Tuesday May, 07 2024 12:24:08 AM

NDBC BIDA BALITA (1.14.17)

 • 16:05 PM Sat Jan 14, 2017
798
By: 
NDBC NCA

NEWSCAST

JANUARY 14, 2017 (SAT)
7and00 AM

HEADLINESand

1. Cotabato village chairperson at anak ni Rep. Sema at dating Mayor Sema, naaresto sa Malaysia, sangkot daw sa Davao market bombing2. Kidapawan City Jail Warden, nadismaya
sa on-going construction ng bagong Jail Facility sa lungsod

3. AKALDE ng Lake Sebu, South Cotabato,
nagpaliwang sa pagkaantala ng sahod ng mga kawani ng LGU

4. Day of prayer, ilulunsad sa South CotabatoDINAKIP at nasa kustodiya umano ngayon
ng Malaysian authorities ang anak ni Moro National Liberation Front o MNLF
chairman Mus Sema at Maguindanao 1st District Rep. Bai Sandra Sema.

Sa ulat ng online news soruce na Vera
Files, mahigit dalawang buwan ng hawak ng Malaysian authorities si Datu
Mohammad Abduljabbar Sema, 26 years old, at kasalukuyang chairperson ng
barangay Rosary Heights 7 ng lungsod.

Ayon sa report, si Sema ay naaresto
noon pang November 24, 2016 sa Kuala Lumpur International Airport nang dumating
ito doon mula sa Bangkok, Thailand lulan ng Air Asia flight AK 891.

Nabatid na nagpadala na ng kinatawan
ang gobyerno ng Pilipinas sa Malaysia para hingin ang kustodiya

ni Sema.

Si Sema ay inaresto dahil umano sa
pagkakasangkot nito sa Davao city bombing noong September 2, 2016 na nag iwan
ng 14 katao patay at mahigit 70 sugatan.

Sinasabing sinisikap ngayon ni
Congresswoman Sema na tulungan ang anak sa pamamagitan ng paghingi ng saklolo
kay P. Duterte.

Lumapit na rin umano si MNLF chairman
Sema kay Presidential Adviser on the Peace Process Jesus Dureza para humingi ng
tulong kaugnay ng kasong kinakaharap ng kanyang anak.

Samantala, kinumpirma naman ni Defense
Sec. Delfin Lorenzana na patuloy ang kanilang pagsisikap na maiuwi si Sema sa
Pilipinas at makuha ang custody nito mula sa Maaysian government.

Nilinaw naman ni Lorenzana na bagaman
at posibleng magkakaroon ng implikasyon ang pagkakadakip kay Sema dahil mauupo
na bilang miembro ng Bangsamoro Transition Commission o BTC ang ama nito,
sinabi nito na kailangan pa rin itong madakip upang harapin ang mga kasong
kriminal na isinampa laban sa kanya.

Sa nagpapatuloy na imbestigasyon ng mga
otoridad nasa 12 katao ang sangkot sa pambobomba sa Davao night market. Maliban
kay Sema, pito pang mga suspek ang nasa custody na ngayon ng PNP.

Tatlong suspects ang naaresto noong Oct.
4 habang apat naman ang nadakip sa follow up operation noong Oct. 29 sa
sinasabing hideout ng mga ito sa Southern Philippine Development Authority
Compound sa Cotabato City.

Ang mga ito nadakip ay sinasabing
miembro ng Maute Group.

Samantala, hanggang ngayon ay hindi pa
rin nagbibigay ng konkretong detalye ang mga otoridad hinggil sa naging papel
ni Sema sa Davao City bombing.

Sinubukan naman ng NDBC na kunin ang
panig ng mga Sema hinggil sa ulat na ito subalit nabigo ang himpilan. INAALAM PA RIN ngayon ng
mga otoridad ang pagkakakilanlan ng isang bangkay ng lalaki na natagpuang palutang-lutang
sa ilog na bahagi ng Bucana, partikular malapit sa ginagawang tulay sa Mother barangay
Kalanganan, Cotabato City.

Ayon kay Police Station 4
commander Police Insp. John Patrick Calinga, ang bangkay ay natagpuan ng mga
mangingisda sa lugar.

Sabi pa ni Calinga, nasa
state of decomposition na ang bangkay na tinatayang my taas na 5'6, nakasuot ng
kulay itim na short at puting t-shirt.

