Monday May, 06 2024 12:25:49 PM

NDBC BIDA BALITA (12.16.16)

 • 16:44 PM Fri Dec 16, 2016
962
By: 
NDBC

NEWSCAST

DECEMBER 16, 2016 (FRI)
7and00 AM

HEADLINESand

1. Unang araw ng Simbang gabi sa mga
simbahan sa North Cotabato, naging mapayapa Simbang gabi sa koronadal, inulan.

2. Tatlong MILF sugatan sa labanan sa Ampatuan, Maguindanao. Army detachment, sinalakay ng BIFF sa Maguindanao3. South Cotabato Governor tutol sa
pamimigay ng condom sa mga eskwelahan

4. Negosyante sa Midsayap, patay sa pamamaril. DEAD ON ARRIVAL sa pagamutan ang isang
negosyante sa Midsayap, North Cotabato matapos pagbabarilin ng hindi pa
nakikilalang riding tandem.

Kinilala ng Midsayap PNP ang nasawing
biktima na si Ricky Ogate 47 years old, may asawa, taga- Buwal Sur, Midsayap at
mayroong buy and sell business sa Quezon Avenue, barangay Poblacion Siyete sa
naturang bayan.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga
otoridad, pasado alas sais kagabi habang nakatayo lamang sa labas ng kanyang
kotse ang biktima at hinihintay ang kanyang misis nang lapitan siya ng dalawang
mga suspek na sakay ng motorsiklo ay biglang pinagbabaril.

Pitong tama ng bala sa kanyang katawan
at isa sa ulo ang tinamo ng biktima mula sa cal. 45 pistol na naging sanhi ng
kanyang kamatayan.

Sa ngayon ay inaalam pa ng Midsayap PNP
kung ano ang posibleng motibo sa pagpatay kay Ogate at kung sino ang nasa likod
ng naturang krimen.

TINANGKANG lusubin ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters o BIFF ang Bravo company ng Army’s 19th Infantry Batallion sa Barangay Bagan, Guindulungan, Maguindanao.Sinabi ni 19th IB Battalion Commander Army Col. Robert Sarmiento na umaabot sa 50 BIFF members ang nagtangkang lumapit sa kanilang detachment kagabi habang nagpapaputok ng baril.Ang grupo ay pinanungahan umano ni Kumander One Eye, sub-commander ni Kumander Bungos.Wala namang sugatan sa insidente matapos na hindi bumanat ang tropa ng militar laban sa mga bandido.Nanawagan si Sarmiento sa armadong grupo na tigilan na ang panggugulo sa ngalan ng kapaskuhan at katahimikan sa Maguindanao.Samantala, sa kabilang damo naman, tatlo katao ang 3 sugatan sa engkuwentro ng dalawang mga umano ay kumander ng Moro Islamic Liberation Front o MILF pasado alas kwatro ng hapon kahapon sa Barangay Kakal, Ampatuan, Maguindanao.Kinilala ang mga sugatang sibilyan na sina Gringo Sangki, 26 years old, Kadil Dading, 25, at Jaime Pasayan, 22 pawang mga residente ng nabanggit na bayan.Ang dalawang kumander na nagkainitan ay sina KumanderAlud at Tuaba.Patuloy na ginagamot sa ospital ang mga sugatan habang di naman nabatid pa kung ano ang naging sanhi ng alitan ng dalawang mga armadong kumander. NANATILING MALIIT ang
bilang ng Human Immunodeficiency Virus o HIV infection at kaso ng Acquired
Immune Deficiency Syndrome o AIDS sa Autonomous Region in Muslim Mindanao o
ARMM.

Gayunman, sinabi ni Department
of Health o DOH ARMM - Infectious Diseases Cluster head Soraida Amilil na hindi
dapat maging kumpyansa ang mga mamamayan ng rehiyon.

