Wednesday May, 22 2024 10:47:41 AM

NDBC BIDA BALITA (12.27.16)

 • 16:35 PM Tue Dec 27, 2016
890
By: 
NDBC NCA

NEWSCAST

DECEMBER 27, 2016 (TUE)
7and00 AM

HEADLINESand

1. DRUG PUSHER sa Cotabato
city, arestado sa raid na isinagawa ng City PNP at LGU.

2. Bakbakan ng dalawang mga grupo sa
Banisilan, North Cotabato, nagpapatuloy pa rin

3. Pulisya, naghigpit pa ng seguridad
sa South Cotabato matapos ang pagsabog sa Midsayap, North Cotabato.

NATIMBOG din ng mga otoridad ang isang
notoryus na drug pusher sa Cotabato city sa anti-illegal drug operation na
inilunsad ng City PNP katuwang ang City LGU at mga opisyal ng Barangay
Poblacion Dos ng lungsod.

Sa panayam kay city mayor Atty. Cynthia
Guiani Sayadi sa DXMS AM Radyo Bida ngayong umaga, sinabi nito na matagal na
nilang minamanmanan ang naturang suspek na nadakip sa Almonte Extenson,
Barangay Poblacion Dos ng lungsod.

Nakuha mula sa naarestong suspek na rahid
guiamba ,a 18 simgle si Alyas Pigo, ang tatlong malalaking sachets at 50
malliit na sachets ng pinaniniwalaang Shabu.

Umaasa naman si mayor Sayadi na hindi
madi-dismis ang kasong isasampa laban sa nadakip na suspek katulad ng nangyari
sa ibang mga naunang naarestong drug suspect.

Sa ngayon ayon kay Sayadi, sinusubukan
ng mga otoridad na makakuha ng iba pang mga mahahalagang impormasyon mula sa
nadakip na suspek.

Inaasahang pangangalanan nito ang iba
pang mga personalidad na sangkot sa bentahan ng iligal na droga sa lungsod at
ibubunyag din nito kung saan nanggagaling ang kanilang supply ng Shabu.

PERSONAL GRUDGE ang
tinitingnang anggulo ng Cotabato city PNP sa panibagong kaso ng pamamaril at
pagpatay sa isang habal-habal driver sa lungsod.

Hindi rin inaalis ng
pulisya ang posibilidad na baka may kinalaman sa iligal na droga ang pagpaslang
sa biktimang si Abdul Malatamay Lubalang alyas Datu Bido Alimudin, 57 years old,
may asawa at taga- Barangay Bagua 3.

Sa report ng City PNP,
nag-aabang lamang ng pasahero si Lubalang sa tapat ng fruit stand, sa Sinsuat
Avenue ng lungsod nang lapitan ng riding tandem at pinagbabaril pasado alas
singko ng hapon nitong Sabado.

Nabatid na sinubukan pang
tumakas ni Lubalang subalit hinabol pa rin siya ng mga suspek hanggang sa
tuluyang bumulagta sa tapat ng gate ng isang elementary school sa naturang lugar.

Tinamaan naman ng ligaw
na bala ang sidewalk vendor na si Genecil Cajiben Daniega, 29 at taga-Santa
Cruz Aleosan, North Cotabato na agad namang naisugod sa pagamutan.

Nakuha naman ng mga
imbestigador mula sa crime scene ang walong basyo ng bala mula sa caliber 45
pistol, dalawang empty shells ng cal.38 pistol.

Samantala, hustisya naman
ang sinisigaw ng mga kaanak ni Lubalang matapos na wala naman anila silang
maisip na dahilan para patayin ang biktima.