Sa ngayon nasa Villa
Funeral Homes na ang labi ng biktima.

Kaya nananawagan si
Calinga sa mga nawawalan ng kamag-anak na magtungo sa naturang punirarya para
matingnan ang narecover na bangkay. Babae,
pinakabagong biktima ng pamamaril patay sa Parang, Maguindanao

Patay ang
isang ginang matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang suspek pasado alas
dose ng tanghali kahapon sa Pob 1, Parang, Maguindanao.

Kinilala ni
Parang COP PSI Erwin Tabora ang biktima ang na si Virginita Garcia Bulquiren,
41 anyos, walang asawa at residente rin ng nasabing lugar.

Ayon kay
Tabora, nakatayo lamang ang biktima sa harapan ng restaurant ng kanyang
kaibigan nang pagbabarilin ng suspek na lula ng motorsiklo ang biktima.

Agad namang
humarurot sa hindi malamang direksyon ang suspek na sa ngayon ay patuloy paring
inaalam ng mga pulis ang pagkakakilanlan nito at kung ano kanyang motibo sa
pamamaril sa biktima. NASAGIP NA ng
kanyang agency at dinala sa Al-Khobar ang

Overseas
Filipino worker o OFW na humingi ng tulong sa media sa General Santos City matapos
na mabiktima ng gang rape sa Dammam, Saudi Arabia.

Sinabi ni alyas
Jane, taga-Alimodian, Matalam, North Cotabato, alas-tres ng hapon, nang
ma-rescue siya ng mga otoridad sa Saudi.

Pero emosyunal
itong nanawagan kay Pangulong Rodrigo Duterte na tulungan siyang makauwi sa
Pilipinas dahil gusto nitong ipa-checkup ang maraming karamdaman at pabalik-balik
na lagnat.

Natatakot din
aniya siyang balikan ng mga kumuha at lumapastangan sa kanyang pagkatao.

Sa ngayon ay
kanya na ring na-kontak ang mga kapatid sa Riyadh para pawiin ang pangamba
nito.

Una nang
napaulat na dinukot si Jane ng tatlong mga lalaki at dinala sa isang bodega sa
Dammam at pinagpasa-pasahang gahasain at ninakawan pa ng cellphone at pera. Ngayon pa
lang ay nagpaalala na ang Department of Labor and Employment o DOLE sa lahat ng
pribadong kumpanya na tiyakin na susunod sa itinatakdang batas sa pagbabayad ng
kaukulang sahod sa pagdiriwang ng Chinese New Year.

Ayon kay
Labor and Employment Secretary Silvestre Bello III, idineklara ng Malacañang ang January
28 na special non-working holiday sa ilalim ng Proclamation No. 50, Series of
2016.

Ibig sabihin,
walang pasok sa lahat ng mga tanggapan at mga paaralan sa buong bansa.

Bilang
special non-working holiday, may dagdag na 30% ang bayad sa mga
magsisipagtrabahong empleyado. Nilinaw ni South Cotabato League of the Municipalities President at Tupi Mayor Reynaldo Tamayo Jr, na naging maganda ang pakikitungo sa kanila ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Taliwas sa kanilang inaahasan at napapabalita, inihayag ni Tamayo na isang mahinahon na Duterte ang humarap sa mga local chief executives ng Mindanao.
Ayon kay Tamayo hiniling ng pangulo sa mga alakde na tumulong sa kampanya kontra iligal na droga ng kanyang administrasyon.
Sinabi ni Tamayo na hindi rin ipinakita sa kanila ni Duterte ang umanoy hawak nitong listahan ng mga politikong sangkot sa iligal na droga.
Ipinahayag naman ni Lake SEbu, Mayor Antonio Fungan na tumutulong sa anti illegal drug campaign ng pangulo ang Lake Sebu LGU.
Sa katunayan ayon kay Fungan 11 sa 19 na barangay sa Lake Sebu ay idineklarang drug free ng pulisiya.
Iginiit naman ni T’boli Mayor Dibu Tuan na 2013 pa lamang ay sinimulan na ng lokal na pamahalaan ang pinaigting na kampanya nito kontra iligal na droga.

