Thursday May, 23 2024 12:30:53 PM

NDBC BIDA BALITA (11.21.16)

 • 15:48 PM Mon Nov 21, 2016
936
By: 
NDBC

NEWSCAST

NOVEMBER 21,
2016 (MON)
7and00 AM

HEADLINESand

1. TALITAY mayor, nakatakdang patawan
ng indefinite suspension ng DILG ARMM.

2. Ampatuan massacre, pitong taon na
hustisya para sa pamilya ng mga biktima mailap pa rin

3. Tricycle driver ng Koronadal, ipinakita kung ano ang tunay na katapatan natagpuang bag at cellphone with cash, isinauli4. Mga kaso ng nakawan, di pa rin mabigyang solusyon ng police sa KidapawanNAKATAKDANG SUSPENDIHIN ng Department
of Interior and Local Government o DILG ARMM si Talitay mayor Muntassir Sabal
dahil sa pagkakasangkot sa bentahan ng iligal na droga at pagkakaroon ng mga
unlicensed firearm.

Inatasan na ni ARMM Gov. Mujiv Hataman
si DILG ARMM Sec. Atty. Kirby Abdullah na bumalangkas ng suspension order laban
kay Sabal.

Ang pagpapataw ng indefinite suspension
kay Sabal ay hindi lamang sa pagkakasangkot nito sa iba’t ibang krimen kundi
maging ang matagal na nitong hindi pagpasok sa kanyang opisina na
ikinokonsiderang pag-abandona sa kanyang tungkulin bilang alkalde ng Talitay.

Nabatid na hindi na rin nagagampanan ng
bise alkalde ng bayan na si Abdulwahab Sabal matapos na inaresto ito ng mga
otoridad dalawang buwan na ang nakakaraan at hanggang ngayon ay patuloy pa ring
nakaditine.

Batay sa kautusan ni Hataman,
pinasususpinde rin ang iba pang mga opisyal ng Talitay LGU na mapapatunayang
pinagtatakpan si mayor Sabal.

Samantala, ipinauubaya naman ni Hataman
kay Regional Legislative Assembly speaker Datu Ronnie Sinsuat ang paggawa ng
kaukulang hakbang laban kay assemblyman Sidik Ameril na sinasabing sangkot din
sa iligal na droga.

Samantala, sa iba pang balita, kasama
ring naaresto noong Biyernes ng madaling araw ang umano ay hitman ni Talitay
Mayor Montasir Sabal na kinilalang si Hector Suhali.

Si Dujali ay nasa loob ng bahay ni
Mayor Sabal nang pumasok ang pinagsanib na puwersa ng militar, PNP, PDEA ARMM, CIDG
at RPSB PRO-ARMM upang isilbi ang search warrants laban kina Sabal at iba pa.

Ayon kay CIDG-ARMM Deputy Director
William Santos, bagaman ay itinanggi ni Dujali ang alegasyon at sinabing isa
lamang siyang karpentero at escort ng alkalde, may mga hawak silang patunay na
siya ang hitman ng mayor.

Maliban kay Dujali, dinakip din ng mga
otoridad ag isang nagngangalang Ambari Ental.

HALOS aabot
sa kalahating milyong piso ang halaga ng nakumpiskang iligal na droga sa isang
pinaniniwalaang big time drug pusher sa Midsayap, North Cotabato.

Kinilala ang
naarestong suspek na si Darrex Guiapal alyas, Sa-id, 35 years old at taga Datu
Abdullah Sangki, Maguindanao.

Nangyari ang
buy bust operation ng pinagsanib na pwersa ng Midsayap PNP, Criminal
Investigation and Detection Group o CIDG 12 at CIDG-Cagayan, pasado alas dos ng
hapon kahapon sa barangay Poblacion otso, Midsayap.

Sinabi ni
Midsayap PNP chief, police supt. Jerson Birrey na matagal nang nasa watchlist
ng mga otoridad si Guipal.

