Tuesday May, 21 2024 06:48:20 PM

NDBC BIDA BALITA (12.28.16)

 • 16:42 PM Wed Dec 28, 2016
774
By: 
NDBC NCA

NEWSCAST

DECEMBER 28, 2016 (WED)
7and00 AM

HEADLINESand

1. DATING kongresista ng Maguindanao, inasunto
ng ombudsman kaugnay ng kasong katiwalian.

2. RETIRADONG PULIS, patay sa pamamaril
sa Mlang, North Cotabato

3. Cooperative members ng Polomolok at GenSan, nag rally sa DOLE-12 office kontra ENDO4. Blast victims sa Midsayap, binigyan ng P5,000 cash assistance ng DSWD-12 SINAMPAMAHAN ng kasong katiwalian o graft
ng Office of the Ombudsman si dating Maguindanao 2nd District Rep.
Simeon Datumanong matapos makitaan ng probable cause ang pagkakasangkot nito sa
3.8 million pesos na pork barrel scam noong 2012.

Batay sa rekord ng Ombudsman, nakakuha
si Datumanong ng Special Allotment Release Order mula sa Department of Budget
Management o DBM para sa 3.8 million na PDAF

O Priority Development Assistance Fund na
ilalaan umano sa ilang livelihood projects para sa mga residente ng Mamasapano,
Ampatuan at Datu Abdullah Sanki sa lalawigan.

Sa imbestigasyon ng Ombudsman, idinaan
ang nasabing pondo sa National Commission on Muslim Filipinos habang ang
partner na Non-Government Organization ay ang Maharlikang Lipi Foundation
Inc. MLFI.

Gayunman, nang magsiyasat ang Commission
on Audit o COA, lumitaw na nilabag nito ang COA Circular No. 2007-01 dahil
walang ginawang public bidding sa pagpili ng partner na NGO.

Binigyang?bigat?ng Ombudsman ang findings ng COA report na nagsasaad
na binigyan ni Datumanong ng extraordinary?accommodation ang MLFI pangunahin na dito ang
pagbibigay agad ng pondo nang wala pang nalalagdaang Memorandum of Agreement.

Maliban?kay?Datumanong
kasama rin sa kinasuhan ng graft sina NCMF ­Commissioner Mehol Sadain at mga
opisyal nito na sina Fedelina Aldanese, Aurora Aragon-Mabang, Olga Galido,
Queenie Rodriguez, Galay Makalinggan at si Gracita Cecilia Mascenon-Sales ng MLFI. ABOT NA UMANO sa 17-katao
ang napapatay sa nagpapatuloy na clan war sa Banisilan, North Cotabato na
nagsimula non pang Biyernes ng hapon, December 23.

Gayunman, sinabi ni
Banisilan PNP chief police Sr. Insp. Jogie Barutas na ang naturang bilang ng
mga casualty ay ayaw namang kumpirmahin ng magkabilang panig.

Nabatid na pawang mga
sibilyan lang sa lugar ang nag-ulat sa mga otoridad na pito sa mga tauhan ni
Kumander Rajamuda ang nasawi, habang sampu naman sa grupo ni Kumander Tanda.

Ayon kay Barutas, nagsimula
ang engkwentro sa pagitan nina Kumander Ali Rajamuda, Kumander Bobby Rajamuda
at Kumander Kinig laban sa grupo nina Kumander Tanda at Kumander Paron.

Pinaniniwalaang rido ang ugat
ng engkwentro dahil sa na pananambang sa pamilya ni Chairman Panantaon
Mantitayan ng Barangay Busaon noong Biyernes, December 9.

Nabatid na umabot ang
bakbakan hanggang Sitio Kabugan sa mga Barangay Guiling at Alamada kung saan
umanib na ang grupo ni Kumander Palaw at Kumander Tahir kina Kumander Tanda at
Paron na pawang miyembro ng Moro Islamic Liberation Front o MILF.

Kabilang sa mga apektadong
lugar sa bayan ng Banisilan ay ang Sitio Kinamuran, Barangay Pantar Sitio
Mapantaw, Sitio Hillside, Sitio Kulawan at Sitio Kibanog sa Barangay Malagap
habang sa Sitio Bang-bang sa Barangay Tinimbacan at Sitio Balindong sa Barangay
Poblacion Uno.

