Wednesday May, 22 2024 03:32:34 AM

NDBC BIDA BALITA (1.2.17)

 • 16:58 PM Mon Jan 2, 2017
821
By: 
NDBC

NEWSCAST

JANUARY 2, 2017 (MONDAY)
7and00 AM

HEADLINESand

1. Pagsalubong sa Bagong Taon payapa ayon
sa PNP

2. Sugatan sa Paputok sa pasko at
bagong taong sa region 12 bumamaba ayon sa DOH at PNP

3. Dating Vice mayor ng North Cotabato, patay sa vehicular accident3 Sa kabila ng mataas na security
threat level sa Kidapawan City, mga pulis na naka-istasyon sa highway
tatanggalin

Naging mapayapa sa kabuuan ang
pagsalubong sa Bagong Taon, base sa pagtaya ni Philippine National Police (PNP)
Chief Director Gen. Ronald dela Rosa.

Ayon kay dela Rosa, sa nasabing
pagdiriwang walang naitala ang Police Regional Offices ng mga untoward
incidents na nangyari maliban sa ilang tinamaan ng ligaw na bala.

Sa tala ng pulisya, kabu­uang 15 katao
ang naaresto na may kaugnayan sa paglabag sa pagdadala ng baril. Siyam din ang
naitalang kaso ng stray bullet.

Sabi ni dela Rosa, ang PNP ay agresibo
sa pagpapatupad ng batas laban sa indiscriminate firing at illegal discharge of
firearms.

Sa katunayan, nagbabala na umano siya
sa kapulisan na kapag napatunayang lumabag ang kapulisan sa nasabing direktiba
ay kanyang bibigyan ng karampatang pagdidisiplina o sisibakin sa puwesto maging
ang hepe o station commander sa lugar kung hindi maresolba sa loob ng 24 oras
kung sino ang suspek.

Samantala, binati naman ng heneral ang
PNP, Department of Health at iba pang government agencies at local government
units sa tagumpay ng pangkalahatang kampanya para mabawasan ang mabiktima ng
paputok sa holiday season.

Pinatunayan anya dito ang ulat ng DOH
na 60 porsiyento ang nabawas sa firecracker related medical emergency cases sa
buong kapulungan kumpara sa limang taong ave­rage na naitala noong 2010.

Ang ganito anyang pagbaba ng porsiyento
ay mai-attribute sa pagiging vigilante ng kapulisan kasama ang suporta ng
komunidad sa pagpapatupad ng pagbabawal laban sa iligal na paputok at
pagpapaputok ng baril.

Sa tala ng PRO, nasa 18 katao ang
inaresto dahil sa distribusyon at pagbebenta ng iligal na mga paputok. Habang
nasa 11 naman ang naaresto base sa natanggap na tawag mula sa PNP 911 police
emergency hotline sa iba’t-ibang units. Ipinagmalaki ni
Department of Health (DoH) Sec. Paulyn Jean Rosell-Ubial na tagumpay sila sa
kanilang kampanya kontra sa paputok matapos walang naitalang nasawi at bumaba
ng 60% ang bilang ng mga biktima ng paputok nitong pagsalubong ng bagong taon.

Sa ginanap na press
briefing kahapon, sinabi ni Sec. Ubial, nakapagtala lamang ang DOH ng 350
fireworks related injury kung saan 348 ang nasabugan ng paputok habang dalawa
ang nakalulon ng paputok.

Sa 348 na bilang,
pinakamarami ang nabiktima sa National Capital Region (NCR) may 211 kaso (60%),
Western Visayas, 34 kaso 10%) Central Luzon, 29 kaso (8%).

Nabatid na mas mababa
umano ang naturang bilang kumpara sa 932 biktima ng paputok noong 2015.

Ang pinakamaraming bilang
ng mga biktima sa pagsalubong sa bagong taon ay noong 2006 na umabot sa 1,306.

Sa kabila nito
ikinalungkot naman ng kalihim na nasa 132 sa mga sugatan o nasa 38 percent ay
dahil pa rin sa paggamit ng iligal na piccolo.

Karamihan din sa mga
sugatan ay mga bata na nasa 15-anyos lamang pababa.

Nabatid na magtatapos rin
sa Enero 6 ang isinasagawang Firecrackers Relate Injuries Surveillance na unang
sini­mulan noong Disyembre 21, 2016.

