Monday May, 06 2024 01:40:10 PM

NDBC BIDA BALITA (1.23.17)

 • 15:56 PM Mon Jan 23, 2017
902
By: 
NDBC NCA

NEWSCAST

JANUARY, 2017 (MON)
7and00 AM

HEADLINESand

1. Tubig baha sa North Cotabato at Maguindanao boundary, bumaba konti Bayan, isinailalim sa state of calamity2. Tatay, nanaga ng mga anak at misis sa North Cotabato3. Grade 9 student, nagbaril sa sarili,
patay sa Sto. Nino, South Cotabato

4. Isa katao, patay sa engkwentro ng mga
pulis, sundalo at armadong grupo sa Makilala, North Cotabato

Tinangkang halayin ng isang baker ang isang
babaeng may kapansanan pasado ala sais kagabi sa barangay Katuli, Sultan
Kudarat, Maguindanao.

Kinilala ng Sultan Kudarat PNP ang
suspek na si Dante Sanan Abpi, 19 anyos isang baker at resident eng nasabing
lugar.

Tinangka raw nitong pagsamantalahan ang
biktimang pipi at bingi na sadyang itinago ang pagkakakilanlan.

Ayon sa inisyal na report ng pulisya,
hinanap ang biktima ng tiyahin nito sa labas at nakita nitong hinaharas ng
suspek ang biktima.

Sa ngayon nasa kostodiya na ng Sultan
Kudarat PNP ang suspek habang inihahanda na kasong isasampa laban sa kanya.

Samantala sa iba pang mga balita, nakitang
palutang-lutang ang hindi pa nakikilalang bangkay ng isang babae kahapon sa
Pulangi River partikular sa Purok Manga, barangay Katuli sa bayan pa rin ng
Sultan Kudarat.

Ang bangkay ay naroon ngayon sa
barangay hall ng nabanggit na lugar.

PATAY sa pananaksak ang
isang laborer sa barangay Poblacion Dos, Aleosan, North Cotabato.

Nakilala ang nasawing
biktima na si Elpidio Silballos 49 years old taga, Sultan Kudarat, Maguindanao
matapos saksakin sa dibdib ng suspek na si Jomar Tandoy, 29 years old. na taga
New Leon, Aleosan, North Cotabato.

Sa inisyal na report ng
Midsayap PNP, nag-iinuman ang dalawa at nagkaroon ng mainitang pagtatalo na
nauwi sa pananaksak ng suspek sa biktima.

Agad namang naaresto ng
mga pulis ang suspek pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ito makuhanan ng
pahayag hinggil sa motibo nito sa pagpatay sa biktima.

ISINAILALIM
NA sa state of calamity ang Datu Montawal, Maguindanao dahil sa matinding
pagbahang dulot ng walang tigil at malakas na buhos ng pag-ulan.

Kinumpirma ni
Datu Montawal vice mayor Datu Otho Montawal na nagkaisa ang mga miembro ng
Sangguniang Bayan na ilagay sa state of calamity ang bayan at agad naman itong pinaboran
ni Mayor Datu Vicman Montawal.

Nabatid na
umaabot na sa 6 thousand,170 families ang naapektuhan ng pagbaha sa Datu
Montawal dahil sa pag-apaw ng Pulangi River, Rio Grande de Mindanao at Liguasan
Marsh dulot ng masamang lagay ng panahon.

Nabatid na namahagi
na ng tulong ang pamahalaang lokal ng Datu Montawal at Department of Social
Welfare and Development o DSWD -12 sa mga biktima ng baha habang hinihintay din
ang karagdagang tulong mula sa M Maguindanao Provincial Government at Autonomous
Region in Muslim Mindanao o ARMM.

Nagpasalamat naman
si vice mayor Montawal sa ARMM- Humanitarian Emergency Action and Response Team
o ARMM HEART, mga sundalo ng 6th ID, pulisya, mga rescue group at Municipal Disaster
Risk Reduction Management Office ng Datu Montawal na agad naglunsad ng rescue
operation sa mga pamilya na-trap sa baha.

Samantala,
lubog na rin sa baha ang barangay Poblacion ng Datu Montawal at maging ang
ilang mga lugar sa katabing bayan ng Pagalungan.

