Wednesday May, 22 2024 01:51:43 AM

NDBC BIDA BALITA (1.3.16)

 • 16:51 PM Tue Jan 3, 2017
810
By: 
NDBC

NEWSCAST

JANUARY 3, 2017 (TUE)
7and00 AM

HEADLINESand

1. DAAN-DAANG pamilyang biktima ng
sunog noong bisperas ng bagong taon sa Cotabato city, tumanggap ng tulong mula
sa City LGU.

2. PITONG TAONG GULANG na bata, patay sa
vehicular accident sa Makilala, North Cotabato

3. Mahiti 100 libong kabataan, nakabiyaya sa feeding program ng DSWD-12.
TUMANGGAP NA ng paunang tulong mula sa
lokal na pamahalaan ng Cotabato City, sa pangunguna ng City Social Welfare and
Development Office o CSWDO, ang daan-daang pamilyang apektado ng malaking sunog
noong December 31, bisperas ng bagong taon.

Namahagi ng food packs ang CSWDO sa mga
apektadong pamilya na ngayon ay nakikitira na lamang sa kanilang mga kaanak at
sa itinayong evacuation center.

Batay sa report ng Bureau of Fire
Protection o BFP-Cotabato City, nasa 100 mga bahay ang naabo sa naturang sunog
na nangyari pasado alas singko ng hapon sa Tukananes, Barangay Poblacion 7 ng
lungsod.

Sinasabing nangyari ang sunog matapos
na mabilis na kumalat ang apoy na nagmula sa nagliyab na electrical wiring.

Hanggang ngayon ay benibiripika pa rin
ng BFP Cotabato City ang report na isang firecracker ang pinagmulan ng sunog.

Nahirapan naman ang mga bombero na agad
maapula ang apoy dahil sa kipot ng daan papasok sa naturang lugar at dahil na
rin sa mga nakaharang na mga usesero.

Samantala, plano naman ng City LGU na
maglaan ng relocation site para sa ilang mga residente sa lugar para mas
lumuwag ito na magbibigay-daan sa mas epektibong pag responde ng mga otoridad
sa oras ng emergency. DAHAN-DAHAN NANG
BUMABALIK sa kanilang mga bahay ang

daan-daang pamilyang
lumikas at nanatili sa mga evacuation center dahil sa nangyaring sagupaan sa
pagitan ng militar at grupo ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters o BIFF sa datu
Salibo, Maguindanao.

Unang sinalakay ng BIFF
ang posisyon ng militar sa Datu Salibo kung saan magdamag na nagpalitan ng
putok ang magkabilang panig.

Apat na sundalo ang
nasugatan sa naturang engkwentro habang nasa siyam na mga miyembro naman ng
BIFF ang nasawi.

May mga bahay din ang
tinamaan at nasunog sa kasagsagan ng bakbakan ng mga sundalo at mga rebelde.

Agad namang kumilos ang
ARMM-HEART at nagbigay ng tulong sa mga sibilyang lumikas.

Samantala, bagaman at
tiniyak ng militar na ligtas ng bumalik sa kanilang mga bahay ang mga sibilyan,
marami pa rin sa mga ito ang piniling manatili sa mga evacuation center sa
takot na baka sumiklab muli ang gulo sa kanilang lugar. MAGANDANG
BALITA para sa mga pulis at sundalo!

Kinumpirma
kasi ni Budget Sec. Benjamin Diokno na malaki ang pag-asang matutuad ni
Pangulong Rodrigo Duterte ang pangako nitong dagdag na sahod sa mga pulis at
sundalo ngayong taon.

Ito ay dahil
ayon kay Diokno, naisama sa inaprubahang 2017 national budget ang ibibigay na
karagdagang sweldo sa mga pulis at sundalo.

Gayunman,
hindi na nagbigay ng iba pang detalye ang kalihim tungkol sa kung magkano ang
inilaan na pondo para dito.

Matatandaang
isa sa mga pangako ng pangulo ang umento sa sahod ng mga pulis at sundalo upang
tumaas din ang morale ng mga ito, lalo’t sila ang namamahala sa seguridad ng
mga mamamayan at ng buong bansa. IBINUNYAG
ngayon ni Pangulong Rodrigo Duterte na may pinsan siyang miyembro na ng
teroristang grupong Islamic state of Iraq and Syria o ISIS.

Ayon sa
pangulo, nakabase sa Mindanao ang kanyang pinsang ISIS member.

