Thursday May, 02 2024 07:39:56 AM

NDBC BIDA BALITA (!.13.17)

 • 23:31 PM Fri Jan 13, 2017
701
By: 
NDBC NCA

JANUARY 13, 2017 (FRI)
7and00 AM

HEADLINESand

1. Malaysian defense minister,
bumisita sa Camp Darapanan at nakipagpulong sa mga MILF leader.

2. GAs pump boy sugatan sa pagsabog ng granada sa Shell Gas station sa Pikit, North Cotabato 3. BATA, putol ang mga daliri matapos
na mataga ng kanyang kaibigan sa Lake Sebu, South Cotabato

4. Drug personalities sa Kidapawan, naglinis ng mga kanal bilang bahagi ng pagbabago NAKIPAGKITA sa mga lider ng Moro
Islamic Liberation Front o MILF ang deputy defense minister ng Malaysia kaugnay
pa rin ng nagpapatuloy na usapang pangapayapaan sa pagitan ng MILF at gobyerno
ng Pilipinas, sa ilalim naman ng administrasyon ni P. Duterte.

Ang courtesy call ay ginanap sa Camp
Darapanan, sa Sultan Kudaray Maguindanao.

Sinabi ni MILF 1st Vice
Chairperson Ghadzali Jaafar na

Naging mabunga naman ang courtesy call
kay Deputy Defense Minister Johari Baharom lalo pa’t muli nitong iginiit ang
suporta ng Malaysian government sa pagkamit ng tunay na kapayapaan sa Mindanao.

Samantala, binisita rin ni Baharom at
mga kasamahan nito ang headquarters ng Malaysian-led International Monitoring
Team o IMT sa Cotabato City.

Nabatid na dalawang oras na binigyan ng
security briefing si Baharom ng IMT officials sa pangunguna ni Malaysian Army
Gen. Wira Zamrose.

Ang IMT ang nagmo-monitor sa
pagpapatupad ng on-going ceasefire agreement sa pagitan ng MILF at Armed Forces
of the Philippines.

Binubuo ito ng mga military at police
personnel mula Malaysia, Brunei at Indonesia at ng mga non-uniformed conflict
resolution experts mula Japan at Norway.

Tumutulong ang Malaysian government sa pangangasiwa
ng bilateral peace talks sa pagitan ng MILF at pamahalaang mula pa noong 2003
bilang third party facilitator.

Naging mabagal ang pagsisimula ng
GPH-MILF peace talks noong January 7, 1997, pero umarangkada ito nong 2003 sa
tulong ng Malaysia government. DEAD ON THE
SPOT ang isang payong-payong driver matapos pagbabarilin ng riding tandem sa Cotabato
city.

Kinilala ni Police
Station 2 commander, Police Sr. Insp. Carlo Jurinario ang biktima na si Remix
Abubakar Mindo, 33 years old, may asawa, at taga - Esteros, Barangay Tamontaka Mother
ng lungsod.

Ayon kay Jurinario,
pinaulanan ng bala ng mga suspek ang biktima habang nakaparada lamang sa bahagi
ng LR Sebastian St., Barangay Rosary Heights 10, at naghihintay ng pasahero
kahapon ng hapon. Nagtamo ng
multiple gunshot wounds ang biktima sa iba’t ibang parte ng kanyang katawan na
naging dahilan ng agaran niyang kamatayan.

Narekober ng
mga pulis sa crime scene ang apat na empty shells ng cal.45 pistol

Habang agad
namang tumakas ang mga salarin matapos gawin ang krimen.

Sa ngayon ay
nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya hinggil sa naturang panibagong
shooting incident sa lungsod.

Kulungan ang
bagsak ng dalawang mga BABAE AT isang LALAKI matapos makuhanan ng iligal na droga
sa isinagawang drug buy bust operation ng PDEA ARMM pasado alas singko ng umaga
kahapon sa 14-B, Mabini Street, Barangay Poblacion 6, Cotabato city.

Kinilala ng PDEA
ARMM ang mga naarestong suspek na sina Racma Bangod Gulam alyas Racma Piang, 39
years old, Mansur Bangod Piang alyas Tura, 40, at Rihanna Parnan Piang, 37.

Magkatulong
na ibinenta ng tatlo ang isang sachet ng shabu.

