Friday May, 17 2024 02:57:18 PM

NDBC BIDA BALITA (1.25.17)

 • 17:45 PM Wed Jan 25, 2017
922
By: 
NDBC NCA

NEWSCAST

JANUARY 25, 2017 (WED)
7and00 AM

HEADLINESand

1. MAHIGIT ANIM NA BILYONG PISONG flood
control project sa Central Mindanao, hiniling na maipatupad.

2. Anim katao, sugatan sa vehicular
accident sa President Roxas, North Cotabato

3. MGA PESTENG BALANG na sumira sa
milyon-milyong halaga ng mga pananim sa T’boli, South Cotabato, pinupuksa na ngayon
ng LGU.

4. MGA NASAWING PNP-SAF member sa
madugong Mamasapano encounter, balak gawaran ng Medal of Valor ni P. Duterte.
UMAAPELA ngayon ang iba’t ibang sektor para
sa agarang pagpapatupad ng Mindanao River Basin Rehabilitation and Development
Project o MRBRDP upang tuluyang masolusyunan ang madalas na pagbaha sa mga
lalawigan ng North Cotabato, Sultan Kudarat at Maguindanao.Nabatid na noon pa kasing 2015 na-aprubahan
ang pondo na abot sa 6.5 billion pesos piso para sa nasabing proyekto.

Gayunman, nabalam ang pagpapatupad ng naturang
flood control project dahil sa mga hindi maipaliwanag na projects proponents.

Pero pangamba ng mga lokal na opisyal
sa mga nabanggit na lalawigan na kung hindi maipatutupad ang naturang proyekto sa
lalong madaling panahon ay patuloy na maaapektuhan ang mahigit 200 libong mga residente
na nakatira malapit sa liguasan marsh.

Nabatid na ang nasabing mga lalawigan
ay konektado sa liguasan delta na sinasabing catch basin ng mga pangunahing
ilog sa Mindanao.

Sa panig ni Mindanao Development
Authority Chairperson Abdul Khayr Alonto, hanggang ngayon ay inaalam pa rin
nito ang dahilan ng pagkabalam ng proyekto na dapat ay naipatupad na noon pang
panahon ni dating MINDA chair Lu Antonino.

Hindi kontento si Alonto sa dahilan na
ilang ‘technicalities’ ang dahilan kaya’t hindi naipatupad ang naturang flood
control project.

Samantala, dahil sa bagyong naranasan
sa bansa nitong mga nakaraang araw ay patuloy ang buhos ng ulan na nagsanhi na
naman ng matinding pagbaha sa mga bayan ng Datu Montawal at Pagalungan sa
Maguindanao, at sa Pikit at Kabacan, sa North Cotabato.

Apektado ang pamumuhay ng mga mamamayan
sa naturang mga lugar at maging ang pag-aaral ng mga estudyante. Bagama’t hindi pa
nabigyan ng kanyang chairmanship sa Sangguniang Panglungsod ng Cotabato ang
bagong appoint na miyembro ng konseho, balak ni Councilor Japal Guiani III na
hawakan ang chairmanship sa Committee on ‘Trade and Investment’.

Ang batang Guiani ang
bumuo sa labing dalawang mga kasapi ng SP na pormal ng nagsimula ng kanyang
trabaho kahapon matapos kumpirmahin ni P. Duterte ang kanyang appointment.

Sa panayam ng DXMS AM –
Radyo Bida, sinabi ni Guiani na nais nitong bumalangkas ng mga panukala ‘in
aide of legislation’ na naaayon sa economic development agenda ni city mayor
Cynthia Guiani-Sayadi.

Maliban dito, maghahain din
siya ng mga local ordinance na aniya ay makakatulong sa mga mamamayan ng
lungsod.

Plano din ng batang
Guiani na repasuhin ang Market at Revenue code ng syudad.

Samantala, tiniyak naman
ni councilor Guiani na magiging pangunahing kritiko siya ng kasalukuyang
alkalde kahit pa malapit nitong kapamilya ang mayor. PINAGBABARIL hanggang sa
mapatay ng hindi pa nakikilalang suspek ang isang magsasaka habang naglalakad lamang
ito malapit sa kanyang bahay sa Sitio Limbukeg, barangay Benolen, Datu Odin
Sinsuat, Maguindanao.

Kinilala ni Police Chief
Insp. Achmad Alibonga ng DOS PNP, ang biktima na si Theng Martin Aron 48 anyos,
may asawa at residente ng nasabing lugar.

