Wednesday May, 22 2024 06:19:32 PM

NDBC BIDA BALITA (11.23.16)

 • 16:28 PM Wed Nov 23, 2016
934
By: 
NDBC

NEWSCAST

NOVEMBER 23,
2016 (WED)
7and00 AM

HEADLINESand

1. MAGUINDANAO GOVERNOR, tiwalang
makakamit na ng mga biktima ng Ampatuan massacre ang hustisya sa ilalim ng
administrasyong Duterte.

2. Director for AM operations ng DXND AM
- Radyo Bida, wagi sa Globe Media Excellence Awards 2016

3. 14th month pay at cash gift,
natanggap na ng mga kawani ng South Cotabato Provincial Government

4. IED sumabog sa Shariff aguak, Maguindanao, police car tinamaan HINDI NAPIGILAN ni Maguindanao Governor
Esmael ‘Toto’ Mangudadatu ang kanyang emosyon habang humihingi ito ng hustisya
para sa kanyang mga kaanak at iba pang mga biktimang nasawi sa Ampatuan
massacre.

Sa paggunita ngayong araw ng ika pitong
taong anibersaryo ng naturang malagim na insidente sa Ampatuan, Maguindanao na
ikinasawi ng 58 katao, sinabi ni Mangudadatu na nakakadismaya ang bagal ng
proseso ng batas.

Aminado ang gubernador na pawang
mahuhusay ang mga kinuhang abogado ng mga akusado sa krimen kaya naman hindi
nauubusan ng taktika ang mga ito para pabagalin ang paglilitis.

Maalalang nasawi sa naturang insidente
noong Novomber 23, 2009 ang asawa ni Mangudadatu na si Genalyn, mga kapatid na
sina dating Mangudadatu vice mayor

Eden Mangudadatu, Farida at Farina
Mangudadatu, tiyahin niyang si Manguba Mangudadatu at pinsang si Rowena
Mangudadatu.

Nasawi rin sa naturang masaker ang 32
mga kagawad ng media.

Kaugnay nito, sinabi ni Mangudadatu na
hindi naman siya nawawalan ng pag-asang makakamit pa rin nila ang hustisya lalo
na sa ilalim ng bagong administrasyon ni P. Duterte.

Aniya, sinabi ng pangulo na tutulong
ito para mas mapabilis ang paglilitis at makamit ng mga biktima ang hustisya sa
lalong madaling panahon.

Samantala, ngayong umaga nakatakdang
magkaroon ng simpleng programa ang grupo ng gubernador at media sa massacre site
bilang pag-alala sa kanilang mga yumaong mahal sa buhay.

Mag-aalay sila ng panalangin, mga
bulaklak at magsisindi ng kandila para sa mga namayapang biktima.

Nabatid na maghuhulog din ng mga
bulaklak ang mga sundalo gn 6th Infantry Division gamit ang kanilang
chopper bilang pakikibahagi sa okasyon ngayong araw. ILANG
MATATAAS NA URI ng baril ang natagpuan ng mga sundalo sa isang tagong armory ni
Talitay mayor Muntassir Sabal na wanted ngayon dahil sa mga kasong may
kinalaman sa iligal na droga.

Kinumpirma
ng Army’s 601st Brigade na na-recover sa naturang pasilidad ang dalawang .30
caliber machine guns dalawang 81 millimeter mortar launchers, dose-dosenang rifle-propelled
grenades at mga bala at mga gamit sa paggawa ng bala at mga armas.

Nabatid
na sa ilalim ng batas, hindi maaaring magmay-ari ng naturang matataas na uri ng
mga armas ang mga sibilyan at maging ang mga opisyal ng gobyerno.

Bago
ang clearing operation ng militar kahapon, nakasagupa rin ng mga sundalo mula
sa Army’s 5th Special Forces Battalion ang ilang mga miembro ng Bangsamoro Islamic
Freedom Fighters na nagkakanlong ng mga local drug lord na sinasabing kasabwat
ni Sabal.

Nasawi
sa naturang engkwentro si Staff Sergeant Giovanni Olimpo, at apat na mga BIFF member,
Kamir Sukarno, Bitol Samad, Ubaida Diwan at isa pang nakilala lang sa pangalang
Omar.

