Wednesday May, 01 2024 02:32:04 PM

NDBC BIDA BALITA (12.23.16)

 • 16:01 PM Fri Dec 23, 2016
804
By: 
NDBC

NEWSCAST

DECEMBER 23, 2016 (FRIDAY)
7and00 AM

HEADLINESand

1.Pulis patay sa vehicular accident sa Koronadal City 6 na iba pa sugatan.
2.P228 million na budget para sa Peace and Order Campaign aprobado na.3. Mahigit 200 magsasaka sa
South Cotabato, apektadong pananalasa ng mga pesteng Balang.

4. P3.35 Trillion National budget para sa 2017 pirmado na ni
Pangulong Duterte

Patay habang ginagamot sa isang ospital sa Davao City ang isang pulis na maaksidente sa minameneho nitong mitsubihi Montero vehicle sa national highway barangay Sarabia,Koronadal City.Kinilala ang biktima na si Police Officer 2 Jeffry Delarmente, 33 anyos , nakatira sa San Pablo, Tacurong City Sultan Kudarat at nakatalaga sa Police Regional Office 12 sa General Santos City.Sugatan din sa aksidente ang mga anak nitong nagkakaedad ng 5, 9, at 8 anyos at iba pang sakay ng sasakyan na sina Rama Duma 17 anyos Pasiral Budsal 22 anyos ng San Pablo Tacurong City.Damay din sa aksisdente sina Sandra Kaysa at Mohammid Kali, pawang biente singko anyos at nakatira sa SK Pendtun Maguindanao.Ayon kay POI Fely Bascon ng KOronadal City Traffic Section, katatapos lang mag outing ng pulis at mga kasama sa Glan, Sarangani Province at pauwi na sa Tacurong nang maaksidente sa bArangay Saravia kahapon. Lumabas sa inisyal na pagisisayat ng mga pulis na habang binabaybay ang kahabaan ng highway bigla na lamang gumulong ng ilang beses ang Mitsubishi Montero na sinakyan ng mga biktima. Ang mga sugatang biktima ay nagpapagling pa sa isang pribadong ospital sa Koronadal City. Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng mga pulis sa aksidente. Tiniyak ng Armed Forces of the
Philippines (AFP) at

Philippine National Police na suportado
nila ang panukala ng Pangulong Rodrigo Duterte na buksan ang mga kampo ng
militar sa mga rebeldeng ngayong kapaskuhan.

Dahil dito, kumpiyansa ang AFP na
tuluyan nang magkakaroon ng kapayapaan sa pagitan ng pamahalaan

at ng mga rebeldeng grupo bunsod ng mga
inisyatiba ng

commander-in-chief.

Ayon kay AFP spokesman Brig Gen
Restituto Padilla,

naniniwala ang militar na sinsero ang
pangulo sa kanyang pagnanais na wakasan na ang apat na dekadang

problema sa mga insurgency.

Sinegundahan ni padilla ang panawagan
ng Pangulo sa

mga rebelde na bumaba sa bundok at
ipagdiwang ang

pasko sa piling ng kanilang mga
pamilya.

Ito ay kasunod ng pagdedeklara ng
pangulo ng unilateral

ceasefire sa NPA, MILF at MNLF mula
Disyembre ngayong araw hanggang sa susunod na martes, at Disyembre 31 hanggang
January 3.

Sinabi ni Padilla na supportado ng AFP
ang hakbang ng

pangulo na buksan ang nga kampo militar
sa mga rebelde

upang sila'y maging panauhin sa pagdiriwang
ng pasko ng

mga tropa sa ng simpleng salo-salo.

Samantala, nakahandang umanong papasukin ni PNP

chief Director General Ronald dela Rosa
ang mga

kalaban ng estado sa Kampo Crame sa
pasko.

Ayon sa Police Official na tao parin
aniya silang

maituturing at baka sakaling magbagong
buhay kapag

pinakain aniya ang mga ito sa loob ng
kampo Crame.

Nilagdaan na kahapon ni
Pangulong Rod­rigo Duterte ang 2017 General Appropriations Act (GAA) na
nagkakahalaga ng P3.35 trilyon sa isang simpleng sere­monya sa Malacañang.

Sinaksihan nina House
Speaker Pan­taleon Alvarez Jr. at Se­nate President Koko Pimentel kasama ang
ilang miyembro ng Kamara at Senado ang ceremonial signing ng Pangulo sa 2017
national budget.

Mas mataas ang 2017
budget ng P6.352 bilyon kumpara sa 2016 budget na nagkakahalaga ng P3.002
trilyon.

