Wednesday May, 22 2024 08:42:26 AM

NDBC BIDA BALITA (12.15.16)

 • 16:59 PM Thu Dec 15, 2016
852
By: 
NDBC

NEWSCAST

DECEMBER 15, 2016 (THU)
7and00 AM

HEADLINESand

1. WHITE ALERT status ng AFP,
mananatili raw ngayong pasko at bagong taon, pero PNP, naka-ALERT LEVEL 32. Kidapawan City LGU, naglaan ng mahigit
40 milyong piso, para sa Christmas Bonus ng mga kawani

3. DOT-12,
ikinabahala ang sunod-sunod na insidente ng panununog ng mga bus sa rehiyon

4. Taga Cotabato City, huli sa anti-drug operation sa GenSantos City

WALANG BALAK ang Armed Forces of the
Philipines na magtaas ng alerto ngayong nalalapit na ang pagdiriwang ng pasko
at bagong taon.
Sinabi ni AFP Spokesperson Brig. Gen.
Restituto Padilla na sa kabila ng kaliwa't kanan ang pagkakadiskubre ng mga improvised
explosive device o IED sa iba't ibang bahagi ng bansa ay nananatili sa white
alert status ang military ngayong holiday season.

Gayunman, binigyang-diin ng opisyal na
palagi namang naka-alerto ang mga sundalo para sa anumang posibilidad ng
pag-atake ng mga teroristang grupo.

Paliwanag pa ni Padilla, may epekto kasi
sa iba't ibang aspeto ang pagtataas nila ng alerto.

Inihalimbawa ni Padilla ang sektor ng
turismo na maaaring lubos na maapektuhan dahil posibleng maraming mga turista
ang magkansela ng biyahe sa bansa.

Samantala, sa panig naman ng Philippine
National Police o PNP, nasa ALERT LEVEL 3 na sa ngayon ang lahat ng mga pulis
sa bansa.

Ngunit nilinaw ni PNP spokesperson
Senior Supt. Dionardo Carlos na walang kinalaman ang pagtataas nila ng alerto
at maging ang kanilang kampanya kontra droga, sa hindi pagseselyo ng mga baril
ng mga pulis ngayong Pasko at Bagong Taon.

Sinabi ni Carlos na nabuo lang anya ito
nang may ilang police officials ang nagmungkahi kay PNP chief Police Director
Gen. Ronald Dela Rosa habang nasa command conference na agad namang
sinang-ayunan ni PNP chief.

Una nang binigyang-diin ng PNP na nais
lamang nilang ipakita na may tiwala sila sa kanilang mga tauhan na hindi
gagamitin ang baril nang walang ligal na dahilan.

Giit pa ni Carlos na ang hindi pagselyo
ng mga baril ng mga pulis ay maituturing na ‘symbolic gesture’ para ipaalala sa
mga pulis na bawal ang illegal discharge of firearms.

PATULOY NA
INI-IMBESTIGAHAN ngayon ng mga otoridad ang pagpaslang sa mag-ama sa South Upi,
Maguindanao.

Sinasabing nakipagbarilan
kasi ang mga nasawing sina

Lauriano Adolfo at Atoy
Adolfo sa mga tauhan ng Citizen Armed Forces Geographical Unit sa Barangay Kigan, South Upi, kamakalawa.

Sugatan naman sa naturang
insidente si Joseph Adolfo.

Batay sa inisyal na ulat
ng South Upi PNP, sinita lamang ng CAFGU ang mag-aama dahil sa pagdadala ng baril
nang dumalo ang mga ito sa pista sa kanilang lugar subalit nagmatigas at
nanlaban umano ang tatlo.

Una raw nagpaputok ang
mag-amang Adolfo kaya gumanti ang CAFGU na naging dahilan ng pagkasawi ng
mag-ama at pagkasugat ng isa pa.

Sa ngayon ay nagdagdag na
ng pwersa ang CAFGU sa lugar kasama na ang mga sundalo dahil posibleng gumanti ang
pamilya ng napatay na mag-ama.