Nabatid na pinasok
na ng tubig pati ang kanilang municipal hall kaya’t isinasailalim na rin ito sa
monitoring ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council. HINAHASA ng
Department of Education o DepEd ang journalistic skills ng mga mag-aaral sa buong
bansa.

Sinabi ni Department
of Education o DepEd Sec. Leonor Briones na pinasimulan na nila kahapon
hanggang sa January 25 ang 2017 National Schools Press Conference o NSPC sa
Pagadian City.

Nabatid na ang
Pagadian City at Zamboanga del Sur ng region 9 ang host school divisions ng
NSPC ngayong taon na may temang Strengthening Freedom of Information through
Campus Journalism .

Iginiit ni
Briones na mahalaga ang aktibidad na ito para sa paghubog ng mga susunod na
henerasyon ng mga mamamahayag sa bansa.

Aniya, sa
NSPC tinuturuan ang mga campus journalist ng binibigyan ang mga batang
mamamahayag ng pagkakataong maranasan ang buhay ng isang tunay na journalist sa
pamamagitan ng iba’t ibang paligsahan.

Ayon pa sa
kalihim, nagkakaroon din ng social consciousness at environmental awareness ang
mga kalahok at natuto ng responsableng pamamahayag.

Ang NSPC ay
binubuo ng mga workshops, individual at group contests. Panghaharas at Pangingikil umano ang dahilan sa nangyaring engkwentro sa barangay Biangan, Makilala, North Cotabato noong Sabado ng hapon.
Ito ay sa pagitan ng PNP, AFP at pinaniniwalaang armadong grupo sa lugar.

Una rito isang Abusamin Angel, Project In charge ng Santos Land Development Corporation sa Makilala ang nagpatala sa Makilala PNP na hinarras umano siya at kasamang driver nito sa brgy. Malasila, Makilala noong January 20 ng mga nagpakilalang NPA ng Front 51.Dahil dito nagsagawa nang Law Enforcement Operation ang PNP katuwang ang 39th IB at 10th ID ng Philippine Army.Pagdating ng mga tropa ng gobyerno sa lugar ay dito na sila unang pinaputukan ng rebeldeng grupo.

Umabot rin ng halos isang oras ang bakbakan.Kahapon muling pinasok ng Makilala PNP at 39th IB kasama si Mayor Rudy Coaogdan at iba pang security forces ang area kung saan narekober ang mga first aid kit, kaldero, backpacks at iba pa na posibleng ginamit ng mga armadong grupo.Samantala, isa naman ang kumpirmadong nasawi sa panig ng rebeldeng grupo.

Kinumpirma mismo ito ng pamilya ng biktima na kinilalang si Rojit Estampa Ranara, taga sitio Patulangon, Brgy zone 1 Sta Cruz, Davao del Sur.

Miembro raw ng NPA si Ranara ng Front 51 ayon pa sa kanyang kapatid.

Sa ngayon naglagay na ng Check point ang PNP at AFP sa Davao-Cotabato road, partikular sa Sitio Flortam, Brgy. Batasan Makilala sa posibleng pagkakaaresto ng iba pang miembro ng Lawless Armed Group.
Patay ang dalawang menor de edad matapos masangkot sa vehicular crash ang kanilang sinasakyang motorsiklo sa
Malabuaya, brgy. Kayaga, Kabacan noong Sabado ng tanghali.

Kinilala ang mga nasawi na sina Nasrula Pamansag, 17, at back rider nitong si Mansur Ismael, 16, parehong mga estudyante at taga Balungis, Pikit.

Ang nabanggit na aksidente ay kinasasangkutan ng apat na sasakayan.

Isang Nissan Sentra na kotse na minamaneho ng isang retired AFP personnel na si Rodolfo Alcordo Lago, 60, na taga Pikit na patungong Kabacan area.
Habang ang tatlong mga sasakyan naman ay isang multicab at dalawang Kawasaki Bajah Motorcycle at papuntang Pikit, North Cotabato.Ayon sa report nag overtake umano ang dalawang motorsiklo sa multicab na nagresulta naman ng banggan ng dalawa matapos nilang makasalubong ang kotse na minamaneho ni Lago.Pero nagawa namang makailag ng driver ng isang motorsiklo pero ang sasakyan ng dalawang estudyante ang siyang sumalpok sa Nissan Sentra.