Ito ang kauna-una­hang
batas na nilagdaan ni Duterte bilang chief exe­cutive sa kanyang unang 6 na
buwan sa puwesto. Naging sentro
ng selebrasyon ng Indigenous People’s Day sa Matalam, North Cotabato kahapon ay
ang pagbibigay halaga sa kultura ng tribu.

Ayon kay
Edmundo Bandara, ang chair ng committee on Indigenous People at siyang IP
Mandatory Representative, naka sentro ang buwan ng Disyembre hanggang Enero sa
kulturang nakasanayan nila.

Dagdag pa
nito na ang nasabing buwan ay panahon ng tiggalas na ayon sa kanilang mga
ninuno, ay siyang buwan ng pagpapatalas ng kanilang mga punyal.

Sa
pamamagitan aniya ng pagkatay sa isang manok pansabong at pagpapadugo nito sa
kanilang mga punyal, magkakaroon umano sila ng abundang ani.

Samantala,
ang nasabing aktibidad ay dinaluan naman ng higit 250 na mga miyembro ng
Indigenous People at mga barangay chieftain mula sa 34 na barangay sa nasabing
bayan.

Ito ay bilang
bahagi narin ng kanilang selebrasyon sa 55th founding anniversary ng bayan ng
Matalam, kung saan ito na ang ikalawang Indigenous People’s Day. Iniutos ngayon ni
Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapa­sara sa lahat ng porma ng online gambling
sa bansa.

Ayon sa Pangulo,
wala namang nagiging pakinabang ang bansa sa online gaming outlets.

Magugunita na noong
unang buwan pa lamang ng Pangulo sa Malacañang ay gusto na niyang ipasara ang
lahat ng online gaming.