Aminado si South Cotabato Governor Daisy Avance Fuentes na isang disperadong hakbang na para sa lokal na pamahalaan ang gagawing prayer day sa lalawigan.
Ayon kay Fuentes nagpalabas na ito ng executive order para ideklara ang prayer day ang ikatlong byernes ng Enero sa South Cotabato.
Sinabi din ng gobernador na hihilingin din niya ang suporta sa dito ng Sangguniang Panlalawigan sa pamamagitan ng ordinansa.
Ito ang sinabi ni Fuentes sa sunod sunod na kalamidad na nanalasa sa South Cotabato tulad ng El Nino at La Nina Phenomenon.
Malaking dagok din sa probinsiya ayon kay Fuentes ang problema sa panunog ng bus at heavy equipment,illegal gambling, illegal drugs,at iba pang krimen.
Ayon kay Fuentes, bagamat sinisikap ng pamahalaan na maresolba ang nga problema, pinakamainam pa ring gawin ang paghiling ng mga mamamayan ng tulong sa panginoon.
Sisimulan ang prayer day sa January 27 alas kwatro ng hapon sa South Cotabato Sports Complex.
Ang pangamuyo 2017: A prayer gathering for peace and unity ay inaasahang lalahukan ng Simbahang katoliko, Evangelical groups, Muslim at Indigenous Peoples Religious Groups.
Layon din nito na hilingin ang tulong ng panginoon upang proteksyonan ang mga provincial officials,l businessmen at mga mamamayan ng lalawigan.
Pinagpaplanuhan pa ngayon ng mga opisyal ng DTI ang sistema na gagamitin para sa kanilang Pondo Para sa Pagbabago at Pagasenso program.
Gayunpaman, tiniyak ni DTI South Cotabato Provincial Director Flora Gabunales na kapag naayos na ang guidelines sa pagpapatupad ng naturang financing program, agad nila itong isasapubliko..Ito ayon kay Gabunales ay inaasahang matatapos sa susunod na lingo.
Ayon kay Gabunales,sa ngayon ay nagpupulong pa sa Tagaytay City sa Batangas ang mga opisyal ng DTI
Ang Pondo Para sa Pagbabago at Pagasenso ang ipampalit ng DTI sa mga nagpapautang sa mga Indian National na mas kilala sa tawag na Bombay na nagpapautang ng 5 6
Sa ilalim ng programa agad na makakautang ang mga maliliit na negosyante .Ayon sa DTI dahil sa dami ng mga requirements na hinihiling ng Bangko at mga financial institutions, kadalasan ay umuutang na lamang ng pangnegosyo ang mga maliliit na negosyante sa mga Bombay.
Naantala ang sahod ng mga kawani ng lokal na pamahalaan ng Lake Sebu, South Cotabato dahil sa pagkaantala rin ng kanilang internal revenue allotment o IRA.
Ito ang paliwanag ni Lake Sebu Mayor Antonio Fungan, matapos bigong makatanggap ng sahod ang mga kawani ng LGU simula pa noong Disyembre.
Sinabi ni Fungan na kinapos sa pangsweldo ang Lake Sebu LGU dahil sa dami ng mga job order employees na kanilang kinuha noong nakaraang taon.
Aminado naman ang alkalde na ito ay isang pagkakamali.
Gayunpaman tiniyak ni Fungan na matatanggap na ng mga kawani ang kanilang sahod ngayong Enero.
Sinabi din nito na kinapos din ng koleksyon ang LGU kaya hindi naibigay ang sahod ng mga kawani nito kahit na ito ay ay nakaprograma na.
Kailangan ng Lake Sebu LGU na tapyasan ng sampung milyon ang kanilang IRA sa 2017 para pansahod sa kanilang mga kawani.
Plano ng Provincial Veterinary Office ng South Cotabato na mabakunahan ang may 38 thousand na aso sa buong lalawigan ngayong taon.
Ito ay ayon kay South Cotabato OIC Provincial Veterinarian Dr. Flora Bigot.
Gayunpaman ayon kay Bigot, kadalasan walang tao ang bahay na napupuntahan ng mga staff ng veterinary office na naging balakid sa pagpapatupad ng kanilang vaccination program.
Problema rin ng provincial veterinary office ang hindi pagkakahuli sa mga aso upang mabigyan ng bakuna kontra rabbies.
Sa kabila nito, tiniyak ni Bigot na magpapatuloy pa rin ang pagbibigay ng kanilang tanggapan ng anti rabbies vaccine sa mga aso sa lalawigan.
Layon nito na masawata ang pagkalat ng rabbies.
Umapela din si Bigot sa mga local government units na magsagawa ng mapping kada tatlo o anim na buwan upang matukoy ang mga aso na hindi pa nabakunahan. Ipinalabas na ng Kidapawan City Tourism Office ang listahan ng mga tampok na aktibidad sa ika 19th Foundation

Anniversary ng Lungsod ng Kidapawan sa February 12, 2017.
Ito ay magsisimula sa February 8 hanggang sa Araw ng mga Puso sa February 14.