Tuloy pa rin ang manaka-nakang palitan ng putok ng dalawang armadong grupo sa boundary ng Banisilan at Carmen sa lalawigan ng North Cotabato.Sinabi ni acting North Cotabato Gov. Shirlyn Macasarte Villanueva, matagal nang alitan o family feud ang namagitan sa magkabilang panig na kapuwa nabibilang sa malalaking angkan.Ayon kay Macasarte, ipinadala na niya sa bayan ang mga Muslim political leaders upang tumulong na makumbinsi ang nalalabang pamilya na itigil ang bakbakan at umupo sa negotiating table.May ilang pamilya na rin ang nagsilikas sa takot na madamay sa labanan. DEAD ON
ARRIVAL sa pagamutan ang isang sundalo matapos pagbabarilin ng hindi kilalang
suspek sa harapan ng kanyang bahay sa Alabel, Sarangani.

Kinilala ang
biktima na si Corporal Jomar Estifano, 28, miyembro ng Army’s 73rd Infantry
Battalion at nadestino sa Davao Occidental.

Nalaman na
nakipagkita pa kagabi ang biktima sa kanyang mga pinsan at nakauwi pasado alas-onse
ng gabi.

Pagtaya ng
asawa ng biktima na sinundan ng suspek ang kanyang mister dahil nag-motor
lamang ito pauwi sa kanila sa Alabel, Sarangani.

Bubuksan na
sana ng misis ang kanilang gate nang tinawag siya ng kanyang mister subalit bigla
na lang siyang nakarinig ng sunod sunod na putok ng baril mula sa labas at nang
tiningnan ay nakita na lamang na nakahandusay ang kabiyak.

Sa ngayon ay
inaalam pa ng mga otoridad ang posibleng resposable sa naturang krmen.

IDINIPENSA ng
Armed Forces of the Philippines o AFP ang patuloy na pagpapatupad ng Internal
Peace and Security Plan Bayanihan o ‘Oplan Bayanihan' na madalas makikita sa
kanayunan ng buong bansa.

Ito ay
matapos batikusin ng Communist Party of the Philippines ang naturang hakbang ng
mga sundalo alinsunod ng kanilang 48th re-founding anniversary nitong araw.

Pero giit ni
AFP spokesperson Brig Gen Restituto Padilla, walang dala na anumang peligro ang
Oplan Bayanihan.

Aniya pa, tungkulin
nila na maipaabot ang pambansang seguridad sa mga liblib na lugar at walang
anumang grupo na maaring makapag-pigil sa kautusan ng batas.

Ginawa ni
Padilla ang pagpapaliwanag matapos kinastigo ni National Democratic Front peace
consultant Alfredo Mapano alyas Ka Pares ang Oplan Bayanihan'' na
pinagmulan ng mga abusong-pantao sa kabarangayan.

Sinabi kasi
ni Ka Pares na pansamantalang pinalaya ng Duterte administration na
pang-iispiya laban sa kanila ang isa sa mga layunin ng Oplan Bayanihan kaya
nararapat lamang na mapigil na.

Subalit tugon
naman ni Padilla na hindi dapat mangamba ang mga residente dahil pinahintulutan
ito ng Pangulong Rodrigo Duterte.

Una nang
nagsagawa ng peace forum at naggunita ng ika-48 na anibersaryo ang CPP-NPA-NDF
na dinaluhan ng ilang mga pari at local government unit officials sa Barangay
Mananum Bag-o,Medina, Misamis Oriental kahapon. ITINULOY PA
RIN ng mga kumpanya ng langis ang pagpapatupad ng pahabol na oil price increase
bago magtapos ang taong 2016.

Ito ay sa
kabila naman ng pananalasa ngayn ng bagyong Nina sa iba’t ibang panig ng bansa.

Hindi kasi sakop
ng price freeze tuwing nakadeklara ng state of calamity ang anumang paggalaw ng
halaga ng langis.

Batay sa
abiso ng Department of Energy o DoE, 50 sentimo ang idaragdag sa halaga ng kada
litro ng gasolina.

Nasa 25
sentimos naman sa bawat litro ng diesel habang walang paggalaw sa presyo ng
kerosene.

Ito na ang
ikatlong pagkakataon na nagtaas ng halaga ng kanilang produkto ang oil
companies.