ARESTADO ang
isang graduating accountancy student at kasamang drug pusher sa buy bust
operation na ikinasa ng Regional Anti-Illegal Drug Special Operations Task
Group-12.

Isinagawa ang
anti narcotics operation sa Delfin Subdivison, Purok Malakas, Barangay San
Isidro, General Santos city, kung saan positibong nabilhan ng isang sachet ng
shabu ang drug pusher na si Ricardo Robles Jr., 31 years old.

Kasama nito
ang college student na si Webster John Pare, 22, nag-aaral sa Brokenshire
College, at taga VSM State Barangay Lagao.

Nang
kapkapan, narekober sa kanilang posisyon ang tig-dalawang sachets ng shabu
habang nakuha kay Robles ang 500 peso marked money.

Una rito, isang
estudyante rin ng Ramon Magsaysay Memorial Colleges ang naaresto ng mga
otoridad noong nakaraang Martes, December 6 sa isang buy bust operation sa
GenSan.

Nakilala ang
nadakip na si Asrap Usman, 22 years old,

Taga-Cotabato
city at nag-aaral lamang ng kolehiyo sa GenSan.

Nakuha mula
sa suspek ang sampung sachets ng suspected shabu na nagkakahalaga ng 60
thousand pesos at nabawi rin mula sa kanya ang 500 peso marked money.

Ayon kay Usman,
napag-utusan lamang siya na dalhin ang naturang iligal na gamot kapalit ng
malaking halaga.

Aniya pa,
galing umano ng Cotabato city ang naturang pinaniniwalaang supply ng Shabu.

Kaugnay nito,
nabahala si Anti-Illegal Drugs Special Operations Task Group 12 head, Police
Superintendent Maximo Sebastian Jr. sa dumaraming bilang ng mga estudyante sa
rehiyon na nagtutulak ng ipinagbabawal na gamot.

Aniya,
posibleng ginagamit ng mga illegal drug syndicate ang mga estudyante sa
paniniwalang hindi sila mapapansin ng mga otoridad.

Kaya
panawagan ni Sebastian sa mga magulang, bantayan at imonitor ang mga aktibidad
ng kanilang mga anak. LUMIPAD NA
PATUNGONG Saudi Arabia si Moro National Liberation Front o MNLF founding chair
Nur Misuari kahapon ng tanghali.

Sinabi ni Misuari
na kakausapin niya sa Saudi ang Secretary-General ng Organization of Islamic
Conference o OIC para alamin kung kelan ito makakapagpadala ng kinatawan sa
kanilang kampo para ma-finalize ang usapang pangkapayapaan sa Duterte
administration.

Sinabi ni
Misuari na kailangan ang tripartite panel sa peace talks sa pagitan ng
pamahalaan ng Pilipinas, OIC at ng MNLF.

Aniya, gusto niya
na gawin ang peace talks sa kanilang kampo tulad ng nangyari noong panahon ni
dating Pangulong Ramos para maging matagumpay din tulad ng nangyari noon.

Magugunitang
mismong si Pangulong Rodrigo Duterte ang nag-alok kay Misuari na muli nilang
buksan ang kanilang pintuan para sa peace talks.

Samantala, sa
kabilang dako naman, binatikos ng Makabayan Block sa Kamara ang pagtanggi ni
Pangulong Duterte na palayain ang 134 political prisoners.

Una rito, sinabi
ng Pangulo na hindi niya papalayain ang marami sa mga political prisoners
sapagkat mawawalan daw siya ng alas sa peace talks sa pagitan ng
pamahalaan at Communist Party of the Philippines - New People's Army - National
Democratic Front.

Ayon kina Act
Teachers partylist Rep. Antonio Tinio, Anakpawis partylist Rep. Ariel Casilao
at Bayan Muna partylist Rep. Carlos Isagani Zarate, hindi dapat ituring ng
Pangulo ang mga political prisoners bilang baraha sa nagpapatuloy na usapang
pangkapayapaan.