Ayon kay Amilil,
nakatitiyak siyang may mga kaso ng HIV sa ARMM subalit hindi pa lamang ito
natutuklasan dahil wala o kaya ay bihira lang naman ang mga pagkakataong may
mga indibidwal na sumasalilalim sa HIV testing sa ARMM.

Kaya sabi ni Amilil,
nagpapatuloy ang kanilang information campaign hinggil sa HIV at AIDS lalo na
ang tungkol sa pag-iwas sa naturang sakit at kung paano ito ginagamot.

Sa record ng DOH ARMM,
hanggang nitong October 2016 ay may naitalang 13 cases ng HIV sa rehiyon.

Sa naturang bilang, 19%
ang mga nasa heterosexual demographics, habang ang 81% ay yung mga lalaking
nakikipagtalik sa kapwa lalaki.

Dr. Usman said ARMM
citizens who travel frequently to major urban centers are more vulnerable to
HIV infection.

Nabatid na may tinatayang
25 katao ang nagkakaroon ng HIV kada araw sa Pilipinas. KABILANG SA
TOP 10 passers ng katatapos na November 2016 Nursing Board Exam ang nursing
graduate ng Notre Dame University sa Cotabato city.

Si Patricia
Tillo Mangat ay nakakuha ng markang 85% dahilan para mapabilang siya sa mga
nanguna sa naturang pagsusulit.

Batay sa
talaan ng Professional Regulation Commission mayroon lamang 6,836 examinees ang
pumasa mula sa kabuuang 14,322 na kumuha ng naturang pagsusulit sa buong bansa
noong nakaraang buwan.

Sa panayam
naman kay Mangat ng DXMS AM Radyo Bida ngayong umaga, sinabi nito na hindi niya
inakalang mapapabilang siya sa top ten passers.

Aniya,
makapasa lang siya sa Nursing Board ay masaya na siya, pero lubos ang kanyang
kasiyahan nang malaman na nakakuha siya ng mataas na marka.

Sabi pa ni Mangat,
mahirap ang pagsusulit pero alam niyang ginawa niya ang lahat ng kanyang
makakaya para pumasa at magbigay ng karangalan sa kanyang sarili, sa kanyang
mga magulang at sa unibersidad na pinanggalingan. Apat na mga sibilyan
at isang sundalo ang nasugatan matapos na sumabog ang Improvised Explosive
Device o IED habang tumatawid ang military convoy sa Marawi City kahapon

Ayon sa ulat,
sakay ng nasabing military convoy ang mga miyembro ng 1st scout ranger
battalion patungo sa headquarters ng 103rd infantry brigade sa Marawi nang
masabugan ng IED.

Sugatan sina
Sergeant Gaon ng 65th IB, Fathma Nawira Daluma, isang public school teacher,
dalawang bata na nasa edad walo at labing-isang taong gulang.

Kritikal
naman ang lagay ng tricycle driver na kinilalang si Samer Adato Gulam.

Nangyari ang
pagsabog ilang metro lamang ang layo sa pinangyarihan ng pananambang sa
Presidential Security Group noong November 29. Sa kabila ng maagang pag-ulan sa Kidapawan City, naging mapayapa pa rin ang unang araw ng Misa de gallo sa lungsod na tradisyunal na sinisumulan ng Simbahang Katoliko tuwing December 16.
Ito makaraang walang maitalang krimen sa kasagsagan at pagkatapos ng simba.

Ayon sa mga otoridad, naging maayos ang Misa sa Simbahan particular sa Our Lady Of Mediatrix Of All Graces Cathedral.Una nang sinuguro ng PNP at Kidapawan City LGU ang pagpapatrolya ng mga pulis pati na ng iba pang augment forces sa mismong paligid ng simbahan at National Highway.

Libu-libong dumagsa sa nabanggit na unang Simbang Gabi na pinagunahan mismo ni Bishop JOse Collin Bagaforo ng Diocese of Kidapawan.Tiniyak naman ng mga otoridad na tuloy tuloy ag kanilang pagbabantay hanggang matapos ang nasabing Misa de Gallo.