Ilang sa mga
kompaniya ay nagpatupad na ng price hike kaninang hatinggabi habang ang iba
naman ay sumunod kaninang alas sais ng umaga.

Naabot ng provincial health office ng South Cotabato ang Target Maternal Mortality Ratio o MMR.
Ito ay ayon kay South Cotabato Provincial Health Officer. Dr. Rogelio Aturdido Jr.
Ayon kay Aturdido nagsimulang bumaba ang bilang ng mga inang namamatay sa panganganak noong 2013 at na-stabilized nang sumunod na taon.
Nabatid ang mga namamatay na ina dahil sa panganganak sa South Cotabato ay mas mababa sa 52 kada isang libong sa live births National Objective for Health 2016 target.
Ayon kay Aturdido mula 79 percent 11 noong 20umabot na ngayon sa 89 percent ang mga skilled professional na nagpapaanak sa mga buntis.
Sinabi ni Aturdido, para mapigilan ang hemorrhage na pangunahing sanhi ng pagkamatay ng nangangak, pinaigting ng lalawigan ang kanilang Dugo Mo, Kabuhi ko blood donation program sa mga lokal na pamahalaan.

Mas naghigpit pa ng seguridad ang pulisiya sa buong lalawigan ng South Cotabato.
Ito ay kasunod ng pagpasabog ng isang Granada sa harap ng simbahang katoliko sa Midsayap, North Cotabato noong bisperas ng pasko at ikinasugat ng maraming mamamayan.
Ayon kay PNP South Cotabato Provincial Director Senior Superintendent Franklin Alvero, ipinagutos na nito sa mga police chief ng bawat lokal na pamahalaan na pagibayuhin pa ang pagbabantay sa mga pampublikong lugar.
Mariing ipinatutupad ngayon ng pulisiya ang mahigpit na seguridad sa mga palengke at mall na madalas dayuhin ng mga mamamayan ngayong holiday season.
Ipinagutos din ni Alvero sa mga police Chief na bantayan ang mga pampublikong terminal at makipag ugnayan sa may ari ng mga pribadong terminal.
Umapela din ang pulisiya sa mga mamamayan na palaging mapagmatyag at agad na isumbong ang kahina hinalang bagay o personalidad na makikita sa kanilang lugar.

Umaapela si Koronadal Saint Anthony Parish Media Reprter Valme Marives sa mga mamamayan ng lungsod na makilahok sa Festival of families.
Ang aktibidad ayon kay Mariveles ay gaganapin sa parish gym sa December 28.
Layon nito ayon kay Mariveles na mabigyan ng pagkakataon ang bawat pamilya na maibahagi ang kanilang mga ispiritwal na karanasan bilang pagdiriwang na rin sa Pasko.
Upang maidama din sa mga dadalo ang pagka-pilipino, hiniling din ni Mariveles sa mga dadalo na magsuot ng simpleng filipiniana attire.
Ayon kay Mariveles, inimbitahan nilang dumalo sa festival of families ang mahigit 200 pamilya mula sa 95 Gagmay Kristohanong Katilingban o GKK sa Koronadal City.
Gayunpaman ayon kay Mariveles maari pang magpatala ang mga pamilyang nais makilahok dito para magkaroon ng pagkakataon na manalo ng mga papremyo.
Ang festival of families ayon kay Mariveles ay sisimulan sa pamamagitan ng misa alas otso y medya ng umaga sa Myerkules. Umaasa si Koronadal City Firecracker Vendors Association President Jomel Alo na dadagsain pa rin ng mga mamimili ang kanilang mga paninda bago mag bagong taon.
Ito ang ipinahayag ni Alo kasunod ng matumal na bentahan ngayon ng mga paputok sa lungsod.
Ayon kay Alo, kadalasan kasi dumadagsa ang mga mamimili sa tindahan ng mga paputok sa December 31.
Sinabi ni Alo na 24 na mga firecker vendors ang nabigyan ng permit na makapagbenta sa Koronadal City.
Tiniyak ni Alo na ang kanilang grupo ay hindi nagbebenta ng iligal na paputok.
Sinabi nito na maliban sa factory sa Bangka, Southy Cotabato, umaangkat din ng kanilang mga paninda sa Bulacan ang mga firecracker vendors sa Koronadal City.
Itinalaga namang lugar ng mga nagbebenta ng paputok sa Koronadal City ang bahagi ng General Santos Drive patungong General Santos City.
Pinagiingat ngayon ng Department of Trade and Industry o DTI South Cotabato ang mga mamamayan sa mga pekeng pera.
Ayon kay DTI South Cotabato Provincial Director Flora Gabonales, kadalasan kasing naglipana ang mga manloloko na gumagamit ng pekeng pera tuwing panahon ng kapaskuhan.
Ipinahayag ni Gabonales na kadalasang nagiging biktima ng mga ito ang mga manloloko ang mga sidewalk vendors tuwing gabi.
Karamihan kasi sa mga sidewalk vendors ayon kay Gabunales ay walang sapat na kaalaman na sumuri kung tuna yang perang ibinabayad sa kanila.
Taliwas naman ito sa mga cashier sa mga mall at iba pang establisemento na tinuruan sa pagsuri sa pera sa pamamagitan ng money detector.
Payo ni Gabunales sa publiko para hindi maloko, suriing mabuti ang pera na ibinabayad sa kanila. Nagpapatuloy pa rin ngayon ang umano bakbakan ng dalawang armadong grupo sa tatlong barangay ng Banisilan, North Cotasbato.
Ayon sa Banisilan PNP, nagsimula ang engkwentro alas singko ng hapon noon pang December 23.

