Wednesday May, 22 2024 08:02:54 AM

NDBC BIDA BALITA (12.29.16)

 • 17:07 PM Thu Dec 29, 2016
782
By: 
NDBC NCA

NEWSCAST

DECEMBER 29, 2016 (THU)
7and00 AM

HEADLINESand

1. ANIM KATAO, sugatan sa pagsabog ng
bomba sa Aleosan, North Cotabato.

2. BANGKAY ng isang negosyante,
natagpuan sa Makilala, North Cotabato

3. Cattle Rustlers, suspect sa pagpatay sa miembro ng PNP saTupi, South Cotabato

4. Paputok bawal na rin sa Cotabato City. ANIM KATAO ang naiulat na nasugatan sa
pagsabog ng isang Improvised Explosive Device o IED sa national highway ng
Aleosan, North Cotabato.

Sinabi ni Libungan PNP chief, police
Sr. Insp. Edwin Abantes na naganap ang pagsabog pasado alas-nuebe kagabi sa
Sitio Dos, Barangay Pagangan ng naturang bayan.

Nabatid na tinamaan ng shrapel mula sa
hindi pa natukoy na uri ng bomba ang mga biktima na sakay ng 10-wheeler truck na
nagkataong dumaan sa lugar nang maganap ang pagsabog.

Kinilala ni Abantes ang mga sugatang
biktima na sina Amerol Musa Tantos, Hanep Alipa Ayon, Yahya Kasan, Pahmi Daya
Diamla, Johary Amerol, at Salman Tahir, pawang mga taga Malabang, Lanao del Sur.

Anya, si Tantos ay dinala na sa
Cotabato Regional Medical Center dahil sa seryosong kondisyon, habang ang
limang iba pa ang pawang minor injury lamang ang tinamo.

Samantala, nagdulot din ng malawakang
brownout ang naturang pagsabog matapos na ma-damage ang lamp post ng Cotabato
Electric Cooperative.

Una rito, habang nasa byahe kagabi, ay
sinabi ni Fr. Dennis Besada ng Pikit Parish sa kanyang facebook post na
inabisuhan sila ng mga otoridad na pansamantalang tumigil habang nagsasagawa pa
ng clearing operation sa lugar.

Nabatid na ang bagong pagsabog sa
PALMA-P area ng North Cotabato ay nasa 20 kilometro lang ang layo mula sa
sumabog na granada sa tapat ng isang simbahan sa Midsayap, North Cotabato noong
bisperas ng pasko kung saan abot sa 20 katao rin ang nasugatan.

MULING
BINALAAN ng Cotabato city PNP ang mga nagbebenta ng mga paputok sa lungsod na
kukumpisahin ang kanilang paninda kapag hindi sila tumigil sa pagtitinda ng mga
ito.

Ito ay bilang
pagtalima naman sa total firecracker ban ng City LGU sa direktiba ni mayor
Cynthia Guiani Sayadi.

Nabatid na sa
pagsalubong ng pasko, walang naitalang firecracker-related injury sa lungsod
kaya ganito rin ang gustong mangyari ng city PNP at LGU sa pagsalubong ng
bagong taon.

Samantala, sa
iba pang balita, tumaas naman ang presyo ng bigas sa Cotabato city sa pagsasara
ng taong kasalukuyan.

Nasa tatlong
dalawa hanggang tatlong piso ang itinaas ng presyo ng iba’t ibang uri ng bigas
kada kilo.

Ang
Sinandomeng ay nasa P42 na ngayong ang bawat kilo,

Habang P44 naman
ang kada kilo ng Banay-Banay.

Ang M1 Special
ay nasa P37 ang kada kilo, P38 ang 7-Tonner at P40 naman ang Super Tonner.

Bukod sa
bigas, tumaas din ang presyo ng produktong petrolyo ng hanggang 50 sentimo simula
kahapon ng umaga.

Ang Special Gas
ay nasa P35.5 kada litro at P36.75 naman ang kada litro ng Diesel.

