Saturday May, 18 2024 01:19:38 PM

NDBC BIDA BALITA (1.24.17)

 • 17:19 PM Tue Jan 24, 2017
879
By: 
NDBC NCA

NEWSCAST

JANUARY 24, 2017 (TUE)
7and00 AM

HEADLINESand

1. Wanted sa kasong homicide na matagal
ng nagtatago sa batas, huli sa Datu Odin Sinsuat, Maguindanao

2. TATLONG MGA PULIS, patay sa
karambola ng tatlong mga sasakyan sa Polomolok, South Cotabato

3. Ama na pinagtataga ang sariling
asawa at mga anak sa Carmen, North Cotabato, nasawi dahil sa ininom na
herbicide

4. Walang nilabag ang military sa Makilala operation, ayon sa isang Army brigade commander Patay ang tatlong pulis sa karambola ng tatlong mga sasakyan sa national highway Barangay Silway 8 sa Polomolok, South Cotabato.Kinilala ni Koronadal City PNP Chief of Police, Superintendent Barney Condes ang mga nasawing pulis na sina Senior Police Officers 2, Romar Vistavilla, at Arnel Jales na nakatalaga sa Koronadal PNP. Nasawi din ang kasama ng mga ito na si SPO2 Henry Dallao ng Tupi Municipal Police Station. Ang mga ito ay sakay ng naaksidenteng kotse.Ayon kay Condes ang mga biktima ay nasa schooling ngayon sa Police Regional Headquarters sa General Santos City. Nilinaw naman ni Polomolok PNP, Deputy Chief of Police , Senior Inspector Hernan Gabat na pito lang ang mga pulis trainee na lulan ng naaksidenteng dump truck, taliwas sa unang napapapabalita na sakay nito ang mahigit 100 katao.Ang mga ito ay kabilang sa mahigit 70 police trainer na itatalga sana sa South Cotabato. Nadamay din sa road accident ang kasalubong na pampasaherong van ..Sinabi naman ni South Cotabato PNP Provincial Direrctor Senior Police Supertintendent Franklin Alvero, na ang mga biktima ay galing sa Police Regional Headquarters sa general Santos City at patungong Koronadal nang maaksidente.Sinabi ni Alvero na posibleng nawalan ng control ang driver ng kotse na sinasakyang ng tatlong pulis na naging sanhi ng karambola ng tatlong mga sasakyan. GayunpamanNagpapatuloy pa ang imbistigasyon ng pulisiya sa road accident na ikinasugat din ng 15 katao. NAPASAKAMAY DIN ng pulisya ang wanted
sa kasong homicide na anim na taon ng nagtatago sa batas.

Nakadakip ang suspek na si Datusalem
Benito Mangelen, 56 years old, may asawa at isang dental health worker na taga-
SPDA Village ng nasabing lugar.

Sinabi ni police chief inspector Achmad
Alibonga ng DOS PNP, naaresto si Mangelen pasado alas kwatro ng hapon kahapon
sa Tenorio, Awang, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao.

Ayon kay Alibonga, nadakip ang suspek sa
bisa ng warrant of arrest na inilabas ni
RTC Branch 13 Judge Bansawan Ibrahim noon pang March 13, 2011 na may criminal
case no. 2009- 3710.

Sa ngayon, si Mangelen ay pansamantalang
nakakulong sa lockup cell ng DOS PNP at nakatakdang ilipat sa Maguindanao
provincial jail. Patay ang isang magsasaka
matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang suspek pasado alas nuebe kagabi
sa barangay Neketan, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao.

Kinilala ng DOS PNP ang
biktima na si Ismael Kasim Mokamad, 40 anyos, may asawa isang magsasaka at
residente ng nasabing lugar.

Batay sa inisyal na
imbestigasyon ng DOS PNP , nagtamo ng tama ng bala sa ulo ang biktima mula sa
hindi pa matukoy na uri ng baril na naging sanhi ng kanyang agarang kamatayan.

Matapos ang pamamaril
agad ding tumakas ang suspek sa di natukoy na direksyon.

Sa ngayon patuloy pa rin
ang ginagawang imbestigasyon ng DOS PNP kung sino ang nasa likod ng pamamaril
at kung ano ang motibo nito sa pagpatay sa biktima. HULI ang
dalawang mga suspected drug pusher sa isinagawang drug buy-bust operation ng
Midsayap PNP at Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA.

Nangyari ang
operasyon sa barangay POBLACION SINGKO, Midsayap, North Cotabato, pasado alas
siyete kagabi.

