Monday May, 06 2024 01:44:17 AM

NDBC BIDA BALITA (1.16.17)

 • 16:20 PM Mon Jan 16, 2017
968
By: 
NDBC NCA

NEWSCAST

JANUARY 16, 2017 (MON)
7and00 AM

HEADLINESand

1. Mag-asawa,
panibagong biktima ng pamamaril sa Cotabato City

2. TATLONG mga bahay, tinupok ng apoy
sa Kabacan, North Cotabato

3. MAHIGIT 20 sugatan sa banggaan ng
Elf at kotse sa Tupi, South Cotabato

4. Kidapawan-Mlang highway, ginawang alternate route ng Makilala-Tacurong highway na sinara dahil sa road right of way issue Nagpapagalig pa sa mga ospital sa South Cotabato at General Santos city ang mahigit 20 sakay ng Elf Truck na naaksidente sa national highway barangay Palian, Tupi, South Cotabato.Ayon kay PO1 Ernando Simpao Jr ., ng Tupi PNP,ang mga sakay ng Elf ay pawang mga atleta ng South East Asian Institute of Technology o SEAIT sa Tupi na papunta sana sa Koronadal City para maglaro sa Private Schools Athletic Association o PRISAA meet nang maaksidente pasado alas syete ng umaga kahapon.Kinilala ang ilan sa mga sakay ng Elf na sugatan na sina Leanisa Colonia,Franklin Tamayo,Rene Ode,Policard Estacio,Albert Duga Duga,Carlo Jay Duran,Ian Mark Carido,Al Quin Ann Bataque,Arvin Soblingo,Maricel Marfel,Henry Chan,Kent Bryan Malasarte,Kia Gallego Arnel John Pesura,Kieth Sunga,Rose Ann Cahilig at TJ Latiban.sa mga sugatan ay kinilala lamang sa mga pangalang Tabsing,Macasero at Serpadena. Nabatid na habang binabaybay ng Elf na minamaneho ni Mario Gana ang daan aksidenteng nakabangaan nito ang kasalubong na kotse na papuntang General Santos City.Ang kotse ay minamaneho ng isang Rico Angel Lataban kasama ang mga sakay na sina Abdul Hussain 16 anyos, Rahid Muscat at Anna Mamintal pawang mga 19 anyos na mga sugatan din..Dahil sa lakas ng banggaan ng dalawang mga sasakyan natumba sa gitna ng highway ang Elf habang para namang latang nayupi ang unahan ng nakabangaan nitong kotse. Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng Tupi Police sa aksidente. HINILING ngayon ng
dalawang mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso pamahalaang Duterte na
agad ipa-deport sa Pilipinas ang isa sa mga suspek sa Davao bombing na ngayon
ay hawak pa umano ng Malysian authorities.

Ginawa ni Muntinlupa City
Rep. Ruffy Biazon at Akbayan party-list Rep. Tom Villarin ang nasabing
panawagan matapos makumpirma na nahuli sa Kuala Lumpur ang isa sa mga suspek na
si Datu Mohammad Abduljabbar Sema, anak nina MNLF chair Mus Sema at Maguindanao
1st District Rep. Bai Sandra Sema.

Iginiit nina Biazon at
Villarin na dapat kunin ng Pilipinas ang custody sa naturang suspek para
masampahan na ng kaukulang kaso at masimulan ang paglilitis dito sa lalong
madaling panahon.

Una ng kinumpirma mismo
ni Pangulong Duterte na sangkot ang batang Sema sa pagpapasabog sa Davao City
noong September 2, 2016 na ikinamatay ng 14 katao.

Ayon sa Pangulo, si Sema,
26 years old, ay naaresto noong November 24, 2016 sa Kuala Lumpur International
Airport sa Malaysia nang dumating doon sakay ng Air Asia flight AK 891.

Sa harapan ng mga
negosyante sa ginanap na 49th Annual meeting sa Davao City Chamber of Commerce
and Industry Incorporated's installation of trustees and officers sa Marco Polo
Hotel, Davao city, sinabi ng Pangulo na sa ngayon ay nasa kustodiya pa raw ng
mga otoridad sa Malaysia ang nahuling suspek.