Dead on the spot ang driver na si Pamansag habang sa ospital na binawian ng buhay ang angkas nitong si Ismael.Swerte namang hindi nasugatan ang tatlong mga driver ng ibang sasakyan.

Sa ngayon, muling nagpaalala ang mga otoridad sa lahat ng motorista na mag-ingat sa pagmamaneho para maka-iwas sa disgrasya.
Naaresto ang 53-anyos na lalaki sa manhunt operation ng mga otoridad sa Brgy. Esperanza, Norala, South Cotabato.

Kinilala ang suspek na si Noli Solomon Dagooc alias Lito, 53-anyos, may asawa at residente ng New Panay, Tulunan, North Cotabato.Ayon kay Sr. ins. Felix Fornan, hepe ng Tulunan PNP, nahuli ang suspek alas 10:30 ng umaga noong Biyernes sa isinagawang manhunt operation ng Tulunan PNP at Norala MPS.Ang suspek ay nahaharap sa kasong homicide na may criminal case no. 3795-2016 na inisyu ni Hon. Judge Jose Tabosares.

Sa ngayon, nasa kustodiya na ng Tulunan PNP ang nasabing suspek. Abot sa 110 million pesos na halaga ng tulong ang natanggap ng mga magsasaka sa North Cotabato sa taong 2016 mula sa Philippine Crop Insurance Corporation o PCIC.Ang tulong ay para sa mga magsasakang una nang naapektuhan ng mga kalamidad at pesete sa kanilang mga pananim.

15, 376 na mga magsasaka sa lalawigan ang nakatanggap ng cheke.Ang PCIC ay isang Government Owned and Controlled Corporation.

Layunin nito na masigurong mabigyan ng tulong ang mga magsasaka na siyang pinagkukunan naman ng kabuhayan ng magsasaka sa probinsiya.Katuwang naman ng PCIC ang Department of Budget and Management o DBM na na naglaan din ng pondo ng abot sa 1.6 Billion para sa libreng pagpaparehistro ng mga magsasaka sa buong bansa para sa kanilang mga pananim.

Ito ay para magkaroon sila ng insurance.Ayon kay Elias Catulong, Regional Manager 2 ng PCIC, ngayong 2017 titiyakin nilang mas dadami pang magsasaka ang kanilang matutulungan.

Dahil dito maglalaan ang DBM ng abot sa 2.5 billion pesos.Nanawagan naman ang PCIC sa lahat ng mga magsasaka sa North Cotabato na magpatala na sa Department of Agriculture office sa kanilang mga lugar para sa insurance ng kanilang mga pananim.
Pinagtataga ng isang magsasaka na umano may problema sa kanyang pag-iisip ang miyembro ng kanyang pamilya sa Barangay Gen. Luna, Carmen, North Cotabato.

Ang insidente nangyari pasado alas onse ng umaga kahapon.

Ayon sa report bigla na lamang nag-amok at pinagtataga ng suspect na si Abdul Guibar Afdal Ampatuan, 32-anyos ang kanyang mag-ina.

Kinumpirma naman ni Carmen Deputy Chief of Police Sr. Ins. Basillio Parcon ang report kung saan naka ligtas ang pitong taong gulang na anak nito sa naturang pananaga.
Habang ang dalawa pa nitong kapatid na sina Ashrea, 6, at Zulkeple, isang taong gulang ang binawian ng buhay dahil sa mga tinamong taga gamit ang TABAS

Patuloy din ngayong nagpapagaling ang ina ng mga biktima na si Fatima Ampatuan, 30-anyos.
Ayon kay Parcon, matapos ang pananaga ng suspect sa kanyang mag-ina ay uminum raw ito ng herbicide upang kitlin ang kanyang buhay ngunit napigilan ito ng kanyang pamilya at agad na sinugod sa ospital.

Sa dagdag naman imbestigasyon ng PNP pinansyal na problema raw naging ugat ng insidente.Nabatid na tatlong araw na rin na walang kain ang suspek dahil na rin sa mga iniisip nito.

