Sunday May, 19 2024 04:29:22 AM

NDBC BIDA BALITA (12.30.16)

 • 21:14 PM Fri Dec 30, 2016
298
By: 
NDBC NCA

NEWSCAST

DECEMBER 30, 2016 (FRI)
7and00 AM

HEADLINESand

1. BUREAU OF FIRE PROTECTION, naka RED
ALERT na para sa pagsalubong ng bagong taon DOH, nasa white alert naman.

2. Suspek na bumaril sa retiradong PNP
member na napaty din sa bayan ng Mlang, di pa rin kilala ng PNP

3. DRUG Queen at dalawang iba pa, inaresto
ng mga pulis sa Koronadal City

Naka‘red alert’ ngayon ang buong hanay
ng Bureau of Fire Protection o BFP dahil sa banta ng sunog habang papalapit ang
salubong sa Bagong Taon.

Katunayan ayon sa BFP, nasa 23 sunog na
ang kanilang naitatala simula nang itaas ang red alert na alarma noong December
15 ngayong taon.

Bagama’t mas maliit ang bilang na ito
kumpara sa naitalang fire incidents noong December 2015, mas pinaigting pa ng
BFP ang kampanya ngayong taon para ilayo sa trahedya ang publiko.

Nabatid na mas masigasig ngayon ang BFP
sa pag-iikot para paalalahanan ang publiko na walang maidudulot na mabuti ang
pagpapaputok lalo na sa bisperas ng Bagong Taon bukas, December 31.

Ginagamit din ng ahensya ang inilabas
na pamantayan ng Department of the Interior and Local Government DILG hinggil sa pagpili ng ligtas na paputok
kung saan dapat ay hindi lalagpas sa kalahating gramo ang pulbura ng isang
firecracker.

Una rito, nagdeklara naman ng white
alert ang Department of Health o DOH sa lahat ng pampublikong ospital sa buong
bansa.

Ang naturang deklarasyon ay hudyat rin
ng pagsisimula ng pagbibilang mga mabibiktima ng paputok o mga disgrasyang may
kaugnayan sa paputok.

Sa ilalim ng code white alert ng DOH,
hindi papayagang mag-leave ang mga empleyado ng mga ospital ng gobyerno.

Kinakailangan ring kumpleto ang tauhan
sa mga kritikal na dibisyon ng isang ospital anumang oras na may dumating na
pasyente.

Samantala, base sa huling monitoring ng
ng DOH, umakyat pa sa 105 katao ang nabiktima ng paputok mula nang simulan ang
Iwas Paputok campaign.

Ayon sa DoH, 103 sa mga biktima ay
naputukan, isa ang nakalunok ng firecracker at isa rin ang biktima ng ligaw na
bala.

PATULOY pang benibiripika
ng pulisya kung anong grupo ang responsable sa panibagong insidente ng
panghahagis ng dalawang mga granada sa isang police headquarter sa Shariff
Aguak, Maguindanao.

Gayunman, hinala ng mga
otoridad, posibleng mga miembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters o BIFF
ang naghagis ng naturang granada ngunit maswerteng hindi sumabog ang mga ito.

Sinabi ni Maguindanao
provincial director, Police Senior Superintendent Agustin Tello na sinuwerte
ang mga pulis na naka-duty noong Miyerkules ng gabi, December 28.

Pumalya kasi ang blasting
mechanism ng dalawang mga granada kaya hindi ito sumabog at nakapaghasik ng
karahasan.

Nabatid na inihagis ng
mga suspek na nakasakay ng motorsiklo ang naturang mga granada sa bakod ng naturang
police headquarter.

Una na ring pinaputukan
ng BIFF ng 40 millimeter grenade projectiles ang naturang police headquarters sa
Shariff Aguak noong 2014.

Kaya ayon kay Tello,
tinitingnan nilang anggulo ang muling pananabotahe at harassment ng BIFF sa mga
otoridad sa lalawigan. IBINUNYAG ni
Pangulong Rodrigo Duterte na nanggaling sa kita sa iligal na droga ang pondong
ginagamit ng Maute Group.

Ayon sa
Pangulo, katulad ng Maute Group, ginagawang gasolina ng iba pang mga rebeldeng
grupo sa Mindanao ang iligal na droga gaya ng shabu at Marijuana.

Pagbubunyag
pa ng presidente, base sa intelligence reports na kanyang natanggap, napakaraming
shabu laboratories sa mga kabundukan ng Datu Piang at Buldon sa Maguindanao.

Sabi pa ng
pangulo, ginagamit na panggastos sa giyera ng Maute Group at iba pang mga
rebelde grupo sa Mindanao ang perang kinita mula sa iligal na droga.