Nasa P34.75 ang
undleaded gas at P38.75 ang kerosene. IGINIIT ngayon ni dating Maguindanao
2nd District Representative Simeon Datumanong na wala siyang
inindorsong contractor para mangasiwa sa mga proyektong pinondohan ng anyang Priority
Development Assistance Program o PDAF.

Ayon kay Atty. Rommel
Cancio, dating senior legislative staff ni Datumanong, posibleng pineke ang
pirma ng dating kongresista sa endorsement letter.

Aniya, ang naturang liham
ay hindi nanggaling sa tanggapan ni Datumanong.

Maalalang sinampahan ng
Ombudsman ng kasong katiwalian si Datumanong at iba pang mga personalidad sa
National Commission for Muslim Filipinos o NCMF dahil sa kwestyunable umanong
paggamit ng 3.8 million pesos na pork barrel funds noong 2012 sa pamamagitan ng
pagtalaga sa Maharlika Lipi Foundation, Inc. o MLFI bilang partner non-government
organization sa implementasyon ng livelihood projects sa mga bayan ng Mamasapano,
Ampatuan at Datu Abdullah Sangki, Maguindanao.

Pero iginiit ng dating
kongresista, hindi siya nagbibigay ng note kahit kanino, o sa kahit anong
tanggapan para magbigay ng pabor sa sinumang contractor. PINALAWIG PA
ng Bangko Sentral ng Pilipinas o BSP ang December 31, 2016 deadline sa
pagpapalit ng mga lumang pera na inilabas noong 1985.

Tugon ito ng
BSP sa mga kahilingan na kanilang natanggap lalo na ang sitwasyon ng mga OFW.

Mula sa nasabing
deadline, gagawin na itong March 31, 2017, habang simula sa April 1, 2017 ay
ituturing nang walang bisa ang mga lumang pera.

