Wednesday May, 01 2024 02:58:15 PM

NDBC BIDA BALITA (12.22.16)

Local News • 18:17 PM Thu Dec 22, 2016
899
By: 
NDBC

DECEMBER 22, 2016 (WEDNESDAY)
7and00 AM

HEADLINESand

1. National Youth Commission
Chairperson Aiza Seguerra, may panawagan sa publiko kasabay ng Youth Protection
Forum Against Any Form of Violence sa Cotabato City

2. Bus, sinunog ng armadong kalalakihan
sa Koronadal City

3. PNP Region 12, kumpyansa sa hindi
pagselyu ng kanilang mga baril ngayong Holiday Season

4. President Rodrigo Duterte,
nagdeklara ng Unilateral Ceasefire ngayong Kapaskuhan

Naniniwala si Koronadal Mayor Peter Miguel na plinano ng mabuti ng mga suspek ang panunog sa isa na namang Husky bus sa lungsod.Ayon kay Miguel ito ay kung pagbabatayan ang bilis ng pangyayari alas syete y medya Myerkules ng gabi.. Ang sinunog na bus ay mula Cotabato City at patungong Koronadal City.Ayon kay Miguel isa sa mga suspek na sumakay sa Tacurong City, Sultan Kudarat ay pumara pagdating sa national highway barangay Morales, Koronadal kung saan naghihintay ang iba pang mga kasamahan.Sinabi ni Miguel na habang pababa ng bus inutasan pa ng suspek ang mga pasahero na bumaba din habang umaakyat ang walo pa nitong mga kasama na armado ng short fire arms..Wala nang nagawa pa ang konduktor at driver ng buhusan ng gasolina at silaban ng mga suspek ang bus.Ang mga suspek ayon sa alkalde ay patakbo namang tumakas sa bulubunduking bahagi ng Koronadal, patungo sa katabing bayan ng Tantangan.Nagpapatuloy pa ang pagtugis ng mga pulis sa mga ito.Nilinaw naman ni Miguel na taliwas sa panunog din ng bus sa South Cotabato at iba pang lugar sa rehiyon noong mga nakaraang lingo, hindi umano nagpakilalang New Peoples Armay o NPA ang mga suspek.HIndi din matiyak ng alkalde kung ano ang motibo ng mga ito.Ilang sandali matapos ang panunog isang tricyle driver ang pumunta sa Radyo Bida Koronadal at humiling ng tulong na tawagan ang Bureau of Fire Protection o BFP.Ito na ang ikaapat na insidente ng panunog ng bus sa South Cotabato simula noong Nobyembre.Matatandaan na sinunog ng nagpakilalang NPA ang mga bus ng Yellow Bus line sa mga bayan ng Tupi at Sto. Nino.Tinangka ding sunugin ng mga ito ang isang Husky Bus sa barangay Maibu, sa bayan ng Tantangan.Matatandaan na maliban sa limang heavy equipment ng isang construction company sa Koronadal City, sinunog din kamakalawa ng gabi ng mga umanoy NPA ang BAnana packing plant ng isang kompanya sa Barangay Canahay, Surallah, South Cotabato.(Roel P. Osano) Hinamon ni National Youth Commission
Chairperson Aiza Seguerra ang publiko na suportahan ang karapatan ng kabataan.

Ito ang ipinahayag ni Seguerra na
siyang naging pangunahing bisita sa isinagawang Youth Protection Forum Against
Any Form of Violence sa Cotabato City.

Ang aktibidad ay ginanap sa City Mall
Convention Center sa pangunguna ng Cotabato City Government.

Daan-daang mga kabataan ang nakiisa
nabanggit na aktibidad na nagmula pa sa iba’t ibang baranggay lungsod.

Maliban rito ilang mga opisyal at
representante ng Department of Education at PNP ang dumalo sa nabanggit na
aktibidad.

Kasabay ng hamon ni Seguera ay ang
pangako nito na programa para sa mga kabataan ng Administrasyong Duterte.

Matapos ang pagdalo sa Forum, nagtungo
at humarap rin sa mga kabataan ng Baranggay RH 2 si Seguerra.

Nakatakda din siyang bumisita sa Brgy
Tukanalipao sa Mamasapano, Maguindanao ngayong araw.

Patuloy pa ngayon ang
ginagawang imbestigasiyon ng PNP sa panibagong insidente ng pamamaril sa
Jacinto Street, Poblacion, Kabacan, Cotabato alas 7:30 kagabi.

Kinilala ni Police Senior
Ins. Ronnie Cordero, hepe ng Kabacan PNP ang biktima na si Jomar Lladrillo,
29-anyos, single at dating kasapi ng Hukbong Katihan ng Pilipinas at residente
ng Barangay Kabulakan, Matalam, Cotabato.

Ayon sa report,
pinagbabaril ang biktima ng di pa kilalang suspek gamit ang kalibre .45 na
baril batay sa mga basyo ng bala na narekober sa crime scene.

Mabilis namang tumakas
ang suspek sa di malamang direksiyon.