Nilinaw din ni Ubial na
ang Iwas Paputok Campaign ay hindi natatapos sa Enero 2017 dahil mas palalawakin
pa nila ang kampanya sa pamamagitan ng pagsusulong na maaprubahan ang Executive
Order na magba-ban sa paggamit ng paputok.

Kasabay nito, todo
pasa­lamat ang DoH sa iba’t ibang sektor na tumulong sa kanilang kampanya upang
mapababa ang insidente ng firecracker injuries sa pagsalubong sa bagong taon.

Kabilang din ang
koo­pe­rasyon mula sa mga local government units kung saan isinulong ang
pag-organisa sa komunidad na may iisang lugar ng public fireworks display,
nandiyan din daw ang epek­tibong kampanya ng PNP at malaking tulong din na
ginawa ng media. PINANINIWALAANG isang firecracker ang bumagsak sa bahay ng isang Bong Castor sa Poblacion, Antipas, na nagsanhi ng pagliyab at pagkasunog ng istruktura.

Naganap ito sa kasagsagan ng Media Noche.Ayon kay Ibrahim Guiamalon, ang provincial fire marshal ng North Cotabato, halos naabo ang bahay.

Tinaya sa walumpung libo ang halaga ng natupok na apoy.
Pero puna ng ilang mga residente sa lugar, matagal nakapagresponde ang Bureau of Fire Protection.

May dalawang firetruck na nakatambay sa erya pero wala naman daw lamang tubig. SA BAYAN ng M’lang naitala ang apat na kaso ng firecracker-related injury.
Sinabi ni Dr. Glicerio Sotea, municipal health officer ng M’lang, na pawang mga firecracker na tulad ng piccolo ang sanhi ng sugat ng mga biktima.
Higit limampung porsiento ang pagbaba ng bilang ng mga nasugatan sa paputok sa bayan ng M’lang, nito’ng 2016.

Noong nakaraang taon, abot ito sa sampu.Samantala, isa pang firecracker-related injury ang naitala sa North Cotabato, batay sa monitoring ng Department of Health o DoH-12.Isinagawa ng DoH ang kanilang monitoring sa buong rehiyon dose mula December 20 hanggang December 31.
Sa kabuuan, abot sa 33 ang mga biktima ng paputok sa Region 12 -- mas mababa ng 77 na porsiento kung ikukumpara noong nakaraang taon.
Ang madalas sanhi ng firecracker-related injury ay piccolo, kwitis, at whistle bomb.
SIMULA ngayong taon ay magpu-pullout na ng kanilang mga static o choke posts sa national highway ang Kidapawan City PNP.Ito ang isa sa mga plano ng PNP na natalakay sa katatapos lamang na City Peace and Order Council o CPOC meeting.

Sa halip, ang ipapalit ay mga mobile checkpoints, ayon kay CPOC chair at Mayor Joseph Evangelista.Kaya nga ba’t ngayong taon ay plano ng city LGU bumili ng karagdagang mobile patrol cars para sa lokal na PNP.
Kabilang din sa plano ang pagbili ng mga multi-cab na gagamitin ng barangay tanod sa kanilang pagpapatrolya, lalo na sa gabi – kung saan madalas nangyayari ang krimen.Ngayong taon din, di na papayagan ang mga establisiemento na makapag-renew ng kanilang business permit kung wala sila’ng mga naka-deploy na security guards.Madalas kasi, ginagawang taga-bantay ng mga establisiemento ang mga barangay tanod ng lungsod.

DEAD-ON-ARRIVAL sa ospital si Wennie Canario, dating vice-mayor ng Arakan, North Cotabato, nang bumangga ang minamaneho nito’ng motorsiklo sa isa pang motorsiklo sa may Barangay Doruluman, Arakan, ala-una ng hapon, kahapon.
Binabaybay ng 57-anyos na si Canario ang provincial road nang masagi nito ang isang motorsiklo na minamaneho ng isang Emilio Aringo na estudyante ng CFCST.Parehong bumagsak sa highway ang dalawa.

Pero si Canario napuruhan dahil sa matinding sugat sa ulo at sa iba pang bahagi ng katawan.
Nagdulot ng takot sa mga residente ang inihagis na granada ng di pa kilalang mga suspek sa harapan ng brgy.Hall ng Poblacion, Pikit, North Cotabato.Ayon kay Chief Ins.Donald Cabigas, Hepe ng Pikit PNP, ang nabanggit na granada ay inihagis partikular sa compound ni Felomina Ferenal.

