Tuesday May, 21 2024 07:30:24 PM

NDBC BIDA BALITA (1.4.16)

 • 17:37 PM Wed Jan 4, 2017
801
By: 
NDBC

NEWSCAST

JANUARY 4, 2017 (WED)
7and00 AM

HEADLINESand

1. Isa patay,
isa sugatan, higit isang daang preso, nakatakas sa North Cotabato District Jail
sa Kidapawan City

2. Isang kaso ng indiscriminate Firing,
naitala sa Region 12

3. Estudyante sa kolehiyo, pinatay sa loob
ng CR ng kapwa estudyante sa Koronadal City

4. Business permit renewal sa Kidapawan, tuloy kahit holiday Tinatayang
aabot sa 132 mga preso ang nakatakas habang isa ang napatay at isa ang sugatan
matapos na atakehin ng armadong grupo ang Bureau of Jail Management and
Penology o BJMP sa Amas, Kidapawan City.

Ayon kay
Felix Capalla, Chief Expiditer ng mga inmate ng BJMP, kinilala lamang na
Bensido ang napatay na BJMP Guard habang isang preso naman ang sugatan na
kinilala sa apilyedong Arawan.

Nabatid sa
report na higit 100 mga armadong kalalakihan ang umano umatake sa nasabing
kulungan pasado alas dose ng madaling araw kanina.

Salaysay pa
ni Capalla bigla lang raw nawala ang kuryente at doon na nagkaputukan.

Karamihan
naman sa mga nakatakas ay mula sa Selda sais at Selda Syete na umano pawang mga
High risk Criminals.

Mga miembro
umano sila ng 105th ng grupong Bangsamoro Islamic Freedom Fighters o BIFF sa
ilalim ng pamumuno ni Umbra Kato.

Ipinahayag ni
Capalla na mga Moro ang ilan sa mga tumakas kung saan kabilang rito ang Tamayan
Brothers na mga miembro ng MILF at nanahaharap sa kasong pagpatay.

Kabilang rin
ang Salik Brothers na sangkot sa illigal na droga.

Ayon kay
Capalla una nang naghigpit ng seguridad ang BJMP sa pangunguna ni Supt. Peter
Bungat siyang Jail Warden matapos ang mga report sa posibleng pang-aatake at
rescue operation ng armadong grupo.

Nitong
December 31 at January 1 ay alam na umano ng pamunuan ng BJMP ang nabanggit na
pang-aatake.

Pero
binalewala umano ng BJMP ang nabanggit na report at katunayan ay pinauwi na
kahapon ang augmentation forces na siyang nagbabantay sa buong compound ng
BJMP.

Sa ngayon ay patuloy pa ang ginagawang
clearing operation ng mga otoridad sa lugar.

Samantala, nagpababa na rin ng deriktiba si North
Cotabato Acting Governor Shirlyn Macasarte Villanueva na magsagawa ng law
enforcement operation upang maibalik ang mga nakatakas na preso sa kulungan.

Pinabantayan na rin ng gobernadora sa
lahat ng mga security forces ang lahat ng mga exit points sa buong Kidapawan
City at maging sa Matalam area.

Tiniyak ni Macasarte na tuloy tuloy ang
gagawing hot pursuit operation ng mga otoridad kontra sa mga nakatakas na
preso.

Naniniwala ang opisyal na ilan pa sa
mga nakatakas na preso ay hindi pa nakakalayo sa lugar.

Isang inmate rin kasi ang nahuli ng mga
barangay Official ng brgy. Amas.

Hinigpitan naman ang seguridad papasok
ng kapitolyo at papasok ng BJMP. Nabigyan na ng tulong ng
Department of Social Welfare and Development o DSWD 12 ang mga naging biktima
ng pagsabog sa bayan ng Aleosan North Cotabato.

Ayon kay DSWD 12 Disaster
Relief Operation Chief Norhatan Benito, nakatanggap ng relief assistance at
pinansyal na tulong ang mga biktima.

Nauna naring nagbigay ng
tulong ang DSWD 12 sa mga naging biktima rin ng pagsabog ng granada sa Bayan ng
Midsayap bisperas ng Pasko.

Ipinasiguro naman ni
Benito na handa sa pagresponde lalong lalo na sa mga pangangailangan ng mga
pamilyang biktima ng Man Made o Natural Calamity ang DSWD Region 12.

Samantala binisita naman kahapon ni Office of
the Presidential Adviser on the peace process (OPAPP) Secretary JessDureza ang
mga nasugatan sa pagsabog sa bayan ng Midsayap at Aleosan.