Dati aniyang itong
miembro ng Moro Islamic Liberation Front MILF subalit ngayon ay umanib na sa
teroristang grupo.

Gayunman,
iginiit ng pangulo na pasensiyahan na lamang sila sakaling magkita sa isang
lugar dahil alam naman ng mga ito ang posibleng mangyari lalo na sa mga
lumalabag sa batas.

Si Pangulong
Duterte ang kauna-unahang pangulo na umaming may presensiya na ng ISIS sa bansa
dahil itinatanggi ito noon ng nakalipas na administrasyon at maging ng Armed
Forces of the Philippines.

Sinabi ng
pangulo na nabuo ang teroristang grupo dahil sa mga dumating na mga misyonaryo
mula sa Middle East na nagpanggap noong una na mga turista sa Mindanao at
kalaunan ay nagsagawa ng recruitment at isinailalim sa pagtuturo ng doktrina ng
teroristang grupo ang kanilang mga nahikayat na miyembro.

Samantala, inilatag
naman ng Pangulo ang posibilidad na drug money ang nasa likod ng ilang bombings
at maliliit na mala-terorismong atake sa bansa.

Inamin din ni
Duterte na seryosong problema ang posibleng pagpopondo ng illegal drug
syndicates sa paghahasik ng karahasan sa bansa. Naalarma ang
Department of Health o DOH sa patuloy na pagdami ng naitatalang kaso ng human
immunodeficiency virus-Acquired Immunodeficiency Syndrome o HIV-AIDS infection
sa bansa.

Sinabi ni Health
Secretary Paulyn Jean Ubial na nakapagtala na ng 29 na kaso ng HIV-AIDS kada araw.

Batay sa record,
karamihan sa mga tinamaan ay may edad 15 hanggang 24 na taong gulang.

Mas bata ang
mga ito kumpara sa naitala noong nakalipas na panahon na nasa 30-40 taong
gulang ang naapektuhan ng sakit.

Nangunguna sa
nakakuha ng sakit ang mga lalaki na nakikipagtalik sa kapwa lalaki na nasa 82
porsyento.

Dapat aniya,
na mabago ang paraan ng pagtalakay sa sex at sexual orientation na maaring
makaresolba sa problema ng lumalalang HIV-AIDS. Mariing itinanggi ni Provincial Fire Marshall Chief Inspector Ibrahim Guiamalon ang report na walang tubig ang fire-truck ng Bureau Of Fire Protection Antipas.

Ito matapos naabo ang isang bahay sa brgy Poblacion, ng nasabing bayan matapos itong mahulugan ng paputok noong kasasagsagan ng bagong taon.
Ayon kay Guiamalon, agad na rumesponde ang BFP Antipas matapos matanggap ang report kaugnay sa naturang sunog.

Paliwanag pa ng opisyal na naubusan raw ng tubig ang firetruck dahilan para kumuha pa ito sa main source.Aniya, dahil nasa fire-alarm level 1 lang ang naturang sunog ay hindi na sila tumawag ng augmentation force o tulong sa ibang munisipyu.

Siniguro lamang raw nila na hindi abutin ng sunog ang mga katabing bahay.
Ayon kay Guiamalon hindi raw nangkulang ang BFP Antipas at hindi raw totoo ang report na huli nang rumesponde ang kanyang mga tauhan.
Dead on arrival sa pagamutan ang isang syete-anyos na batang lalaki matapos mabundol sa Purok 5, Brgy Luna Norte, Makilala, North Cotabato kahapon ng umaga.

Kinilala ang biktima na si John Dave Salinda Buat, isang grade two pupil.Ayon sa report ng Makilala PNP, binabaybay ng driver ng motorsiklo ang daan sa Purok 4 ng nasabing baranggay at pagdating nito sa nabanggit na lugar ay dito na niya aksidenteng nabundol ang biktima.
Dahil sa pangayayari at lakas rin ng pagkakabangga ay nagtamo ng matinding sugat ang bata na dinala pa sa Makilala Medical Specialist Hospital.Pero ayon sa report ay hindi na umabot ng buhay ang biktima sa hospital.

Temporaryo namang naka impound sa Makilala PNP ang motorsiklo ng driver na isang menor de edad habang iniimbestigahan ang pangyayari. Pinasalamatan ng pamunuan ng Davao Del Sur Provincial Police Office o DSPPO ang lahat ng PNP station sa Davao del Sur matapos ipatupad ang mahigpit na seguridad dahilan ng mapayapang pagsalabung sa bagong taon sa lalawigan.Wala ring may naitala sa mga hospital na biktima ng fire cracker related injury base sa report.