Pero ayon kay
BSP Deputy Gov. Nestor Espenilla, kung maaaring ipalit na ngayon ang pera ay
huwag na ring hintayin ang 2017 para wag ng maabala. Naging tradisyon na ng mga Pilipino ang maghanda ng mga bilog na prutas sa tuwing sinasalubong ang bagong taon.
Kaya inaahasan na rin ang pagtaas sa demand at maging sa presyo nito.
Sa Koronadal City, South Cotabato ilang mga prutas ang tumaas na rin ang presyo ilang araw bago magbagong taon.
Ayon sa mga fruit vendors ang mangga na karaniwang ginagawang mango float na dati ay naibebenta sa P60 ay umabot na sa P120 kada kilo.
Tumaas na rin sa P70 per kilo ang presyo ng bayabas na nabibili lamang sa P40 tuwing ordinaryong araw.
Ang Chiko at melon na noon ay nabibili sa P40, ngayon ay pumapalo na sa P50 per kilo.
Nanantili namang stable ang presyo ng iba pang prutas tulad ng apple na nakapako pa rin sa P10 hanggang P40, depende sa klase at laki nito.
Ang pakwan na mabenta din sa mga mamimili ay nasa P25 kada kilo.
Kinse pesos naman per kilo ang bentahan ng Papaya ngayon sa lungsod.
Habang ang imported dragon fruit naman ay ibinibenta sa halagang P300 kada piraso.
Ayon naman sa fruit vendor na si Criesel Parcon, inaasahan nila ang pagtaas din sa presyo ng iba pang mga bilog na prutas habang papalapit ang bagong taon.
Kabilang dito ayon kay Parcon ang imported grapes na ngayon ay pumapalo na sa P250 hanggang P300 kada kilo.
Kaya para makabenta at makatulong na rin sa mga budget conscious ni-rerepack ng ilang mga vendor ang iba nilang mga paninda para maibenta sa mas murang halaga.
Payo ni Parcon sa publiko bumili ng mga prutas na ihahain sa bagong taon ng mas maaga.
Ito ayon kay Parcon ay upang makamura at makaiwas sa siksikan ng mga mamimili sa Sabado.
Sinasamantala ng ilang grupo ang kampanya ng pamahalaan kontra krimen upang makahinging pera sa kanilang mga biktima.
Ito ay ayon kay Department of the Interior and Local Government o DILG South Cotabato Provincial Director Lailyn Ortiz.
Ayon kay Ortiz isang grupo ang nagso-solicit sa kanilang mga biktima at ang dinadahilan ay upang may magagammit sa pagsagawa ng symposium o seminar kontra krimen.
Sinabi ni Ortiz na ginagamit din ng Trans National Anti Organize Crime Intelligence Group ang pangalan ng DILG upang makapanggantso.
Ayon kay Ortiz , nakamonitor na sila ng tatlong biktima ng grupo sa South Cotabato.
Matatandaan na noong nakaraang buwan ikinaalarma rin ng DILG ang paggamit ng ilang manloloko sa mga lokal na pamahalaan upang makahingi ng pera sa kanilang mga biktima.
Umapela si Ortiz sa mga mamamayan na nakakaalam sa naturang modus na magsumbong mismo ay DILG Secretary Mike Sueno o sa tanggapan ng DILG South Cotabato sa Provincial Capitol Compound.
Patay ang isang pulis matapos pagbabarilin sa Tupi, South Cotabato.
Kinilala ang biktima na si Police Officer 1, John Mark Escobillo na anak din ni Tupi Vice Mayor Noel Escobillo.
Ayon kay Tupi PNP OIC, Police Inspector Rommel Hitalia, si Escobillo ay binaril habang papauwi na sa Barangay Miasong, Tupi, South Cotabato kamakalawa ng gabi.
Nabatid na ang pulis ay kagagaling lamang sa trabaho ng tambangan.
Si Escobillo ay di na umabot pa ng buhay sa ospital.
Siya ay pinuno din ng TupiPNP Community Police Assistance Center o COMPAC.
Ito ay matapos magtamo ng tama ng bala ng 12 gauge shot gun sa iba’t ibang parte ng katawan.
Ipinahayag naman ni South Cotabato PNP Provincial Director, Senior Superintendent Franklin Alvero na si Escobillo ay posibleng pinaslang ng grupo ng mga cattle rustler sa Miasong.
Gayunpaman ayon sa Police Official nagpapatuloy pa ang imbistigasyon ng mga pulis sa insidente.
Patay ang isang 53 anyos na lalaki matapos pagbabarilin sa Koronadal City.
Ang biktimang si Julito Pancho, nakatira sa barangay Palavilla Lutayan, ay tinambangan sa Purok Mabuhay, Barangay Avancena, Koronadal.
Lumbas sa inisyal na pagsisiyasat na ang biktima ay binaril ng suspek habang sakay ng kanyang motorsiklo patungong, Koronadal City.
Si Pancho na forest ranger ng lokal na pamahalaan ng Lutayan ay dead on the spot dahil sa tama ng bala ng baril sa kanyang ulo.
Nakuha ng mga pulis sa crime scene ang limang basyo ng di pa matukoy na uring baril na ginamit sa krimen.
Hindi pa batid ng mga pulisiya kung sino ang suspek at ano ang motibo nito sa pagpatay sa biktima.
Patay ang isang driver nang maaksidente sa sinasakyang motorsiklo sa Tupi, South Cotabato.
Kinilala ang biktima na si Paul Bryan Joven, 24 anyos, nakatira sa nasabing bayan.
Si Joven ay nasawi matapos umanong aksidente mabangga ng close canter van ang minamenehong motorsiklo.
Naganap ang aksidente sa National Highway, Barangay Poblacio, Tupi.
Ang biktima ay agad na nasawi matapos magtamo ng matinding mga sugat dahil sa lakas ang pagkakabangga nito sa van.
Ang van na nakabangga sa biktima ay sumalpok din sa puno ng niyog matapos mawalan ng control ang driver nito.
Nagpapatuloy pa imbistigasyon ng pulisiya sa insidente. Nakatali ang kamay at paa, nakabalot ang mukha ng packing tape at nakasilid pa sa garbage bag nang matagpuan ang bangkay ng isang babae sa Purok 27, brgy. Poblacion, Makilala, North Cotabato kahapon ng madaling araw.
Ito na lamang ang nadatnan ng Makilala PNP matapos matanggap ang report mula sa isang Driver na si Marlon Patulin kaugnay sa bangkay sa lugar.Kinilala mismo ng anak nito na si Shaira Mae Namla-Roluna na taga brgy. Malasila, Makilala ang bangkay ng kanyang ina na si Marcia Calumbo Namla, 44-anyos, negosyante na taga Poblacion 9, Biniruan, Cotabato City.Base naman sa imbestigasyon ng Scene of the Crime Operatives North Cotabato walang sugat o tama ng bala ang nakita sa katawan ng biktima.Posibleng sinakal raw ang biktima kaya ito namatay dahil na rin sa bakas na nakita sa kanyang leeg.