Agad ding isinugod ang
biktima sa Polymedic Hospital Kabacan at inilipat naman agad sa Amas Provincial
Hospital.

Wala pang impormasiyon sa
kalagayan ngayon ng biktima.

Ang biktimang si
Lladrillo ay isinasangkot sa mga kasong Robbery with Homicide, Gun for Hire at
illegal drug trade na may operasiyon sa bayan ng Kabacan. Pinagbabawalan na ang
lahat ng mga citizen ng Estados Unidos na umiwas na bumiyahe sa Sulu
archipelago at sa southern Sulu sea.

Sa inilabas na travel
warning kahapon ng US Embassy sa Manila, pinag-iingat din ang mga Amerikano na
nasa Pilipinas sa pag-travel sa Mindanao dahil na rin sa patuloy umanong banta,
karahasan at mga kidnapping.

Sinabi ng US Embassy na
ang mga grupong separista at terorista ay patuloy na nagsasagawa ng pag-atake
at pagdukot laban sa mga sibilyan, dayuhan, political leaders at Phl security
forces sa Mindanao.

Simula umano noong Enero
2016, umaabot sa 13 magkakahiwalay na pagdukot sa mga dayuhan ang naiulat sa
Mindanao.

Sa central Mindanao,
nananatili anila na aktibo ang Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa Cotabato
City area, Maguindanao, North Cotabato, at mga lalawigan ng Sultan Kudarat.

Bunsod nito, mahigpit na
iniutos na ang mga U.S. government personnel ay kailangang kumuha muna ng
special authorization mula sa Embassy security officials bago ang planong
mag-travel sa Mindanao at Sulu Archipelago. Nilinaw ng
Malacañang na hindi kasama
ang abortion sa mga paraan ng palalakasing family planning program sa
susunod na taon.

Inihayag ito
ng palasyo matapos ilahad ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Lunes ang mga
plano nito sa susunod na taon kasama na ang pagpapaigting sa family planning program.

Sinabi ng
Pangulo na ilalarga ang programa sa
pamamagitan ng paggamit
ng pills, ligation, at iba pang
makabagong pamamaraan para
makontrol ang pagdami ng anak.

Sa
kasalukuyan, nasa 105 Milyon na ang populasyon ng
Pilipinas.

Sinabi ng
Pangulo na noong alkalde
pa lamang ito ng Davao city,
binibigyan niya ang mga nanay
ng pera para
magpa-ligate o kaya naman ay
binibigyan ng pills.

Binigyang-diin
pa ng Presidente na hindi lingid sa kanya
ang posisyon ng simbahan sa
family planning, pero kailangan
din anyang kontrolin ang populasyon ng
Pilipinas. Sa pagharap ni
Pangulong Rodrigo Duterte sa mga sundalo sa 81st Anniversary ng Armed Forces of
the Philippines sa Camp Aguinaldo, nagbilin ito na laging respetuhin ang
karapatang pantao at ang pagpapairal ng batas sa kanilang mga operasyon.

Sa kaniyang
talumpati, tinawag ni Duterte ang mga militar bilang bedrock of our democratic
ideals dahil sa mandato nitong protektahan ang bansa at ang mga mamamayan.

Kasunod nito
ay pinaalalahanan niya ang mga sundalo na tiyakin ang pagiging handa sa kanilang
mga operasyon, nang may kaakibat na respeto sa international humanitarian law,
human rights and the rule of law. -- Patay ang isang Barangay Peace Keeping Action Team o BPAT Member matapos siyang pagbabarilin ng di pa kilalang suspek sa Pikit North Cotabato.
Kinilala ni Chief Ins. Donald Cabigas, hepe ng Pikit PNP ang biktima na si Larry Cabrito, 47- anyos, may-asawa na taga brgy. Dalingoen Pikit.

Ang insidente ay nangyari pasado alas nuebe ng umaga kahapon.
Ayon kay Cabigas, habang pinaparada raw ng biktima ng kanyang XRM motorcycle sa National Highway ay bigla na lamang siyang pinaulanan ng bala ng riding tandem suspect.

Apat na tama ng bala sa katawan ang tinamo ng biktima gamit ang 45 caliber pistol base na rin samga narekober na basyo ng bala sa crime scene.Agad na isinugod sa pagamutan ang biktima pero binawian din ng buhay.

Habang tumakas naman papuntang brgy. Takepan, Pikit area ang mga suspek sakay sa kulay itom na Bajah Motorcycle.

Personal Grudge naman ang sinusundang anggulo ng PNP na posibleng motibo sa pamamaril.
--Walong public hospitals ngayon sa probinsya ng North Cotabato ang naka Code White alert base na rin sa mandato ng Department of Health o DOH.

Ito ay bilang paghahanda sa inaasahang mataas na bilang ng mga firecraker-related at stray bullet injuries ngayong holiday season.Ayon kay Dr. Eva Rabaya, Head ng Integrated Provincial Health Office o IPHO North mananatiling nakataas ang code white alert hanggang January 5, 2017.

Sa ngayon ayon kay Rabaya wala pang mga naitatala ang IPHO ng fire-cracker related incident sa lalawigan.