Una
rito, nitong November 18 ay pinasok ng pinagsanib na pwersa ng mga pulis at
sundalo ang bahay ni Sabal kung saan nakuha ang ilang sachets ng shabu at iba’t
ibang uri ng baril na walang kaukulang papeles.

Gayunman,
bigo ang mga otoridad na madakip si Sabal na tumakas na ilang sandali nangyari
ang raid. ISANG
IMPROVISED EXPLOSIVE DEVICE o IED ang sumabog kagabi sa Shariff Aguak,
Maguindanao.

Nangyari
ang insidente pasado alas siyete kagabi sa barangay Satan, ng naturang bayan.

Sa
report ng Maguindanao PNP, nagkataon din na dumaan sa lugar ang service vehicle
ng Datu Odin Sinsuat PNP kaya tinamaan ito ng mga shrapnel na gawa sa concrete
nails.

Gayunman,
maswerte at wala namang nasaktan sa mga pasaherong pulis ng naturang sasakyan.

Sa
ngayon ay inaalam pa ng mga otoridad kung anong grupo ang nasa likod ng
naturang pambobomba at kung ano ang motibo ng mga ito.

Sa
harap nito, tiniyak naman ng kapulisan ng nananatiling payapa ang bayan at ang
insidente ay maituturing na isang isolated incident lang.

Kaugnay nito ay nanawagan naman ang pulisya sa mga sibilyan na
manatiling alerto at laging makipagtulungan sa mga otoridad para sa kanilang
kaligtasan. Inatake
ng hinihinalang Abu Sayyaf Group o ASG ang isang Japanese cargo ship sa Sulu
Sea na hindi kalayuan sa Tawi-Taw.

Sa
ulat ng Regional Cooperation Agreement on Combating Piracy and Armed Robbery
against Ships in Asia o ReCAAP, napigilan at natakasan ng bulk carrier Kumiai
Shagang ang naturang atake na naganap kamakalawa.

Agad
na nagpatuloy sa paglalayag ang barko na galing ng Port Hedland sa Australia at
patungong Qingdao sa China.

Ang
Sulu Sea sa southwestern ng bansa ay siyang naghihiwalay sa South China Sea
northwest ng Palawan at Celebes Sea southeast naman ng Sulu Archipelago. PATAY ang
isang security guard matapos na pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang suspek sa
Cotabato city

Kinilala
ang biktima na si Alvin Olubalang, 28 years old, binata, security guard ng
Avenue Grill, at taga Upi, Maguindanao.

Batay
sa imbestigasyon ng City PNP, pasado onse kamakalawa ng gabi nang komprontahin
ni Olubalang ang walong mga lalaking tumangging magbayad ng kanilang inorder at
nagtangka pang tumakas mula sa naturang bar.

Nauwi
sa mainit na bangayan ang kanilang diskusyon hanggang sa bumunot ng baril ang
isa sa mga di pa nakikilalang suspek at pinagbabaril si Olubalang.

Agad
na tumakas ang mga suspek sakay ng isang kulay pulang Kia Avella.

Nagawa
pang isugod ng mga by-stander si Olubalang sa pagamutan ngunit di na ito umabot
ng buhay.

Apat
na tama ng bala ang tinamo ni Olubalang sa iba't ibang bahagi ng katawan na
naging sanhi ng kanyang kamatayan.

Na-recover
naman sa crime scene ang apat na basyo ng bala mula sa caliber 45 pistol na
pinaniniwalaang ginamit ng suspek sa pamamaril. Nanatili ngayon sa mga evacuation area ang nasa 369 na pamilya mula sa tatlong barangay ng Pikit,

North Cotabato.
Ito ang kinumpirma ni Municipal Disaster Risk Reduction Officer Tahira Kalantongan matapos na sumiklab

ang sagupaan sa dalawang pamilya sa bayan partikular sa brgy. Talitay nitong linggo.Ayon kay Kalantongan tatlong barangay ang naapektuhan na kinabibilangan ng brgy. Inug-og, Talitay at

Raja Muda.Natakot kasi na madamay ang mga residente kaya lumikas ang mga ito.