Bukod pa rito ay may nakalagay rin na karatula katabi ng bangkay ng biktima na may nakasulat na PUSHER ako huwag tuluran.Naniniwala naman ang PNP na sa ibang lugar pinatay ang biktima ng mga di pa kilalang suspek at sa Poblacion, Makilala lamang ito itinapon.
Nasa limang porsyento lamang ang naitala na kaso ng fire-cracker related injury sa North Cotabato.

Ito ay base sa record ng Integrated Provincial Health Office o IPHO mula noong December 23 hanggang kahapon base sa talaan ng mga hospital sa lalawigan.Sinabi ni IPHO Head Dr. Eva Rabaya, dalawang kaso lamang ng firecracker related injury ang naitala sa North Cotabato.

Isa sa bayan ng Mlang at isa rin sa Kidapawan City.
Nabatid na abot sa 24 ang naitalang kaso ng fire-cracker related injury sa lalawigan noong 2015 kung sa halos 95% ang ibinaba nito kung ikukumpara ngayong 2016 na dalawang kaso.Iginiit ni Rabaya na malaki raw ang naitulong ng kanilang mas pinalakas na kampanya na Iwas Paputok Program sa mga bayan sa probinsiya.Umaasa ngayon ang pamunuan ng IPHO na makamit ang zero casualty sa pagsalubong ng Bagong Taon.

Sa kabilang dako, nagpaalala naman si Rabaya sa posibleng sakit na dulot ng paputok kagaya ng Upper respiratory Track Infection.
HInihikayat naman niya ang publiko na sa halip na paputok ang gagamitin ay maghanap na lamang ng mga alternatibong paraan na makagawa ng ingay para salubungin ang 2017.
Tatlong puno ng Narra ang itinanim ng Tri-people sa kanilang prayer garden o tri-people park bilang simbolo ng kanilang pagkakaisa at wakasan na ang girian sa kanilang lugar sa Sitio Israel, Barangay New Abra, Matalam, North Cotabato kahapon.Ayon kay Tri-people Chairman at Sitio Lider Eduardo Balindres umaabot na sa pito katao ang napaulat na namatay dahil sa land conflict sa kanilang lugar dahil sa pag-aaway ng Kristiyano, Lumad at Muslim.Taong 2000 ng nabuo ang komunidad sa liblib na barangay ng Matalam na ngayon ay nagkasundo na ang iba’t-ibang tribu na tuldukan na ang hidwaan at mga patayan.Bago ang covenant at peace signing ay pinangunahan pa ni Father Edmundo Palomar, DCK ang Kura Paroko ng Matalam Parish Church ang banal na misa sa kanilang ‘GKK’.Nataon din ito sa kanilang kapiestahan sa lugar na may temang ‘Sagrada Familiaand Kasama ng tatlong tribu ang Lumad, Kristiyano at Muslim nagkakaisa tungo sa Kapayapaan at Kaunlaran’.Agad namang nagpahayag ng kanilang pagsuporta ang bawat lider ng tri-people na pinangunahan ni Datu Mama Mantawil sa Muslim sektor, Datu Espino Bandara sa Lumad at Eduardo Balindres sa Kristiyano.Nag-alay naman ng panalangin ang mga ito buhat sa kani-kanilang kultura at paniniwala sa nasabing prayer park bago nagtanim ng tatlong puno ng Narra na simbolo ng kanilang pagkakaisa.
Binalaan ngayon Kidapawan City LGU ang lahat ng mga nagtitinda ng paputok sa City High walk kaugnay sa kanilang mga basura.Nakita kasi mismo ng Traffic Management Unit personnel ang kanilang mga basura na nakatambak sa likod ng kanilang mga stalls kasabay ng kanilang inspeksyun kahapon.Sinabi ni TMU Head Rey Manar nakausap na nila ang mga stall owners at pinaalalahanan sa kanilang basura dahil bawal ito base na rin sa City Ordinance.

