Saturday May, 18 2024 06:05:18 PM

NDBC BIDA BALITA (11.24.16)

 • 17:37 PM Thu Nov 24, 2016
814
By: 
NDBC

NEWSCAST

NOVEMBER 24,
2016 (THU)
7and00 AM

HEADLINESand

1. IKA PITONG ANIBERSARYO ng
Maguindanao massacre, ginunita kahapon.

2. Preso sa North Cotabato District
Jail, patay dahil sa atake sa puso

3. Talitay, Maguindanao, may bago nang mayor
HINIKAYAT Atty. Nena Santos, isa sa mga
abogado ng mga biktima ng Ampatuan massacre, ang mga naulilang pamilya ng 58
mga biktima na personal na sumulat kay P. Duterte para manawagan at humingi ng
tulong.

Sinabi ni Santos na malaki ang
maibibigay na tulong ng pangulo para mas mapabilis ang paglilitis ng kasong
isinampa laban sa mga suspek sa masaker.

Inihayag ito ni Santos nang dumalo ito
sa 7th Anniversary Commemoration ng Ampatuan Massacre kasama ang
pamilya ng mga nasawing biktima, na ginanap sa mismong massacre site sa
Barangay Salman, Ampatuan, Maguindanao.

Binigyang-diin naman ni Santos na ginagawa
nila ang lahat para mabigyan ng hustisya ang mga biktima na pitong taon ng
naghihintay at umaasa.

Ayon kay Santos, sa ngayon ay tapos ng
magpresenta ng mga testigo at mga ebidensya at nasa kamay na ng hukuman ang
desisyon sa kaso.

Nabatid na hanggang ngayon ay wala pa
ring nahahatulan sa mga akusado.

May kabuuang 197 akusado sa naturang
kaso, at 106 sa bilang na ito ay nililitis pa rin sa Regional Trial Court ng Quezon
City, Branch 221.

Kahapon, iba’t ibang aktibidad ang
inihanda ng iba’t ibang media organization para gunitain ang malagim na
insidente.

Pinangunahan naman ng Maguindanao Gov.
Toto Mangudadatu kasama ang Justice Now Movement, ang pag-alay ng dasal, flower
offering at candle-lighting kahapon sa massacre site na ngayon ay ginawa ng
isang shrine.

Samantala, sa panig naman ng
pamahalaan, nakikiisa ang Malacañang sa galit ng taumbayan sa bagal ng pag-usad
ng kaso kaugnay ng Ampatuan massacre.

Sinabi ni Presidential Communications
Sec. Martin Andanar na para maiwasang maulit ang trahedyang sinapit ng mga
mamamahayag, nilagdaan ni Pangulong Duterte ang Executive Order No. 2 para sa
freedom of information ng mga mamamayan kung saan inoobliga ang full
disclosure at transparency sa public service.

Nakatakdang ilabas ang online version
ng FOI executive order sa November 25.

Ayon pa kay Andanar, inilabas din ng
Duterte administration ang Administrative Order na lumilikha ng Presidential
Task Force on Media Security.

Iginiit ni Andanar na sa pangangalaga
sa seguridad ng mga mamamahayag at pagtigil sa walang habas na pagpatay sa mga
miyembro ng media, kailangan ang seryosong aksyon at kooperasyon ng lahat. DINAKIP ng
mga Barangay Tanod ang isang binatilyo sa Cotabato city matapos mahuli ito sa
aktong humihithit ng Marijuana.

Kinilala ang
naarestong indibidwal na si Den2x Balelia Lumabao, 19 years old, walang trabaho
at taga - Purok 2 Mabini Street Bagua 3, Cotabato City.

Sa inisyal na
imbestigasyon ng City PNP, pasado alas dos ng madaling araw kahapon nang
mamamataan ng mga nagrorondang nga tanod sa barangay si Lumabao sa Mabini
Street.

Nang sitahin
ay napansin nilang may hinihithit si Lamabao.

Nang
makumpirmang marijuana ang hinihithit nito ay agad siyang hinuli at dinala sa Police
Station 1.