Maliban sa Kidapawan City maayos namang sinimulan ng mga simbahan ng Kabacan, Matalam at Makilala at iba pang mga simbahan sa lalawigan ang unang araw ng simbang gabi.
Isinailalim na sa state of Calamity ang bayan ng Kabacan, kahapon.

Ito matapos na inaprubahan ng Sangguniang Bayan ang pag-rekomenda ng Municipal Disaster Risk Reduction Council na isailalim ang bayan sa state of Calamity.Dahil ito sa pag-atake ng mapinsalang daga at black bug.

Nasa siyam na barangay na ngayon ang apektado ng nasabing pananalakay ng daga at black bug batay naman ito sa Assessment Report ng Municipal Agriculture Office na may naitalang danyos sa

halos limang daang ektarya ng palayan ng bayan kungsaan nasa 491 na mga magsasaka ang apektado.Ayon kay MDRRM Head David Don Saure, abot na rin sa P11, 420, 942.00 pesos ang kabuuang danyos ng nabanggit na kalamidad.

Kabilang naman sa mga apektadong barangay ay ang Cuyapon, Dagupan, Katidtuan, Lower Paatan, Malamote, Kilagasan at barangay Aringay na apektado rin ng pagbahaBilang tugon sa nasabing hiling, gumagawa na ng hakbang ang pamunuan ni Kabacan Mayor Herlo Guzman Jr. upang matulungan ang mga magsasakang apektado ng nasabing kalamidad.
Sampung araw ang ibinagay na palugit ng Mlang LGU para kay Rex Tungcua alyas Bosing, isang pinaniniwalaang Faithealer sa brgy. Bagontapay, Mlang North Cotabato para ihinto nitong ang panggamot

sa lugar.Ayon kay Vice Mayor Joselito Pinol, naiintindihan niya ang mga naniniwala kay Tungcua pero mas mabigat pa rin sa kanya ang kapakanan ng mas nakararami.

Ang ultimatum na ibingay kay Tungcua ay base na rin sa report mula sa Rural Health Unit at DOH mlang na may mga nilabag si Tungcua.

Kabilang na rito ang paglabag sa Republic act 2382 o ang Medical Act, Illegal Structure at Sanitation.Iginiit ni Pinol na pagkatapos ng sampung araw at kung patuloy pa rin ang pagtanggap ng mga pasyente ni Tungcua sa lugar ay mapipilitan silang magsampa ng kaso.

Nabatid na umaabot na rin ng higit 20 indibidwal ang nasawi na nanggaling sa pagpapagamot kay Tungcua.

Si Tungcua ay galing na umano sa bayan ng Tulunan pero pinaalis din sa lugar. Noong nakraang martes ay daang daang mga taga suporta ni Bosing ang nagtipon aa Mlang Muncipal Plaza para hilingin sa LGU na huwag itong patigilin aa panggagamot lalo na sa mga mahihirap.
Abot sa 50 mga benepisyaryo sa Kidapawan City ang nakatanggap ng mga hayop na pinondohan ng National Anti Poverty Comission o NAPC, kahapon.
Ayon kay City Agricuturist, Nesmarie Espejo, 50 mga kambing ang kanilang ipinamahagi sa sampung mga barangay sa lungsod.

45 rito ay babae habang lima naman ang lalaki.Kabilang sa mga barangay na nakatanggap ng nabanggit na hayop ay Binoligan, San Isidro, Nuangan, Magsaysay, Singao, Sudapin, Perez, Meohao, Lanao at new bohol.

Abot naman ang inilaang pondo ng NAPC ay 1.3 million pesos katuwang ang City Agriculture Office, City LGU at Local Poverty Reduction Action team o LPRAT.Ang mga benipisyaryo ay tinukoy mismo ng LPRAT.