Magsisimula ang lahat ng aktibidad sa February 8 sa pamamagitan ng Civic Military and Carnival Costume Parade

mula sa tapat ng Iglesia ni Cristo patungo sa City Hall. Gagawaran ang mga Kidapawan City Heroes sa Opening Program ng piyesta pagkatapos ng Civic Military

Parade.Pangungunahan din ni City Mayor Joseph Evangelista ang pagbubukas ng Agro Industrial Trade Fair sa City Plaza

sa February 8.

Sa unang pagkakataon ay itatampok na aktibidad ng Foundation Anniversary ang ‘Lechon Festival’ sa February 12

na mismong araw ng anibersaryo ng lungsod.
Ito ay gagawin sa City Plaza matapos ang Street Dancing Competition sa Quezon Boulevard.

Magkakaroon naman ng Public Fireworks Display sa tapat ng City Hall 7:30 ng gabi sa February 12.
Bilang pakikiisa sa Araw ng mga Puso, ay nakatakdang ikakasal ni Mayor Evangelista ang mga maramihang pares ng

magsing-irog sa Kasalan ng Bayan sa February 14 ng umaga sa City Gymnasium.

Hindi na magbibigay ng bagong prangkisa sa mga nagnanais mag operate ng tricycle ang City Tricycle Franchising

Regulatory Board o CTFRB simula ngayong taon. Ito ang nakapaloob sa City Ordinance number 16-1109 kung saan ay magpapatupad na ng 5 year moratorium ang CTFRB

sa paglilimita ng dami ng bumibyaheng tricycle sa lungsod.

Abot na kasi sa halos tatlong libong units ng nabanggit ang bumibyahe sa Kidapawan City, ayon pa sa mga

otoridad.Hindi lamang sa layuning mapagaan ang daloy ng trapiko sa Kidapawan City ang paglilimita sa dami ng tricycle.

Makakatulong din ang 5 year moratorium na magkaroon ng sapat na kita ang kasalukuyang mga operator at tsuper

kapag regulated ang dami ng tricycle dahil magiging patas ang kompetisyon para sa lahat ang pagsasakay ng mga

pasahero.Hindi kasali sa naturang 5 year moratorium ang may limandaang kolorum na tricycle na naisali ng CTFRB at ng

Federation of Kidapawan integrated Tricycle Associations o FKITA na mabibigyan na ng prangkisa simula 2017.Kaugnay nito ay unang ipatutupad ang OFF WHITE Unified Color Coding Scheme sa mga bagong mabibigyan ng

prangkisa.

Sa taong 2020 ay magiging faully implemented na ang unified color coding scheme sa lahat ng tricycle sa

Kidapawan City.
Dismayado si Senior Inspector Edwin Kasan, ang Kidapawan City District Jail Warden sa kasalukuyan estado ng

on-going construction ng BJMP Facility sa brgy. Kalaisan, Kidapawan City.Ito makaraang umabot sa apat na lamang na construction worker ang nagtatrabaho sa 2-storey jail facility na

sana ay nasa 30 katao.

Dahil apat lamang ang trabahante, hindi matukoy ng opisyal kung kelan matatapos ang nabanggit na pasilidad na

kayang makapag accomodate ng 500 inmates.Ayon kay Kasan, budget ang problema kaya imposibleng matatapos ang proyekto na ang deadline ay hanggang January

15, bukas.

Pero sa kabila nito, ikinatuwa pa rin ni Kasan ang wastong konstruksyon ng bagong bilangguan dahil sa tamang

posisyon ng internal at primary fencing pati na ang tower posting.Maayos raw ito kung ikukumpara sa North Cotabato District Jail o NCDJ kung saan madali lamang matarget ang on-

duty jailguard sa tower sa loob ng compound kung saan saan ipinahayag nito na ang pagkamatay ni Jail Officer

Vecido sa BJMP North Cotabato noong January 4 ay naging regalo na lamang sa mga attackers.