Kaugnay nito, nasa 26 na
mga pamilya ang lumikas mula sa Sitio Matampay sa Brgy. Poblacion Uno habang
umabot naman sa 142 families sa Barangay Malaga ang nagsilikas mula sa kani-kanilang
bahay.

Sa ngayon, sinabi ni
Barutas na nagsasagawa na sila ng checkpoint sa mga apektadong barangay at
ilang bahagi ng Banisilan para hindi na kumalat pa sa mga karatig barangay ang gulo. NAGBIGAY ng
insentibo ang Board of Investments o BOI sa isang Chinese-backed renewable
energy project sa Northern Mindanao na inaasahang magpapalinang sa industrial
development sa rehiyon.

Ayon sa BOI,
inaprubahan nila ang inihaing panukala ng Liangan Power Corp. o LPC
11.9-megawatt hydropower project na nagkakahalaga ng 1.36 billion pesos.

Sa January 2019
inaasahang magsisimula ang buong operasyon nito, na mangangailangan ng hanggang
sa 44 na tauhan.

Ang nasabing
proyekto ay maisasailalim sa mandatory list ng 2014-2016 Investment Priority
Plan o IPP.

Ayon kay
Trade Undersecretary at BOI Managing Head Ceferino Rodolfo, suportado ng
Chinese investors ang nasabing proyekto na magpapalago sa industriya sa
Mindanao, lalo na’t ito ay nakapwesto sa pagitan ng dalawang strategic cities.

Target ng
Liangan Power na makapagbigay ng reasonably priced na supply ng kuryente,
nang may katiting lamang na negatibong epekto sa kalikasan at sa mga residente.

Gagawin ang
proyekto sa Northwest Mindanao, at mapapaloob sa bayan ng Bacolod, Lanao del
Norte, Iligan City at Cagayan de Oro.

Ayon naman
kay Trade Sec. Ramon Lopez, isa na itong matibay na resulta ng paghikayat ni
Pangulong Rodrigo Duterte sa mga investor mula sa China.

NAGBABALA si
PNP Chief Police Director-General Ronald dela Rosa sa sinumang indibidwal, lalo
na ang mga pulis na masasangkot sa indiscriminate firing kaugnay ng pagsalubong
sa bagong taon.

Ayon kay dela
Rosa, No mercy ang PNP sa mga mahuhuling magsasagawa ng indiscriminate firing
at tiniyak ng opisyal na papatawan ng karampatang parusa ang mga ito.

Alinsunod sa
‘Doctrine of Hot Pursuit’, sinabi ni dela Rosa na binibigyan niya ng kapangyarihan
ang mga nagpapatrulyang pulis na pasukin ang tahanan at arestuhin ang mga
masasangkot sa indiscriminate firing.

Iginiit ng
PNP chief na panahon na para magbago ang nakagawiang pagsalubong ng bagong taon
para makamit ang ‘zero casualty’ sa pagdiriwang.

Kasabay nito,
muling umapela si dela Rosa sa mga kinauukulan partikular na ang may mga armas
na huwag magpaputok ng baril sa nasabing okasyon.

HANDA NA ang
Department of Health o DOH na simulan ang distribusyon ng condom sa mga
paaralan sa susunod na taon sa tulong ng Department of Education o DepEd bilang
bahagi ng kampanya ng gobyerno laban sa HIV/AIDS.

Ayon kay
Health Under Sec. Gerardo Bayugo, mabilis na tumaas ang HIV infections lalo sa
mga may edad kinse hanggang 24 anyos.

Nilinaw naman
ni Bayuga na hindi lamang sila basta mamamahagi ng condom dahil kaakibat nito
ang pagbibigay nila ng tama at sapat na impormasyon hinggil sa HIV/AIDS at kung
papaano ito maiiwasan.

Aniya, noong
2009 ay mabilis na kumalat ang HIV/AIDS dahil na rin sa Male to Male
unprotected sex at mula January 2011 hanggang ngayon ay mahigit 26 na libong
HIV/AIDS cases na ang naiulat sa bansa. Manatiling alerto ang pamunuan ng Kidapawan City Disaster Risk Reduction and Management Office hanggang sa Bagong Taon.