Anila, usapin
ito ng social justice para sa mga political prisoners at hindi lamang issue ng
baraha sa peace talks.

Sinabi ni
Zarate na malinaw naman sa inisyal na napagkasunduan ng pamahalaan at
makakaliwang grupo ang pagpapalaya sa 134 na political prisoners.

Umaasa naman
si Casilao na paninindigan pa rin ng Pangulo ang mga pangako nito bago pa man
mahalal sa puwesto na siya raw ay magpapalaya ng mga political prisoners lalo
na iyong matatanda at may karamdaman na.

Inanunsiyo
kahapon ng Malacañang na special non-working holidays ang DECEMBER 26, 2016 at January
2, 2017.

Sa
pamamagitan ng Proclamation 117 na nilagdaan ni acting Executive Secretary
Menardo Guevarra, idineklara bilang special non-working holidays ang December
26 Lunes at January 2, 2017.

Ito ay upang
mabigyan ng pagkakataon ang publiko na maipagdiwang ng mas mahaba ang Christmas
at New Year.

Nangangahulugan
ito na magkakaroon ng mahabang weekend ang publiko sa pagdiriwang ng Kapaskuhan
at Bagong Taon.

Nabatid na
parehong natapat sa weekend ang December 24 at 25, gayundin ang December 31 at
January 1 ngayong holiday season.

Samantala, sa
iba pang balita, handa na ang mga mananampalatayang katoliko para sa
pagsisimula ng 9-day novena mass o misa de gallo bukas, December 16.

Sinabi ni Fr.
Gerald Fornan ng Immaculate Conception Cathedral, magsisimula ang misa alas
kwatro ng madaling araw.

Kaugnay nito,
pinaalalahanan naman ni Fr. Fornan ang lahat na isapuso at unawain ang tunay na
diwa ng naturang tradisyon ng mga katoliko.

Aniya, dapat
ay gawin sentro ng pagdiriwang ng pasko si HesuKristo at hindi ang kung ano pa
mang kasiyahan at makamundo o materyal na pangangailangan.