Umaasa din ang opisyal na bababa ngayong taon ang bilang ng nabanggit na insidente kung saan mas pinalalakas din nila ang kanilang programa at mga kampanya kontra paputok.Kabilang na rito ang Iwas Pautok Program na itinuturo sa mga bayan ng lalawigan sa pamamagitan ng pamamahgi ng Information Education Campaign materials at pagpapaskil ng mga tarpaulin kung saan makakikita ang epekto at resulta ng paggamit ng paputok.

Bagaman at nangangamba, malaki naman ang tiwala ni Rabaya sa mga pulis lalo na't hini sinelyuhan ang kanilang mga baril ngayong taon na wala sanang maitatalang kaso ng stray bullet. Samantala, noong nakaraang taon, iniulat ng DOH na isa lamang ang namatay at mahigit siyam na daan ang nasugutan dahil sa paputok sa buong bansa.

NDBC BIDA BALITA

Malaki ang kumpyansa ng pamunuan ng Philippine National Police Regional Office 12 sa mga pulis sa buong Rehiyon lalo na sa paggamit ng kanilang baril.

Ito ang ipinahayag ni Supt. Romeo Galgo Jr., spokseperson ng PNP 12 matapos ang deriktiba ni PNP Directorr General Ronald Dela Rosa na hindi na selyuhan ang baril upang ipakita na disiplinado at mapagkakatiwalaan ang mga pulis..
Ayon kay Galgo, makasisiguro raw ang publiko na walang mabibiktima ng stray bullet ngayong Pasko at bagong taon.
Aniya, mga responsable raw ang mga pulis sa rehiyon at sakaling lalabag ang mga ito ay kasong kriminal ang posible nilang kakaharapin.
Iginiit ni Galgo na ito’y sa gitna na rin ng pag­babago sa mga polisiya ng PNP at pagbibigay pagkakataon sa kanilang mga tauhan na huwag maging pasaway. Nabatid na noong mga nakaraang taon ay karaniwan nang ginagawa ng PNP ang paglalagay ng selyo sa mga baril ng mga pulis upang maiwasan ang indiscriminate firing tuwing magpapalit ang taon. Muli na namang aasahan ngayong 2016 ang gagawing entertainment na gagawin ng traffic enforcers mula sa Traffic Management Unit o TMU sa Kidapawan City.

Sinabi ni TMU Head Rey Manar, ito ay handog nila para sa commuting public kada pasko at bagong taon.Ang mga Traffic Enforcer ay sasayaw mismo sa may bandang overpass sa Quezon Boulevard alas kwatro ng hapon sa araw ng Biyenes, Dec.23.

Sasayaw sila kasabay ng Christmas disco tunes.

Nabatid na ito na ang ikatatlong taon na magbibigay aliaw ang traffic enforcers sa National Highway.Una nito ay noong nakaaang 2014 na kinagigiliwan ng maraming commuters.
--Abot sa 1, 500 na mga preso sa North Cotabato District Jail ang nakatanggap ng personal hygiene kit mula sa Oblates of Mary Immaculate o OMI at Immaculate conception parish sa bayan ng Pikit, North Cotabato kahapon.Siyam rin na mga OMI Priest ang naki-isa sa pagbibigay ng pamaskong handog bilang bahagi ng kanilang ika-200 anibesaryo.

Nanguna naman sa misa para sa mga bilanggo si Fr. Dencio Basada, OMI.Ang nasabing aktibidad ay tatlong taon nang programa ng parish pastoral council ng Pikit.

Laman ng personal hygiene kit ay ang mga sabon, toothpaste at shampoo.

Samantala, pinasalamatan din ng OMI siSuperintendent Peter John Bongat ng Amas Provincial Jail sa pagpapaunlak nito sa nasabing aktibidad.Una nang hinigpitan ang pagpasok ng mga pagkain at iba pang mga gamit sa loob ng nasabing compound dahil narin sa usaping droga.
-

3 militiamen slain, 3 hurt in Lanao Sur ambush

CAMP SK PENDATUN, Maguindanao Norte  – Three militiamen were killed while three others were injured in an ambush by still unidentified gunmen in...

NDBC BIDA BALITA (May 1, 2024)

  HEADLINES 1   DOH 12 muling nanawagan sa publiko na magpabakuna sa pagtatapos ng World Immunization Week 2  ...

Pagpatay sa IP kagawad sa Datu Hoffer, MagSur, kinundina ni MP Froilyn Mendoza

MAHIGPIT NA KINUNDINA NI BARMM Member of Parliament Froilyn Mendoza ang pagpatay kay Barangay Kagawad Timuay Juanito Promboy ng Barangay Tuayan, Datu...

Dahilan ng blackout sa Kidapawan City, bumagsak na puno

KIDAPAWAN CITY - COTELCO team has found the fault that triggered a blackout across the city - a huge centenial tree hit the 69kV line between...

Cotabato Light announces May 3 power service interruption

COTABATO CITY - The Cotabato Light and Power Company has announced a scheduled power interruption affecting Semba, D.O.S. on Friday, May 3, 2024,...