Habang nakuha
mula sa kanila ang dalawang piraso ng isang daang piso na ginamit bilang buy
bust money, 1 kulay itim na pitaka na may lamang siyam na pirasong small sized
sachets ng shabu at dalawang cellphones.

Agad namang
dinala sa PDEA ARMM laboratory ang mga nakuhang ebidensya para masuri.

Sa ngayon
nasa kustudiya na ng PDEA ARMM ang mga suspek habang inihahanda na kaukulang kasong
isasampa laban sa kanila.

Samantala, boluntaryo
namang sumuko sa mga pulis ang isang habal-habal driver kahapon ng umaga sa
Cotabato City.
Nangako si
Datu Rauff Udi, 21, may asawa, at taga- Mabini Street, Barangay Bagua Tres, na
hindi na babalik sa iligal na gawain.

Ito ay
kaugnay pa rin sa mas pinalakas na kampanya kontra iligal droga ng mga otoridad. PATAY ang
isang opisyal ng Philippine Army habang nasa apat pang mga sundalo ang sugatan
sa panibagong sagupaan laban sa Abu Sayyaf Group o ASG sa Barangay Cabcaban,
Sumisip, Basilan.

Base sa inisyal
na ulat na inilabas ni Western Mindanao Command spokesperson Major Filemon Tan
Jr., nagsasagawa ng combat operation ang tropa ng Army’s 19th Special Forces
Company at 4th Special Forces Battalion sa pangunguna ni Capt. Dexter Bantog
nang maka-engkuwentro nila ang hindi pa tinukoy na bilang ng mga Abu Sayyaf na
nagmula sa grupo ni Furiji Indama.

Nakapagbigay
rin agad ng reinforcement ang iba pang unit ng 104th Brigade at nagsasagawa na
rin ng airstrike.

May mga
napaulat ding casualty sa panig naman ng Abu Sayyaf na ngayon ay patuloy na
tinutugis ng mga sundalo.

SA HALIP na
SAGAYAN ay gagawin na ngayong INAUL ang tawag sa Festival na ipinagdiriwang ng Maguindanao
Provincial Government tuwing Pebrero.

Sinabi ni Inaul
Festival chair Nulfarid Ampatuan na ang pagpapalit ng pangalan ng festival ay
upang bigyang pagkilala ang ‘inaul’ na isang Moro fabric na gawang Maguindanao.

Aniya,
napapanahon din ang pagpapalit ng pangalan ng festival lalo pa’t gagamitin ang
Inaul bilang bahagi ng kasuotan ng mga kandidata ng Miss Universe beauty pageant
ngayong taon na gaganapin sa Pilipinas.

Samantala,
ilan sa mga aabangang aktibidad para sa Inaul festival ang Kategalan sa
Maguindanao, isang talent competition na bukas sa lahat ng mga residente ng
Maguindanao na may kakaiba at sadyang kahanga-hangang talento.

Hindi rin
mawawala ang mga religious at cultural activities sa naturang week-long
celebration na magsisimula sa unang linggo ng Pebrero.

Marawi anti-drug op nets P6.8-M shabu, suspect arrested

MARAWI CITY - In the battle against illegal drug trafficking, joint operatives from PDEA LDS (lead unit); Marawi City Police Station, CDEU, PDEU/PSOG...

PDEA-BARMM buy bust nets 3 drug peddlers, P6.8-M shabu

DATU ODIN SINSUAT, Maguindanao Norte - Abot sa P6.8 million na halaga ng shabu ang nakumpiska sa tatlong mga drug suspects sa drug buy bust...

3 militiamen slain, 3 hurt in Lanao Sur ambush

CAMP SK PENDATUN, Maguindanao Norte  – Three militiamen were killed while three others were injured in an ambush by still unidentified gunmen in...

NDBC BIDA BALITA (May 1, 2024)

  HEADLINES 1   DOH 12 muling nanawagan sa publiko na magpabakuna sa pagtatapos ng World Immunization Week 2  ...

Pagpatay sa IP kagawad sa Datu Hoffer, MagSur, kinundina ni MP Froilyn Mendoza

MAHIGPIT NA KINUNDINA NI BARMM Member of Parliament Froilyn Mendoza ang pagpatay kay Barangay Kagawad Timuay Juanito Promboy ng Barangay Tuayan, Datu...