Sa inisyal na report ng
pulisya, dakong alas otso kagabi nang pagbabarilin ang biktima gamit ang hindi
pa natukoy na uri ng armas.

Nagtamo ng tama ng bala
sa ibat ibang parte ng kanyang katawan ang biktima na nagresulta ng kanyang
agarang pagkasawi.

Ang suspek na agad ring
tumakas papalayo sa hindi malamang direksyon ay patuloy pa ring pinaghahanap ng
mga otoridad.

Sa ngayon, inaalam na ng
DOS PNP kung sino ang nasa likod at kung ano ang motibo nito sa pagpatay sa
biktima.

MULING
NAGPAHAYAG ng mariing pagtutol at pagkadismaya si Autonomous Region in Muslim
Mindanao o ARMM Governor Mujiv Hataman sa patuloy na pagpapadala ng mga pulis
na isinasangkot sa illegal drug trade o narco cops sa Mindanao.

Ang pahayag
ni Hataman ay kasunod ng natanggap nitong impormasyon na may apat na narco cops
na naman mula sa Visayas ang itatapon sa ARMM.

Nilinaw ni
Hataman na nasa kalagitnaan sila ng pagpapaunlad ng malaking bahagi ng ARMM at
ang kailangan nila ay mga matitinong pulis at hindi mga narco cops.

Dagdag pa ng
gubernador, marami na silang mga sindikato at mga kriminal na pulis sa rehiyon
na patuloy nilang nililinis kaya hindi nila kailangan ng dagdag pa.

Matatandaan
na noong nakaraag taon sa pag-upo ni PNP Chief Director-General Ronald dela
Rosa sa ilalim ng administrayon ni Pangulong Durterte ay maraming mga pulis na
dawit sa illegal drug trade mula sa Luzon ang ipinadala sa ARMM at sa Region 11
na magsisilbi umanong parusa sa mga ito.

Kaugnay nito,
kakausapin ni Hataman si dela Rosa para itigil na ang ganitong hakbang na hindi
aniya nakakatulong sa ARMM.

Ayon kay
Hataman, una na siyang nagpadala ng liham sa PNP chief ukol sa kanyang hinaing. MULING
NAGPULONG ang Royal Houses of Bangsamoro upang talakayin ang panukalang
paglalagay nila ng kinatawan sa Bangsamoro Transition Commission o BTC na
siyang tututok sa pagbalangkas ng mga batas sa isinusulong na usapang
pangkapayapaan sa pagitan ng gobyerno at Moro Islamic Liberation Front o MILF.

Sinabi ni
Datu sa Taviran Engr. Noldin Oyod na sinagot sa Dialogue Consultation and Labeling
ang katanungan ng kanilang mga miyembro kung sino ang napiling representative
matapos ang 1st Bangsamoro Royal Houses Conference noong nakaraang taon.

Ayon kay
Oyod, hanggang ngayon ay wala pa silang napipisil dahil ipinagkatiwala nila kay
P. Rodrigo Duterte ang pagpili ng kinatawan ng mga Sultan sa Mindanao.

Bilang
convenor, nanawagan naman si Oyod sa liderato ng mga Sultanate na suportahan
kung sinuman ang mapiling representative ng grupo.

Ang huling
pagtitipon ng mga sultanato sa Davao City ay pinangunahan din ni MILF Vice
Chairman for Political Affairs Ghadzali Jaafar. Umaapela si T’boli, South Cotabato Municipal Agriculture Officer Bary Lugan sa publiko na huwag kumain ng Balang na mas kilala rin sa tawag na Apan at Tipaklong.Ito ang ipinahayag ni Lugan kaugnay ng pag-spray ngayon ng lokal na pamahalaan ng insecticide sa mga lugar sa T’boli na sinalanta ng Balang.
Ayon kay Lugan ang spraying na sinimulan noong January 23 ay magtatagal hanggang sa February 3.Gagawin ito sa mga barangay ng Maan, Mungacayo, Salacafe at Tudok .
Nilinaw ni Lugan na para mapangalagaan ang kalusugan ng mga mamamayan, gagamiting pang spray sa mga lugar malapit sa mga bahay ang orgaic-based insecticide.Ayon kay Lugan, magkakaroon lamang ng spraying ng synthetic na chemical sa mga lugar na malayo sa mga komunidad.
Layon ng pag spray ng insecticide na mapigilan ang pagdami pa ng Balang na sumira sa mahigit P17 million na halaga ng mais at palay .
Apektado ng pananalasa ng Balang ang daang daang mga magsasaka sa mahigit pitong ektaryang sakahan.
Umaapela si South Cotabato Provincial Disaster Risk Reduction and Management Officer Mila Lorca sa mga mamamayan na magingat sa landlslide.
Payo ni Lorca sa mga nakatira sa mga mababang lugar palging mapagmatyag upang makaiwas sa kalamidad.Ito ang ipinahayag ni Lorca kaugnay sa madalas na mga pagulan ngayon sa South Cotabato.
Ayon kay Lorca mahalaga din ang ugaliin ang pakikinig ng balita upang magkaroon ng gabay sa panahon.Sinabi ni Lorca na ang walang patid na mga pagulan ay nagresulta sa bahagyang pagguho ng lupa sa dalawang Sitio ng Barangay Hanoon sa Lake Sebu.Ayon kay Lorca isinasagawa ngayon ang clearing operation matapos maapketuhan ng gumuhong lupa ang supply ng tubig sa naturang lugar.
Upang matulungan namigay na ng jericans ang PDRRO upang mapagimbakan ng inuming tubig ang mga mamamayan sa dalawang mga sitio.