Nakilala ang
mga nadakip na sina WILIE MIGRENIO, 37 years old, laborer at taga UPPER
MINGGADING, ALEOSAN, North Cotabato at isang ARLENE QUILANTANG 39 years old, walang trabaho at
taga barangay Poblacion Singko, Midsayap.

Sinabi ni
Midsayap PNP chief, police SUPT. BERNARD TAYONG na nakuha mula sa mga
naarestong suspek ang limang SACHETS ng suspected SHABU, dalawang DISPOSABLE
LIGHTERS, at ALUMINUN FOIL.

Inihahanda na
ngayon ang kasong isasampa laban sa dalawang naarestong suspek na pansamantalang
nakakulong sa Midsayap PNP detention cell. Pumanaw na ang magsasaka na pumatay sa sariling anak at pagkasugat ng kanyang misis at isa pang anak sa Carmen, North Cotabato.Si Abdul Guiabar Ampatuan ay pinaniniwalaang namatay dahil sa ininum niyang herbecide matapos na pagtatagain noong nakaraang lingo ng tanghali ang kanyang dalawang anak.Ayon sa hepe ng Carmen PNP na si Chief Inspector Julius Malcontento, nagkasundo ang pamilya ng suspect at ang PNP na dahil sa Amas provincial hospital si Ampatuan subalit sa pagamutan ay pumanaw ito lunes ng tanghali.Agad din siyang dinala sa Limbalod, Pagalungan, Maguindanao at inilibing. Patay ang isang panday matapos pagbabarilin sa loob mismong ng kanyang bahay sa Koronadal City Kinilala ang biktima na si Maximo Garcia, 42 anyos, nakatira sa Purok San Francisco, Barangay New Pangasinan sa lungsod.Ayon sa live in partner ng biktima na si Aububrey Sereno, matutulog na sana sila nang biglang may sumipa sa pinto ng kanilang bahay at pinasok sa kwarto ang biktimang si Garcia.
Si Garcia ay binaril sa ulo ng salarin habang nakahiga katabi ang kanyang tatlong buwang sanggol.Aminado naman si Sereno na dating drug pusher si Garcia.
Ngunit ayon sa kanya matagal na itong nagbago at sa katunayan sumuko na ito noon sa Oplan Tokhang ng pulisiya.
Narekober ng mga pulis sa crime scene ang 3 basyo ng 45 pistol.
Ang salarin ay agad na tumakas sakay ng motorsiklo na minaneho ng naghihintay na kasama.Hindi pa batid ng pulisiya kung sino ang mga suspek at ano ang motibo ng mga ito sa pagpaslang sa biktima.