PATAY ang isang tricycle driver habang sugatan naman ang misis nito sa panibago na namang kaso ng pamamaril sa Cotabato city kaninang madaling araw.Batay sa ulat ng City PNP, dead on the spot si Tungan Ambin Kayakan, 45 years old matapos magtamo ng multiple gunshot wounds habang ang misis nitong sugatan na si Api Kayakan, 40 years old, ay nagtamo naman ng mga tama ng bala sa mukha at kaliwang balikat at agad isinugod sa pagamutan ng mga rumespondeng mga pulis.Naganap ang insidente pasado alas dose ng madaling araw kanina sa kanto ng Don Rufino Alonzo Street at Quezon Avenue ng lungsod, sa Mother Barangay Poblacion.Agad namang kinuha ng kanyang mga kamag-anak ang mga labi ni Tungan upang agad na mailibing.Samantala, nabatid na ang mag-asawang Kayakan ay taga Datu Piang, Maguindanao at pansamantalang nakatira sa mga pinagtagpi-tagping karton na nasa sidewalk malapit sa pinangyarihan ng krimen.Narekober ng mga pulis sa crime scene ang 13 empty shells at 5 fired bullets ng home-made shotgun o sumpak na pinaniniwalaang ginamit ng mga suspek sa pamamaril sa mga biktma. PINALAYA NA ng
Abu Sayyaf Group o ASG ang mga bihag nilang Korean ship captain at tripulanteng
Pinoy sa Barangay Kagay, Indanan, Sulu nitong Sabado ng umaga.

Kinilala ni
AFP Spokesperson Brig. Gen. Restituto Padilla ang mga pinalayang bihag na sina
Park Chulhong, kapitan ng M/V Dong Ban Giant at ang tripulanteng Pinoy nitong
si Glenn Alindajao.

Bandang alas
syete ng umaga nang pakawalan ng mga kidnapper sa pamumuno ni Abu Sayyaf
Commander Al Bagade alyas Sayning Ivo ang mga bihag sa kuta ng mga ito sa Camp Bakud
sa kagubatan ng Barangay Kagay.

Nabatid naman
na tumulong sina Moro National Liberation Front o MNLF Commander Abraham Joel
at Adon Adak sa pagpapalaya sa mga bihag at sila pa ang naghatid sa mga ito sa
tahanan ni dating Sulu Governor Abdusakur Tan.

Si Tan ang
nag-turn over sa mga bihag kay Presidential Adviser on the Peace Process Jesus
Dureza na dumating sa lugar pasado alas siyete ng umaga para sunduin sina
Chulhong at Alindajao. Isa katao ang
nasawi habang isa pa ang sugatan sa pagsabog ng bomba kahapon sa Barangay
Sabong, Lamitan City, Basilan.

Batay sa ulat
ng Lamitan City PNP, kinilala ang nasawing biktima na si Saibi Haddalun habang
ang sugatan ay si Neneng Haddalun na ngayon ay nilalapatan ng lunas sa ospital.

Ayon sa
report ng kapulisan na ang isidente ay nangyari pasado alas kwatro ng hapon
kahapon.

Sa
isinagawang post blast investigation ng mga kasapi ng Explosive Ordnance
Division na isang improvised explosive device IED ang pinasabog.

Paniwala
naman ng military, ang naturang pagpapasabog ay isang diversionary tactics ng
Abu Sayyaf Group upang malihis ang atensyon ngayon ng mga sundalo sa
nagpapatuloy na law enforcement operation sa mga bulubunduking bahagi ng
munisipyo ng Sumisip ng nasabing lalawigan. Pinasok ng
hindi pa nakikilalang mga suspek ang book keeping office ng isang Non-Government
Organization o NGO pasado alas otso ng umaga, kamakalawa sa 2nd floor farmacia
de belinda, Dulay Bldg., Don Rufino Alonzo St., barangay Poblacion Singko,
Cotabato City.