Ito matapos hinigpitan din ng PNP ang kanilang pagbabantay sa pagbebenta ng mga iligal na paputok.Naging leksyon na rin kasi ang mga naging biktima ng paputok noong mga nakaraang taon.

Kumita rin sa Davao del Sur ang pyrotechnics na siyang naging paraan ng mamamayan sa pagsalubong ng makulay na bagong taon.

Samantala, mismong si DSPPO Provincial Director Sr. Supt Samuel Gadingan ang nanguna sa monitoring sa iba't-ibang lugar sa lalawigan sa bisperas palang hanggang sa bagong taon.Ayon pa sa opisyal dahil sa mahigpit nilang monitoring wala ring may naitalang nagpapaputok ng baril.

Iginiit ni Gadingan na mananatiling alerto ang buong pwersa ng PNP hanggang ngayong linggo.

Sa pangkalahatan naging mapayapa at tahimik ang pagsalubong sa 2017 ng mga taga Davao del Sur.
Pagpasok palang ng 2017, ilang residente na ng Kidapawan City ang dumulog sa Kidapawan City PNP matapos na looban ang kanilang mga bahay.

Isa na rito ang isang private employee na si Sherlita Gasang, 36, na taga brgy. Balindog, Kidapawan.Ayon sa biktima pinasok ang kanilang bahay ng di pa kilalang suspek sa pamamagitan ng kanilang main door.

Natangay ang kanilang flat screen tv, ilan pang mga gamit, id's, at cash.

Ang insidente nangyari gabi noong January 1.Samantala, humingi rin ng saklolo sa PNP ang isang Brigido Capuno, 54-anyos, karpentero ng barangay Meohaw, Kidapawan.Ayon kay Capuno, tinangay raw ang kaniyang sling bag na may lamang mahahalagang gamit ng di pa kilalang suspek.

Alas dyes ng umaga kahapon ng mangyari raw ang insidente.Ito ang dalawang kaso ng pagnanakaw sa Kidapawan City na naitala ngayong unang tatlong araw ng 2017.
Ginawaran ng Posthumous award of Medalya ng Kagalingan si Po1 Romeo Solana Jr. ng National Police Commision o NAPOLCOM ng PNP Region 12.Ang asawa mismo ni Po1 Solana na si Marjorie ang tumanggap ng naturang award sa brgy. Tambler, General Santos City, noong January 1.Ang award ay base sa NAPOLCOM Circular Number 93-018 na may petsang September 23, 1993.