Ito ay sa pagitan nina Kumander Ali Rajamuda, Kumander Bobby Rajamuda at Kumander Kinig kontra sa grupo nina Kumander Tanda at Kumander Paron.Sa huling report kahapon umabot na raw ang bakbakan hanggang Sitio Kabugan, Barangay Guiling, Alamada kung saan umanib na ang grupo ni Kumander Palaw at Kumander Tahir kina Kumander Tanda at Paron.Ilan sa mga apektadong barangay sa Banisilan ay Sitio Kinamuran, Barangay Pantar Sitio Mapantaw,Sitio Hillside, Sitio Kulawan and Sitio Kibanog of Barangay Malagap Sitio Bang-bang, Barangay Tinimbacan and Sitio Balindong of Barangay Poblacion 1.
Nabatid na 26 na pamilya ang lumikas mula sa Sitio Matampay, Poblacion 1 habang 142 na pamilya naman sa Barangay Malagap, Banisilan na may halos pitong daang indibidwal, kasali na mga bata at matatanda.Base sa salaysay ng mga bakwit abot na raw sa pito katao ang patay mula sa grupo ni Kumander Rajamuda at Kumander Kinig habang sampo naman kay Kumander Tanda at Kumander Paron at marami ang sugatan.Sa ngayon mahigpit na mobile checkpoint ang isinagawa ng Banisilan PNP sa mga apektadong barangay at ilang bahagi ng Banisilan para hindi na makakaapekto sa mga kalapit barangay.Samantala, naniniwala naman ang PNP na posibleng rido ang dahilan ng engkwentro na may kaugnayan naman sa nangyaring ambush noong December 9 sa pamilya ni Chairman Panantaon Mantitayan ng Barangay Busaon, Banisilan
Nakapagtala ang Department of Health Region 12 ng anim na kaso ng biktima ng paputok sa pagdiriwang ng Pasko.

Ito ay batay naman sa monitong ng Online National Electronic Injury Surveillance System mula Disyembre a-21 hanggang kahapon ng umaga.Ayon kay Regional Program Manager in Injury Prevention Jenny Ventura ng DOH 12, mas mababa ito ng 68% kung ikukumpara noong nakaraang taon.Ang mga nabiktima ay nagmula sa Sultan Kudarat at South Cotabato kung saan ang naging sanhi ay dahil sa piccolo at kwitis.