Nahaharap
ngayon si Lumabao sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o mas kilala bilang
Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

UMUPO
na bilang alkalde ng Talitay, Maguindanao si

Kamid
Buisan ang first councilor ng bayan habang bise alkalde naman si Noraisa Mato,
ang pangalawang may pinakamaraming boto noong nakaraang eleksyon.

Si
Buisan ang humalili kay dating Talitay mayor Muntassir Sabal na ngayon ay
patuloy na pinaghahanap ng mga otoridad matapos masangkot umano sa illegal drug
trade.

Pinalitan
naman ni Mato si vice mayor Abdulwahab Sabal na ngayon ay nakaditine pa rin
dahil sa kahalintulad na kaso.

Kinumpirma
ito ni Department of the Interior and Local Government o DILG ARMM Sec. Atty.
Kirby Abdullah sa panayam sa DXMS AM Radyo Bida ngayong umaga.

Pero
nilinaw ng kalihim na ang mga naturang opisyal ay uupo bilang caretaker o
acting mayor and vice mayor ng bayan.

Una
rito, nabatid na nagdadalawang isip noon sina Buisan at Mato na umupo bilang
alkalde at bise alkalde dahil sa takot na baka sila balikan ng magkapatid na
Sabal.

Iginiit
din ng dalawa na tatanggapin lang nila ang naturang mga posisyon kung may
pormal na kautusan mula sa DILG.

Sina Buisan
at Mato ang nararapat na umupo sa nabakanteng mayoral at vice mayoral posts sa
ilalim ng rule of succession ng Local Government Code. NATULDUKAN
NA ang limang dekadang rido o family feud sa pagitan ng dalawang magkalabang
pamilya mula sa mga mga bayan Barira at Buldon, sa Maguindanao.

Sa
pangunguna ni Buldon Mayor Abolais Manalao, Barira Mayor Abdulradzak Tomawis at
Army’s 37th Infantry Battalion Commander Lt. Col. Florencio Politud Jr.,
nagkasundo ang pamilyang Ragundo at Tomiara na matagal ng mayroong hindi
pagkakaunawaan.

Sa
pinakahuling bakbakan ng dalawa, nagresulta sa pagkamatay ng dalawa katao at
pagkasugat ng tatlong iba pa.

Maliban
sa panunumpa sa Holy Qura’n,
napag-usapan din ang blood money
na nagkakahalaga ng 120 thousand pesos kada tao na nakatakdang ibigay bilang
tulong sa magkabilang panig.

Samantala,
nagpaabot naman ng pasasalamat ang mga miembro ng mga nabanggit na pamilya sa
ginawang hakbang at mga pagsisikap nina Manalao at Tomawis.

Binigyang
diin ng mga ito na dahil sa naturang mga lider ay natapos na rin ang away ng
dalawang pamilya na nagsimula noon pang dekada siyienta. Kinumpirma
ng pamunuan ng Philippine Army na grupo ng Bangsamoro?Islamic Freedom
Fighters o BIFF ang?
?may kagagawan sa naganap na pagsabog kamakalawa ng
gabi sa Shariff Aguak, Maguindanao.

Ayon
kay Army’s 601st Brigade Commander Col. Lito Sobejana, isang improvised explosive
device o IED na gawa sa mga concrete nail, 9-volt battery, pulbura at cellphone
bilang triggering mechanism ang sumabog matapos itanim sa gilid ng national
highway sa Brgy. Satan, Shariff Aguak, Maguindanao.

Bagama’t
nagdulot ng malaking tensyon, wala namang nasugatan sa pagsabog pero nasabugan
ang patrol car ng Datu Odin Sinsuat PNP, na nagkataong dumaan galing sa lumang
provincial capitol.

Ayon?kay?Sobejana, posibleng
pananakot lamang ang motibo sa pagsabog kasabay ng aktibidad kaugnay ng ika-pitong
taong anibersaryo ng
Ampatuan masaker sa Sitio Masalay, Brgy. Salman, Ampatuan, Maguindanao kahapon.

Sa
ngayon, lalo pang hinigpitan ng pulisya ang pagmo-monitor sa lugar para
masiguro ang seguridad ng mga residente sa doon.