Aniya pa,
kapansin-pansin na lango rin sa bawal na gamot ang miembro nito tuwing
nakikipagdigma sa mga sundalo kaya’t walang duda umanong halang ang kalukuwa ng
mga ito. Isang
malaking hamon para sa lokal na pamahalaan ng bayan Datu Montawal ang taong
2016.

Ito ay
matapos na madawit sa narco politician lists ni P. Rodrigo Duterte si Vice
Mayor Datu Ohto Montawal.

Sinabi ni
Montawal na handa siyang patunayan sa publiko at pangulo na wala siyang
kinalaman sa illegal drug transactions.

Tiwala ang
opisyal na nadawit lamang ang kanyang pangalan tulad ng iba pang mga opisyal ng
pamahalaan na tapat na naglilingkod sa kanilang mga tungkulin.

Ayon kay
Montawal, suportado niya ang kampanya ng pangulong Duterte kontra iligal na droga.

Katunayan,
pinangunahan niya ang mandatory drug testing sa lahat ng municipal officials,
employees, at barangay officials. Tiniyak ng Philippine Health Insurance Corporation o Philhealth ang confidentiality sa kanilang electronic transactions.
Ayon kay Philhealth 12 Information Technology Management System Head Claudette Canlas, katuwang nila sa pagpapatupad sa programa ang Department of Health, Department of Science and Technology, at anti cyber crime institutions.
Sinabi ni Canlas na dahil sa electronic transaction, mas magiging madali ang pakikipag trasaksyon sa Philhealth.
Ayon naman kay Philhealth 12 Field Operations Chief Eugenio Donatos II, susuriin ng Health Information Technology Provider o HITP ang lahat ng datus sa kanilang electronic transactions.
Layon nito na matiyak na ito ay sumusunod sa mga panuntunan ng ahensya.
Sinabi naman ni Philhealth 12 Benefits Administration Head Dr. Henry Manzares na may mga third party internet providers na magbibigay ng serbisyo sa mga malalayong lugar na may mahina o walang internet connection.
Ang maaring gawin lamang ng kanilang mga stakeholders ayon kay Manzares ay makipagugnayan sa kanilang HITPs.Ito ang tugon ng Philhealth sa pangamba ng ilang mga health providers sa pagpapatupad ng ahensya ng electronic transactions.
Pinayuhan ni South Cotabato Provincial Hospital Pathologist Vita Gasataya ang mga mamamayan na huwag pabayaan ang mga sugat dulot ng paputok.
Inihayag ni Gasataya,na pinakamainam gawin ng publiko sakali mang mabiktima ng paputok ay hugasan ng malinis na tubig ang sugat at pumunta agad sa ospital.
Ito ay upang magamot agad at maiwasan ang impeksyon.
Ayon kay Gasataya, kapag nakakahawak ng malagkit na pagkain huwag nang humawak ng mga paputok.
Binigyan diin ni Gasataya na ilan kasi sa mga dinala sa South Cotabato Provincial Hospital noong nakaraang taon ay nasugatan sa kamay matapos dumikit ang sinindihang paputok.
Isa katao rin ang naputulan ng daliri dahil sa paputok sa South Cotabato noong nakaraang taon.
Sinabi di Gasataya na on call biente kwatro oras hanggang sa bagong taon ang lahat ng staff ng South Cotabato Provincial Hospital.
Sa ngayon tatlong kaso na ng firecracker related injury ang naitala sa South Cotabato.
Nagpapatuloy pa rin ng kanilang supplemental feeding program ang Department of Social Welfare and Development o DSWD region 12.
Pinakahuling nakinabang sa programa ang mahigit 20 libo na mga bata sa lalawigan ng Sultan Kudarat.
Ayon kay DSWD 12 Supplemental Feeding Program Spokesperson Merilyn Guererra ang pondo para sa programa ay naibigay na ng ahensya sa mga lokal na pamahalaan.
Sinabi ni Guerrera na ang mga ito ay ipinambili ng pagkain sa mga benipisyaryo ng programa.
Saklaw ng 120 days supplemental feeding ang mga magaaral sa mga day care centers ng DSWD.
Layon ng programa na matiyak ang wastong paglaki ng mga bata sa pamamagitan ng pagpapakain sa kanilang ng mga wastong pagkain.
Maliban sa Sultan Kudarat, ang supplemental feeding ay ipinatutupad din ng DSWD sa ibang lalawigan ng region 12.
Sasalubungin ng tatlong drug suspek ang bagong taon sa loob ng kulungan sa Koronadal City.
Ito ay matapos maaresto sa anti illegal drug operation ng mga pulis.
Kinilala ang isa sa mga naaresto na si Laline Pama na itinuturing na Pusher Queen sa kanilang lugar.Ang umanoy iligal na gawain ni Pama ay matagal nang inirereklamo ng mga mamamayan sa barangay Topland.
Arestado din ang mga kasama ni Pama na sina Michael Allen Castre.Ayon kay Koronadal City Anti Drug Abuse Council o PADAC Permanent Representative Glorio Sandig, ang mga suspek ay naaresto sa drug buy bust operation ng pulisiya sa Purok Center ,Barangay Topland, Koronadal.
Narekober ng mga pulis mula sa kanila ang 4 na sachet ng suspected shabu, P500 marked money at drug paraphernalia.Inihahanda na ng pulisiya ang pagsasampa ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs laban sa mga drug suspek.
Naniniwala si Koronadal City Chief of Police Superintendent Barney Conde na walang pulis na magpaputok ng armas sa bagong taon.
Ayon kay Condes disiplinado ang mga pulis sa Koronadal city at handang tumalima sa naging direktiba ng kanilang national headquarters.Ito ang naging pahayag ni Condes kaugnay sa kauntusan ni PNP Director General Ronald Bato Dela Rosa na huwag nang selyohan ang service fire arms ng mga pulis.Igniniit ni Condes na mahaharap sa kaukulang kaparusahan ang sinumang pulis na mapatunayang nagpaputok ng baril sa bagong taon.Umapela si Condes sa mga mamamayan na ireport ang sinumang pulis o indibidwal na makikitang nagpaputok ng baril.
Layon nito na matiyak ang kaligtasan ng publiko laban sa mga ligaw na bala habang nagsasaya sa pagsalubong ng bagong taon. SingSaya at Singliwanag ng Pasko ang makulay na pagwawakas ng Parol Making Contest sa Makilala, North Cotabato.
Ang mga parol na isinabit ay makikita sa gilid ng National Highway boundaries ng bayan mula brgy. Saguing hanggang Old Bulatukan para sa Cotabato-Davao route.