Hiling lamang ng mga nabnggit na ahensya sa mga benipsiyaryo na alagaang mabuti ang hayop na ibinagay sa kanila at patuloy na suportahan ang proyekto para mas marami pa silanibang matulungan.
Nagpapasalamat ngayon ang halos isang libong pamilya na nakatanggap ng libreng bigas sa brgy. Labuo. President Roxas, North Cotabato.Ayon kay brgy. Labuo Chair, Eusebio Madriaga, 86 na sakong bigas ang inilaan ng Provincial Government katuwang ang DSWD at LGU para sa kanila.

Ang pamamahagi ay base nama sa record ng barangay bawat pamilya na una na ring naapektuhan ng mga kalamidad sa lalawigan.Ikinalungkot naman ni Madriaga na hindi nasunod ang pagbibigay ng bigas base sa kanilang masterlist.

Aniya, may iba raw na nabigyan na hindi nakarehistro sa kanilang barangay.Pero sa kabila nito, hinati naman ng maayos ng barangay Labuo council ang bigas na inilaan para sa kanila para mabigyan ang lahat ng residente.
Abot naman sa higit apat na kilong bigas ang natanggap ng bawat pamilya.

NDBC BIDA BALITA Umapela si Department of Healh o DOH Assistant Secretary Dr. Abdullah Dumama Jr. sa mga magulang na bantayan ang kanilang mga anak.Ito ay upang hindi mabiktima ng paputok ngayong holiday season.
Ayon kay Dumama sa kabila kasi ng maigting na kampanya noon ng ahensya, marami pa ring mga bata ang napamahak dahil sa paputok.Ito ang ipinahayag ni Dumama kasunod ng kahilingan nito sa mga lokal na pamahalaan na isulong ang community fireworks display o iba pang alternatibong programa sa pasko at bagong taon.
Iginiit ni Dumama na lahat ng uri ng firecracker ay mapanganib, legal man ito o hindi.Ipinahayag naman ni DOH XII Program Coordinator Jenelyn Ventura, na noong 2015 umabot sa 193 ang fire cracker related injuries ang naitala sa rehiyon.
Pinakamarami dito na umabot sa 80 ay nasa South Cotabato, 38 sa North Cotabato, 26 sa Sultan Kudarat, 21 sa General Santos City, 18 sa Sarangani at 10 sa Cotabato City.Marami ring naging biktima ayon kay Ventura ang mga ipinagbabawal na piccolo, kwitis, 5 star, at triangle.
Mayroong ding mga tinamaan ng ligaw na bala.
Napapakinabangan na ngayong ng 111 na manginisda ng Tilapia sa Lake Sebu, South Cotabato ang mga 132 twin plastic cages ng pamahalaang panlalawigan.
Hinikayat naman ni South Cotabato Governor Daisy Avance Fuentes ang mga mangingisda na bayadan ang fish cages at panatilihin ang kalinisan sa Lake sEbu.Ito ayon kay Fuentes ay dapat gawin ng mga mangingisda hindi para sa kanilang mga sarili kungdi para sa susunod na henerasyon.
Ang mga plastic fish cages na ibinigay sa mga Tilapaia fishermen ng Lake Sebu ay nagkakahalaga ng mula P13 thousand hanggang P33 thousand pesos.Ayon kay Provincial Environment and Management Office o PEMO Forest and Inland Division Water Division Chief Loida Villa ito ay babayaran ng mga beniysaryo ng hulugan.Ang kabuuang halaga ng mga fish cages na kanilang ipinamigay ayon kay Loida ay nagkakahalaga ng P3.3 million.
Layon ng pagpalit ng mga bamboo fish cages sa plastic fish cages na mabawasan ang organic load mula sa knabubulok na kawayan, mapabuti ang sirkulasyon ng tubig at maibsana ng polusyon sa Lake Sebu.
Sa halip na sa mga kabataan mas makabubuting ibigay na lamang sa mga lodging housedang condom para magamit ng mga pumapasok dito.Ito ang ipinahayag ni South Cotabato Governor Daisy Avance Fuentes kasunod ng pahayag nito na mariing pagtutol sa pamimigay ng condom sa mga eskwelahan.
