Monday May, 06 2024 06:20:16 AM

NDBC BIDA BALITA (1.12.17)

 • 18:27 PM Thu Jan 12, 2017
854
By: 
NDBC NCA

NEWSCAST

JANUARY 12, 2017 (THU)
7and00 AM

HEADLINESand

1. ARMM government, tututukan daw ang
mga poverty alleviation program ngayong taon.

2. MGA MAMAMAYAN ng Kidapawan city, may
iba’t ibang reaksyon kaugnay ng pagpapa-deport ni Pangulong Duterte sa mga
bombay na nagpapa 5-6

3. LALAKI, sugatan matapos barilin ng
kanyang misis sa Koronadal City

2. Dalawa huli sa anti-drug operation sa Kidapawan at Kabacan TUTUTUKAN ng pamunuan ng Autonomous
Region in Muslim Mindanao o ARMM ang mga programa para labanan ang kahirapan
ngayong taon.

Katunayan, sinabi ni ARMM Governor
Mujiv Hataman na apat na bilyong piso ang kanilang inilaan para sa epektibong
pagpapatupad ng mga poverty alleviation program, na mula sa 32 billion pesos na
kanilang budget ngayong taon.

Sa unang Tapatan sa ARMM ngayong taon,
sinabi ni Hataman sa harap ng mga mamamahayag sa Cotabato city na

Hanggang ngayon ay nananatili kasing
pinakamahirap na rehiyon ang ARMM na mayroong 53.1 percent poverty incidence.

Ang ARMM ay mayroong 3.2 million na
populasyon sa limang mga lalawigan nito na Maguindanao, Lanao del Sur, Basilan,
Sulu at Tawi-Tawi.

Ayon kay Hataman, nitong nakalipas na
tatlong taon ay nakasentro sila sa mga infrastructure program tulad ng
pagpapagawa at pagsasa-ayos ng mga farm-to-market road, mga tulay, at
pagpapatayo ng mga government building.

Pero sabi ng Hataman na ngayong taon, mas
paiigtingin nila ang mga programa na makatutulong upang maangat ang antas ng
pamumuhay ng mga mamamayan sa rehiyon.

Kabilang dito ang pagtiyak na makakamtan
ng mga ito ang kanilang mga pangunahing pangangailangan gaya ng pagkain, damit,
tirahan, ilaw at tubig.

Nabatid na nitong 2015 at 2016, ang ARMM
ang may pinakamalaking budget para sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps
ng Department of Social Welfare and Development na nasa 5.8 hanggang anim na
bilyong piso.

Samantala, binigyang-diin pa ni Hataman
na masusi niyang ipamo-monitor ang implementasyon ng 4Ps ngayong taon dahil sa
mga napapansing niyang iregularidad sa programa.

Aniya, nais lang niyang makatiyak na tama
ang nakakarating na tulong pinansyal sa mga benipisyaryo at ang mga tumatanggap
nito ay tunay na mahihirap.

Pero inamin ni Hataman na wala silang kontrol
sa implementasyon ng 4Ps dahil ito ay programa ng national government at
ipinatutupad mismo ng DSWD national office.

Patay ang isang lalaki
matapos pagbabarilin ng riding tandem sa Cotabato city.

Kinilala ng City PN P ang
biktima na si Montaser Esmael,33 years old, may asawa at taga Pascual
Subdivision, Mother Barangay Rosary Heights ng lungsod

Sa inisyal na
imbestigasyon ng pulisya, pasado alas siyete ng umaga kahapon habang pauwi na
sana sa kanilang bahay si Esmael sakay ng kanyang kawasaki rouser 150 motorcycle
at angkas pa ang kanyang tatlong taong gulang na anak nang maganap ang
pamamaril.

Nagtamo ng multiple
gunshot wounds ang biktima sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Sinubukan pa siyang
isugod sa pagamutan pero hindi na ito umabot pa ng buhay.