Saklaw ng ipatutupad na speed limit ordinance ang bahagi ng national highway mula Barangay Magon patugong San Felipe sa bayan ng Tantangan,South Cotabato.Ito ay ayon kay Tantangan Vice Mayor at Sangguniang Bayan Presiding Officer Timee Joy-Gonzales ang mga boundary ng Tantangan sa Koronadal sa South Cotabato at Tacurong City, Sultan Kudarat
Ayon kay Gonzales, sisimulan ang pagpapatupad sa ordinansa sa Marso.
Sinabi ni Gonzales na ang mga sasakyan na mangagaling sa Koronadal ay di dapat lalagpas ang takbo sa 50 kilometers per hour mula San Felipe bridge hanggang crossing spring sa Barangay San Felipe.
Papayagan lamang ang mga sasakyan mula Crossing Spring at Purok Namnama Poblacion na makatakbo sa bilis na 80 kilometers per hour.
Ang mga motorista naman na dadaan sa Purok Namnana hanggang Purok Salukag sa barangay Poblacion ay kailangang hanggang 50 kilometer per hour lamang ang bilis.
Habang maari lamang tumakbo sa bilis na hindi lalagpas sa 20 kilometers per hour ang mga sasakyan na dadaan sa harap ng mga eskwelahan sa national highway.
Paliwanag ng bise alkalde ipatutupad ang speed limit ordinance dahil sa nakababahala nang aksidente sa daan sa Tantangan.
Kadalasang sanhi ng mga ito ang overspeeding at reckless driving.
Ipinahayag naman ni Tantangan Traffic Supervisor Edgardo Vega na para magabayan ang mga motorista sa tamang speed limit, maglalagay sila ng sinage sa mga lugar na magpapaalala nito sa publiko.
Ang Tantangan ay ikalima sa 11 lokal na pamahaaan sa South Cotabato na susunod sa speed limit ordinance,kasunod ng Tupi, Polomolok, Surallah at T’boli.
Patuloy pa ring inaalam ng pamahalaang panlalawigan ng South Cotabato ang tulong na ibibigay sa mahigit 9,000 na mga drug surenderee sa pamamagitan ng pagsagawa ng assessment sa mga ito.
Gayunpaman,ayon kay Governor Daisy Avance Fuentes, walang rehabilitation center na ipatatayo sa lalawigan dahil mas kailangan nito ng mas malaking pondo.
Sa halip ayon sa gobernador plano ngayon ng pamahalaang panlalawigan na makipapagkasundo sa mga rehab centers sa Mindanao para paglagyan sa mga drug dependents ng South Cotabato na isasailalim sa rehabilitasyon.
Naglaan na rin ng P500 thousand ang provincial government para pambili ng gamot at iba pang pangangailangan sa mga ide-detox na Surfacing Personalities Involved in Drugs o SPID.
Aprubado na rin ng Sangguniang Panlalawigan ang P1 million dagdag na pondo para pambili ng testing kits.
Hinihintay din ngayon ang P14.4 million na pondo bilang counterpart ng Department of the Interior and Local Government sa pagpapatupad ng pangmatagalang programa para sa mga sumukong drug personalities.
Sa ngayon nakatuon ang South Cotabato LGU sa pagsasanay ng mga health personnel at social workers para sa counseling at spiritual development ng mga sumukong drug personalities.
Nanatili pa rin sa red alert status ang pulisiya sa buong region 12.
Ito ang tiniyak ni Police Regional Office 12 Director, Chief Superintendent Cedrick Train.
Ayon kay Train ang mahigpit na pagbabantay ng seguridad sa rehiyon ay kasunod ng serye ng panununog sa mga bus at construction equipment sa rehiyon.
Ipinahayag ni Train na upang maresolba ang problema pinulong na ng PNP ang mga kompanya ng bus at construction companies.
Ayon kay Train kabilang din sa tinututukan ngayon ng PNP ang pagtugis sa mahigit 100 preso na nakatakas sa North Cotabato District Jail.
Si Train ay nanguna sa ground breaking ceremony ng ipatatayong satellite Office ng PRO 12 sa Koronadal City.
BANGKAY NA
nang matagpuan ng kanyang kapitbahay ang isang magsasaka sa Datu Montawal,
Maguindanao matapos umanong malunod ito sa baha. Nakilala ang
biktima na si Danilo Macaya, 56 years old, binata at taga Barangay Tunggol ng
naturang bayan. Sinabi ni Datu
Montawal PNP chief, Police Inspector Nolie Sudaria na pauwi na si Macaya sa kanilang
bahay nang malunod umano sa baha. Pero kwento
naman ng iba pa nitong mga kapit-bahay, posible raw na inatake sa puso si
Macaya habang nilulusong ang tubig baha kaya ito nalunod at nasawi.

Ayon naman sa
iba, lasing si Macaya nang lumusong sa baha kaya posibleng naanod ito at
nalunod.

Kaugnay nito,
nanawagan ng tulong si Aling Pasia, na ina ng nasawi.

Sabi ni Aling
Pasia, tumutulong daw si Macaya sa kanilang mga kapit-bahay tuwing may baha
noong nabubuhay pa ito.

Kaya agad
tumugon ang Montawal LGU at nagbigay ng tulong sa pamilya ni Macaya. Samantala, sa
iba pang balita, pangungunahan ni Autonomous Region in Muslim Mindanao o ARMM
Governor Mujiv Hataman ang pamamahagi ng tulong sa mga pamilya na lubos na
nasalanta ng pagbaha sa Datu Montawal Maguindanao ngayong araw. Sinabi ni ARMM-Humanitarian
Emergency Action Response Team o ARMM HEART information officer Myrna Jo Henry na
si Gov. Hataman mismo ang mag-aabot ng tulong sa mga biktima ng kalamidad sa
lugar.

Kasama ng
Gobernador ang mga kawani ng DSWD-ARMM at buong pwersa ng ARMM-HEART sa
pamumuno ni Director Ramil Masukat. Nabatid na
nakatakda ring dumating ang People’s Medical Team ng Maguindanao Provincial
Government sa pangunguna ng kanilang team leader na si Lynette Aguilar, para
mamamahagi ng tulong sa mga sinalanta ng pagbaha sa bayan ng Datu Montawal. Sinabi ni
Estandarte na sa utos ni Maguindanao Gov. Esmael Mangudadatu ay agad silang
naghanda ng relief goods katuwang ang mga sundalo ng Army’s 6th ID. Una ng
nagpaabot ng tulong sa mga residente na binaha sa bayan ng Datu Montawal ang
LGU-Montawal, DSWD-12 at si Maguindanao 2nd District Congressman Sajid
Mangudadatu.