Ito ang ipinangako ni Psalmer Bernalte, siyang head ng CDRMMO.
Ayon kay Bernalte hindi lamang sila ang nakaantabay sa ngayon maging ang lahat ng Peacekeepers sa Kidapawan City.

Bukod sa kanila ay kabilang rin sa mga hindi nagholiday ay ang Traffic Management Unit, K9 Units, City PNP at iba pang augment forces ng lungsod.
Pinuri naman ni Bernalte ang kanilang naging serbisyu matapos naging payapa at tahimik ang selebrasyon noong Pasko.
Kaugnay nito, abot naman sa 55 mga kaso ang narespondehan ng Call 911 mula December 23 hanggang nitong lunes.
Kabilang na rito ang Transport mula Kidapawan hanggang Davao City, Vehicular Accident, OB, Medical at Trauma Cases at Laboratory.
Tiniyak naman ni Bernalte na makakaasa ang mga taga Kidapawan City maging ang mga kalapit bayan sa kanilang mabilis na pagresponde sakaling may mga emergency ngayong bagong.
Patay ang dating miembro ng Mlang PNP matapos pagbabarilin sa Mlang, North Cotabato.

Kinilala ang biktima na si Rogelio Gleyo, may asawa, retired PNP member na dati ring naka destino sa Isulan Municipal Police Station at taga brgy. La Suerte, bayan ng Mlang.

Base sa report ng Mlang PNP, nangyari ang pamamaril pasado alas dos ng hapon kahapon sa Purok 5, Sitio Cogonal, Brgy. Luz Village.

Nabatid na nasa loob raw ng sabungan ang biktima nang maganap ang insidente. Pitong tama ng bala sa iba't-ibang bahagi ng katawan ang kanyang tinamo gamit ang 45 caliber pistol.Nabatid na nakipagbarilan pa ang biktima sa tatlong mga suspek kung saan ang isa rito ay napatay habang ang dalawa naman ay mbilis na nakatakas.

Naisugod pa sa pagamutan si Gleyo pero ideneklara din itong dead on arrival ng mga doktor.Ang insidente ay patuloy pa ngayong iniimbestigahan ng PNP habang hinihitay din nila ang pahayag ng pamilya ng biktima sa posibleng pagkakakilanlan at pagkakahuli sa mga suspek.

Samanatla, personal grudge naman ang isa sa mga anggulo na ngayon ay sinusundan ng PNP.

Ipinahayag ng Department of Trade and Indutstry o DTI North Cotabato, na sapat lamang ang suply ng mga pangunahing bilihin para sa Buena Noche sa Bagong taon.

Ito ay base na rin sa kanilang isinagawang monitoring kahapon ng umaga sa limang mga department store at Mall sa Kidapawan City.Sinabi ni Robert Orfrecio, Head ng DTI Trade Development Division, na may produkto raw ng all purpose cream sa Kidapawan na low ang inventory level, pero tiniyak nitong may sapat itong suply sa

ibang brand.

Sa ngayon ay wala pa umanong namo-monitor ang DTI na mga negosyanteng lumabag sa suggested retail price.Pero panawagan ni Orfrecio sa mga consumers na agad na isumbong sa mga otoridad sakaling may mamonitor sa paglabag sa SRP ng mga tindahan.

Sinuguro naman ng opisyal na kahit paman in demand ang ilang mga Buena Noche product ay mananatili raw na stable at sapat ang supply ng mga panghanda ngayong Bagong taon.
.
Nakalabas na ng City PNP lock up cell ang dalawang mga indibidwal na nahuli ng PNP na iligal na nagbebenta ng paputok sa Kidapawan City.Base sa Police Blotter ng Kidapawan City PNP nakapag piyansa raw ang dalawa na kinilalang sina Jamailyn Tanagob, 26 anyos, residente ng barangay Sudapin at Zobaira Limano, 41 anyos na taga

barangay Nuangan, Kidapawan.Inamin naman ng ilang miembro ng City Vendors Association na maging sila ay hindi kontrolado ang pangyayari sa City Highwalk kung saan sila nakakapag-display ng kanilang produkto.

Di raw nila namamalayan kung may mga illegal vendors ang nagbebenta rin sa nabanggit na lugar.Dahil dito plano ngayon ng nabanggit na grupo na magpatupad ng sanction sakaling maulit pa ang nabanggit na iligal na pagbebenta ng paputok.