Ang bagong jail facility ay proyekto sa ilalim ng BJMP na inimplemeta ng DPWH.
Kaugnay nito nakatakda namang ipatawag ni City Councilor Francis Palmones, committee chair ng Peace and Order

and Public Safety ng Sangguniang Panglungsod ng Kidapawan ang committe On infrastructure, BJMP at ang

contractor ng proyekto para pag-usapan ang magiging takbo at plano nito nang sa ganun ay matapos na ang

kulungan at mailipat na ang mga preso mula sa North Cotabato District Jail sa lalong madaling panahon.
Tinutugis na ngayon ng Makilala PNP ang suspek na tumangay sa isang motorsiklo sa brgy. Poblacion, Makilala

North Cotabato.Ito matapos humingi ng saklolo ang isang Ruben Ulep Jr., 39, nang tangayin ang kanyang motorsiklo na may

license plate na ML 6580 na kulay pula.

Kwento pa ng biktima sa mga otoridad alas singko ng hapon kamakalawa nang iparada nito ang motorsiklp sa labas

ng kanilang bahay.Dahil kumpiyansa si Ulep ay hindi na nito na ilock ang sasakyan.

Umaga na umano nang madiskubre ng biktima na nawawala na ang kanyang motorsiklo.

Ang insidente ay patuloy pa ngayong niimbestigahan ng PNP habang ito naman ang pinaka unang kaso ng motorcycle

theft na naitala sa bayan ng Makilala ngayong 2017.
Hindi sumipot sa barangay council ang isang Atty. Estilita Moranyon matapos siyang ipatawag ng mga barangay

officials ng Sudapin, Kidapawan City.

Ayon kay Brgy. Sudapin Chair John Carl Sibug, si Atty Moranyon ay nagpakilalang abogado ng grupo na umuukupa

ngayon sa 11 ektaryang lote sa nabanggit na barangay.

Paliwanag pa ni Sibug, una nang nabili ng isang Padilla ang naturang lupa at ibinenta na rin sa ibang mga

indibidwal at ang iba ay nansangla na.

Una rito dumating ang higit 50 mga indibidwal sa lugar at pinutol ang mga pananim na saging, mais at mga kahoy

doon.At ngayon ayon pa kay Sibug nasa 200 mga inibidwal na ang nanantili sa lugar bagay na ikinatakot at ikinabahala

naman ng ilang residente ng barangay.

Giit pa ni Sibug matagal na nilang ipinatawag ang pinaniniwalaag leader at nagdala sa naturang grupo na si

Atty. Moranyon pero hindi pa raw nila ito nakakausap.Sa ngayon nanatili pa rin sa nabanggit na area ang grupo.

Hinigpitan na rin ng barangay Council ang seguridad sa lugar para hindi magdulot ng anumang gulo.Hinahanap na rin nila si Atty. Moranyon para matukoy kung bakit niya dinala sa lugar ang nabanggit na grupo

pati na ang mga dokumentong hawak nito.

Cotelco announces power interruption on May 11 in Kabacan, Matalam

Kabacan, Matalam towns TO OUR VALUED MEMBER-CONSUMER-OWNERS (MCO): This is to inform you that we will have a SCHEDULED power interruption on...

Cotabato Light announces brownout sked in Sultan Kudarat

COTABATO CITY - The Cotabato Light and Power Company announced today a scheduled power interruption affecting Macaguiling, Sultan Kudarat on Thursday...

Cotabato Light urged consumers to conserve energy amid rising electricity rate for May

COTABATO CITY - Cotabato Light customers will experience an electricity rate hike in May due to increased generation charges from higher Wholesale...

Motorcycle thief killed, 2 arrested in Sultan Kudarat police operation

COTABATO CITY - Policemen shot dead a long-wanted motorcycle thief, wounded two others and seized from them three firearms in an operation on Monday...

PRO-BAR chief Tanggawohn bestowed posthumous award to Capt. Moralde

CAMP SK PENDATUN, Maguindanao Norte - The Police Regional Office Bangsamoro Autonomous Region bestowed posthumous award to late PCPT ROLAND ARNOLD...