Minamanmanan
na rin nila ang operasyon nito hindi lamang sa North Cotabato kundi maging sa
region 10.

Nakuha mula
sa suspek ang pitong maliliit na sachets at sampung malalaking sachets ng
pinaniniwalaang Shabu na nasa 64 grams ang timbang at tinatayang may market
value na 405 thousand pesos.

Sa ngayon ay
kalaboso na ang naturang suspek at inihahanda na ang kasong isasampa laban sa
kanya ngayong araw. Duguang
isinugod sa ospital ang isang lalaki matapos mabiktima ng pamamaril sa Cotabato
city.

Kinilala
ang biktima na si Renato Totong Catada, 50 years old, may asawa, at
dating Barangay Tanod ng Baragay Poblacion 4.

Pinagbabaril
ng di pa nakikilalang suspek si Catada pasado alas siyete ng umaga kahapon sa sa
Dona Blanco Street, ng lungsod.

Ayon
sa inisyal aa imbestigasyon, habang nag iinuman sina Catada kasama ang kanyang
mga kasamahan sa harapan mismo ng kanyang tiindahan ay bigla na lang sumulpot ang
suspek at walang kaabog-abog na binaril si Catada.

Pagkatapos
ng pamamaril ay agad namang tumakas ang suspkek sa di malamang direksyon.

Nagtamo
ng isang tama ng bala si Catada sa likod.

Patuloy
naman ngayong nilalapatan ng lunas si Catada na maswerteng nakaligtas sa tiyak
na kamatayan.

Samantala,
na-recover mula sa pinangyarihan ng krimen ang apat na basyo ng bala ng 45
caliber pistol na pinaniniwalang ginamit ng suspek sa pamamril.

NAGPAHAYAG na
kanilang suporta ang ilang mga kilalang lider ng Zamboanga Peninsula at Palawan
sa isinusulong ni Pangulong Rodrigo Duterte na Federalismo.

Gaya ng
pangulo, naniniwala rin kasi ang naturang mga lider na ang Federalismo ang maghahatid
ng kapayapaan at kaunlaran sa bansa.

Sinabi ni
Ustadz Abdul-Baki Abubakar, Grand Mufti ng Zamboanga Peninsula at Palawan, na
ang katuparan ng Fideralismo sa bansa ang pinakamabisang solusyon din sa
kahirapan.

Aniya, paraan
din ito para masugpo ang paglala ng korapsiyon at katiwalian sa pamahalaan.

Pinuri din ni
Ustadz Abubakar ang sakripisyo ng mga miembro ng Hugpong Federal Movement of
the Philippines na pinangunahan ni Chairman Celso Tizon at Mayor Hadar Hajiri
ng Lugus Sulu, dahil sa walang tigil nitong pagtungo sa grass root level para
ipaalam kung gaano kahalaga ang Fideralismo sa bawat pamilyang Pilipino.

Samantala, sa
kabilang dako pa, nangako rin ng suporta ang iba’t
ibang lider ng Moro Islamic Liberation Front o MILF sa mga programa ng administrasyong
Duterte.

Iginiit ng
MILF na bukod sa suporta nila sa peace process, nasa
likod din sila ng gobyerno sa kampanya laban sa iligal na droga at iba pang
krimen.

Ginawa ng
MILF commanders ang pahayag sa katatapos ma
Peace?Advocacy
Summit sa Lambayong, Sultan Kudarat. PATULOY
NGAYONG biniberipika ng Armed Forces of the Philippines ang ulat na may
panibago na namang dinukot ang mga miembro ng Abu Sayyaf Group na dalawang mga mangingisdang
Indonesian.

Batay
sa ulat, limang armadong lalaki na nakamaskara at sakay ng isang speedboat ang
dumukot sa mga biktima sa Kunak District, Sabah, Malaysia, pasdo alas siyete ng
gabi, kamakalawa.