Sa ngayon, nasa kustodiya na ng Carmen PNP ang suspek at hinihintay ang pahayag ng pamilya kung sasampahan nila ng kaso ang suspek na si Abdul.

NDBC BIDA BALITA
Naantig ang marami sa nag viral na litrato ng isang grade 3 pupil sa Sto. Nino, South Cotabato na dinadala sa eskwela ang maliit na kapatid upang makapag aral.
Ang litrato ng 11 anyos na si Angelo Bano na kasama sa silid aralan ang 2 anyos na kapatid ay unang inilgay ng gurong si Shyla Mie Blasico sa kanyang facebook.
Ilang araw matapos mai-post sa facebook bumuhos ang tulong sa magkakatapid.
Nagpasalamat naman si Blasico sa mga nagpadala ng tulong kay Angelo at sa kanyang pamilya .
Ayon kay Blasico maraming mamamayan ang nagpadala ng groceries, bigas, at iba pang pangunahing pangangailangan sa magkakapatid na Bano.
Plano naman ngayon ng eskwelahan na magbukas ng account para kay Angelo. Ang mga nais tumulong kay Angelo ay maaring makipag ugnayan sa J Blanco Elementary School sa Barangay M Roxas sa Sto. Nino, South Cotabato .Ayon kay Blasico pwede ring ipadala sa kanya sa pamamagitan ng mga payment center ang pinanasyal na tulong para sa magkakapatid na Bano.
Maliban sa mga ordinaryong mamamayan naghatid na rin ng tulong sa magkakaptid ang ilang lokal na opisyal sa South Cotabato.
May nangako na ring magpapaayos sa barong barong na tinitirhan ng magkakapatid.Nagbigay na rin ng paunang tulong na foodpacks para sa nagkakapatid ang Department of Social Welfare and Development o DWSD 12 .Isinailalim pa sa case study o assessment ang magkakapatid na Bano upang malaman aktwal na kalagayan at angkop na tulong na maaring ibigay sa kanila ng DSWD
Nakakulong na ngayon ang suspek sa pagnanakaw ng motorsiklo sa bayan ng T’boli, South Cotabato.
Kinilala ni South Cotabato PNP Highway Patrol Group Chief, Chief Inspector Arnold Carino ang suspek na si Mike Vicente Lamba nakatira sa bayan ng Banga.Ayon kay Carino si Lamba ay naaresto sa follow up operation ng pulisiya sa pineapple plantation sa Sitio Spring, Barangay Poblacion, T’boli.Ito ay matapos tangayin ang motorsiklo ng 42 anyos na si Romeo Ganica habang nakaparada sa harap ng simbahan sa Purok Lugan 1, Poblacion, T’boli.Sinabi ni Carino na natunton ng mga pulis ang kinaroonan ng umanoy karnaper na si Lamba nang may magsumbong na concerned citizen na nakakita sa kanya sakay ng DMAX MTX 125 motorcyle ni Ganica .Ang pagkakaaresto kay Lamba ay kasunod ng pahayag ni Carino na bumaba ng 75 porsyento ang insidente ng karnaping sa South Cotabato ngayong taon.
Hiniling ng mga mamamayan sa Sitio Angulo Barangay Landan, Polomolok, South Cotabato na matayuan ng school of living tradisyon ang kanilang lugar.
Ito ay upang magkaroon ng mas magandang pasilidad sa paghabi ng mabal tabih.Ang pasilidad ay hiniling ng mga mamamayan sa lugar kasunod ng pagpaparangal sa kasama nilang si Bai Yabing Masulon Dulo bilang Gawad Manlilikha ng Bayan ng National Commission for Culture and the Arts o NCCA
Ayon kay South Cotabato Indigenous Peoples Mandatory Representative Edgar Sambog malaking karangalan para sa tribuong B’laan ang pagkilala kay Bai Yabing.Kaya ayon kay Sambog nararapat lamang na tututukan din ng gobyerno ang kanilang kultura upang maipagpatuloy ang tradisyon ng Ikat weaving.
Ang mabal tabih ay isang obra maestra na pinangunahan ni Bai Yabing na ang disenyo ay hango sa panaginip.Ang Sitio Angulo ay mayroong mahigit 60 pamilya kung saan 33 sa mga ito ay gumagawa ng tradisyunal na B’laan accessories maliban pa sa Mabal tabih.