Binigyan diin ni Fuentes na walang kabutihang maidudulot sa mga kabataan ang pamimigay ng naturang concraceptive.Ipinahayag ng gobernador na sa halip na bigyan mas mabuting ipaliwanag na lamang muna sa mga kabataan ang kahalagahan nito.
Isinusulong ng Department of Health ang pagbibigay ng Condom sa mga eskwelahan para mapigilan ang pagdami ng mga biktima ng HIV/AIDS at teenage pregnancy.Maging ang simbahang katoliko sa Koronadal City ay nagpahayag na rin ng pagtutuol sa plano ng DOH.
Ayon kay Koronadal Saint Anthony Parish Media Reporter Valmer Mariveles hindi sagot sa HIV/AIDS at teenage pregnancy ang condom.Sa halip ayon kay Mariveles mas makabubuting tutukan na lamang ng mga eskwelahan ang pagtuturo ng magandang asal o values at isailalim ang mga estudyante sa sports program para makaiwas sa masasamang bisyo.Ang paggamit ng condom o anumang artipisyal na contraceptive ay mariin namang tintutulan ng simbahang katoliko na mas isinusulong ang natural na pamamaraan ng pagplanong pamilya.
Hindi nagpatinag sa pagulan ang libo libong mga mamamayan ng Koronadal City at dinagsa pa rin ang simbahan para dumalo sa unang araw ng simbang gabi kaninang madaling araw.Hindi pa man kasi nagsisimula ang alas tres ng umaga na unang misa, nagsimula nang bumuhos ang ulan kaya perwisyo ang dulot nito sa publiko na maagang gumising para magsimba.Para hindi mabasa ng ulan kanya kanyang dala ng pananggalang na payong ang mga nagsimbang gabi, bata man o matanda.
Marami sa mga ito na hindi na nakapasok ay nagtiyaga na lamang na makinig ng misa sa labas ng simbahan habang nakapayong.
Isa sa mga tiniis ang ulan at lamig ng umaga para makapag simba ang senior citizen na si May Pragata.
Ayon kay Pragata ang pagdagsa ng mga mamamayan sa simbahan kahit umuulan ay patunay lamang ng matibay na pananampalataya ng mga ito.
Ito ayon kay Pragata ay bilang pagpapakita rin ng pagpapahalaga sa tradisyon ng mga Pilipino.
Panalangin naman nito ngayong pasko magandang kalusugan para sa kanyang pamilya.Ang simbang gabi sa Christ the King Cathedral sa Koronadal City ay ginaganap tuwing alas tres at alas kwatro y medya ng madaling araw.

PRO-BAR chief Tanggawohn bestowed posthumous award to Capt. Moralde

CAMP SK PENDATUN, Maguindanao Norte - The Police Regional Office Bangsamoro Autonomous Region bestowed posthumous award to late PCPT ROLAND ARNOLD...

Suspected gunrunners huli, mga armas nakumpiska sa kanila sa Alamada

COTABATO CITY - KULONG na ngayon ang dalawang mga gunrunners matapos mahuli ng Criminal Investigation and Detection Group o CIDG BARMM sa isang...

High value drug peddler falls, yields 150 grams of shabu in Lanao Sur

MARAWI CITY - Lanao del Sur PPO's Provincial Drug Enforcement Unit/Provincial Special Operations Group, 1st Provincial Mobile Force Company, Marawi...

6 armed villagers wounded in Basilan ambush incident

COTABATO CITY - Ambushers seriously wounded six men in a rival group in an attack early Saturday in Sitio Lessem, Barangay Bato-Bato, Akbar...

DA: Price freeze needed only in areas under state of calamity

MANILA – The Department of Agriculture (DA) on Friday said that a price freeze of rice and other basic commodities should only be implemented in...