Sa ngayon, patuloy pang inaalam
ng mga otoridad kung sino ang mga responsable sa naturang pamamaril at kung ano
ang motibo ng mga ito.

NANGANGANIB
na hindi makapag-aral ngayong semestre ang nasa 20 mga mag-aaral mula sa
Barangay Montay, Northern Kabuntalan, Maguindanao na umano ay pinangakuan ng
scholarship grant sa ilalim ng PAyapa at MAsaganang PamayaNAn o PAMANA at Commission
on Higher Education o CHED ARMM.

Umaasa kasi
ang naturang mga mag aaral na tatanggap sila ng tig sasampung libong piso bago
o pagkatapos ng kanilang final examination noong 1st semester.

Sa reklamong
idinulog ng isang Ibrahim Masukat, problema ngayon ng nasabing mga estudyante
at ng kanilang mga magulang kung papaano makakapag enroll ngayong pasukan.

Ayon kay
Masukat, natapos na lamang ang 1st semester ay hindi pa rin naibibigay ng
PAMANA – CHED ARMM ang nasabing halaga.

Dagdag pa ni
Masukat na bawat isang MNLF community kasi ay may 20 students slots para sa
nasabing proyekto.

Samantala,
kaagad namang ipinaalam ng DXMS AM Radyo Bida ang isyung ito kay ARMM Gov.
Mujiv Hataman sa Tapatan sa ARMM.