Nagpapagaling pa ngayon sa South Cotabato Provincial Hospital sa Koronadal City ang misis na nakaligtas matapos mabaril sa Lake Sebu, South Cotabato.Kinilala ang biktima na si Jeny Tikaw, 28 anyos,magsasaka at nakatira sa barangay Ned , Lake sebu na nagtamo ng tama ng bala ng baril sa kanang tuhod.
Ang walong buwang buntis na misis ay aksidente umanong nabaril ng tyuhin na si Teng Tikam.Sinabi sa Radyo Bida ng pinsan ng biktima na si Tam Tikaw, na nakalabit ng tyuhin ang gatilyo ng baril nang sipain ang nakasaradong pinto ng bahay ng biktima.Ayon kay Tam, rumesponde ang tyuhin matapos marinig ang paghingi ng tulong ng buntis na misis na binubogbog ng kanyang mister na si Randy Anton 28 anyos.
Nais lamang sana ng tyuhin na mag-warning shot para takutin ang mister na nambubogbog sa kanyang misis.Desidido naman ang misis na tuluyan nang hiwalan ang mister dahil sa madalas na pambubugbog sa kanya.
Wala namang plano ang biktima na magsampa ng kaso sa tyuhin na aksidenteng nakabaril sa kanya.
Nagtapos na ang Business One stop Shop o BOSS ng Koronadal City Government .
Ayon kay City Business Permit Licensing Section Head Gilber Gayosa, abot sa mahigit P50 million ang nakolekta nila sa 20 araw na BOSS.Ito ayon kay Gayosa ay mas mataas sa P46 million na kanilang nakolekta sa BOSS noong nakaraang taon.
Kinumpirma ni Gayosa na nakapag release rin ang kanilang tanggapan ng mahigit 3,400 business permit ngayong 2017.Matatatandaan na layon ng BOSS na madaliin ang proseso ng renewal at pagkuha ng business permit sa pamamagitan ng paglalagay sa isang lugar sa mga kinakailangang ahensa ng gobyerno.Sinabi ni Gayosa na sa kabila ng mahabang oras na ibinigay sa kanila, tiyak na mayroon paring hindi nakapag renew ng kanilang business permit sa Koroandal City.Ayon kay Gayosa na pagmumultahin ng dagdag na 25 porsyento sa kanilang babayaran ang mga negosyante na naantala ang pag-renew ng business permit sa Koronadal City.
Kinilala ni Koronadal City PNP, Chief of Police Superintendent Barney Condes ang mga naaresto na sina Raymond Millan , 44 anyos nakatira sa Barangay Santa Cruz,Koronadal Chris Mallorca 36 anyos ng Sto. Nino, South Cotabato at Lovely Sobrepena 32 anyos ng Barangay General Paulino, Santos sa Koronadal City.
Ang mga suspek ay naaresto sa isang bahay sa
Purok Tagumpay, Barangay Zone 2, Koronadal.
Nakuha sa mga ito ang 1 big pack at 7 medium sachet ng suspected shabu, digital na kilohan, drug paraphernalia at P500 marked money.Inaalam pa ng pulisiya kung may kaugnayan sa mga suspek at umanoy illegal na gawain ng mga ito ang 44 anyos na si Annie Gran, Jail guard sa South Cotabato Provincial Rehabilitation and Detention Center.Ito ay matapos maabutan na kasama din ng tatlong mga suspek sa lugar.
Ipinahayag naman ni South Cotabato Provincial Jail Warden Juan Lanzaderas na magsasagawa sila ng masusing imbestigasyon sa pagkakasangkot sa iligal na droga ng isa nilang jail guard.Ayon kay Zone II, Barangay Chairman Nelia Corales, hindi nito inaasahan ang kalaran ng iligal na droga sa abandonadong bahay sa kanilang lugar. Upang matulungan ang mga magsasaka ng goma na makakuha ng mas mataas na presyong rubber cuplump sa merkado, isinagawa kamakailan ang launching ng Bagsakan ng Rubber Cuplumps sa Barangay Tamped, Matalam, North Cotabato. Ito ay ayon sa isang executive order na nilagdaan ni Gov. Emmylou Lala J. Taliño-Mendoza na nagtatakda na magtatag ng bagsakan ng rubber cuplumps sa probinsya.