HINATULAN NA ng
Office of the Ombudsman na ‘guilty’ sa kasong administratibo ang isang dating
mayor ng Tawi-Tawi matapos hindi ibalik sa kanilang puwesto ang tatlong mga empleyado
na sinibak nito nang walang batayan noong 2006. Sa siyam na
pahinang desisyon ng tanggapan ni Ombudsman Conchita Carpio-Morales, guilty sa kasong
Abuse of Authority ang inihatol kay Siibutu Mayor Kuyoh Pajiji. Nag-ugat ang
kaso ni Pajiji nang tanggalin nito ang tatlong mga empleyado ng munisipyo ng
walang basehan at sa kabila ng desisyon ng Civil Service Commission na
nag-aatas na ibalik ang mga ito sa trabaho ay hindi niya sinunod.

Gayunpaman,
dahil wala na sa puwesto si Pajiji na hinatulang masuspinde ng tatlong buwan ay
pagmumultahin na lamang ito ng halaga na katumbas ng tatlong buwang suweldo. Kinumpirma mismo ni Kabacan Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council Officer David Don Saure na nakauwi na sa kanilang mga tahanan ang libu-libong bakwit sa Kabacan, North Cotabato.Ang mga Internally Displaced Person ay umabot ng 3, 672 na pamilya o halos 20 libong inidibidwal.

Ito ay mula naman sa limang barangay ng bayan na kinabibilangan nang Sitio Malabuaya, Sito Punol at Sitio Kibales ng brgy Kayaga, Brgy. Buluan, Simone, Magatos at brgy. Nangaan.Ayon kay Saure wala namang may nasugatan o nasawi sa nasabing pagbaha maliban na lamang sa isang kalabaw na natangay ng tubig-baha na pagmamay-ari ng isang Lindo Payag.

Bumuhos naman ang tulong mula sa ibat-ibang ahensya para sa mga biktima.Inirerekemonda naman ng MDRRMC na isailalim sa state of calamity ang bayan para magamit ang pondo bilang dagdag na tulong para sa mga apektadong pamilya.

Nakatakdang pag-usapan ang nabanggit na rekomendasyon ng MDRRMC sa gagawing emergency meeting nga mga lokal na opisyal ng bayan ngayong araw.
Bagama't walang mga reklamong naitatala ang Makilala PNP kaugnay sa extortion activities, malaki pa rin ang paniniwala ng mga otoridad na may mga grupong nasa likod nito lalo na sa mga barangay ng bayan.Ito ang kinumpirma ni Police Chief Ins. Elias Colonia hepe ng Makilala PNP sa press coferrence kahapon kaugnay sa nangyaring law enforcement operation sa brgy. Biangan, Makilala.Aniya kabilang sa mga hinihingan ng revolutionary tax ang mga nasa sentrong bahagi ng barangay.

At dahil sa takot ng mga residente na baka balikan sila ay napipilitan silang magbigay at hindi magsusumbong sa PNP.Kaugnay nito nanawagan ang PNP na pagkatiwalaan sila lalo na sa ganitong usapin dahil ayon kay Colonia handa nilang protektahan ang sinuman kontra sa mga extortionist group.Samantala, ibinunyag naman ni Cotabato Police Provincial Director Senior Supt. Emmanuel Peralta, na halos milyun-milyung piso ang halaga ng revolutionary tax noong 2016 sa bayan.Ginawa na raw itong kabuhayan ng mga grupong nasa likod ng naturang iligal na gawain.

Giit ni Peralta, matagal na raw itong talamak sa Makilala at maging sa ilang bahagi ng North Cotabato.Ngayong taon, target ng PNP at AFP na masampahan ng kaso ang mga nangingikil sa lalawigan para wala nang iba pang madamay sa kanilang iligal na ginagawa.
Nagpapatuloy pa rin ngayon ang OMI Jubillee Cross Piligrimage 2016-2017 na una nang binuksan noong September 2016 ng Oblate Youth and Family Ministries.

Ito ay bahagi naman ng ika-200 taong anibersaryo ng Misionary Oblates of Mary Immaculate o OMI.Mula sa Antipas Parish dinala ang Jubillee cross sa DXND compound kung saan isinagawa ang isang banal na misa kahapon.