Nangangamba si Department of Tourism o DOT 12 Regional Director Nelly Nita Dillera na makasasama sa turismo ang sunod sunod na panunog ng bus sa rehiyon.
Ayon kay Dillera posible kasing magdulot ng masamang impresyon sa publiko ang insidente at makaapekto sa padating ng mga turista sa SOCCKSARGEN Region.
Ipinahayag ng DOT official na kung pwede lang sanang mailihim ang insidente, ginawa na niya ito para mapangalagaan ang imahe ng region 12.
Umaapela si Dillera sa mga mamamayan na patuloy lamang na ipalaganap ang mga positibong balita at kagandahan ng region 12 para sa ikasusulong ng industriya ng turismo.
Matatandaan na simula noong November 13 abot na sa sampung insidente ng panunog ng nagpakilalang New Peoples Army ang naganap sa region 12.
Pinakahuli dito ang pagsunog ng mga ito isa pang bus ng Yellow Bus Line sa public cemetery ng bayan ng Sto. Nino.
Iginiit naman ni South Cotabato Governor Daisy Fuentes na dahil sa ceasefire hindi rin maaring tugisin ng pamahalaan ang rebeldeng grupo.
Ayon kay Fuentes ang magagawa lamang ngayon ng lokal na pamahalaan ay ipaalam ito sa mga matataas na opisyal ng bansa.
Gayunpaman umapela si Fuentes sa rebeldeng grupo na itigil na ang panghaharass sa mga negosyante sa lalawigan.
Ginawaran ng parangal bilang 2016 Outstanding Volunteer of the Philippines sa Individual Adult Category si Marcelo Gusanan.
Si Gusanan ay kumakatawan sa Kalahi-CIDSS Project ng Department of Social Welfare and Development o DSWD region 12.
Ang parangal ay tinanggap mismo ni Gusanan sa katatapos lang na awarding Ceremony sa Kalakhang Maynila.
Sinabi noon ni Gusanan sa Radyo Bida na naging mahirap din para sa kanya na hikayatin ang mga kapawa B’laan at Indigenous Community na makiisa pagpapatupad ng mga programa ng gobyerno.
Ayon kay Gusanan Bukod kasi sa hirap ng buhay nangangamba din sa seguridad ng kanilang lugar ang mga mamamayan ng Barangay Eday.
Gayunpaman ayon kay Gusanan sa pamamagitan ng pagpursige nakuha nito ang tiwala ng kanyang mga kabarangay.
Naging daan din ang pagiging volunteer ni Gusanan sa KALAHI-CIDSS program ng DSWD upang makinabang sa mga programa ng gobyerno at bumuti ang pamumuhay ng mga B’laan at Indigenous People sa kanilang barangay.
Nagpapatuloy pa rin ang monitoring ng Department of Social Welfare and Development o DSWD region 12 sa mga binahang mamamayan sa Lambayong, lalawigan ng Sultan Kudarat.Ayon kay DSWD 12 Regional Director Zorahayda Taha, naglaan ng mahigit 1,000 family packs ang ahensya para sa mga apektadong mamamayan.
Ang mga ito ay mula sa mga barangay ng Sadsalan at Tinomigues na labis na sinalanta ng mga pagbaha noong nakaraang lingo.
Nakapagbigay na rin ng tulong sa mga binahang mamamayan ang lokal na pamahalaan.
Hiling naman ni Barangay Tinomigues Chairman Wenona Mamalu Lim na magkaroon ng pangmatagalang solosyon ang gobyerno sa kanilang problema.
Hangad ni Lim na mabigyan ng housing assistance ang mga mamamayan sa kanilang barangay.
Paliwanag nito, marami sa mga bahay sa Tinomigues ay nalubog na sa tubig at putik .
Iginiit ni Lim na balewala rin ang food packs na matatanggap nila sa gobyerno kapag hindi nabigyan solosyon ang problema sa baha na walong taon nang tinitiis ng mga mamamayan ng Barangay Tinumigues.
Nagdagdag na ng pwersa sa mga matataong lugar ang South Cotabato Provincial Police Office.
Ayon kay PNP South Cotabato Provincial Director, Senior Superintendent Franklin Alvero, kabilang sa kanilang tinututukan ang mga mall at resort.
Inihayag ni Alvero ang mga lugar kasi na ito ang madalas dayuhin ng mga mamamayan na nakatanggap ng kanilang Christmas bonus para magsaka ngayong holiday season.
Tiniyak din ng police official na nakalatag na ang security plan ng PNP sa Paskoa t Bagong taon.
Ayon kay Alvero inatasan na rin nito ang mga police chief sa South Cotabato na paigtingin ang monitoring sa kanilang areas of responsibility.
Iniutos din ni Alvero sa mga ito na magdagdag ng police visibility at tutukan ang mga kaso sa kanilang lugar na hindi pa nareresolba.
Makatatanggap ng dagdag na benipisyo ang mga centenarian o mga nasa 100 years old pataas sa South Cotabato.
Ito ay ayon kay South Cotabato Governor Daisy Avance Fuentes.
Ayon kay Fuentes, nararapat lamang na mabigyan ng pagpapahalaga ang mga centenarian dahil sa itinuturing ang mga ito na pillars of society.
Ipinahayag ni Fuentes na ang Ordinance number 17 na kikilala at magbibigay ng karagdagang benipisyo sa mga centenarian ay ipatutupad sa susunod na taon.
Saklaw nito ang pagbibigay sa mga centenarian ng P20 thousand cash gift at P2,000 monthly allowance.
Magkakaroon din ang mga ito ng P10,000 na taunang comprehensive check up at magiging prayoridad sa suite room ng South Cotabato Provincial Hospital.
Ayon naman sa may akda ng ordinansa na si Board Member Ellen Grace Subere Albios ang pagbibigay ng benepisyo sa mga senior citizens ay inuutos ng Expanded Senior Citizens Act of 2010 at Centenarian Act of 2016.
Ayon kay Albios ang South Cotabato ay mayroong 20 mga centenarian.
Inihayag nito na ang mga pamilya ng centenarian na maaring masawi kapag naipatupad na ang local ordinance ay mabibigyan din ng P20,000. Abot sa 41 million pesos ang inilaang pondo ng Kidapawan City Government para sa Christmas Bonus sa kanilang libu-libong mga empleyado ngayong 2016.
Ayon kay City Mayor Joseph Evangelista, inaprubahan ng Sangguniang Panlungsod ang Supplemental Budget noong nakaraang Huwebes buhat na rin sa Personnel savings ng city government.Tatanggap ang City LGU officials and employees ng abot sa P30,000.