Bilang tugon,
sinabi ni Hataman na pai-imbestigahan niya ang isyung ito at gagawa ng kaukulang
hakbang para panagutin ang dapat na managot sa lalong madaling panahon. Nagpapagaling pa ngayon sa pribadong ospital ang isang mister matapos umanong barilin ng sariling misis sa Koronadal City.Kinilala ang biktima na si Stephen Alagos, 37 anyos,construction worker, nakatira sa liblib na Purok ng Lower Leyte, Barangay Topland, Koronadal City.
Lumabas sa inisyal na imbestigasyon ng City PNP na ang biktimang mister ay binaril umano ng misis nitong si Merrlyn Alagos habang nagpapakain ng kabayo sa kanilang bakuran.Sa kabila ng tama ng bala ng 38 revolver na armas sa kanyang likod, nakatakbo pa ang mister at nakahingi ng tulong sa kanyang bayaw at byenan na nagdala naman sa kanya sa ospital.Habang ang suspek na misis ay agad namang tumakas matapos ang krimen.
Hindi pa batid ng pulisiya kung ano ang motibo ng misis sa pagbaril umano sa sariling mister.
Nag trending ngayon sa social networking site na facebook ang video ng apat na mga kabataan sa Koronadal City.
Sa halip kasi na gumamit ng panungkit, ginamit ng mga ito ang kanilang galing sa cheerdance para mapitas ang bunga ng mangga.Makikita sa Video ang pagtayo ng isang estudyante at paghagis sa kanya ng tatlong kasama upang maabot ang bunga ng mangga.Ang video ng mga estudyante ay kuha ni Koronadal City Councilor Mark Lapidez sa Rizal park habang nagsasaya ang maraming mamamayan sa 17th Hinugyaw Festival at 77th Foundation Anniversary ng Koronadal.Ang naturang video ay mayroon nang 1.3 million views at share na mahigit 20,000 matapos itong ma-upload ni Lapidez noong January 8.
Nabatid na ang mga estuduyante ay pawang mga cheerdancers ng Saravia National High School sa Barangay Saravia, Koronadal City.Kitang naman sa video na sobrang tuwa ang mga cheerdancers nang mapitas ang mangga gamit ang kanilang galing sa acrobatic act.
Napabilang sa drug free barangay ng pulisiya ang 66 sa 199 na mga barangay sa South Cotabato.
Ito ay ayon kay South Cotabato PNP Provincial Director Senior Superintendent Franklin Alvero.Nabatid na pinakamraming 14 na drug free barangay ay matatagpuan sa bayan ng Norala.
Natukoy din ng PNP na drug free ang 13 barangay sa bayan ng Tantangan, 11 sa Lake Sebu, tig 6 sa Polomolok at Tupi at 3 sa Koronadal City.Pareho namang may tig dalawang barangay na ligtas umano sa droga ang mga bayan ng Sto. Nino at T’boli at isa naman sa bayan ng Tantangan.Ayon kay Alvero bago ideklarang drug free, kailangan ng isang barangay na sumunod sa mga guidelines ng Dangerous Drugs Board para malinis sa kanilang talaan.
Ang pagdeklara ng drug free barangay sa South Cotabato ay kasunod naman ng taliwas na paniniwala dito ni Governor Daisy Avance Fuentes.
Nauna nang iginiit ni Fuentes sa Radyo Bida na hindi siya naniniwala sa drug-free barangay na tinukoy ng pulisiya.
Ito ayon sa gobernador ay isang kalokokhan lamang. Naniniwala si Department of Tourism o DOT 12 Regional Director Nelly Nita Dillera na makatutulong sa pagsulong ng turismo ang dalawang Gawad Manlilikha Awardee ng rehiyon.
Ayon kay Dillera, nanatili pa rin kasing pangunahing tourist attraction ng region 12 ang kultura ng mga mamamayan nito.
Ito ang ipinahayag ni Dillera sa kanyang Facebook post matapos kilalanin ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang Gawad Manlilikha Awardess 2016 ang dalawang mga B’laan sa region 12.
Ang mga ito ay ang Ikat weaver mula Polomolok na si Yabing Masalon Dulo at Estilita Tumandan Bantilan,isang Igem mat weaver ng Sarangani Province.
Ayon kay Dillera isang malaking karangalan para sa region 12 ang iginawad na pagkilala ng pangulo sa dalawang mamamayan nito.
Sina Dulo at Bantilan ay pinarangalan dahil sa nagawa ng mga ito para mapanatili ang kultura ng kanilang tribu.
Ipinahayag ni South Cotabato Board Member Romulo Solivio na may mga grupo umanong nagpupumilit sa kanila na aprubahan ang resolution para matuloy ang pagmimina ng coal sa barangay Ned Lake Sebu, South Cotabato.Sa kabila nito, tiniyak ni Solivio na siya ring Vice Chairman ng Committee on Environment ng Sangguniang Panlalawigan na dadaan sa masusing pagaaral ng komite ang panukala.
Ito ang sinabi ni Solivio matapos kumpirmahin sa Radyo Bida ang pagtutol nito sa proyekto.
Iginiit ni Solivio na mas malaki pa rin ang pinsala na maidudulot ng coal mine kesa sa benipisyo na makukuha dito kung sakali ng lalawigan.
Sinabi ni Solivio na maaring unang maapektuhan nito ang mga magsasaka na mawalan ng kabuhayan.
Sinabi naman ni South Cotabato Governor Daisy Avance Fuentes na personally pabor siyang magkaroon ng coal mine sa barangay Ned.
Gayunpaman ayon kay Fuentes ipinauubaya na nito sa mga myembro ng SP ang usapin.
Nilinaw din ng gobernador na hindi niya minamadali ang SP.
Ayon kay Fuentes nakiusap lamang siya na bigyan pansin ang matagal ang panukala na matagal na aniyang nakabinbin sa konseho. Inirerekomenda ngayon ng Special Action Committee ng Provincial Government na magtayo ng karagdagang Jail Facility sa North Cotabato.
Ito ay base naman sa lumabas sa ginawang imbestigasyon ng PNP, AFP at BJMP kaugnay sa nangyaring Jail Attack at kasalukuyang sitwasyon rito.