Samantala ayon naman kay Disease Surveillance Coordinator Honey Joy Cabellon na walang may naiulat na nabiktima ng paputok sa bayan ng Kabacan.Ito matapos na ipinagbawal ni Kabacan Mayor Herlo Guzman Jr. ang pagbebenta ng paputok sa bayan.

Kaugnay nito, naging mapayapa naman sa pangkalahatan ang pagdiriwang ng pasko sa bayan ng Kabacan.Ito ang ipinahayag PSI Ronnie Cordero, hepe ng Kabacan PNP kasabay naman ng kanilang pag-alerto matapos ang nangyaring panghahagis ng granada sa bayan ng Midsayap malapit sa isang simbahan na ikinasugat naman ng isang pulis at marami pang iba.
Sisimulan na ang pagpapatayo ng State of the arch building ng Makilala Institute of Science and Technology MIST sa Makilala North Cotabato sa susunod na 2017.Sinabi ni Makilala Mayor Rudy Caoagdan, na maglalaan ang LGU ng sampung milyong piso para sa konstruksyun sa mga classroom sa barangay Concenpcion, Makilala na ipapatayo sa apat na ektaryang lupain.Aprubado na rin ayon sa alkalde ang kanilang loan na abot sa 40-50 million pesos na siyang budget sa nabanggit na pasilidad.

Babayaran ito ng lokal na pamahalaan sa loob ng 25 taon.Nabatid na abot sa sampung milyong piso ang inilalalan ng LGU kada taon para sa MIST kabilang na ang sahod ng mga guro.Kabilang naman sa mga kurso sa MIST ay bachelor of science in agriculture, Bachelor of Science in agricultural technology, Entrepreneurship, public administration, information technology, midwifery at technical vocational.Sa ngayon, higit isang libong mag-aaral na taga Makilala, ang naka beneipisyu ng libreng edukasyon na handog ng Makilala LGU na siyang pinaka- una sa buong Mindanao.
Dala ng nangyaring pagsabog ng granada sa bayan ng Midsayap North Cotabato, mas lalo pang naghigpit ngayon ng siguridad ang Kidapawan city PNP at iba pang security forces ng Lungsod.Una ng inihayag ni Kidapawan city Mayor Joseph Evangelista na hindi muna magsasagawa ng fireworks display ang LGU na taunang isinasagawa sa lungsod.

Ito ay dala narin sa abiso mula sa intelligence community ng lungsod.Isa umano sa iniiwasan ay ang pagtipon-tipon ng mga tao na kalimitang target ng mga may masasamang loob na ang layunin ay maghasik ng kagulohan.Kaugnay nito, araw-araw nagsasagawa ng uplan yawyaw o recoreda ang city PNP at ang K9 unit sa mga matataong lugar kagaya ng Palengke at mga terminal ng lungsod.

Laman ng recoreda ay ang bomb awareness, anti criminality campaign at ang kampanya kontra iwas paputok.
SINISI ng maraming mga commuters ang putol na semento na kino-construct sa highway ng Makilala, partikular sa harap ng Saguing Elementary School, sa napakaraming mga aksidente sa naturang lugar, simula December 23 hanggang December 26.Inamin mismo ni Engineer Elpidio Birog, Jr., ng Department of Public Works and Highways o DPWH-Cotabato district na kapos sa warning sign ang erya.

Ang ilang signages winasak ng hangin o nahagip ng mga sasakyan.

Ang road project ay sa ilalim ng DPWH-Region 12 at ang construction firm na nagtatrabaho rito ay ang Llaban Construction. Ang tinig ni DPWH-Cotabato district engineer Elpidio Birog, Jr

NITO’NG December 23 – isang araw bago ang bisperas ng Pasko, tatlo katao ang patay matapos matumba ang sinasakyan nilang motorsiklo nang mapadaan sa putol na kalsada.
Dalawa ang dead-on-arrival, habang ang isa sa ospital na binawian ng buhay.