P25,000 cash bonus at P5,000 health insurance package ang bawat City official pati na mga regular and casual employees.‘Payroll based’ at hindi idadaan sa ATM card ang pagtanggap ng Christmas bonus upang diretso na sa kamay ng bawat kawani ang kanyang pamasko.Bukod sa City Officials, regular and casual employees, may pamaskong matatanggap din ang mga job order workers ng City hall.Ito ay P3,000 na cash bonus at P2,000 worth of gift checks.

May pamasko din ang barangay workers, Purok leaders, BPAT, K9 Unit, EOD Team, BFP, PNP, PNP SOCO, Special Education Funded at nationally paid teachers ng DepEd na Gift checks mula P500

hanggang P2,500.Inaasahang matataggap ang nabanggit na Christmas bonus ng lahat at hindi na lalagpas bukas sa mismong araw ng Christmas Party ng City LGU.
Abot sa pitong mga barangay ang apektado ngayon ng pang-aatake sa mga black bug pati ng mga pesteng daga sa Kabacan, North Cotabato.
Ito ay base na rin sa Assessment Report ng Municipal Agriculture Office na danyos sa halos limang daang ektarya ng palayan ng bayan.

Sa ginawang validation sa Municipal Risk Reduction Management Council o MDRRMC, sa pamamgitan ng actual assessment at ocular inspection sa mga apektadong barangay, abot sa 491 mga

magsasaka ang apektado.Ayon kay MDRRM Head David Don Saure, abot na rin sa P11, 420, 942.00 pesos ang kabuuang danyos ng nabanggit na kalamidad.

Kaugnay nito, inirerekomenda ngayon ng pamunuan ng MDRRM na ideklara ang bayan ng Kabacan na under the state of calamity.Bilang tugon sa nasabing hiling, ikinokonsidere ngayon ni Kabacan Mayor Herlo Guzman Jr., ang pamamahagi ng tulong sa mga magsasaka kung saan inaasahang ngayong araw tatalakayin ito sa ng

Sangguniang Bayan Members.

Samantala kabilang naman sa mga apektadong barangay ay ang Cuyapon, Dagupan, Katidtuan, Lower Paatan, Malamote, Kilagasan at barangay Aringay na apektado rin ng pagbaha.Ang nabanggit na danyos ay naitala mula buwan ng Oktubre hanggang Nobyembre ngayong taon./ Aasahan ang libu-libong mag-aaral ng public schools sa Kidapawan City ang unang makakabenipsyu sa bagong ‘Dental Health Bus’ na proyekto ng Department of Health at ng City LGU sa susunod na 2017.Ito matapos tanggapin ng City LGU ang nabanggit na bus mula sa DOH na bahagi ng ‘ Kalusugang Pangkalahatan’ program ng ahensya.

Tugon ito ng ahensya para sa mga Local Government Unit na aktibong nagpapatupad ng mga programang pangkalusugan.

Libre ang serbisyong hatid ng bus kung saan kumpleto ito sa gamit.
Sa pamamaraang ito mismong ang City LGU ang pupunta sa mga barangay ng lungsod upang magbigay ng serbisyo mula dental check up hanggang sa pagbunot ng ngipin.