Ngayong araw nakatakda naman itong ilipat sa Our Mother of Perpetual Help Shrine and Retreat Center sa Binoligan, Kidapawan City.Ang cross ang siyang nagsisilbing simbolo ng katangian ng Oblate at ang kanyang misyon.

Inaanyayahan naman ang lahat ng mga parishioner, PPC, Ministries and Mandated Organization na makiisa sa naturang paglalakbay.Ito ay para maipakilala at maitaguyod ang Oblate de Mazenodian Charism at Missionary awareness ng mga mananampalatayang Katoliko sa ibat ibang panig ng Pilipinas.

Binawian na nang buhay ang 32-anyos na ama na siyang responsable sa pananaga sa kanyang buong pamilya sa bayan ng Carmen kahapon.Sinabi ni Sr. Insp. Basilio Parcon, ang deputy chief ng Carmen PNP, hindi na raw naka survive ang suspek na si Abduljabbar Afdal Ampatuan matapos itong uminom ng herbicide matapos ginawa ang krimen.

Sa pangyayari, patay ang dalawa sa kanyang mga anak habang kritikal naman ang misis nito at sugatan naman ang isa pang anak.Nilinaw naman ni Parcon na ang suspek na si Ampatuan ay hindi nila drug surenderee.

Mabait at tahimik lamang raw ito.

Pero nitong nakaraang mga linggo nagkaroon raw ng pinansyal na problema ang mag-asawa.

Nagresulta naman ito ng apat na araw na hindi pagkain ng suspek hanggang lumala ang kanyang kondisyon na humantong naman sa paggawa ng krimen.Ayon kay Parcon, dinala raw sa isang alburaryo ang suspek kung saan ibinunyag ng alburaryo na nasapian raw ng masamang espiritu si Ampatuan.

Nitong nakaraang alas onse ng linggo nangyari ang malagim na isidente ng pamilya Ampatuan. Nilinaw ngayon ng 39th Infantry Battalion na walang naging bayolasyon sa ginawang hot pursuit operation nila kasama ang Makilala PNP noong sabado sa Sitio upper Lukatong, Brgy. Biangan, Makilala.Ibinunyag ni Col. Tyne Bañas, Brigade Commander ng 10th Infantry Division, layunin ng kanilang operasyon na maaresto lamang ang apat na mga suspek na responsable sa panghaharas at pangingikil sa isang Delio Tungcos, driver ng isang pribadong kompanya ng Makilala.Ayon kay Bañas hindi raw ang pag-atake sa mga grupong New People's Army ang kanilang sadya sa lugar.

Nilinaw ng opisyal na isang report ang natanggap ng PNP na doon malapit sa nabanggit lugar nagtatago ang mga suspek na nagpakilalang miembro ng Front 51 ng NPA.

Ang hot Pursuit operation ay isang mandato sa PNP at militar para protektahan ang buhay ng mga mamamayan pati na ang pagpapanatili ng katiwasayan sa isang lugar.
Matatandaang isa ang namatay sa nasabing enkwentro ng PNP, AFP at pinaniniwalaang mga miembro ng NPA sa lugar na kinilalang sa Rojit Ranara.Pinabulaanan din ng militar na may walong sundalo ang nasawi sa nabanggit na operasyon.

NDBC BIDA BALITA

Sulu Gov. Sakur Tan to seek BARMM office of chief minister

INANUNSYO ng Bangsamoro Grand Coalition o BGC ang kanilang pag-endorso kay Sulu Governor Abdusakur Tan na tumakbo bilang BARMM Chief Minister sa May...

5 preso nakatakas sa Parang detention facility, tulong ng publiko hiniling ng PNP

Nanawagan ang mga otoridad sa Parang, Maguindano del Norte na makipagtulungan sa kanila kung sakaling may mga nakakita sa mga lalaking nasa larawan...

NGCP scheduled power interruption for May 19 cancelled

What: CANCELLED NOTICE OF National Grid Corporation of the Philippines POWER INTERRUPTION When: Sunday, May 19, 2024 | 7:00 - 8:00 AM | 5:00...

Cotabato Light: Increased generation costs lead to a rise in the overall electricity rate

COTABATO CITY - The overall residential rate of Cotabato Light & Power Company (Cotabato Light) increased by P1.90 per kilowatt hour (kWh)...

Lalaking taga Cotabato City patay sa pamamaril sa Sultan Mastura, Maguindanao Norte

PATAY on the spot ang lalaking naka motor nang pagbabarilin ng mga gunmen sa Sitio Amadeo, Brgy. Boliok, Sultan Mastura, Maguindanao del Norte,...