundation Anniversary ng Koronadal City.
Ito ang dahilan kung bakit ayon sa police official bawal sa mga venue ng selebrasyon ang mga may dalang back pack at matatalim na bagay.
Layon nito ayon sa police official na matiyak na walang makalulusot na masamang loob upang sirain ang katiwasayan ng lungsod sa selebrasyon.
Pinagiingat din ni Condes ang publiko sa mga magnanakaw na maaring target ang mga makisayang mamamayan sa pagdiriwang.
Ito ang ipinahayag ni Condes matapos magsumbong sa mga pulis ang 25 anyos na si Mary Ann Lantaca ng Barangay San Isidro, General Santos City.
Sinabi ni Lantaca na napansin nitong nawala na ang P18 thousand pesos na laman ng kanyang sling bag nang pumunta sa Comfort room habang nanonood ng Lakambini ng Koronadal 2017 kamakalawa ng gabi.
Ayon kay Lantaca, posibleng ninakaw ang kawi-withdraw pa lamang nitong pera habang nanonood sa beauty pageant.
Si Lantaca ang kauna unahang biktima ng magnanakaw kaugnay sa isang linggong pagdiriwang.
Tukoy na ng pulisya ang dalawa sa mga suspek na bumaril at pumpatay sa isang pulis sa Tupi, South Cotabato.
Sa katunayan ayon kay Tupi PNP OIC Police Inspector Bertito Delco, kinasuhan na ng kasong murder ang mga ito.
Kinilala ni Delco ang mga ito na sina Jun-jun Acosta, Jonas Capion alias Me-me at isang hindi pa tukoy ang pagkakakilanlan.
Gayunpaman ayon kay Delco, ang mga ito ay patuloy pang pinaghahanap ng pulisiya.
Natukoy ang mga salarin ayon sa police official batay na rin sa testimonya ng mga testigo.
Sinabi ni Delco na binaril umano ng mga suspek ang pulis na si Escobillo nang sitahin nya ito matapos pagdudahan na nakaw ang kalabaw na tangay ng mga ito.
Matatandaan na ang pulis na si Escobillo na anak din ng bise akalde ng Tupi ay papauwi na mula trabaho ng barilin sa Barangay Miasong, Tupi noong Disyembre.

Pinarangalan ng Department of Social Welfare and Development o DSWD region 12 ang kanilang mga volunteer sa pagpapatupad ng mga proyekto sa mga barangay.
Nakatanggap ng parangal ang limang mga volunteer ng ahensya sa Barangay Sub Project Management Committee o BSPMC.
Ang pagbibigay ng parangal ay isinagawa sa katatapos lang na Bayani ka Awards ng DSWD sa Koronadal City.
Kabilang sa mga pinarangalan ang mga volunteer ng KALAHI-CIDSS ng ahensya sa bayan ng Isulan, Sultan Kudarat.
Napili na best volunteer ng DSWD 12 ngayong taong sina Ricky Fuintispina ng Barangay Lotilla, Edelforo Ramirez ng Kalawag 1, Gloria Casquero ng Laguilayan, at Javier Estoquia ng Kenram.
Kasabay ng pagbati nito, pinasalamatan naman ni DSWD 12 Assistant Regional Director Gemma Rivera ang mga awardees dahil sa naitulong ng mga ito para sa matagumpay na pagpapatupad ng mga programa ng KALAHI-CIDSS ng DSWD. Ang KALAHI-CIDSS ay programa ng DSWD na nagpapatupad ng mga proyekto para maresolba ang kahirapan lalong lalona sa mga malalayong lugar ng rehiyon.

2 cops linked to murder of police captain in Maguindanao Norte surrender

CAMP SK PENDATUN, Maguindanao del Norte - Two of five suspects who gunned down a police captain in a public market of Poblacion 2 in Parang,...

37 get jobs via BARMM Labor Day jobs fair, 62 to follow

COTABATO CITY --- Up to 37 jobseekers were hired-on-the spot by different private companies during a jobs fair on Wednesday that the Bangsamoro...

Police captain patay sa pamamaril sa Parang public market

PATAY on the spot si Police Captain Roland Moralde matapos makipagbarilan sa isang lalaking may dala-dalang armas sa public market ng Parang,...

State of Calamity, idineklara na sa buong BARMM dahil sa matinding epekto ng El Niño

COTABATO CITY - IDINEKLARA na ang State of Calamity sa buong Bangsamoro Region batay sa inilabas na Proclamation No. 002 s. 2024 ng Office of the...

Marawi anti-drug op nets P6.8-M shabu, suspect arrested

MARAWI CITY - In the battle against illegal drug trafficking, joint operatives from PDEA LDS (lead unit); Marawi City Police Station, CDEU, PDEU/PSOG...