Grabe ang mga tinamo nilang sugat matapos sila’ng bumangga sa kasalubong na Hi-Lux vehicle nang matumba sa highway.
Nito’ng December 24, apat na insidente ng vehicular accident ang naitala sa natura ring lugar. Nagpapatuloy pa rin ngayon ang umano bakbakan ng dalawang armadong grupo sa tatlong barangay ng Banisilan, North Cotasbato.
Ayon sa Banisilan PNP, nagsimula ang engkwentro alas singko ng hapon noon pang December 23.
Ito ay sa pagitan nina Kumander Ali Rajamuda, Kumander Bobby Rajamuda at Kumander Kinig kontra sa grupo nina Kumander Tanda at Kumander Paron.Sa huling report kahapon umabot na raw ang bakbakan hanggang Sitio Kabugan, Barangay Guiling, Alamada kung saan umanib na ang grupo ni Kumander Palaw at Kumander Tahir kina Kumander Tanda at Paron.Ilan sa mga apektadong barangay sa Banisilan ay Sitio Kinamuran, Barangay Pantar Sitio Mapantaw,Sitio Hillside, Sitio Kulawan and Sitio Kibanog of Barangay Malagap Sitio Bang-bang, Barangay Tinimbacan and Sitio Balindong of Barangay Poblacion 1 .Nabatid na 26 na pamilya ang lumikas mula sa Sitio Matampay, Poblacion 1 habang 142 na pamilya naman sa Barangay Malagap, Banisilan na may halos pitong daang indibidwal, kasali na mga bata at matatanda.Base sa salaysay ng mga bakwit abot na raw sa pito katao ang patay mula sa grupo ni Kumander Rajamuda at Kumander Kinig habang sampo naman kay Kumander Tanda at Kumander Paron at marami ang sugatan.Sa ngayon mahigpit na mobile checkpoint ang isinagawa ng Banisilan PNP sa mga apektadong barangay at ilang bahagi ng Banisilan para hindi na makakaapekto sa mga kalapit barangay.
Samantala, naniniwala naman ang PNP na posibleng rido ang dahilan ng engkwentro na may kaugnayan naman sa nangyaring ambush noong December 9 sa pamilya ni Chairman Panantaon Mantitayan ng Barangay Busaon, Banisilan
Nakapagtala ang Department of Health Region 12 ng anim na kaso ng biktima ng paputok sa pagdiriwang ng Pasko.

Ito ay batay naman sa monitong ng Online National Electronic Injury Surveillance System mula Disyembre a-21 hanggang kahapon ng umaga.Ayon kay Regional Program Manager in Injury Prevention Jenny Ventura ng DOH 12, mas mababa ito ng 68% kung ikukumpara noong nakaraang taon.

Ang mga nabiktima ay nagmula sa Sultan Kudarat at South Cotabato kung saan ang naging sanhi ay dahil sa piccolo at kwitis.

Samantala ayon naman kay Disease Surveillance Coordinator Honey Joy Cabellon na walang may naiulat na nabiktima ng paputok sa bayan ng Kabacan.

Ito matapos na ipinagbawal ni Kabacan Mayor Herlo Guzman Jr. ang pagbebenta ng paputok sa bayan.Kaugnay nito, naging mapayapa naman sa pangkalahatan ang pagdiriwang ng pasko sa bayan ng Kabacan.

Ito ang ipinahayag PSI Ronnie Cordero, hepe ng Kabacan PNP kasabay naman ng kanilang pag-alerto matapos ang nangyaring panghahagis ng granada sa bayan ng Midsayap malapit sa isang simbahanna ikinasugat naman ng isang pulis at marami pang iba.
Sisimulan na ang pagpapatayo ng State of the arch building ng Makilala Institute of Science and Technology MIST sa Makilala North Cotabato sa susunod na 2017.Sinabi ni Makilala Mayor Rudy Caoagdan, na maglalaan ang LGU ng sampung milyong piso para sa konstruksyun sa mga classroom sa barangay Concenpcion, Makilala na ipapatayo sa apat na ektaryang lupain.