Umapela rin ang City vendors Association sa mga otoridad na tulungan din sila sa pagmonitor sa lugar.Nabatid na mananatili ang pagbebenta ng mga paputok sa City Highwalk hanggang sa Bagong taon.
Pagebenta ng ‘piccolo’ talamak pa rin sa Davao del sur

Sa kabila ng mahigpit na pagbabawal ng Department Of Health o DOH sa paputok na piccolo, patuloy parin itong tinantangkilik sa Davao Del Sur.Ayon sa 7-anyos na si Jay-Ar nakabili raw siya ng piccolo sa bayan ng Bansalan.

Bukod raw sa mura ang bawat pakete nito ay nakakaaliw din.At dahil dito, nagpababa na ng deriktiba ang Davao del Sur Provincial Police Office sa lahat ng municipal stations sa lalawigan na higpitan ang inspeksyong ginagawa Kinalampag ng mahigit 1000 myembro ng mga kooperatiba sa South Cotabato ang tanggapan ng Department of Labor and Employment o DOLE sa Koronadal City.
Nais kasing iparating ng mga ito sa ahensya ang mariing pagtutol sa Department Order Number 30 na nagaatas na itigil na ang Endo o kontraktwalisasyon.Ayon kay Polomolok Manpower Service Cooperative Administrator Lovely Posas, pinangangambahan nila na marami sa kanilang mga myemro ang mawawalan ng trabaho sa kampanyang ito ng gobyerno.
Ayon kay Posas, kapag ipagbawal ang kontraktwalisasyon hindi na maaring magbigay ng contract service o mahanapan ng trabaho ng mga kooperatiba ang kanilang mga myembro.Iginiit ni Posas na bagama’t kinkontrata ng mga ang kanilang mga myembro, maituturin pa rin ang mga ito na regular na empleyado ng mga kooperatiba at nabibigyan ng tamang benipisyo.Si Polomolok Manpower Service Cooperative Administrator Lovely Posas
Karamihan sa mga releyista ay mula sa Polomolok at General Santos City.Ayon kay DOLE South Cotabato Field Office Head Edwin Morales, nagkasundo ang ahensya at mga nagpikit na ipaabot sa central office ang kanilang hiling na i-review ang panukala.
Magsasagawa rin ng consultation dialogue ang ahensya sa cooperative sector sa South Cotabato
Nakapagtala ng anim na kaso ng firecracker related injuries sa region 12 ang Department of Health o DOH mula December 20 hanggang 25.Ito ayon kay DOH 12 Campaign against firecracker focal person Jenny Ventura ay mas mababa ng 68 percent kumpara sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.
Sinabi ni Ventura na inulat ng Online National Electronic Injury Surviellance System na naitala ang sugatan dahil sa paputok sa mga lalawigan ng South Cotabato, Sultan Kudarat at Sarangani.
Ayon kay Ventura 5 sa mga naputukan sa rehiyon ay mga lalaki, isa ang babae, at na nagkakaedad ng mula 5 hanggang 56 anyos.
Lima sa mga sugatan ayon kay Ventura ay gumamit mismo ng paputok habang ang isa ay nadamay lamang na bystander.Ayon kay Ventura lima din sa mga biktima ay naputukan ng ipinagbabawal na piccolo,isa ang tinamaan ng kwitis at hindi naman matukoy kung ano ang nakasugat sa isa pang biktima.
Nilinaw naman ni Ventura na matapos gamutin sa ospital lahat na mga biktima ng paputok ay agad din namang pinuwi.Ang ahensya ay nakapagtala ng 68 kaso ng firecracker related injuries noong 2015.
Sinimula na Department of Social Welfare and Development o DSWD 12 ang pamimigay ng tig P5,000 pinansiyal na tulong 12 sa mga biktima ng pagsabog sa Midsayap, North Cotabato.Ayon kay DSWD 12 Disaster Operation Chief Norhata Benito, maliban sa 18 sugatan na tumanggap na ng tulong, pupuntahan naman ng mga staff ng ahensya ang dalawang iba pa na dinala sa Davao City.
Tiniyak din ni Benito na ang bayarin sa pagpapagamot sa mga biktima na hindi na kayang akuin ng lokal na pamahalaan ay sasagutin na ng DSWD.