Kinilala
ang mga biktima na sina Sawal Maryam at Saparuddin Kone.

Nabatid
na sa ngayon ay naka-alerto na ang Joint Task Force Tawi-Tawi hingil sa
insidente.

Una
rito, nitong Hulyo, sinabi ng Malaysian police na limang Malaysian tugboat crew
ang dinukot ng Abu Sayyaf sa baybayin ng Sabah.

Mayo pa
nitong taong, nang pinalaya naman ng Abu Sayyaf ang 14 na mangingisdang
kanilang dinukot.

Surallah gagawing pilot area drug
rehabilitation facility ng South Cotabato.

Sinabi ito ni Surallah Mayor Antonio Bendita.

Ayon kay Bendita tatlong barangay ang kanilang pinagpipilian para sa
ipapatayong proyekto na syang tutugon sa rehabilitation ng mga surfacing drug
personalities involved in drugs o SPID.

Ito ay ang mga barangay ng Tubi-ala, Veterans at Lamsugod.

Dagdag pa ni Bendita malaking hamon ito sa lokal na pamahalaan ng
surallah dahil sila ang pagbabatayan ng buong South Cotabato para sa rehabilitation
ng mga drug personality.

Dahil dito ay maglalaan ang LGU Surallah ng karampatang budget mula sa
Municipal anti drug abuse council.

Sa ulat naman ni South Cotabato POlice Provincial Director Senior Supt. Franklin
Alvero sa culmination program ng Drug Abuse Control and Prevention Week ay
mahigit siyam na libo na ang mga drug personality sa lalawigan na boluntaryong
sumuko sa PNP.

Kahit hirap sa buhay ay isinauli pa rin ng isang
tricycle driver sa Koronadal City ang napulot nitong sling bag na may lamang
pera at cellphone dakong alas 6 sabado ng gabi.

Nagmamaneho ng kanyang tricycle ang driver na kinilala na si
Danny Barber Agudo, 38 anyos at residente ng Barangay Zone IV nang may nakita
itong sling bag sa kahabaan ng Aquino Street.

Laking gulat naman ni Agudo na may lamang pera at cellphone ang
bag. Agad naman na isinauli ni Agudo ang bag sa Koronadal City Police station. Dito
na kilala ng pulisya ang may ari ng bag na si Ayna at Safruddin Rascal,
government employee at residente ng Agan Homes, Brgy Sta Cruz, Koronadal City.

Sinabi ng may ari ng bag na agad nilang tinawagan ang cellphone ng mapansin na
nawawala ito na agad namang sinagot ng driver.

Nabatid na ang driver na si Agudo ay nangungupahan
lamang ng tricycle upang makabyahe na pangtustus sa kanyang pamilya.

Labis ang pasasalamat ng mag-asawa sa nasabing
driver.

Ayon sa pulisya, naglalaman ang bag ng P5,000 na
cash, dalawang cellphones na nagkakahalaga ng P26,000 at tatlong ATM cards.

Ideneklarang persona non grata ng Sangguniang bayan ng
Banga, South Cotabato ang apat na mga police official na kasapi ng Regional
Anti-Illegal Special Operation Task Group ng Regional Police Safety Batallion.

Sa resolution #47 ng Sanggunian, ideneklarang persona non grata
sina P/Supt. Maximo Sebastian Jr., PSI Philander Alunday, PSI Michael Elorpe, at
PI Ryan Omar Tan Hassiman.

Nakapaloob sa resolution ang pagkwestiyon ng
Sanggunian sa pamamaraan ng pag-raid sa bahay at ang mga alegasyon ng
pagtatanin ng ebidensya laban sa alkalde.

Bumoto pabor na maipasa ang resolution sina
Municipal councilors Alex Garcia, Elmer Aguirre at Rico Tagaloguin, hindi naman
pabor sina John Rosete at ABC President Magno Reyes Jr., habang nag abstain
naman sina Wilfredo Palma at Rose Grace Achurra at nag-inhibit naman sina Gemma
Lloren at Atty. Mario Madero.