Ang insidente nangyari pasado alas dos ng hapon kahapon.Agad na rumesponde ang Pikit PNP sa lugar at kinordon ang area.

Mabuti na lamang ay hindi sumabog ang granada at walang nasaktan sa pangyayari
Sa kabila nito naging mapayapa naman sa pangkalahatan ang pagselebra ng bagong taon sa bayan ng Pikit.Sa ngayon naghigpit na rin ng seguridad ang PNP at iniimbestigahan na ang nabanggit na pangyayari. Naniniwala si South Cotabato Governor Daisy Avance Fuentes na makatutulong sa pagresolba ng problema ng sunod sunod na panunog ng bus sa lalawigan ang peace rally.Ayon kay Fuentes, para mabukasan ang puso at kaisipan ng mga myembro ng New Peoples Army o NPA at iba’t ibang sector kailangan ang tulong ng mayakapal.Ito ang sinabi ni Fuentes sa pagsunog ng mga bus sa lalawigan ng umano’y NPA sa kabila ng unilateral ceasfire at peace negotiation sa pagitan ng rebeldeng grupo at pamahalaan.Plano naman ng pamahalaang panlalawigan na gagawin ang prayer o peace really ngayong Enero.Matatandaan na simula Nobyembre noong nakaraang taon, apat na mga bus na ang sunonog ng mga nagpakilalang NPA sa South Cotabato.
Sinalubong sa ospital ng isang drug suspek na sugatan matapos manlaban sa mga pulis sa Koronadal City ang bagong taon.
Kinilala ni Koronadal City Anti Drug Abuse Council o CADAC Representative Glorio Sandig ang suspek na si Leo Licayan,alyas Master 39 anyos, nakatira sa Navarro Subdivision, Barangay General Paulino Santos sa lungsod.
Isinagawa ng mga pulis ang kanilang anti illegal drug operation sa Purok Gracia Villa,Barangay Zone 1, Koronadal.
Ayon kay Sandig si Licayan ay tinamaan ng bala ng baril sa hita matapos manlaban sa mga pulis.
Nabatid na matapos magduda na pulis ang ka-transaksyon nito, agad na nagpaputok si Licayan dahilan para barilin din siya ng pulisiya.
Nakuha ng mga pulis kay Licayan ang isang medium pack suspected shabu at P2,500 pesos.
Si Licayan ay nagpapagaling pa sa South Cotabato Provincial Hospital.
Nakatakas naman ang kasama nitong si Bouchard Caldero, alyas Bogs target din ng mga pulis.
Inihahanda na ng Koronadal City PNP ang pagsasampa ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act laban kina Licayan at Calderon.
Naitala sa South Cotabato ang siyam sa labinwalong sugatan dahil sa paputok sa region 12 mula Pasko hanggang sa pagsalubong ng bagong taon.Ito ay ayon kay Department of Health O DOH Firercracker Injury Monitoring Office Spokesperson Jenny Ventura.
Pinakamaraming kaso ng firecracker related injury sa region 12 ay naitala sa South Cotabato.Ayon kay Ventura umaasa silang wala nang masusugatan dahil sa paputok sa susunod na taon, dahil sa tulong ng iba’t ibang sector.
Sinabi ni Ventura na pinakarami pa ring nabiktima ang matagal nang ipinagbabawal na Piccolo.Ayon naman kay Police Regional Office 12 Information Officer, Superintendent Romeo Galgo ang bilang ng mga nasugatan ngayon taon ay mas mababa ng 85.5 percent kumpara sa 124 na firecracker related sa region 12 sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.Nabatid na 16 sa mga naputukan sa region 12 ay mga lalaki, dalawa ang mga babae at mula 5 hanggang 56 anyos.Labintatlo sa mga sugatan ay nagsindi ng paputok habang ang lima ay aksidenteng tinamaan.
Maliban sa South Cotabato naitala rin ng Online National Electronic Injury Surviellance System o ONIESS ang tig dalawang kaso ng firecracker related injuries sa lalawigan ng Sultan Kudarat at General santos City
Habang mayroon namang tig iisang nasugatan dahil sa paputok ang North Cotabato at Cotabato City.