Layunin nito na matulungang maiangat ang kabuhayan ng mga magsasaka ng goma at mapaunlad ang kalakalan ng goma sa lalawigan.
Ayon kay Provincial Agriculturist Eliseo Mangliwan ang kalakaran sa North Cotabato ay ang open bidding ng mga buyers ng cuplumps na higit na nagpapasigla sa bilihan ng rubber.

Sinabi naman ni Barangay Chairman Zaldy Almarines ng Tamped, Matalam malaking tulong ito sa mga rubber farmers sa kanilanglugar.Umaabot na kasi ngayon sa P41.00 kada kilo ang presyo ng rubber cuplump na mas mataas ng P5.00 mula sa karaniwang P36.00 kada kilo sa merkado.

Mismong si Acting Vice Governor Cristobal Cadungon ang dumalo sa launching at nagpahayag ng pagsuporta sa proyektong ito ng Provincial Government.Abot naman sa dalawang daang magsasaka ang sumaksi sa launching activity kasama ang mga Municipal Agriculturists, Rubber Focal persons, traders at rubber production consultants.
Patuloy ngayong nagpapagaling sa pagamutan ang anim ka-tao matapos mahagip ang kanilang sinasakyang multicab ng isang Pick-up truck sa bahagi ng Brgy Del Carmen steel bridge Pres. Roxas.Ang insidente nangyari alas 10:10 ng umaga kahapon.

Kinilala ang mga sugatan na sina Romeo Gaspan, 37 taga km 114, Binoligan, Kidapawan, Carlito Hopia, 28,
Joy Carbon, 38, Espinas Saydonis 67, Merlinda Datanan, 52,at isang Gerald Caraet 27, parehong mga taga bayan ng Pres. Roxas.Sa report ng President Roxas PNP kapwa patungong Kidapawan City ang multicab at pick-up truck nang mangyari ang aksidente.Minamaneho ng isang Caren Moreno, 32 anyos ang nasabing multicab na may license plate na MWC
421, kulay asul habang minamaneho naman ni Dr. Harris Sinolinding, 53- anyos, Professor ng Cotabato Foundation College of Science and Technology na taga Datu Sibangan St., Kabacan ang Mitsubishi Estrada Pick-up na may license plate na RNU-723.Magkasunod raw ang dalawang sasakyan pero pagdating ng dalawa sa nabanggit na lugar ay nag overtake si Dr. Sinolinding sa Multicab at aksidente nitong nahagip ang kaliwang bahagi ng sasakyan.

Dahil dito nawalan ng kontrol si Moreno at bumangga sa isang poste ng kuryente na ikinasugat naman na kanyang mga pasahero.Agad namang isinugod ang mga biktima sa pagamutan habang patuloy ngayong iniimbestigahan ang insidente.

Napapakinabangan na ngayon ng mga Indigenous People ang lumalagong programang Gulayan sa barangay sa bayan ng Magpet, North Cotabato.Layunin ng programa na mabigyan ng kabuhayan ang mga Ip's pati na sa kanilang Income Generating Project.

Ayon kay Emma Pacete, IP sa leader ng barangay Doles, Magpet, di na raw nila kailangang bumili ng gulay sa ibang mga barangay dahil meron na silang sariling pinagkukunan.Malaking tulong raw ito lalo na sa pinansyal na aspeto ng kanilang pamumuhay dahil nakakapagbenta na rin sila sa ibang mga lugar sa Magpet.