Si Po1 Solana ay binigyan ng nabanggit na award matapos itong masawi sa kasagsagan ng kanyang misyon noong June 1, 2016 sa brgy. Sto Nino, Kidapawan City.Pinaniniwalaang inabduct si Solana ng New People's Army Front 53 at pinatay bagay naman na hindi inako ng NPA.Samantala, sa kabila naman ng award na natanggap ng pamilya Solana, mananatili pa rin raw ang sakit na kanilang nararamdamam dahilan ng pagkawala ng kanilang kanak. Umaabot na sa 33 ang sugatan dahil sa paputok sa region 12 batay sa tala ng Department of Health o DOH sa nakalipas na labindalawang araw.Gayunpaman ayon kay DOH 12 Injury Related case focal Person Jenny Ventura ito ay mas mababa pa rin ng 77 percent kumpara noong nakaraang taon.Ayon kay Ventura may pinakamarami pa ring biktima ng paputok ngayon ang South Cotabato na umaabot sa 20.
Naitala rin ang tig 4 kaso ng firecracker related injury sa Sarangani at General Santos City, tig 2 sa Sultan Kudarat at North Cotabato at isa sa Cotabato City.Nilinaw ni Ventura na 32 sa mga sugatan ay agad ding pinauwi matapos gamutin habang ang isa ay nagpapagaling pa sa South Cotabato Provincial Hospital sa Koronadal City.Kaugnay nito ipinahayag naman ni Police Regional office 12 Spokesperson, Superintendent Romeo Galgo na matagumpay ang kampanya kontra paputok ng PNP at DOH sa rehiyon.Patunay dito ayon kay Galgo ay ang malaking pagbaba ng mga biktima ng paputok.
Sinabi ni Galgo na wala pa silang natangap na report na may pulis na nagpaputok ng armas sa pagsalubong sa bagong taon. Patay na nang matuklasan ng isang magsasaka ang laborer na nalunod umano sa irrigation kanal sa Surallah, South Cotabato.
Kinilala ang biktima na si Luduvico Ergaran, nakatira sa Barangay Libertad, Surallah, South Cotabato.Lumabas sa inisyal na imbestigasyon ng pulisiya na si Ergaran ay posibleng nahulog at nalunod sa irrigation kanal at hindi na nakaahon pa dahil sa kalasingan.
Huli umanong nakitang buhay ang biktima na nakipag inuman sa ilang kakilala sa kanilang lugar kamakalawa.
Natagpuan na lamang ang bangkay nito sa irrigation kanal pasado alas dos ng hapon kahapon ng isang magsasaka na magpapatubig sana sa kanyang sakahahan.
Gayunpaman nagpapatuloy pa rin ang imbistigasyon ng pulisiya sa insidente upang matiyak na walang foul play sa pagkamatay ng biktima.
Mapapakinabangan ng mga drug dependents na nasa Levels 1,2 and 3 na ospital ng gobyerno at ang bagong health package para sa kanila ng Philippine Health Insurance Corporation o PHilhealth.
Ipinatutupad din ang programa sa mga health facilties na accredited ng Philhealth at DOH.Ayon kay Philhelath 12 Regional Vice President, Dr. Meriam Grace Pamonag, sinimulan na ng Philhealth ang pamimigay ng P10,000 Detoxification Package noong Disyembre.Ayon kay Pamonag, saklaw nito ang medical detoxification, at iba pang sakit may kaugnayan sa paggamit ng illegal na droga.
Kabilang sa mga sakit na ito ayon kay Pamonag ang psychosis, ischemic heart disease with myocardial infarction, dilated cardiomyopathy, stroke, seizures, acute renal failure at gastrointestinal cases.Nilinaw naman ni Pamonag na lahat ng claims sa Philhealth ay dapat i file ng pinasukang ospital o institution at hindi itong pwedeng i-file mismo sa Philhealth ng kanilang mga myembro.Ayon kay Pamonag ang pagkakaroon ng Drug Rehabilitation Package ay bilang suporta ng Philhealth sa kampanya kontra iligal na droga ng pamahalaan.
Nakinabang sa supplemental feeding program ng Department of Social Welfare and Development o DSWD Region 12 ang mahigit 106 thousand na mga bata sa Region 12.Ayon kay DSWD 12 Supplementar Feedong Program o SFP Focal Person Merilyn Guerra, pinakaraming bata na napakain ng libre ng ahensya ay nasa North Cotabato na umaabot samahigit 32 thousand.Sa South Cotabato mahigit 30 thousand naman na mga day care pupils ay nabigyan ng supplemental feeding, may 21 thousand sa Sarangani at 19 thousand sa lalawigan ng Sultan Kudarat.Inihayag ni Guerra na ang pondo sa programa ay ipinagkatiwala na ng DSWD 12 sa mga lokal na pamahalaan.Ayon kay Guerra layon ng SPF na maibsan ang malnutrisyon lalong lalo na sa mga day care centers at mahikayat ang mga ito na magaral.Tumutulong din sa paghahanda ng pagkain para sa kanilang mga anak ang mga magulang mismo ng mga bata na benipisyaryo ng SPF.

OMI first profession of religious vows and acceptance to the OMI Novitiate

COTABATO CITY - LIMANG MGA OBLATE NOVICES ng nagsagawa ng kanilang first profession of vows sa Oblates of Mary Immaculate kahapon. Ito ay sina...

OPAPRU: Cotabato City chapel blast culprits to be punished

MANILA – The Office of the Presidential Adviser on Peace, Reconciliation and Unity (OPAPRU) on Tuesday deplored the grenade attack at a Catholic...

Cotabato Light announces NGCP scheduled power service interruption for May 26

COTABATO CITY - The Cotabato Light and Power Company (Cotabato Light) announced today the National Grid Corporation of the Philippines (NGCP)...

Groups, BARMM officials condemn Cotabato City chapel bombing

COTABATO CITY - Various sectors condemned Sunday’s grenade attack on a small Catholic chapel in a residential area here that hurt two worshipers and...

2 drug peddlers nabbed, over P1-M shabu seized in Pikit anti-drug ops

GEN. SANTOS CITY  – Anti-illegal drug entrapment operation in Barangay Ladtingan, Pikit, North Cotabato on May 19, 2024, led to the arrest of...