Sa report ng
Police Station 1, inakyat ng mga suspek ang fire exit ng katabing building at
sinira ang lalagyan ng aircon para makapasok sa nasabing opisina.

Natangay ng
mga suspek ang apat na na flash drive, dalawang cell phones at cash na aabot sa
mahigit 16 thusand pesos.

Sa ngayon ay
inaalam pa ng mga pulis kung sino ang responsable sa naturang pagnanakaw. Darating sa Koronadal city ang 44 na mga doctor upang makilahok sa libreng surgical mission na gagawin sa Januaray 18, 19 at 20.Ang mga volunteer doctors na ito ay galing sa Kalakhang Maynila.
Tutulong din sa medical mission ang mga doktor at nurse sa mga pampublikong ospital sa South Cotabato at karatig lalawigan.Ayon kay Koronadal City OIC Health Officer Dr. Jean Genevieve Aturdido abot sa 80 pasyente ang napasama sa final screening para sa major operations.
Tumatanggap pa ng nais magpa-screen sa minor operation ang city health office.Ipinahayag ni Aturdido na gaganapin ang surgical mission sa South Cotabato Provincial Hospital.
Ito ayon kay Aturdido ay maliban pa sa medical mission na pangungunahan din ng city government sa mga barangay ng Saravia at Zone II kung saan maari ring makinabang ang mga mamamayan sa ibang barangay ng Koronadal City.

Miibasan na ang siksikan at hirap ng mga preso sa South Cotabato Provicial Rehabilitation and Detencion Center na mas kilala rin sa tawag ng Provincial Jail.
Ito ayon kay Provincial Jail Administrator Ariel Sionosa ay dahil sa pagpapatayo ngayong taon ng dagdag na selda para sa mga kababaihan.Nabatid na maliban sa K9 dogs naglagay ang provincial government ng dagdag ng CCTV cameras sa piitian.
Layon nito ayon kay Sionosa ay upang lalo pang mamonitor ang galaw ng mga preso.Nilagyan na rin ng perimeter fence ang main gate, at mess hall ng provincial jail.
Ayon kay Sionosa hihilingin nila ang tulong ng TESDA upang mabigyan ng livelihood training ang mga babaeng inmate kapag natapos na ang bagong selda na magsisilbi ring workshop building ng mga preso.Ang ipatatayong selda ayon kay Sionosa ay nagkakahalaga naman ng mahigit P4 million pesos.
Ang provincial Jail ay mayroon na ngayong mahigit 1000 na preso na sobra sa may 400 na kapasidad nito.
Kumita ng may P5.1 million ang Pyro-clave health care waste facility ng Provincial Environment and Management Office o PEMO South Cotabato, ilang buwan pa lamang matapos buksan.Ayon kay PEMO Environment Management Division Chief Elbie Balucanag, abot na sa mahigit P200 thousand ang kinita ng pasilidad mula sa treatment at transport fees.Nakikinabang ngayon sa health waste treatment facility sa Barangay Tinongcop, Tantangan ang 7 health providers sa South Cotabato.
Ayon kay Balucanag 3 sa mga ito ay nasa bayan ng Surallah,at 4 sa Koronadal City.Ipinatayo ang Health care waste treatment facility para may mapaglagyan ang mga mapanganib ng basura mula sa mga ospital at iba pang health providers.
Ang pasilidd na matatagpuan sa Barangay Tinongcop bayan ng Tantangan, South Cotabato
Nagkaisa ang lokal na pamahalaan ng Gensan at isang malaking telecommunications company upang mailunsad ang kauna unahang public wifi sa Plaza Heneral Santos sa General Santos City.Ayon kay Gensan City Mayor Ronnel Rivera ,ang high speed internet connection ay napapakinabangan na ngayon ng mga mamamayan ng Gensan at mga dayo sa lungsod.
Sinabi ni Rivera na pinakamainam na lugar para paglagyan ng public wifi ang kanilang public plaza dahil makikinabang dito ang mas maraming mamamayan.Naniniwala din ang alkalde na malaki ang maitutulong ng libreng wifi sa kanilang public plaza sa paglago ng industriya ng turismo sa General Santos City.
Nahahasa din nito ayon sa alkalde ang kasanayan ng publiko sa pagamit ng makabagong teknolohiya.Inihayag din ni Rivera na dahil malapit sa mga eskwelahan, malaking tulong din sa mga estudyante na kapos sa budget ang libreng wifi connection sa parke.
Maari gumamit ng sabaysay sa public wifi ng Plaza Heneral Santos ang mahigit 500 internet users.
Nagbabala ngayon si Mlang Vice Mayor Joselito Pinol sa mga magsasaka na nagpakilalang taga
Mlang matapos samantalahin ang pamamahgi ng libreng binhi mula sa lokal na pamahalaan.May report kasing natanggap si Vice Mayor Pinol na ilan umano sa mga tumanggap ng nabanggit na
binhi ay hindi mga magsasaka ng Mlang.