Nilagyan na rin nila ng Yellow Line ang lugar para na rin sa segurid ng mga mamimili at para makaiwas sa trapiko.

Mananatili din ang pagbabantay ng TMU, PNP at iba pang augment forces na siyang magmomonitor sa lugar hanggang bagong taon.Samantala, maliban sa City Highwalk, mahigpit ring binabantayan ng TMU ang mga kalye ng Jose Abad Santos, Dayao at Perez buhat na hindi na sila pwedeng pumarada sa loob ng Mega Market.Nasa static post rin ang ibang TMU personnel sa may Gaisano area at Rotunda area na siya namang magmamando sa trapiko na aasahang mas dadami pa ang sasakyan na dadaan lalo na sa pagsalubong sa bagong taon.
Inilibing na ang limang taong gulang na bata na pinaniniwalaang biktima ng food poisoning dahil a kinain nitong kamoteng kahoy sa bayan ng Arakan.

Kinilala ang bata na si Riza Dela Torre, kindergarten pupil na taga sitio Bukatol, Brgy. Kinawayan, Arakan

Salaysay pa ni Alexander, kapatid ng biktima,niluto raw ng kanilang sampung taong gulang na ate ang dala nitong kamoteng kahoy at kinain nilang apat.Ang insidnete nangyari noon pang December 22 ng hapon.

Nabatid na matapos ang limang oras nakaramdam na raw sila ng pananakit ng tiyan at pagsusuka.At dahil mas marami ang nakain ni Riza hindi na siya nakaabot ng hospital habang ang tatlo niyang mga kapatid lamang ang nadala sa Arakan Valley Hospital.

Samantala, ipinahayag naman ni Dr. Karen Mae Canario, Municipal Health Officer ng Arakan, posibleng nalason ang apat na magkapatid dahil sa kinain nilang kamoteng kahoy na pinaniniwalaang hindi naluto ng maayos.
Base sa verbal autopsy na isinagawa ng RHU Arakan, namatay si Riza dahil sa Hypovolemic schock.

Ibig sabihin nawalan siya ng halos 20% na body fluid secondary to severe dehydration, secondary to intractable vomiting dahilan sa posibleng pagka lason.

OMI first profession of religious vows and acceptance to the OMI Novitiate

COTABATO CITY - LIMANG MGA OBLATE NOVICES ng nagsagawa ng kanilang first profession of vows sa Oblates of Mary Immaculate kahapon. Ito ay sina...

OPAPRU: Cotabato City chapel blast culprits to be punished

MANILA – The Office of the Presidential Adviser on Peace, Reconciliation and Unity (OPAPRU) on Tuesday deplored the grenade attack at a Catholic...

Cotabato Light announces NGCP scheduled power service interruption for May 26

COTABATO CITY - The Cotabato Light and Power Company (Cotabato Light) announced today the National Grid Corporation of the Philippines (NGCP)...

Groups, BARMM officials condemn Cotabato City chapel bombing

COTABATO CITY - Various sectors condemned Sunday’s grenade attack on a small Catholic chapel in a residential area here that hurt two worshipers and...

2 drug peddlers nabbed, over P1-M shabu seized in Pikit anti-drug ops

GEN. SANTOS CITY  – Anti-illegal drug entrapment operation in Barangay Ladtingan, Pikit, North Cotabato on May 19, 2024, led to the arrest of...