Nilinaw
naman ni Sobejana na isolated lamang ang naturang kaso kaya walang dapat
ikabahala ang publiko dahil kontrolado pa rin ng mga sundalo at mga pulis at
seguridad sa lugar. Kritikal ngayon ang kondisyon ng isang lalaki nang pagbabarilin ng di pa kilalang suspek sa loob ng Mega Market, Kidapawan City alas sais kagabi.

Kinilala ang biktima na si Kevin Tuazon na taga-Alim Street ng lungsod. Tatlong tama ng bala ang tumama sa biktima.

Maliban kay Tuazon isang tambay rin sa lugar ang nadamay sa naturang pamamaril na kinilalang si Alias Eric.

Base sa report malaki ang posibilidad na may kaugnayan ang nabanggit na pamamaril sa tatlong kaso ng insidente na naganap sa Kidapawan City Sports Complex ngayong buwan lamang.Una rito ay ang nangyaring pananaksak sa isang Marine Soldier na si Gilber Gonzales at dalawa pa nitong mga kasamahan.

Ilang araw ang lumipas ay naganap ang pamamaril sa maglive in partner na nagmamay-ari ng Mystic Babes Bar sa KCSC na ikinamatay ni Arnel Tramado.Kinabukasan nito ay ang pamamaril naman sa isang menor de edad sa Talipapa area sa brgy. Poblacion ng lungsod.

Posible raw na ang pagkamatay ni Tramado, pamamaril sa menor de edad at pamamaril din kay Kevin Tuazon kagabi ay may kaugnayan sa pagkamatay ng Marine Soldier na umano kasama sa nambugbog at nanaksak sa grupo ni Gonzales bagay naman na patuloy na iniimbestigahan ng PNP.Ayon sa report sampu pa katao ang posibleng sangkot sa pagkamatay ni Gonzales na target ngayon sa summary execution.
Timbayayong Otreach Program

Pitong mga barangay ngayon ang napili ng Cotabato Police Provincial Office para maging benepisyaryo ng kanilang programa.

Ito ay ang One Time Big Time Timbayayong Otreach na bahagi ng kanilang isinusulong na programa na ang layunin ay palakasin pa ang kanilang relasyon at ugnayan sa mga mamamayan.Sa nabanggit na programa magsasagawa ng gift giving ang PNP sa mga napiling barangay sa Kidapawan City na kinabibilangan ng brgy. San Isidro, brgy. Sto Nino, Sikitan, Gayola, Katipunan, Linangkob at brgy. San Roqyue.

Maliban dito meron ding isasagawang campaign on anti-criminality, free legal aid, medical at surgical screening at health Consultation, career at educational guidance.Kaugnay nito, may ipinakalat na TIMBAYAYONG Box ang pamunuan ng CPPO sa mga establisyemento sa lungsod na maaaring lagyan ng anumang gamit na pwedeng iregalo sa mga benipisyaryo ng nabnggit na programa.Sa pamamagitan rin ng programa mabilis na matutukoy ng PNP ang iba pang kinakailangan ng mga residente sa lugar at pagsisikapan nitong matugunan sa abot nilang makakaya.
Naiturn-over na sa pamilya ang bangkay ng isang preso ng North Cotabato District Jail sa Amas, Kidapawan City matapos itong masawi dahil sa atake sa puso.

Kinilala ang naturang inmate na si Romeo Cuibal (read as Shobal) residente ng Barangay Malinao, Banisilan, North Cotabato.Ang nabanggit na pangyayari ay kinumpirma naman District Jail Warden Supt. Peter Bungat.

Ayon pa sa opisyal, dahil sa paninikip ng dibdib ng inmate agad itong inilabas sa kanyang selda at dinala sa Provincial Hospital para sa karampatang lunas.Ngunit habang ibinabyahe binawian na ng buhay ang preso.

Si Cuibal ay nahaharap sa kasong carnapping na higit isang taon nang nakakulong sa BJMP.

Ang insidente ay patuloy ngayon iniimbestigahan kung may foul play sa pagkamatay ng naturang preso. Dalawang mga bayan na sa North Cotabato ang unang nakapaglunsad ng Mamamayang Ayaw Sa Anomalya, Mamamayang Ayaw sa Ilegal na Droga o (MASA-MASID) program ng Department of the Interior and Local Government o DILG.