Una nang ideneklara
ng League of Municipalities o LMP sa South Cotabato na persona non grata ang
mga pulis dahil umano sa maling proseso sa pagserve ng search warrant.

Sa bisa ng
tatlong search warrant on illegal drugs and firearms, sinalakay ng pulisya ang bahay
ni Mayor Palencia noong Nobyembre 3.
Nakuha sa bahay ng alkalde ang 4 na bala ng caliber .380 at isang bala ng rifle
grenade sa kanyang piggery.

Abot sa 140 na mga aplikante ang
nakapasa sa isinagawang mobile recruitment examination ng Philippine Marine
Corps (PMC) sa lalawigan ng South Cotabato.

Sinabi ni Marine Mobile Recruitment OIC Capt.
Romelito Macaraig na mahigit sa 1,600 ang nag-apply mula sa ibat-ibang bahagi
ng South Cotabato ngunit 140 lamang dito ang nakapasa sa screening matapos
sumailalim sa ibat-ibang test.

Dagdag pa nito na ang mga nakapasa ay nakatakdang
magsumite ng kanilang karagdagang requirements sa darating na Nobyembre 26
dahil dito ay posible pa umanong mabawasan ang mga nakapasa sa oras na hindi ma
kumpleto ang kanilang mga dokumento.

Bago ang training ay isasagawa muna ang mass
oathtaking ng mga ito sa South Cotabato gym and cultural center sa darating na December
1. Susunduin naman ng C-130 plane sa
General Santos City papuntang metro manila ang mga nakapasa para sa kanilang
training.

Nagpasalamat naman si Capt Macaraig sa mga taga
South Cotabato dahil naging matagumpay ang kanilang mobile recruitement program.

Abot sa 4,200 na indibidual mula sa ibat-ibang bayan na sakop ng 106th
base command ng Moro Islamic Liberation
Front o MILF ang dumalo sa isinagawang Peace advocacy summit sa Lambayong,
Sultan Kudarat noong sabado.

Sinabi ni MILF Commander Guevara na suportado nila
ang hakbang ni Presidente Rodrigo Duterte kontra droga, kriminalidad, korapsyon
at gayundin ang pagsulong na makamit ang kapayapaan na matagal nang hinahangad
ng mga taga Mindanao.

Handa umanong tumugon at gumawa ng hakbang ang
kanilang hanay upang ipakita ang kanilang suporta.

Isa din sa tinalakay kung paano magiging maayos ang koordinasyon sa
bawat isa upang mas mapabilis na malutas ang problema sa droga at kriminalidad.

Dinaluhan ang pagtitipon ng mga elected officials
mula sa ilang bayan sa lalawigan ng Sultan Kudarat at Maguindanao, MILF
commanders, mga sibilyan at Pulisya mula sa Sultan Kudarat. Kulong ngayon ang isang tricycle driver matapos makuhanan ng iligal na droga sa inilatag na buy bust operation sa purok 2 brgy. Osias, Kabacan.

Kinilala ang suspek na si Darwin Bartolome Villarta, 37 anyos na taga brgy Leon Garcia, Agdao, Davao City.
Naaresto ang suspek matapos maaktuhang nagbebenta ng shabu sa isang asset ng PNP na nagpakilalang buyer.

Nakuha mula sa kanya ang anim na sachet ng shabu at marked money.

Ang naturang mga iligal na droga ay nagkakahalaga naman ng halos 30 libong piso.

Agad namang dinala sa prisinto ang suspek gayunman ang mga iligal na droga sa PNP crime laboratory para sa dagdag na eksaminasyon.
Nanatili ngayon si Villarta sa Kabacan PNP lock up cell at sinampahan na ng kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Ang nabanggit na operasyon ng PNP ay bahagi lamang sa kanilang mas pinalakas na kampya kontra iligal na droga sa bayan ng Kabacan.
Davao Del Sur Police, tiniyak na hindi makakalusot ang mga paputok ngayong pasko sa lalawigan

34 na araw na lamang at pasko na.