Mismong si Secretary
Dureza ang nagbigay ng tulong kasama sina Cotabato 1st District Rep. Jesus
Sacdalan at Midsayap Vice-Mayor Abet Gardugue.

Nangako si Dureza sa
pamilya ng mga biktima na mananagot sa batas ang mga suspek dahil si Pangulong
Rodrigo Duterte mismo ang nag-utos sa pulisya na laliman pa ang imbestigasyon sa
dalawang insidente sa North Cotabato.

Posibleng
pumalo sa humigit kumulang isandaan at anim (106) na milyon ang populasyon ng
Pilipinas sa taong 2017.

Ito’y ayon sa
pag-aaral ng Population Commission o POPCOM batay na rin sa tala ng Philippine
Statistics Authority o PSA.

Ayon kay
POPCOM Executive Director Juan Antonio Perez III, nakasaad sa tala ng PSA na
mas tumaas bilang ng mga ipinapanganak bunsod nang pigilan ng Korte Suprema ang
ilang probisyon ng Reproductive Health o RH Law.Ibinabala pa
ni Perez na patuloy pang lolobo ang populasyon hangga’t hindi naisasapinal ang
pagpapatupad ng RH Law. Nagpapatuloy pa rin ngayon ang ginagawang imbestigasyon ng Pikit Municipal Police Station kaugnay sa nangyaring panghahagis ng granada sa bahay ni Felomino Ferenal noong January ng hapon.Ayon kay Chief Ins. Donald Cabigas, hepe ng Pikit PNP, may mga witnesses na raw sila sa pangyayari.

Hawak na rin ng PNP ang CCTV footage ng insidente.Sinabi ni Cabigas na dalawang mga nakamotorsiklo ang umano suspek sa pangyayari na mabilis raw tumakas patungong area ng palengke matapos ang panghahagis ng granada.Mabuti na lamang ay hindi ito sumabog at walang nadamay at nasugatan.

Naniniwala naman si Cabigas na pananakot lamang ang motibo sa pangyayari dahil base raw sa kanilang imbestigasyon wala namang may nakaalitan ang pamilya Ferenal na posibleng maging dahilan ng insidente.Samantala, malaki naman ang naitulong ng rekoreda na ginagawa ng PNP sa mga area sa bayan ng Pikit.

Ito matapos makapagtala ng zero casualty ang bayan kaugnay sa fire-cracker related injury.
Wala ring may naitalang nagpaputok ng baril.

Iginiit ni Cabigas na tanging Fireworks display lang ang kanilang na-obserbahan noong Pasko at Bagong taon sa bayan.
Bukas kahit araw ng Sabado, Linggo at maging Holidays ang Kidapawan City Hall para tumanggap ng Renewals ng lahat ng Business Permits sa pagsisimula ng 2017.

Layunin ng City LGU na mapadali para sa mga business owners na magrenew ng kanilang negosyo kaya naman extended ang mga araw mula January 3 hanggang January 20 na panahon para dito.Bukas ang City Hall mula alas otso ng umaga hanggang alas otso ng gabi kapag regular working days mula Lunes-Biyernes habang 8AM-5PM naman kapag weekends at holidays.Mas pinabilis naman ng Business Processing and Licensing Office o BPLO ng City Hall ang renewal period para sa bawat negosyante alinsunod sa ‘three days mandate’ ni Pangulong Rodrigo Duterte sa lahat ng government line agencies at LGU’s sa buong bansa.

Upang mas mapabilis ang pagpo-proseso ng Business Permits and Licenses, nagbigay na ang City LGU ng mga Application Forms sa mga Barangay upang doon na lamang i-fill up ng mga negosyante bago pumunta ng City Hall.

Para naman sa mga New Business Applications o yung ngayon pa lang magnenegosyo sa lungsod, kinakailangang kumuha muna ng ‘Zoning Clearance’ mula sa City Planning and Development Office sabay ang mga nabanggit ng dokumento.
Nabatid na wala nang extension period na ibibigay ang City LGU sa renewal ng business permits ang licenses lagpas sa January 20.Ito ay upang bigyang daan ang paghahanda para naman sa ika 19th Foundation Anniversary ng Kidapawan City sa darating na February 12, 2017. Aasahan ngayong 2017 na palalagyan ng lokal na pamahalaan ng Kabacan ng poste ng ilaw ang boundary ng Brgy. Aringay at Poblacion ng Kabacan, North Cotabato.

Ito ang naging resulta sa isinagawang emergency conference ng PNP at brgy. Official ng Aringay at Poblacion na pinangunahan mismo ni Kabacan Mayor Herlo Guzman Jr. noong nakaraang Biyernes.Base na rin ito sa rekomendasyon ng PNP at brgy. Officials na inaprubahan naman kaagad ni Mayor Guzman.