Hindi na nasalubong pa ng isang 65 anyos na lola ang bagong taon matapos maaksidente ang sinakyang motorsiklo sa National Highway, Barangay Centrala, Surallah, South Cotabato.Kinilala ni Surallah Chief of Police, Chief Inspector Joel Fuerte ang biktima na si Erlinda Rabacal nakatira sa barangay Lamian, Surallah.Sugatan naman ang mga kasamang angkas ni Rabacal na sina Benjomar Salem, 20 anyos ng Tupi South Cotabato at ang mga taga Surallah din na sina Joerylyn Quiros, 26 at Justin Villaruel 22 anyos.Lumabas sa inisyal na pagsisiyasat ng mga pulis na na aksidenteng nabangga ng motorsiklo ng mga biktima ang kasalubong na Truck .Ang mga biktima ay mula sa Lambontong at papunta sana sa Poblacion, Surallah nang maaksidente.
Ang driver ng motorsiklo na sinakyang ng mga biktima na si Rheo Doyola, 38 anyos ng Lambontog Surallah na sugatan din ay kasama din ng mga angkas nitong nagpapagaling pa sa ospital.Ang ang truck na nabangga ng mga biktima at driver nitong si Roberto Lanada, 64 anuyos ng Poblacion, T’boli, South Cotabato ay ikinustodya ng pulisiya,.
Ito ay habang nagpapatuloy pa ang kanilang imbisitgasyon sa insidente.
Nakapagtala pa rin ng sunod sunod na insidente ng nakawan ang Koronadal City PNP habang abala sa paghahanda sa bagong taon ang maraming mga mamamayan.
Ito ay sa kabila ng paulit ulit na paalala ng mga ito sa publiko.Humiling ng tulong sa Radyo Bida Koronadal ang isang ginang matapos madukutan ng P21,000 sa Adofels Supermart sa Morrow Street, Barangay Zone 2.
Ayon sa 21 anyos na si Tisa Mayada, ng Barangay Tinongcop, Tantangan, South Cotabato, natuklasan nito na nawawala na ang pitaka nang magbayad ng ipinambili na handa sa bagong taon.Sinabi ni Mayada na ang pera na bagong withdraw ay pinagkatiwala sa kanya ng kapatid na Overseas Filipino Worker.Wala nang nagawa pa ang misis kungdi umiiyak na nagsumbong sa mga pulis dala ang kanyang dalawang mga maliit na anak.Samantala pinasok din ng mga magnanakaw ang bahay ng isang Victoria Nemiz sa San Antonio Subdivision, Barangay Santa Cruz Koronadal City.Nakuha sa bahay ni Nemiz ang assorted groceries, may 10 kilong bigas at ilang personal na gamit.Lumabas sa inisyal na imbestigasyon ng pulisiya na dumaan ang magnanakaw sa sinirang pinto ng ninakawang bahay.Nabatid na ang bahay nito ay ipinagkatiwala ni Nemiz sa kanyang kasambahay na si Brenda Lyn Serrano na umalis naman para dumalo sa birthday party ng kanilang kapitbahay

OMI first profession of religious vows and acceptance to the OMI Novitiate

COTABATO CITY - LIMANG MGA OBLATE NOVICES ng nagsagawa ng kanilang first profession of vows sa Oblates of Mary Immaculate kahapon. Ito ay sina...

OPAPRU: Cotabato City chapel blast culprits to be punished

MANILA – The Office of the Presidential Adviser on Peace, Reconciliation and Unity (OPAPRU) on Tuesday deplored the grenade attack at a Catholic...

Cotabato Light announces NGCP scheduled power service interruption for May 26

COTABATO CITY - The Cotabato Light and Power Company (Cotabato Light) announced today the National Grid Corporation of the Philippines (NGCP)...

Groups, BARMM officials condemn Cotabato City chapel bombing

COTABATO CITY - Various sectors condemned Sunday’s grenade attack on a small Catholic chapel in a residential area here that hurt two worshipers and...

2 drug peddlers nabbed, over P1-M shabu seized in Pikit anti-drug ops

GEN. SANTOS CITY  – Anti-illegal drug entrapment operation in Barangay Ladtingan, Pikit, North Cotabato on May 19, 2024, led to the arrest of...