Maliban sa gulayan sa barangay, naturuan rin ang mga ina sa tamang nutrisyon para sa kanilang anak.Ito ay sa pamamagitan ng pagluto at pagpapakain ng masustansiyang pagkain gamit ang gulay sa kanilang mga bakuran.Sa ngayon, inutusan na ni Magpet Mayor Florenito Gonzaga ang tribal affairs office para pangasiwaan at manguna sa pagmonitor sa mga barangay para maipagpatloy ang nabanggit na programa sa bawat barangay ng Magpet. Nagbabala ngayon ang Department of Trade and Industry sa North Cotabato sa mga business establishment lalo na sa pagsusukli sa kanilang mga costumer.Ito matapos mag-issue ng Department Administrative order no . 16-03 ang DTI sa Implementing Rules and Regulation o IRR ng RA 10909 o No Shortchanging Act of 2016.Simula ngayon bawal nang gawing panukli ng mga establisyimento ang candy o kahit anong produkto.

Sa ilalim ng nabanggit na batas lahat ng mga establisyemento, sari-sari store, government and controlled corporations and government agencies ay nararapat magbigay ng tamang sukli sa kanilang mga consumers.Ayon kay Robert Orfrecio ng DTI North Cotabato, ang sinumang lalabag ay pwede nang ireklamo at maharap sa multa.

Ito ay mula naman sa 500 hanggang 25, 000 pesos o 3%-10% sa gross sale ng isang tindahan sa isang araw.Iginiit ni Orfrecio na mahigpit nilang imomonitor ngayon ang lahat ng mga establisyemento sa buong North Cotabato kaugnay sa nabanggit na batas. Nais lamang ng opisyal na maipatupad ang bawat karapatan ng konsumedores.

Nanawagan naman ito sa publiko na agad ding ipagbigay sa alam sa DTI o maghain ng reklamo kapag makaranas na candy o anumang produkto ang gawing panukli ng mga estbalisyemento.

Aasahang mas makulay at mas maraming aktibidad ang tampok ngayon sa 19th Founding Anniversary ng Kidapawan City sa darating na february 8 hanggang 14, 2017. Ito ang ibinida kahapon ni Kidapawan City Mayor Joseph Evangelista at City Tourism Officer Joey Recimilla sa isinagawang press conference.Sinabi ni Recimilla na ilang mga aktibidad ang nadagdag kagaya ng Lechon Festival, Cupids date night, Kasalan ng bayan kung saan aasahang 350 na mga mag-pares ang mag-iisang dibdib, at marami pang iba.Ilang mga local artist din ang aasahang bibisita at makikiisa sa selebrasyon ng lungsod.

Samantala, abot naman sa pitong milyong piso ang inilaang pondo ng Kidapawan City Government para sa nabanggit na aktibidad kung saan isang milyong piso rito ay para sa security.Nais lamang ng alkalde na i-secure ang lahat ng mamamayan at bisita na aasahang dadagsa sa aktibidad lalo pat nangangailangan ng security force ang mga programa kagaya ng opening ng City carnival sa February 8 lechon festival sa February 11 street dancing and showdown at ang fireworks display sa February 12.Ayon kay Mayor Evangelista halos anim na raang warm bodies ang magiging security force at ipapakalat sa nabanggit na weeklong-foundation anniversary.Kabilang sa security force at traffic enforcers ang mga deputized LTO agents, mga elemento ng Highway Patrol Group ng PNP, police interns,at iba pang force multipliers.Iginiit ni Evangelista na magiging ‘hardened target’ ang Kidapawan sa mga armadong grupo na nais maghasik ng kaguluhan sa lugar.

NGCP scheduled power interruption for May 19 cancelled

What: CANCELLED NOTICE OF National Grid Corporation of the Philippines POWER INTERRUPTION When: Sunday, May 19, 2024 | 7:00 - 8:00 AM | 5:00...

Cotabato Light: Increased generation costs lead to a rise in the overall electricity rate

COTABATO CITY - The overall residential rate of Cotabato Light & Power Company (Cotabato Light) increased by P1.90 per kilowatt hour (kWh)...

Lalaking taga Cotabato City patay sa pamamaril sa Sultan Mastura, Maguindanao Norte

PATAY on the spot ang lalaking naka motor nang pagbabarilin ng mga gunmen sa Sitio Amadeo, Brgy. Boliok, Sultan Mastura, Maguindanao del Norte,...

PNP wants Maguindanao Norte prosecutor out of slain cop's case

MANILA – The Philippine National Police (PNP) has sought the inhibition of a Maguindanao del Norte prosecutor from the case involving the fatal...

2 NPAs die in clash with Army in Lebak

CAMP SIONGCO, Maguindanao del Norte – Nasawi ang dalawang mga kasapi ng teroristang komunista matapos na makipagbakbakan sa mga operating units...