Dahil dito inaasahan na naman na marami ang kukuha ng mga permit para makapagbenta ng mga pyrotechnic devices at firecrackers para sa selebrasyon ng pasko at bagong taon.
Nilinaw naman ng Davao del Sur Provincial Police Office o DSPPO na walang makakalusot na mga paputok sa lalawigan kung wala itong mga permit na makukuha mula sa Camp Crame.

Una na ring ipinahayag ng mga otoridad na kinakailangan pang dumaan sa mga seminar ang mga magbebenta ng paputok.Ayon kay Provincial Police Director Police Senior Superintendent Samuel Gadingan, mahigpit nilang binabantayan ang seguridad lalo na sa mga iligal na negosyante.

Para mailayo sa peligro ang mga mamamayan, may mga miembro ng DSPPO na siyang idedeploy sa paligid ng merkado kung saan magsasagawa din ng inspeksyon.Maglalagay din ng designated area ang mga otoridad para magbenta ng mga paputok na malayo sa mga bahay para hindi mabiktima ng sunog.

Sa Davao Del Sur, ang bayan ng Magsaysay lamang ngayon ang nagpapatupad ng Total Ban sa pyrotechnic devices at firecrackers kung saan magdedepende pa sa lokal na pamahalaan kung maari silang makapagbenta ngayong taon. Arestado ang isang 35-anyos na lalaki makaraang makuhanan ng P405,000.00 na halaga ng pinaniniwalaang shabu sa inilatag na drug buy-bust operation sa Barangay 8, Midsayap, North Cotabato.

Kinilala ng Midsayap PNP ang suspek na si Sarex Mabandes Guiapal alias Saed, may asawa at residente ng Datu Abdullah Sangki ng Maguindanao.Ang suspek ay umano bagong salta sa lugar na matagal na ring minamanmanan ng mga otoridad.

Kabilang sa mga nakuha mula sa suspek angand Marked Money at 17 sachet ng pinaniniwalaang shabu na tumitimbang ng 54 na gramo.Ang operasyon ay ikinasa alas 2:15 ng hapon noong sabado ng pinagsanib na pwersa ng mga element ng CIDG North Cotabato, CIDG 10, Cotabato PPO PIB at RPSB 12.

Pitong taon na ang lumipas, hanggang ngayon wala pa ring nakakamit na hustisya ang mga pamilya ng namatay sa Maguindanao Massacre.

Dahil dito patuloy pa ring humihingi ng katarungan ang pamilya ng mga pinaslang na karamihan ay mamamahayag.

Kahapon, ginunita ng buong bansa ang ika-pitong taong pag-alala sa pagkakapaslang sa 58 katao.Sinabi ni Grace Morales Secretary General ng Justice Now isang Organization na binuo ng pamilya ng mga napaslang, na hindi sila titigil sa pagkamit sa hustisya at katarungan sa sinapit ng kanilang pamilya.

Iginiit din ni Morales na kakaiba ang kanilang pag-alala sa pangyayari ngayong taon dahil ito ang kauna-unahang pagkakataon na sumama ang mga anak ng biktima sa lugar, kung saan binurol at napatay ang kanilang mga magulang partikular sa Sitio Masalay, brgy. Salman, Ampatuan, Maguindanao.Nag-alay rin ng awit ang anak ni Morales at dasal ang mga pamilya kung saan dumalo rin ang ilang opisal at miembro ng National Union Journalist of the Philippines o NUJP.