Habang sa barangay Poblacion hanggang Sinkatulan naman para sa Davao-Tacurong, Gensan route.

Sinabi ni Ed Dizon, Chief of Staff ng mayors Office, itinanghal na ang panalo at nakuha ng brgy. Malabuan ang First Prize, ikalawa ang barangay Concepcion, habang third place naman ang brgy.Talun-Talunan.
30 thousand pesos ang makukuha ng Panalo habang 20 at 10 thousand pesos cash din sa second at third place.

Samantala, nakatanggap rin ng consoltaion prizes ang mga barangay ng Old Bulatukan, San Vicente, Malasila, Kawayanon, Garsika, Leboce, New Bulatukan at brgy. Rodero.Layunin ng nabanggit na contest ay para patatagin pa ang turismo sa bayan ng Makilala kasabay ng kapuskuhan at pagsalubong sa 2017.Una na ring ipinahayag ni Dizon na ang mga parol na isinabit sa mga daanan ay simbolo ng liwanag na nakamit ng mga drug personalities na humingi ng tulong sa mga otoridad sa bayan.
Hanggang ngayon ay nananatiling unidentified ang isa sa tatlong suspek na bumaril at pumatay kay Spo4 Rogelio Gleyo sa bayan ng Mlang North Cotabato noong martes.Matatandaang habang nasa sabungan ang retiradong pulis ay binaril siya ng tatlong mga suspek na sakay sa isang Bajah Motorcycle.
Nabatid na nakaganti rin ng putok ang kapamilya ni Gleyo kung saan isa sa mga suspek ang tinamaan at napatay.Agad namang tumakas ang dalawang suspek at iniwan ang napatay na kasama.

Nanatili ngayon sa punerarya sa bayan ng Mlang ang bangkay ng suspek.
Inilarawan naman ito ng mga otoridad na nasa 5'2 ang taas, mahaba ang buhok, naka maong na pantalon at nakasuot ng kulay grey na sweatshirt at naka tsinelas lng ito.Narekober din sa naturang bangkay ang kanyang cellphone.
Wala ding nacontact ang PNP na pamilya nito dahil lahat ng kanilang nakausap ay walang mga matitinong sagot kaugnay sa pagkakakilanlan sa lalaki.Naniniwala ngayon ang PNP na posibleng gun-for-hire ang naturang suspek.
Itinuturing ngayon ng PNP na diversionary tactics ang nangyaring pagsabog sa Aleosan, North Cotabato na ikinasugat ng ilang mga indibidwal.
Ito ang sinabi ni Police Regional Office 12 Spokesperson Supt. Romeo Galgo Jr. sa panayam sa kanya ng DXND Radyo Bida.Ayon kay Galgo, naniniwala silang ang mga sangkot sa iligal na droga ang may pakana ng pagsabog para mabaling ang atensyon ng mga pulis sa kanilang kampanya kontra iligal na droga.Plano rin raw ito ng mga kalaban ng PNP dahil ay naapektuhan sila.