Ang ilan rin umano sa kanila na tumanggap ay idiniretso pa sa mga buying at milling stations
para ibenta.Ang naturang mga seedling na mula sa Department of Agriculture ay para kasi sa mga magsasaka na
unang nang sinalanta ng El Nino Phenomenon.

Sa ngayon nagpapatuloy ang naturang pamamahagi kung saan hinigpitan na ng LGU ang kanilang
monitoring para rito.Sa kabilang dako apat na raang mga sako rin ng mais mula sa DA ang ipinamamahagi sa mga
magsasaka sa bayan.

Ito ay para sa mga taga Upland area.

Kaugnay nito, nanawagan ngayon ang Mlang LGU sa mga nais makabenipisyo na magpatala lamang sa
Mlang Municipal Agriculture Office para masuri ang mga area na tatamnan ng mais.
Nabawi na ni Ruben Ulep Jr ang kanyang nakaw na motorsiklo matapos tangayin ng di pa kilalang
suspek sa brgy. Poblacion, Makilala noong hapon ng huwebes.

Ayon sa report ng Makilala PNP, isang tawag ang kanilang natanggap mula sa isang concerned
Citizen na taga Kidapawan City, na umano may motorsiklong inabandona sa bahaging Matalam
Street, Kidapawan.
Agad naman itong tinungo ng mga otoridad at dinala sa City Police Station.

Nabatid na ilang araw pa lang nawawala ang nabanggit na motorsiklo na may license plate na ML
6580 ay pinalitan na agad ito ng kulay ng suspek.Matapos matanggap ng Makilala PNP ang report ay agad nila itong beniripika at natukoy na ang
sasakyan ay pagmamay-ari ni Ulep.Sa ngayon tinutugis na ng PNP ang responsable sa pagnanakaw habang hinimok naman ng mga
otoridad ang publiko na ipagpatuloy ang pakikipag-ugnayan sa mga kanila lalo na kung may mga
ganitong sitwasyon.
Dead on the spot ang isang magsasaka matapos pagbabarilin sa Barangay Meocan, Arakan North
Cotabato pasado ala una nang hapon kahapon.
Kinilala ang biktima na si Dante Santiago Robles, 22-anyos na residente ng nasabing lugar
habang kinilala naman ang naarestong suspek na si Roger Villanueva Sr, 45-anyos alyas Bobong
Borabog na isa ring magsasaka.

Ayon kay Police Senior Inspector Edwin Tuno, hepe ng Arakan PNP, nagkasalubong sa nasabing
lugar ang dalawa ng bigla lang umanong barilin ng suspek ang biktima.

Tama ng bala sa likod ang tinamo ng biktima mula sa di pa matukoy na kalibre ng armas na naging
dahilan naman ng kanyang agarang kamatayan.Matapos ang pamamaril ay agad namang nahuli ng mga otoridad ang tumakas na suspek.