Ayon kay Sambog, makatutulong ang School of living tradisyon upang mahikayat ang mas maraming mamamayan sa sa Sitio Anggulo na gumawa ng tradisyunal na kagamitan ng tribung B’laan.Hinihiling din ni Sambog sa mga local government units ng Polomolok at South Cotabato ang pagpapatayo ng dagdag na pasilidad sa Sitio tulad ng mga daan at water system. Magbubukas ang dalawang Nutripan bakery sa South Cotabato ngayong taon.
Ayon kay Provincial Nutrition Action Officer Ma. Ana Uy unang bubuksan ngayong Enero ang Nutripan bakery sa bayan ng Tupi.Inaasahan namang bubuksan ang Nutripan Bakery sa bayan ng Surallah bago magtapos ang 2017.
Ayon kay Uy ang nutripan bakery ay inobasyon sa programa ng Provincial Nutrition office sa tulong ng isang Non Government Organization na Mahintana Foundation.Ibinenbenta sa Nutripan Bakery ang mga tinapay na may sangkap o palaman na malunggay, pinya, kamote, kalabasa at iba pang indigenous foods sa South Cotabato.Ito ay isa sa pamamaraan ng mga lokal na pamahalaan sa pagpapababa sa kaso ng malnutrisyon
Ang Tupi ay isa sa tatlong bayan sa South cotabato na may mataas na kaso ng malnutrisyon.Unang nagkaroon ng nutripan bakery ang mga bayan ng T’boli at Polomolok
Sa pinakahuling datus nutrition unit ng Provincial Social Welfare and Development Office abot na lamang sa 5 porsyento ng mga bata sa South Cotabato ang kulang sa nutrition. Dead on the spot ang isang menor de edad na estudyante na umano ay nagbaril sa sarili sa Sto. Nino, South Cotabato.
Kinilala ang biktima na si Vengelo Diesto, 15 anyos ,grade 9 student ng Notre Dame of Sto. Niño.
Lumabas sa inisyal na imbistigasyon ng mga pulis na nakarinig na lamang ng putok ng baril ang mga magulang ng biktima sa likod ng kanilang bahay sa Barangay San Isidro Sto. Nino.
Nang kanila itong tingnan doon na tumambad ang wala ng buhay na katawan ni Vengelo dahil sa tama ng bala ng 38 revolver sa kanyang ulo.Ayon kay Sto. Niño PNP Chief of Police, Senior Inspector Ritchel Cabuslay, posibleng nagbaril sa sarili ang biktima dahil sa kabiguan sa pagibig.
Ito ay matapos umanong iwan ng kanyang kasintahan.
Gayunpaman ayon sa Police official inaalam pa ng PNP kung iba pang posibleng dahilan kung bakit nagpakamatay ang biktima.

PRO-BAR chief Tanggawohn bestowed posthumous award to Capt. Moralde

CAMP SK PENDATUN, Maguindanao Norte - The Police Regional Office Bangsamoro Autonomous Region bestowed posthumous award to late PCPT ROLAND ARNOLD...

Suspected gunrunners huli, mga armas nakumpiska sa kanila sa Alamada

COTABATO CITY - KULONG na ngayon ang dalawang mga gunrunners matapos mahuli ng Criminal Investigation and Detection Group o CIDG BARMM sa isang...

High value drug peddler falls, yields 150 grams of shabu in Lanao Sur

MARAWI CITY - Lanao del Sur PPO's Provincial Drug Enforcement Unit/Provincial Special Operations Group, 1st Provincial Mobile Force Company, Marawi...

6 armed villagers wounded in Basilan ambush incident

COTABATO CITY - Ambushers seriously wounded six men in a rival group in an attack early Saturday in Sitio Lessem, Barangay Bato-Bato, Akbar...

DA: Price freeze needed only in areas under state of calamity

MANILA – The Department of Agriculture (DA) on Friday said that a price freeze of rice and other basic commodities should only be implemented in...