Karamihan sa kanila ay nananatili sa multipurpose building, Madrasah at ang iba ay pansamantalang

nakikituloy sa kanilang mga kaanak.

Matapos ang isinagawang validation ng MDRRM Office agad nagpa abot ng tulong ang Pikit LGU sa mga

bakwit.

Sinabi ni Kalantongan base sa kanilang pakikipag ugnayan sa mga barangay official sa area, maari nang

makabalik ang mga residente sa kanilang mga bahay.

Sa ngayon patuloy nakikipag-ugnayan ang loal na pamahalaan ng Pikit sa mga MILF Kumanders para matapos

na ang kanilang girian.Una nang nagkaroon ng peace dialogue ang dalawang angkan na sina Kumander Butuh Mantol at Kumander

Ricky Husain para resolbahin ang kaso.Samantala, kinumpirma naman Major Calvin Macatangay ng 602nd Brigade na isa ang nasawi at tatlo ang

nasugatan sa naturang bakbakan ng dalawang angkan.

Kinilala nito ang nasawi sa panig ni Kumander Mantol na si Kandaw Sakak habang sugatan si Abubakar

Pablo.
Dalawa naman ang sugatan sa panig ni Kumander Husain na sina Musa Ali Dima at Alias Midaw.

Patuloy pa ngayon ang pag-uusap ng LGU sa mga lider ng grupo upang mapahupa ang girian sa lugar. Nagpahayag ngayon ng sama ng loob si brgy. Old Bulatukan Chair Basilio Guinang matapos marinig ang

ilang mga reklamo kaugnay sa suply ng tubig sa loob ng Camp Aurora sa isinagawang limang araw ng Girl

Scout Of the Philippines.Ayon kay Guinang napaintindi raw niya ng maayos sa mga guro ang sistema ng patubig sa kanilang

barangay bago pa ang naturang camping.

Inamin nitong kakulangan sa gamit rin ang dahilan kaya hindi nila naibigay ang sapat na suply ng

tubig.

Ayon kay Guinang tatlong mga Sitio sa kanyang barangay ang kanyang isinakripisyo para lamang magamit

ng mga campers.Pero sa kabila nito, inulan pa rin sila ng puna at batikos.

Mariin ring itinanggi ni Guinang na walang modus na nangyayari sa lugar na umano sinisira raw ng mga

residente ng tubo ng tubig para makapagbenta sila.

Wala raw ganitong nangyari, giit pa ng opisyal.Para kay Guinang, sana ay napaintindi rin ng mga magulang ng mga campers na scouting ang pinunta ng

kanilang mga anak at maging handa sa mga ganitong sitwasyon.Samantala, tiniyak naman ni Guinang na hindi ito mararanasan ng mga Boy Scout na magsisimula na rin sa

Nov. 24.

Magkaiba kasi ang source sa linya ng tubig para sa mga kampo ng Boy Scout.

Pagtitiyak din GUinang ang seguridad ng mga bata dahil na rin sa presensya ng kanyang mga BPAT members

kasama na rin ang PNP at militar. Hangad ngayon ng Kidapawan City Government na makatulong rin sa ibang mga bayan sa North Cotabato lalo

na sa pagsugpo ng iligal na droga.
Kaugnay nito, plano ngayon ng City LGU na maibahagi sa ibang mga bayan ang programang Balik Pangarap

para sa mga recovering addicts.

Nakita kasi ng Provincial Government ang inisyatiba at hakbang ng City LGU at seryusong implementasyon

ng programa na makatulong sa mga lulong sa droga na maibalik sa tamang landas kaya naman nais nila

itong ipakilala sa ibang mga bayan.

Ito ay sa pamamagitan naman sa gagawing 1st Cotabato Provincial Anti-illegal Drug Summit sa susunod

na araw dito sa lungsod kung saan nakatakdang ibibida ni City Mayor Joseph Evangelista ang naturang

programa.