Aprubado na rin ayon sa alkalde ang kanilang loan na abot sa 40-50 million pesos na siyang budget sa nabanggit na pasilidad.

Babayaran ito ng lokal na pamahalaan sa loob ng 25 taon.Nabatid na abot sa sampung milyong piso ang inilalalan ng LGU kada taon para sa MIST kabilang na ang sahod ng mga guro.

Kabilang naman sa mga kurso sa MIST ay bachelor of science in agriculture, Bachelor of Science in agricultural technology, Entrepreneurship, public administration, information technology, midwifery at technical vocational.Sa ngayon, higit isang libong mag-aaral na taga Makilala, ang naka beneipisyu ng libreng edukasyon na handog ng Makilala LGU na siyang pinaka- una sa buong Mindanao.

Dala ng nangyaring pagsabog ng granada sa bayan ng Midsayap North Cotabato, mas lalo pang naghigpit ngayon ng siguridad ang Kidapawan city PNP at iba pang security forces ng Lungsod.

Una ng inihayag ni Kidapawan city Mayor Joseph Evangelista na hindi muna magsasagawa ng fireworks display ang LGU na taunang isinasagawa sa lungsod.Ito ay dala narin sa abiso mula sa intellegence community ng lungsod.

Isa umano sa iniiwasan ay ang pagtipon-tipon ng mga tao na kalimitang target ng mga may masasamang loob na ang layunin ay maghasik ng kagulohan.Kaugnay nito, araw-araw nagsasagawa ng uplan yawyaw o recoreda ang city PNP at ang K9 unit sa mga matataong lugar kagaya ng Palengke at mga terminal ng lungsod.

Laman ng recoreda ay ang bomb awareness, anticriminality campaign at ang kampanya kontra iwas paputok.
SINISI ng maraming mga commuters ang putol na semento na kino-construct sa highway ng Makilala, partikular sa harap ng Saguing Elementary School, sa napakaraming mga aksidente sa naturang lugar, simula December 23 hanggang December 26.Inamin mismo ni Engineer Elpidio Birog, Jr., ng Department of Public Works and Highways o DPWH-Cotabato district na kapos sa warning sign ang erya.

Ang ilang signages winasak ng hangin o nahagip ng mga sasakyan.Ang road project ay sa ilalim ng DPWH-Region 12 at ang construction firm na nagtatrabaho rito ay ang Llaban Construction. Ang tinig ni DPWH-Cotabato district engineer Elpidio Birog, Jr

NITO’NG December 23 – isang araw bago ang bisperas ng Pasko, tatlo katao ang patay matapos matumba ang sinasakyan nilang motorsiklo nang mapadaan sa putol na kalsada.Dalawa ang dead-on-arrival, habang ang isa sa ospital na binawian ng buhay.

Grabe ang mga tinamo nilang sugat matapos sila’ng bumangga sa kasalubong na Hi-Lux vehicle nang matumba sa highway.

Nito’ng December 24, apat na insidente ng vehicular accident ang naitala sa natura ring lugar.

OMI first profession of religious vows and acceptance to the OMI Novitiate

COTABATO CITY - LIMANG MGA OBLATE NOVICES ng nagsagawa ng kanilang first profession of vows sa Oblates of Mary Immaculate kahapon. Ito ay sina...

OPAPRU: Cotabato City chapel blast culprits to be punished

MANILA – The Office of the Presidential Adviser on Peace, Reconciliation and Unity (OPAPRU) on Tuesday deplored the grenade attack at a Catholic...

Cotabato Light announces NGCP scheduled power service interruption for May 26

COTABATO CITY - The Cotabato Light and Power Company (Cotabato Light) announced today the National Grid Corporation of the Philippines (NGCP)...

Groups, BARMM officials condemn Cotabato City chapel bombing

COTABATO CITY - Various sectors condemned Sunday’s grenade attack on a small Catholic chapel in a residential area here that hurt two worshipers and...