Dahil dito, planong ipatayo ang isang Jail Facility sa bayan ng Kabacan at ang isa naman ay sa bayan ng Midsayap.
Sinabi ni North Cotabato Acting Governor Shirlyn Macasarte-Villanueva, layunin nito na mailapit ang mga inmate sa lugar kung saan isinasagawa ang hearing sa kanilang mga kaso.Posible raw kasing harangin sila sa Highway pa lamang sakaling magmumula pa sila sa Amas District Jail at babyaheng Midsayap o Kabacan.
Kabilang rin sa rekomendasyon ang paglilipat sa mga High Risk Inmate sa ibang pasilidad ng BJMP sa ibang bahagi ng bansa.

Katunayan matagal na itong hiling ng probinsiya na sana ay tutugunan ng DILG.Samantala, hinihitay na lamang din ngayon ng Kidapawan City Government ang sagot ng DILG kaugnay sa liham ni Mayor Joseph Evangelista para sa pondong gagamitin sa ipinatayong BJMP Facility sa barangay Kalaisan, Kidapawan.
Ayon kay Evangelista, peremiter Fence na lamang ang kulang sa nabanggit na pasilidad na pwedeng magkasya ang abot sa 500 preso.

Umaasa ang Provincial at City Government na malilipat na ang ibang preso ngayong taon.
Bahagyang tumaas ang kaso ng dengue sa Kabacan, North Cotabato, nitong nakaraang Disyembre 2016.

Batay sa datus na inilabas ni Disease Surveillance Coordinator Honey Joy Cabellon, nakapagtala ang Rural Health Unit ng bayan ng 27 kaso sa buwan ng Disyembre.
Mas mataas naman ito kung ikukumpara sa buwan ng Nobyembre ng nakaraang taon na may naitalang 23 kaso lamang.

Mahigpit namang minomonitor ngayon ang brgy. Poblacion na may 20 kasong naitala sa huling quarter ng 2016, sinusundan ng Barangay Kayaga na may 19 na kaso, brgy. Osias, Lower Paatan, Sanggadong na may apat na kaso, at nrgy. Aringay, Katidtuan, Kilagasan, Nangaan at Pisan. Kadalasang nagkakasakit nito ay nasa edad sampu hangang 60 taong gulang base sa talaan ng RHU.

Samantala muling nagpaalala si Municipal Health Officer Dr. Sofronio Edu Jr. sa publiko na ang paglilinis pa rin sa paligid ang pinaka mainam na panlaban kontra sa nasabing sakit.

Inutusasn na ni Pangulong Rodrigo Duterte si Foreign Affairs Secretary Perfecto Yasay, Jr. na ipaalam sa Indian Ambassador in the Philippines ang desisyon nito kaugnay sa pagpapadeport sa mga Indian National dahil sa kanilang pagpa 5-6.
Kaugnay nito, iba’t-ibang reaksyon ang ipinahayag ng ilang negosyante sa Kidapawan City
Sinabi ni Rommel sa Mega Market, pabor siyang ipapadeport ang mga Bombay na nagpapa 5-6 dahil mas lalo lang nilang binabaon sa utang ang mga taong nangungutan sa kanila.

Ilan pa sa mga Bombay ay napaka-strikto at nagagalit kapag hindi sila kaagad nababayaran.Samantala, iba naman ang pananaw ng inang si Cha, dahil aniya, malaking tulong raw ang 5-6 dahil maliit lang ang kanilang interest.

Hindi naman din raw pinipilit ng ibang Bombay na mangutang ang iba kundi sila mismo ang nangungutang.Una nang sinabi ng Pangulo Duterte na kaya nito pauuwiin ang mga bombay dahil magbibigay ang gobyerno ng isang bilyong piso pondo para sa Micro Lending Program.

Ito ay pangangasiwaan naman ng Department of Trade and Industry o DTI para tulungan ang mga maliliit na negosyante sa buong bansa.Sa ngayon, pinalalakas pa ng gobyerno ang kanilang kampanya kontra mga bombay na nagpapautang para mahinto na ang pagmamalabis sa mga mahihirap na Pilipino.
Plano ngayon ng Kidapawan City Government na bumili ng bagong gamit para sa Call 911 na nagkakahalaga ng abot sa 5.1 million pesos.