Dito ipipresenta ng alkalde ang mechanics ng Balik Pangarap Program kung saan sasaksihan naman ng mga

inimbitahang bisita kagaya ng mga Local chief executives at council members Department of the

Interior and Local Government, Philippine National Police (PNP), Department of Health,at ang

Department of Social Welfare and Development.
Nabatid na higit tatlong daan ngayon na mga recovering addict sa Kidapawan ang patuloy na minomonitor

ng Balik Pangarap Coordinators. Matapos matanggap ang parangal mula sa Catholic Mass Media Awards o CMMA nitong Oktubre lamang, isa na

namang parangal ang iniuwi ng Program Director ng NDBC- DXND Kidapawan na si Malou Cadeliña Manar.

Kagabi, itinanghal si Manar na Best Reporter of the Year for Radio ng Globe Media Excellence Award o

GMEA sa Davao City.Nabatid na ang CMMA at GMEA ay kapwa mga prestihiyosong award-giving body sa buong bansa.

Ang episode ng Bida Specials na may pamagat na, Ketong , ang naging entry ni Manar na naging dahilan

ng kanyang pagkapanalo.Ngayong taon ibinase ang pagkapanalo ng mga reporters at writers sa iba’t ibang kategorya kagaya ng

care for the environment, innate care for the people, positive societal impact, at digital nation.

Ito na ang ikalawang pagkakataon na nanalo ng parangal mula sa CMMA ang Bida Specials at naging

nominee din sa GMEA noong nakaraang taon na sinulat at ginawa ni Manar.

Ang Bida Specials na nagsimulang umere noong August 2012 ay nagkamit na rin ng higit 13 awards.

Ilan rito ay mula sa KBP Golden Dove Awards, Bright Leaf Awards, at ICRC Awards Handa na ang sampung mga kababaihan na sumailalim sa libreng operasyon ng Mlang LGU na may

gynecological Problem o problema sa matres sa susunod na Lunes.

Ang nasabing aktibidad ay bahagi ng BALIK TAN'AW SA BANWA KO na unang sinimulan noong 2014 ni dating

Vice Mayor at ngayong Mlang Mayor Russel Abonado.Una nang isinagawa ng Municipal Rural health Unit ang screening sa health center ng bayan nitong

nakaraang linggo.

Mismong mga doctor naman na galing sa bayan ang magsasagawa ng naturang operasyon.Ayon kay Mlang Rural Health Officer Dr. Glecerio Jun Sotea, inaasahan nila ngayong lunes na dadagsa

ang gustong maka-avail ng libreng medikal at dental outreach program.

Magdaragdag din umano sila ng mga surgeon mula sa Maharlika Foundation sa Davao city upang mabigyan ng

serbisyo ang lahat ng mga dadalo.

Panawagan ngayon ni Sotea na agahan ang Pagpunta sa Municipal Gymnasium kong saan gagawin ang nasabing