VC- MORALES

Bago paman ito, nagkaroon muna ng maikling programa sa massacre site at kabilang na rito ang isang misa, flower offering at pagsisindi ng mga kandila.Samantala, hanggang ngayon wala pa ring convition ang korte sa 115 mga akusado na nakakulong ngayon at katunayan isa sa mga primary accused sa masaker na si Sajid Ampatuan, ay nakapag piyansa.
Higit tatlong libong mamamayan, dumalo sa pinaka-unang Agri Trade Fair at Livestock Congress sa North Cotabato

Sa layuning mapalakas pa ang usaping agrikultura partikular sa mga Livestock grower sa North Cotabato, nagsagawa ng tatlong araw na Agri Trade Fair and Livestock Congress sa isang resort sa Kidapawan City.Higit tatlong libong mamayan kabilang na ang mga magsasaka ang lumahok sa naturang aktibidad.

Sinabi ni Josef Suebzon, isang exibitor ng kilalang kompanya sa Pilipinas, malaking tulong raw para sa kanila ang nabanggit na aktibidad para makapagbigay ng dagdag na kaalaman para sa mga livestock growers.Ang aktibidad ay pinangunahan ng Cotabato Livestock Producers Association o COLIPA, isang organisasyon na tumutulong sa mga backyard raiser at mga small farmer katuwang ang Department of Agriculture, Kidapawan City LGU, Elai Resort and Hotel, Veterinary Companies at Provincial Government.

Maliban sa Exibit ng mga livestock growers nagkaroon din ng seminar para sa mga magsasaka at agricultural student.Kabilang sa kanilang pinag-aralan ang tungkol sa High Value Crops, Farm management, Swinr raising, Feed Formulation, Broiler Raising, animal Health and Welfare, Livestock product processing and marketing at artificia insemination.

Tema nito ay Consolidating our Ranks Coping up with the challenge of precision Farming .
Hanggang ngayon hindi pa rin nareresolba ang ilang insidente ng pagnanakaw sa Kidapawan City.

Ang usaping ito ay una nang tinalakay ng Sanguniang Panglungsod members kung saan dalawang beses rin na hindi sumipot ang Chief of Police ng lungsod para magbigay sana ng update tungkol sa serye ng nakawan at pamamaril sa Kidapawan.Layunin ng City Officials na matulungan ang PNP at para malaman kung ano ang kanilang mga ginagawang hakbang tungkol rito.

Kaugnay nito, kahapon ng madaling araw, wala nang nagawa pa ang isang private employee kundi magpa blotter na lamang sa Kidapawan City PNP matapos na pasukin ng mga di pa kilalang kawatan ang kanyang bahay.

Ang insidente ay naitala sa Talisay St. Poblacion, Kipawan.Ayon sa biktimang si Eric Paul Gonzalez, pinasok ang kanyang bahay kung saan natangay ang kanilang flat screen tv, dvd player, mga damit cash at iba pang mahahalagang ganmit.

Agad namang tumakas ang mga suspek na ngayon ay patuloy na tinutugis ng mga otoridad.

First class cadel welcomes Muslim woman into the country's premier military school

BAGUIO CITY - A First Class Female Cadet shakes the hand of a Muslim Fourth Class Cadet during the latter's recognition rites. CDT 4CL AISHA MAMA...

Cotabato Light announces power service interruption inside BARMM complex

COTABATO CITY - The Cotabato Light and Power Company has announced an eight hour power servie interruption inside the BAngsamoro Government Center in...

Another bloody Basilan clan war settled amicably

COTABATO CITY - Army officials and local executives in Basilan on Tuesday settled amicably another deadly clan war in the province, ending hostility...

P1.1-M worth shabu seized in Pagadian City

COTABATO CITY - Non-uniformed policemen seized P1.1 million worth of shabu from a 19-year-old dealer entrapped in a residential area in Pagadian City...

Ex-councilor killed after claiming housing unit for MILF in BARMM

Ex-councilor killed after claiming housing unit for MILF in BARMM By Drema Quitayen Bravo COTABATO CITY (May 22) - A former council member in...