Ang naturang hakbang ay isinagawa matapos ang nangyaring pamamaril sa lugar na ikinasawi ng tatlo katao at ikinasugat ng dalawang iba pa.Inamin din ni Cordero na madilim ang lugar dahilan na nakapg tago ng maayos ang mga suspek.

Una nang binanggit ni Sr. Ins. Ronnie Cordero, hepe ng Kabacan PNP na posibleng isa lamang ang target ng di pa kilalang mga suspek sa naturang pamamaril at nadamay lamang ang iba.Una rito, limang mga kalalakihan na sakay ng kanilang mga motorsiklo ang sanay pauwi ng brangay Aringay mula sa isang sabong sa brgy. Osias, Kabacan at pagdating nila sa boundary ng nabanggit na lugar partikular sa may tulay ay doon na sila pinaulanan ng bala.

Narekober sa crime scene ang 50 basyo ng bala mula sa 5.56 calibre na armas.

Personal Grudge naman ang sisundang anggulo ngayon ng PNP na posibleng motibo sa nabanggit na krimen. Matapos dinaanan ng landslide noong 2014 at ilang mga pagbaha ang Sang'ngawan Falls o mas kilala sa tawag na Hot Spring sa brgy. Batasan, Makilala, North Cotabato ay halos hindi na ito napansin at hindi na rin na alagaan ng mabuti.Dahil dito mula noong Oktober 2016 hanggang nitong Disyembre ay abot na sa 20 sako ng basura ang nakolekta sa nabanggit na lugar.Sinabi ni Barangay Batasan Kapitan Benjie Bangot apat na mga grupo sana ang naatasang magmomonitor sa kalinisan sa lugar.Kabilang rito ang barangay ng Biangan at Batasan at tribu ng dalawang nabanggit na barangay.

Pero dahil hindi nila kayang magpasweldo ay tuluyan na itong napabayaan.Kaya naman plano ngayon ng barangay Council na ang Batasan na lamang ang mamamahala sa naturang tourist spot.Samantala, ipinahayag naman ni Makilala Tourism Officer Sid Mainit, na ngayong unang quarter ng 2017 ay sisimulan na ang pag-renovate sa Hot Spring.Hiling lamang ngayon ni Kapitan Bangot sa mga bibisita sa Hot spring, lalo na ang mga taga barangay Batasan lamang na magtulungan sa pagpapanatili ng kalinisan ng nabanggit na lugar.
Isang kaso lamang ang naitalang iligal na nagpaputok ng baril noong Pasko at Bagong Taon sa Region 12.

Ayon kay PNP Police Regional Office 12 Spokesperson Supt. Romeo Galgo Jr, ang nabanggit na kaso ay naitala sa General Santos City mula sa isang sibilyan.Iginiit ni Galgo na mabuti na lamang raw ay agad itong narespondehan ng PNP at mabilis nilang naaresto na ngayon ay nakakulong na at nahaharap sa patong-patong na kaso.Maliban rito, wala nang may naireport na pulis o sundalo na iligal na nagpaputok ng kanilang baril noong Pasko at Pagsalubong sa bagong taon.Itinuro ni Galgo sa pinaigting na pagmamatyag at maximum deployment ng PNP ang pagbaba ng bilang ng insidente ng indiscriminate Firing sa buong rehiyon.

OMI first profession of religious vows and acceptance to the OMI Novitiate

COTABATO CITY - LIMANG MGA OBLATE NOVICES ng nagsagawa ng kanilang first profession of vows sa Oblates of Mary Immaculate kahapon. Ito ay sina...

OPAPRU: Cotabato City chapel blast culprits to be punished

MANILA – The Office of the Presidential Adviser on Peace, Reconciliation and Unity (OPAPRU) on Tuesday deplored the grenade attack at a Catholic...

Cotabato Light announces NGCP scheduled power service interruption for May 26

COTABATO CITY - The Cotabato Light and Power Company (Cotabato Light) announced today the National Grid Corporation of the Philippines (NGCP)...

Groups, BARMM officials condemn Cotabato City chapel bombing

COTABATO CITY - Various sectors condemned Sunday’s grenade attack on a small Catholic chapel in a residential area here that hurt two worshipers and...

2 drug peddlers nabbed, over P1-M shabu seized in Pikit anti-drug ops

GEN. SANTOS CITY  – Anti-illegal drug entrapment operation in Barangay Ladtingan, Pikit, North Cotabato on May 19, 2024, led to the arrest of...