Ito ayon kay Benito ay ipinagutos mismo sa kanila ni Pangulong Rodrigo Duterte.Matatandaan na ang pagsabog ay naganap sa tapat mismo ng simbahang katoliko sa Midsayap noong bisperas ng pasko.Samantala, tumanggap na rin ng tig P50,000 na pinansiyal na tulong mula sa DSWD ang mga kaanak ng nasawing pasahero sa naaksidenteng husky bus sa Polomolok, South Cotabato.Ayon kay Benito 7 pa lamang sa mga sugatang pasahero ang nahanap ng ahensya at nabigyan ng tig P5,000 na tulong.
Umapela si Benito sa iba pang mga sugatang biktima sa road accident na dumulog sa DSWD 12 office sa Koronadal City.Maari ring tumawag ang mga ito sa telephone number 083 228 6009.
Ito ay upang mabigyan din kaagad ng tulong ng ahensya.
Wala pa ring itatalagang security guard sa tindahan ng mga paputok ang lokal na pamahalaan ng Koronadal.
Ito ay sa kabila ng sunod sunod na nakawan sa mga pwesto ng nagbebenta ng paputok sa lungsod.Paliwanag ni Koronadal Public Safety and Security Incharge Floro Calixton wala pa kasing kaugutsan hinggil dito sa City Mayor Peter Miguel.
Ipinahayag ni Calixton para mapagbigyan ang kanilang kahilingan, kailangan pang mga firecracker vendors na magpadala ng sulta sa alkalde.Dinagdag din nito na dahil ang lugar at maging mga tindahan ng paputok ay pagaari ng pribadong indibidwal hindi ito basta basta malagyan ng mga blue guards.
Kaya hiling ni Calixton sa mga firecracker vendors ng Koronadal, upang hindi masalisihan, sila na mismo ang magbabantay sa kanilang pwesto. Koronadal Public Safety and Security Incharge Floro Calixton
Ito ang tugon ni Calixton sa hiling na security guards sa lokal na pamahalaan ni Koronadal City Firecracker Vendors Association President Jomel Alo. Arestado ang walo katao kabilang ang pitong menor de edad sa anti illegal drug operation ng mga pulis sa Koronadal City.
Kinilala ang 22 anyos na suspek at lider umano ng grupo na si James Estrella alyas Tsikoy na suspek din sa serye ng nakawan sa lungsod.
Ayon kay Koronadal City Anti Drug Abuse Council o CADAC Permanent Representative Glorio Sandig, matapos makataggap ng tip, isingawa ng mga pulis ang anti illegal drug operation laban sa suspek.Si Estrella at mga kasama ay naaresto sa Rizal Street, Barangay Zone IV, Koronadal.Nakuha ng mga pulis mula kay Estrella ang isang maliit at isang medium pack ng suspected shabu, at P300 marked money.
Inihahanda na ng pulisiya ang pagsasampa ng kasong paglabag sa Comprehyensive Dangerous Drugs laban kay Estrella.Habang ang mga kasama umano nitong menor de edad ay naibigay na ng PNPsa City Social Welfare and Development Office o CSWD.

OMI first profession of religious vows and acceptance to the OMI Novitiate

COTABATO CITY - LIMANG MGA OBLATE NOVICES ng nagsagawa ng kanilang first profession of vows sa Oblates of Mary Immaculate kahapon. Ito ay sina...

OPAPRU: Cotabato City chapel blast culprits to be punished

MANILA – The Office of the Presidential Adviser on Peace, Reconciliation and Unity (OPAPRU) on Tuesday deplored the grenade attack at a Catholic...

Cotabato Light announces NGCP scheduled power service interruption for May 26

COTABATO CITY - The Cotabato Light and Power Company (Cotabato Light) announced today the National Grid Corporation of the Philippines (NGCP)...

Groups, BARMM officials condemn Cotabato City chapel bombing

COTABATO CITY - Various sectors condemned Sunday’s grenade attack on a small Catholic chapel in a residential area here that hurt two worshipers and...

2 drug peddlers nabbed, over P1-M shabu seized in Pikit anti-drug ops

GEN. SANTOS CITY  – Anti-illegal drug entrapment operation in Barangay Ladtingan, Pikit, North Cotabato on May 19, 2024, led to the arrest of...