Ito ay ang bayan ng Libungan at bayan ng Mlang.Sa region 12, nainlunsad ang nabanggit na programa noong November 3, 2016.

Sinabi ni DILG North Cotabato Provincial Director Ali Abdullah nais ng programa na himukin ang mga kumunidad na maging aktibo sa pagsugpo ng katiwalian, droga at kriminalidad.Ayon kay Abdullah, layunin nito na maging bahagi ang publiko sa pagresolba ng droga at kurapsyon sa kanilang mga lugar.

Dahil sa programang ito, inaasahan na magkakasundo ang lahat ng miyembro ng pamayanan na labanan ang bawal na gamot.
Target ng DILG na bago matapos ang Disyembre ng taong ito, ay mapapakilala ang MASA MASID sa lahat ng sektor nang sa ganun ay makakatulong silang magbigay ng impormasyon sa mga otoridad sa usapin ng droga at kurapsyon.Ayon kay Abdulah nahati sa tatlong stratehiya ang nabanggit na programa kung saan ang una rito ay ang ginagawa sa kasalukuyan na pagpapakilala ng MASA MASID sa mga komunidad pati na ang adbokasiya ng programa.Pangalawa ang reporting at information gathering mula sa mga mamamyan na posibleng mangyayari sa susunod na taon at pangatlo ang community based-rehabilitation program.

Ang MASA MASID o People's Watch ay isang community-based program na naglalayong pigilan ang katiwalian, bawal na droga at kriminalidad.School Director sa isang pribadong eskwelahan sa bayan ng Matalam, inireklamo ng panununtok ng estudyante

Pursigido ang ina ng isang estudyante na magsampa ng reklamo laban sa School Director sa isang pribadong paaralan sa Matalam, North Cotabato matapos na sinuntok nito ang kanyang anak.
Ayon sa ina ng biktima, dapat lang daw na maturuan ng leksyon ang naturang School Director na kinilalang si Marvin Prado na siya namang may-ari ng paaralan kung saan nag-aaral ang dose anyos na estudyante.

Di raw nito matanggap ang ginawa ni Prado sa anak. Kwento din ng bata sa Radyo Bida, napagbintangan lamang siya nang masagi ang mga nakapatong na upuan sa loob ng classroom.
Dahil dito, nilapitan daw sila ni Prado at doon na siya sinutok sa tiyan na nagresulta naman sa kanyang pagsusuka at pagkahilo. Samantala, ang nabanggit na pahayag ng bata ay itinanggi naman ng school director.
Ayon kay Prado, ilang beses na raw nitong ginawa ng bata na inihahagis ang mga upuan.

Di rin daw nito sinuntok ang bata kundi tinapik lamang bilang pagdisiplina.
Di naman nagresulta ng pagkakaunawaan ang pag-uusap ng ina at ni Prado dahil agad namang umalis ang ina ng bata at nagpahayag na ililipat sa ibang paaralan ang anak.

NDBC BIDA BALITA

Police rearrest 1 of 5 detainees who bolted Parang police lock-up cell

PARANG, Maguindanao del Norte  – Police authorities here have arrested one of the five fugitives who bolted the municipal police station...

Sulu Gov. Sakur Tan to seek BARMM office of chief minister

INANUNSYO ng Bangsamoro Grand Coalition o BGC ang kanilang pag-endorso kay Sulu Governor Abdusakur Tan na tumakbo bilang BARMM Chief Minister sa May...

5 preso nakatakas sa Parang detention facility, tulong ng publiko hiniling ng PNP

Nanawagan ang mga otoridad sa Parang, Maguindano del Norte na makipagtulungan sa kanila kung sakaling may mga nakakita sa mga lalaking nasa larawan...

NGCP scheduled power interruption for May 19 cancelled

What: CANCELLED NOTICE OF National Grid Corporation of the Philippines POWER INTERRUPTION When: Sunday, May 19, 2024 | 7:00 - 8:00 AM | 5:00...

Cotabato Light: Increased generation costs lead to a rise in the overall electricity rate

COTABATO CITY - The overall residential rate of Cotabato Light & Power Company (Cotabato Light) increased by P1.90 per kilowatt hour (kWh)...