Ito ay para palakasin pa ang kanilang response capability pati na ang maagap na pakikipag-ugnayan sa ibang ahensya pati na ang monitoring sa terorismo sa lungsod.Sinabi ni City Mayor Joseph Evangelista na kabilang sa nasabing bibilhing gamit ang 1.3 million pesos na halaga ng High Resolution CCTV na ilalagay sa mga poste ng Davao- Cotabato Highway at iba pang pampublikong daanan.Ang nalalabing 3.8 million pesos naman ay gagamitin para pag-ibayuhin pa ang kasalukuyang Intelligence Operation Center ng Kidapawan.

Bibili rin ng Internet Protocol o IP radio, digital handheld radio, digital repeater radio at computer softwares and servers.

Nangako rin si Mayor Evangelista na magdadagdag siya ng mobile units at emergency kits para sa 911 medical responders ngayong taon.Samantala, matapos naman ang nangyaring pagsalakay sa North Cotabato District Jail, pinabibilisan na rin ng alkalde ang pag install sa mga CCTV para sa paghahanda ng posibleng diversionary strategies na gagawin ng kaparehang grupo na umatake nabanggit na kulungan.Ang City Call 911 ay nag-iisang response Unit sa Region 12 na una nang binuo noong 2013 at nakapag hatid serbisyo na sa halos 20 libong emergencies sa lungsod ng Kidapawan at mga kalapit bayan.
Kulungan ang bagsak ng isang lalaki makaraang mahuli sa inilatag na buy-bust operation sa Brgy. Osias, Kabacan, North Cotabato alas 3and00 ng hapon, kahapon.

Kinilala ang suspek na si Haiber Juni Saiyadi alias Ber, 40-anyos na taga Poblacion, Panabo, Davao Del Norte.Naaresto ang suspek makaraang pagbentahan nito ang isang asset ng pulis kungsaan kumagat ang suspek sa inilatag na buy-bust operation.

Narekober sa kanya dalawang sachet ng pinaniniwalaang shabu na nagkakahalaga ng P40,000.Sa ngayon, inihahanda na ng Kabacan PNP ang kasong isasampa laban sa suspek sa paglabag sa RA 9165 sec 5 at 11 o Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Samantala, apat na sachet naman ang narekober sa isang lalaki sa isinagawa search operation ng mga otoridad sa kanyang bahay sa brgy. Sudapin, Kidapawan City kagabi.

Kinilala ang suspek na si John Micheal Dimaano Llagas Alias Dandan, 40-anyos.

Ang operasyon ay base sa search warrant ng korte laban sa suspek.

Katuwang ng Kidapawan City PNP sa naturang operasyon ang PDEA Region 12.

Nakakulong na ngayon ang suspek habang inihahanda ang kasong isasampa laban sa kanya.

PRO-BAR chief Tanggawohn bestowed posthumous award to Capt. Moralde

CAMP SK PENDATUN, Maguindanao Norte - The Police Regional Office Bangsamoro Autonomous Region bestowed posthumous award to late PCPT ROLAND ARNOLD...

Suspected gunrunners huli, mga armas nakumpiska sa kanila sa Alamada

COTABATO CITY - KULONG na ngayon ang dalawang mga gunrunners matapos mahuli ng Criminal Investigation and Detection Group o CIDG BARMM sa isang...

High value drug peddler falls, yields 150 grams of shabu in Lanao Sur

MARAWI CITY - Lanao del Sur PPO's Provincial Drug Enforcement Unit/Provincial Special Operations Group, 1st Provincial Mobile Force Company, Marawi...

6 armed villagers wounded in Basilan ambush incident

COTABATO CITY - Ambushers seriously wounded six men in a rival group in an attack early Saturday in Sitio Lessem, Barangay Bato-Bato, Akbar...

DA: Price freeze needed only in areas under state of calamity

MANILA – The Department of Agriculture (DA) on Friday said that a price freeze of rice and other basic commodities should only be implemented in...