Kamakailan lamang
ay mahigit isang libong Chinese na illegal na nagtatrabaho sa Fontana Leisure
Resort sa Clark ang inaresto ng Bureau of Immigrations dahil sa kawalan ng
sapat na work permit upang magtrabaho sa online casino ni Jack Lam. Patay na nang matuklasan sa pinagtatrabahuhan nitong internet café ang isang babae sa Koronadal city.
Kinilala ang biktima na si Naiza Soterno, 25 anyos at nakatira sa Purok Yellow Bell, Barangay Zone III, Koronadal.
Ang bangkay ni Soterno ay nadiskubre ng kapalit nitong tagabantay sa Netstop Internet Café sa Alunan Avenue pasado alas sais kahapon ng umaga.
Ayon kay Barangay Zone III Chairman Bert Hinay, maliban sa saksak ng gunting at screw driver, posibleng hinampas ng din ng fire extinguisher ang ulo ng biktima na naging sanhi ng kanyang dagliang pagkasawi.
Pagnanakaw o hold up naman ang tinutumbok ng imbestigasyon ng mga pulis sa insidente.
Nabatid na ang niloobang internet café ay biente kwatro oras na bukas.
Kinilala naman ng Koronadal City PNP ang suspek sa pagpatay sa biktima na si Rene Boy Rebollo.
Si Rebollo ay naaresto sa follow up operation ng mga pulis sa National Highway, Barangay Apopong General Santos City.
Inihahanda na ng PNP ang pagsasampa ng kaukulang kaso sa suspek na nakakulong na ngayon sa Koronadal City PNP lock up cell
Umaasa naman ang pulisiya na makatutulong sa imbistigasyon nila sa insidente ang kuha ng CCTV ng katabing mga establisemento.
Binalaan ng Provincial Health Office ng South Cotabato ang mga mamamayan na maghinay hinay sa mga kaliwa’t kanang handaan ngayong Pasko.
Ito ay upang makaiwas sa mga lifestyle diseases.
Ayon kay Provincial Hospital Pathologist Dr. Vita Gasataya, dapat magkaroon ang mga mamamayan ng control sa pagkain ng lechon at iba pang mga pagkain na mataas ang cholesterol.
Ipinahayag ni Gasataya na dapat magingat din ang publiko sa mga matatamis na pagkain na karaniwang nasa hapag kainan ng mga Pilipino tuwing Pasko at Bagong taon.
Ang sobrang pagkain kasi ng mga ito ayon kay Gasataya ay maaring magdulot ng hypertension na mas kilala sa tawag na high blood at diabetes.
Payo nito sa mga may sintomas ng high blood at diabetic, regular na maginom na pang maintenance na gamot.
Abot na sa mahigit P1.9 million pesos ang danyos ng pananalasa ng pesteng balang sa mga pananim sa bayan ng T’boli, South Cotabato.
Ito ay kinumpirma sa Radyo Bida ni South Cotabato Provincial Agriculture Officer Justina Navarete.
Sinabi ni Navarete na pinerwisyo ng balang na mas kilala sa tawag na apan ang mga barangay ng Maan at Mongkayo sa T’boli.
Ayon kay Navarete hinintay pa ng kanilang tanggapan ang datus sa danyos naman ng Balang sa mga barangay ng Lamba at Lampari sa bayan ng Banga.
Ipinahayag ni Navarete na sa kabuuan sinira ng Balang ang mahigit 385 ektaryang maisan sa dalawang mga bayan.
Ito ayon kay Navarete ay nakaapekto naman sa mahigit 200 daang magsasaka.
Nilinaw ni Navarete na sa kabila ng kahandaan ng Provincial Agriculture Office, tutol ang mga mamamayan na mag-spray ng insecticide.
Sinabi ni Navarete na ginagawa na rin kasing kabuhayan ng mga ito ang panghuhuli at pagbebenta ng mga pesteng Balang.
Nakinabang sa mga school supplies, pagkain at iba pang pangunahing pangangailangan ang mahigit 150 biktima ng child labor sa barangay Malkahi bayan ng Malapatan, Sarangani Province.
Ayon kay Department of Labor and Employment o DOLE 12 Sarangani Field Office Head Alma Borela ang mga batang ito ay tinatawag na batang Kabayo .
Sinabi ni Borela na para kumita ng konting halaga, tinitiis ng mga kabataan ang hanggang anim na oras na pagsakay sa kabayo para magtinda sa bayan ng uling at kalakat na gawa sa kawayan.
Ipinahayag ni Borela na para hindi tuluyang maabuso, kailangan ng mga child laborers ng Malkahi ng agarang tulong.
Umaasa si Borela na sa pamamagitan ng kanilang maagang pamasko , ay mahihikayat ang mga child laborer na magaral.
Bibigyan din ng tulong pangkabuhayan ng DOLE ang kanilang mga magulang.
Ang pagtulong sa mga Child Laborers ng Sarangani ay bilang kabahagi ng pagpapatupad ng Project Angel Tree ng ahensya.
Layon ng programa na mapaigting ang tulong sa mga child laborers at kanilang mga magulang.
Ito ay sa pamamagitan ng pagbibigay ng pangunahing pangangailangan, tulad ng educational assistance, at livelihood trainings. Mas madali at mas mabilis na ngayon para sa mga konsumedores sa North Cotabato ang pagtukoy sa bawat presyo ng mga bilihin.
Ito ang napag-alaman matapos ilunsad ng Depart of Trade and Industry, North Cotabato ang
E-Presyo, isang Online Price Monitoring System o OPMS.
Layunin nito na mabigyan ng kaalaman ang publiko kaugnay sa presyo ng mga basic at prime commodities sa ilalim ng monitoring ng DTI sa pamamagitan ng kanilang website.Kabilang rito ang mga presyo ng sardinas, marine product, processed milk, kape, sabon, kandila, tinapay, condiments, localy manufactures instant noodles, construction supplies, harina, poultry meat, processed and canned pork at beef, school at electrical supplies.Sinabi ni Robert Orfrecion ng DTI na tumungo lamang sa kanilang website na dti.gov.ph at hanapin ang E-Presyo at i click lamang ito.Dito makikita ng consumers, ang monitired prevailing prices, comparative monitored prevailing prices at Suggested Retail Price.Bukod rito malalaman rin kung ano ang mga tindahan sa North Cotabato ang may pinakamura at may pinakamahal na presyo sa mga bilihin.

Makikita rin sa pamamagitan ng online site ang presyo ng bilihin ng mga nagdaang linggo at buwan.
Obligado na ngayong magpapintura ng kulay ‘puti’o OFF White ang mga bagong mabibigyan ng tricycle franchises bago pa man ang 2017.

Ito kasi ang mandato ng City Tricycle Franchising Regulatory Board o CTFRB para sa mahigit limangdaang bagong tricycle franchises, bilang pangunahing rekisitos.Ayon pa kay Traffic Management Unit Head Rey Manar, inuna ng City LGU at ng Federation of Kidapawan Integrated Tricycle Associations o FKITA ay yaong mga ‘colorum’ na tricycle na magkaroon ng prangkisa sa pagpasok ng bagong taon.Una nang nilagyan ng numero ng CTFRB at TMU sa City Plaza ang naturang mga sasakyan ilang buwan na ang nakakalipas.Ang pagpapapintura ng ‘OFF WHITE’ sa loob at labas ng tricycle ay isa lamang sa pangunahing requirements para legal na makabyahe ang mga bagong tricycle franchises maliban pa sa mga itinakda ng CTFRB.