aktibidad. Hawak na ngayon ng pulisiya ang mister na suspek sa pagpatay sa sariling misis sa Banga, South Cotabato.
Ayon kay PO3 Roldan Apostol, ang 24 anyos na si Rolly Grino, ay bolontaryong tumungo sa Banga PNP kasama ang kanyang mga magulang.Ipinahayag ni Apostol na uminit umano ang ulo ni Grino nang madatnan sa kanilang bahay na hindi nakapagsaing ang misis ni si Dharen Jane Grino.
Ayon sa police official dahil sa pagtatalak nito nagawang hampasin sa ulo ng suspek ng makailang beses ang misis.Ito ay taliwas naman sa pahayag ng ina ng biktimang si Darren Jane na si Doris Ombid na nahampas ng mister ang kanyang anak nang pigilan niya itong saktan ang kanilang isang taong gulang na anak.Ang suspek na mister ay minsan na ring nakulong sa Banga PNP dahil din sa pananakit sa sariling misis.
Nabatid na matapos gawin ang krimen ang suspek ay nagtago sa sapa di kalayuan sa kanilang bahay.
Doon na ito nadatnan ng dilim bago tumungo sa bahay ng kanyang mga magulang.Ayon kay Apostol kinumbinse ng kanyang mga magulang ang suspek na sumuko para na rin sa kanyang kaligtasan. Pinagkakabalahan ngayon ng provincial government ng Sarangani ang paghahanda sa kanilang nalalapit na Munato Festival.Ang selebrasyon ay magaganap mula November 24 hanggang 26.
Ayon kay Sarangani Provincial Tourism Council President Michelle Solon, sisimulan ang pagdiriwang sa pamamagitan ng pagbubukas ng Sarangani Political History Showcase at Sarangani Wildlife Museum.
Bubuksan din sa November 25 ang Munato Cultural Village, kung saan ipapakita ang kultura ng mga T’boli, Blaan, Tagakaolo at Moro sa lalawigan.Ayon kay Solon, tiyak na inaabangan na rin ng publiko ang Street Dancing Showcase, Folk,Ethnic Dance Competition, at ang pagtatanghal ng mga performer mula Indonesia.
Ipinagdiriwang ang 14 Munato Festival kasabay ng 24th Foundation Anniversary ng lalawigan ng Sarangani. Sumisigaw pa rin ng hustisya para sa kanilang mga mahal sa buhay ang mga naulila ng mga biktima sa Maguindanao Massacre.Ito ay ayon kay Ivy Maravilla, maybahay ng broadcaster na si Bart Maravilla na isa rin sa mga biktima ng karumal dumal na krimen.
Ayon kay Maravilla, matapos ang pitong taon, tila malabo pa rin na makamtam nila ang hustisya.Tanging pampalubag loob lamang nito ay nang makapagtapos ng kolehiyo ang panganay na anak dahil sa scholarship na ibinigay ng iba’t ibang grupo sa anak ng mga biktima.Gayunpaman ayon sa naulilang maybahay hangad pa rin nitong makamtan ang hustisya sa napaslang na mister at iba pang mga biktima.
Sinabi ni Maravilla na sana ay matulungan sila ni Pangulong Rodrigo Duterte na makamtan ang pinakaasam na hustisya para sa mga mahal sa buhay na napaslang.Ang Maguindanao Massacre na naganap noong November 23, 2009 sa Sitio Masalay, Barangay Salman Amptuan Maguindanao, ay ikinasawi
ng 58 katao kabilang ang mahigit 20 mamamahayag.
Natanggap na ng halos 90 porsyento ng mga empleyado ng Provincial Government ng South Cotabato ang kanilang 14th month pay na katumbas ng kanilang isang buwang sahod.Bukod dito nabigyan din ang mga ito ng P5,000 cash gift ngayong Nobyembre.
Ito ay ayon kay Provincial Treasurer Alvin Batol.
Paliwanag ni Batol, hindi kaagad naibigay ang binipisyo ng ibang kawani ng provincial government dahil hindi pa na-proseso ang kanilang payroll.Ayon kay Batol, posibleng may matatanggap pa na dagdag na bonus ang mga kawani ng provincial government sa Disyembre.
Ito ayon kay Batol ay maaring kunin sa savings ng ibat ibang Departamento.Nilinaw ni Batol na ang 14th month pay at bonus na unang ini-release ay para lamang sa mga permanent at casual employees .Ayon kay Batol posibleng mabibigyan lamang ng bonus ang mga job order employees sakali mang matuloy ang pagrelease ng dagdag na benipisyo sa susunod na buwan.

Another bloody Basilan clan war settled amicably

COTABATO CITY - Army officials and local executives in Basilan on Tuesday settled amicably another deadly clan war in the province, ending hostility...

P1.1-M worth shabu seized in Pagadian City

COTABATO CITY - Non-uniformed policemen seized P1.1 million worth of shabu from a 19-year-old dealer entrapped in a residential area in Pagadian City...

Ex-councilor killed after claiming housing unit for MILF in BARMM

Ex-councilor killed after claiming housing unit for MILF in BARMM By Drema Quitayen Bravo COTABATO CITY (May 22) - A former council member in...

OMI first profession of religious vows and acceptance to the OMI Novitiate

COTABATO CITY - LIMANG MGA OBLATE NOVICES ng nagsagawa ng kanilang first profession of vows sa Oblates of Mary Immaculate kahapon. Ito ay sina...