Pero iginiit ni galgo, na hindi ito makakapekto sa kanilang kampanya maging ang pagtugis sa mga drug personalities.Pinawi naman ni Galgo ang takot at tensyon ng publiko na idinulot ng pagsabog sa Midsayap at Aleosan. Dahil dito nagpapaba na ng deriktiba ang PRO Director sa mga police stations sa buong Rehiyon na dagdagan pa ang ginagawang pagbabantay sa kanilang mga lugar lalo na sa North Cotabato.Samantala, makakaasa naman ang publiko ng mahigpit na pagbabatauy sa buong rehiyon lalo na ngayong pagsalubong sa bagong taon lalo't una nang kinasela ang Holiday break ng lahat ng PNP personnel sa buong bansa.
Nangako ngayon si Brgy. Poblacion, Makilala chairperson Eriq Quibod kasama ang buong Poblacion council na tutulong sila sa mga pulis sa mga gagawing monitoring sa seguridadd lalo na sa pagsalubong sa bagong Taon.Nakikita kasi ni Quibod na kaunti lang ang pwersa ng Makilala PNP sa laki ng bayan ng makilala kaya naman tutulong na rin sila sa pagbabantay lalo na sa Poblacion area.Una nang ipinahayag ng PNP na hindi na seselyuhan ang baril ng mga pulis ngayong holiday season kaya hinihikayat ang mga barangay official na tulungan ang PNP sa pagpapatrolya para maabot ang target na zero casualty sa indiscriminate firing ngayong 2016.

Kaugnay nito, nanawagan naman ang PNP sa mga gun owner na maging disiplinado sa paghawak ng baril.

Samantala, Kakatukin naman ng mga pulis ang bahay at mga pribadong compound na mariringgan ng putok ng baril sa pagsalubong sa bagong taon.
Ito ang mahigpit na direktiba ni PNP Chief Director General Ronald Dela Rosa sa mga pulis para mapanagot ang mga iligal na magpapaputok ng armas.Sakali aniyang hindi pumayag na magpapasok ang mga taong nasa loob ng bahay kung saan narinig ang putok ng baril, pwersahang papasok ang mga pulis gamit ang doktrina ng hot pursuit operations.
Dead on the spot ang tatlo katao matapos silang paulanan ng bala sa hangganan ng brgy. Poblacion at brgy. Aringay, Kabacan, North Cotabato.

Kinilala ng Kabacan PNP ang mga biktima na sina Franz Villanueva, Jerry Uyanguren at Roland Uyanguren.Nangyari ang insidente pasado ala una ng madaling araw kanina.Ayon sa report galing umano sa isang sabong ang tatlong mga biktima at habang papauwi na sakay sa kani-kanilang motorsiklo pagdating nila sa bahagi ng tulay sa nabanggit na lugar ay dito na sila pinagbabaril ng mga armadong kalalakihan.Maraming tama ng bala ang tinamo ng mga biktima na naging dahilan din ng kanilang agarang kamatayan.

Narekober sa crime scene ang basyo ng bala mula sa 5.56 caliber pistol na posibleng ginamit sa pamamaril.

Patuloy pa ngayong iniimbestigahan ng PNP ang nabnggit na insidente.

P108-M worth of shabu seized by PDEA-9 agents in Zamboanga City

COTABATO CITY - Agents of the Philippine Drug Enforcement Agency seized P108 million worth of shabu from a dealer entrapped in Barangay Canelar in...

Police rearrest 1 of 5 detainees who bolted Parang police lock-up cell

PARANG, Maguindanao del Norte  – Police authorities here have arrested one of the five fugitives who bolted the municipal police station...

Sulu Gov. Sakur Tan to seek BARMM office of chief minister

INANUNSYO ng Bangsamoro Grand Coalition o BGC ang kanilang pag-endorso kay Sulu Governor Abdusakur Tan na tumakbo bilang BARMM Chief Minister sa May...

5 preso nakatakas sa Parang detention facility, tulong ng publiko hiniling ng PNP

Nanawagan ang mga otoridad sa Parang, Maguindano del Norte na makipagtulungan sa kanila kung sakaling may mga nakakita sa mga lalaking nasa larawan...

NGCP scheduled power interruption for May 19 cancelled

What: CANCELLED NOTICE OF National Grid Corporation of the Philippines POWER INTERRUPTION When: Sunday, May 19, 2024 | 7:00 - 8:00 AM | 5:00...