Lalagyan din ng kulay pulang pintura na naglalaman ng pangalan ng operator KD at zone numbers at ruta ang bawat tricycle.Sa mga dati at kasalukuyan nang mga nagmamay-ari ng prangkisa na magrerenew simula ngayong buwan ng Disyembre, ay hanggang sa taong 2019 na lamang ang ibibigay na palugit ng CTFRB na magpapintura ng Off White sa kanilang mga sasakyan.
Inaasahang fully implemented na ang unified tricycle color coding scheme sa Kidapawan City pagsapit ng 2020.
Napapatuloy ngayon ang pagrelease ng Productivity Enhancement Incentive o PEI sa mga pampublikong guro sa ilalim ng Cotabato Schools Division sa lalawigan.

Ayon kay Cotabato Schools Division Supt. Omar Obas, una nang inilabas ng Department of Budget and Management ang pondo para sa PEI ng mga guro at idina-download sa DepEd regional offices.Pantay-pantay naman ang matatanggap ng lahat ng mga guro na abot sa limang libong piso.

Ang PEI ay base naman sa performance ng bawat guro.

Tiniyak naman ni Obas na hindi na lalagpas sa pasko ang pagbibigay ng PEI.Samantala, pinagsisikan din ngayon ng Cotabato Division na marelease ang Performance Base Bonus sa lahat ng teaching personnel bago ang bagong taon.

Sinabi ni Obas na magkaiba ang halaga ng PBB kung ikukumpara sa PEI.Sa PBB kasi Maaaring tumanggap ng inisentibo ang mga guro mula 5 thousand pesos thanggang 35 thousand pesos.

Kabilang naman sa mga pinagbabatayan nito ayand una ang resulta ng National Achievement test noong nakaraang school year, pangalawa, bilang ng student drop-out sa isang skwelahan at ang huli ay regular na pagsusumite ng liquidation report kaugnay ng maintenance and other operating expenses nito.

Katunayan, sampung mga paaralan raw sa North Cotabato ang makakatanggap ng may 35 thousand pesos ng PBB depende sa naging performance nito.
Ipinagbabawal ngayon ang pagbebenta ng anumang uri ng paputok sa bayan ng Kabacan para sa pagdiriwang ng pasko at pagsalubong ng bagong taon.
Ito ang ipinahayag ni Senior Ins. Ronnie Cordero, hepe ng Kabacan PNP matapos na hindi nagpalabas ng permit ang pamunuan ni Kabacan Mayor Herlo Guzman Jr. upang payagan ang mga negosyante na mag-benta ng paputok.

Ibig sabihin, nito ayon kay Cordero ay illegal ang anumang uri ng pagbebenta ng paputok sa bayan.

Iginiit ng opisyal na maaari nilang kumpiskahan ang mga nagbebenta ng firecrackers sa Kabacan.
Ginawa ng Lokal na pamahalaan ang hakbang upang maiwasan na may mabiktima ng paputok at bilang pagtalima na rin ni Mayor Guzman sa programang isusulong sana na pagbabawal ng paggamit ng paputok ng DOH.

NDBC BIDA BALITA

3 militiamen slain, 3 hurt in Lanao Sur ambush

CAMP SK PENDATUN, Maguindanao Norte  – Three militiamen were killed while three others were injured in an ambush by still unidentified gunmen in...

NDBC BIDA BALITA (May 1, 2024)

  HEADLINES 1   DOH 12 muling nanawagan sa publiko na magpabakuna sa pagtatapos ng World Immunization Week 2  ...

Pagpatay sa IP kagawad sa Datu Hoffer, MagSur, kinundina ni MP Froilyn Mendoza

MAHIGPIT NA KINUNDINA NI BARMM Member of Parliament Froilyn Mendoza ang pagpatay kay Barangay Kagawad Timuay Juanito Promboy ng Barangay Tuayan, Datu...

Dahilan ng blackout sa Kidapawan City, bumagsak na puno

KIDAPAWAN CITY - COTELCO team has found the fault that triggered a blackout across the city - a huge centenial tree hit the 69kV line between...

Cotabato Light announces May 3 power service interruption

COTABATO CITY - The Cotabato Light and Power Company has announced a scheduled power interruption affecting Semba, D.O.S. on Friday, May 3, 2024,...