Land Conflict naman ang itinuturong dahilan ngayong ng PNP sa nasabing pamamaril.

Sa ngayon, nasa kostodiya na ng Arakan PNP ang suspek na si Villanueva habang inihahanda ang
kasong isasampa laban sa kanya.
Tinatayang aabot sa kalahating milyung piso ang natupok ng apoy makaraang masunog ang tatlong
mga bahay sa Beting St., Purok 3, Brgy. Osias, Kabacan, North Ctabato.
Ayon kay Fire Chief Ins. Ibrahim Guiamalon, head ng BFP North Cotabato sumiklab ang apoy alas
3:02 ng hapon noong sabado.

Sinabi naman ni Nolan Flauta, hipag ng isa sa mga may-ari ng bahay, nagsimula raw ang apoy
dahil sa mga sinunog na basura sa likurang bahagi ng mga bahay.Ang naturang mga bahay ay pag-mamay-ari nina Juvy Orlinda Flauta, Erwin Madlos, Mary Ann Candad
at isang Michae Canda na naninirahan din sa nasabing compound.

Giit pa ni Guiamalon na wala namang may nasaktan o nasugatan sa pangyayari pero may isa
umanong tricycle na nadamay ritoSa ngayon patuloy pang iniimbestigahan ng mga otoridad ang insidente.
Mariing itinanggi ng Pamilya Tejada isa sa mga nagmamay-ari ng lupa sa barangay Poblacion,
Makilala ang pagpapasara sana ng Makilala-tacurong road partikular sa barangay Poblacion,
Makilala North cotabato noong nakaraang sabado.
Ikinaalarma kasi ng publiko matapos lumabas ang mga report na ipasasara na ng mga pamilyang
nagmamay-ari ng lupa ang nasabing daanan.Ayon sa isa sa mga myembro ng pamilya Tejada, naipasa na nila ang kanilang sulat sa DPWH Region
12 kung saan nakasaad rito na binibigyan nila ng 60 araw ang DPWH para tugunan ang kanilang
hinaing na mabayaran ang kanilang lupa na ginagamit bilang national highway.Sa ngayon, naka depende pa umano sa kanilang abogado ang kanilang gagawing desisyon hinggil sa
pagsasara nila sa daan.Samantala, sakali namang matuloy ang pagpapasara ng nasabing highway ay gagawing alternatibong rota ng DPWH 1st engineering district ang Kidapawan city partikular ang Jose Abad Santos Street patungong barangay Magsaysay at Kalaisan at lalabas sa bayan ng Mlang patungong Tacurong.Ayon kay Engineer Birog, sinimulan na nilang makipag-ugnayan sa Kidapawan City government dahil planong gawing two lane ang Jose Abad Santos street.
Giit pa ni Birog na national Highway ang nasabing lugar at sakaling matuloy ang two lane ay malaking epekto naman sa mga establisyemento.

PRO-BAR chief Tanggawohn bestowed posthumous award to Capt. Moralde

CAMP SK PENDATUN, Maguindanao Norte - The Police Regional Office Bangsamoro Autonomous Region bestowed posthumous award to late PCPT ROLAND ARNOLD...

Suspected gunrunners huli, mga armas nakumpiska sa kanila sa Alamada

COTABATO CITY - KULONG na ngayon ang dalawang mga gunrunners matapos mahuli ng Criminal Investigation and Detection Group o CIDG BARMM sa isang...

High value drug peddler falls, yields 150 grams of shabu in Lanao Sur

MARAWI CITY - Lanao del Sur PPO's Provincial Drug Enforcement Unit/Provincial Special Operations Group, 1st Provincial Mobile Force Company, Marawi...

6 armed villagers wounded in Basilan ambush incident

COTABATO CITY - Ambushers seriously wounded six men in a rival group in an attack early Saturday in Sitio Lessem, Barangay Bato-Bato, Akbar...

DA: Price freeze needed only in areas under state of calamity

MANILA – The Department of Agriculture (DA) on Friday said that a price freeze of rice and other basic commodities should only be implemented in...