Gagamitin din ang Dental Health Bus sa mga outreach programs ng City Health Office sa mga barangay at iba’t-ibang komunidad sa Kidapawan City.
Aasahan ngayon ang mahigpit na seguridad na ipapatupad sa buong bayan ng Pikit.

Ito matapos ang insidente ng panghahagis ng granada partikular sa palengke ng bayan at insidente rin ng pamamaril nitong nakaraang linggo.

Sinabi ni Lt. Col. Ceriaco Lumas-e, Battalion Commander ng 7th Infantry Battalion ng Philippine Army matapos ang mga nabanggit na pangyayari agad silang nagpadala ng kanilang tropa para sa gagawing Foot Patrol sa buong barangay Poblacion.
Maliban dito, tumutulong din ang militar sa Pikit PNP sa mga highway inspection sa National Highway.

Ang hakbang na ito ay ginawa ng opisyal matapos ring humingi ng tulong si Pikit Mayor Sumulong Sultan sa kanila dahil na rin sa mga nangyayari sa bayan.
At dahil dito, aasahan ang mas mahigpit na inspection sa mga pangunahing daanan ng Pikit.
Humuhingi lamang ang opisyal ng despensa sa mga commuters at motorista dahil minsan ay nagdudulot nang traffic ang kanilang mga inilulunsad na Highway Inspection.

Pang-unawa lamang ngayon ang kanyang hiling sa publiko dahil para naman ito sa seguridad ng karamihan.
Samantala, bagaman at may Christmas break ang 7th IB, tiniyak naman ni Lumas-e na hindi nila pababayaan ang kanilang ipinangakong seguridad na isasagawa sa bayan ng Pikit lalo na ngayong

Holiday Season. Labing tatlong mga barangay mula sa ibat-ibang mga bayan sa North Cotabato ang nakatanggap ng libreng oil palm seedlings mula sa Office of the Provincial Agriculturist o OPA.
Ang nabanggit na seedling ay mga dekalidad na nagmula pa sa Tenera variety.Mula naman sa mga bayan ng Banisilan, M’lang at Kidapawan City ang mga lugar sa lalawigan ang nakatanggap ng oil palm seedlings.

Nabatid na ang tatlong mga lugar ay una nang kinilala nay malalawak na oil palm plantation.Ang pamamahagi ng seedlings pinangunahan ng OPA,sa pamamagitan ni Provincial Oil Palm coordinator Jorge Hernandez na isinagawa sa Triple P Nursery sa Katidtuan, Kabacan, at sa Dalapitan, Matalam.
Aasahan naman na sa naturang programa ng Provincial Government ay mas lalawak pa ang taniman ng palm Oil sa North Cotabato

OMI first profession of religious vows and acceptance to the OMI Novitiate

COTABATO CITY - LIMANG MGA OBLATE NOVICES ng nagsagawa ng kanilang first profession of vows sa Oblates of Mary Immaculate kahapon. Ito ay sina...

OPAPRU: Cotabato City chapel blast culprits to be punished

MANILA – The Office of the Presidential Adviser on Peace, Reconciliation and Unity (OPAPRU) on Tuesday deplored the grenade attack at a Catholic...

Cotabato Light announces NGCP scheduled power service interruption for May 26

COTABATO CITY - The Cotabato Light and Power Company (Cotabato Light) announced today the National Grid Corporation of the Philippines (NGCP)...

Groups, BARMM officials condemn Cotabato City chapel bombing

COTABATO CITY - Various sectors condemned Sunday’s grenade attack on a small Catholic chapel in a residential area here that hurt two worshipers and...

2 drug peddlers nabbed, over P1-M shabu seized in Pikit anti-drug ops

GEN. SANTOS CITY  – Anti-illegal drug entrapment operation in Barangay Ladtingan, Pikit, North Cotabato on May 19, 2024, led to the arrest of...