Friday May, 17 2024 02:33:10 AM

NDBC BIDA BALITA (1.5.16)

 • 17:07 PM Thu Jan 5, 2017
1,014
By: 
NDBC NCA

NEWSCAST

JANUARY 5, 2017 (THURSDAY)
7and00 AM

HEADLINESand

1. Walo patay, dalawa sugatan sa
maduong jail attack sa North Cotabato

2. Failure
of Intelligence, di raw dahilan ng Jail Attack ayon sa PNP North Cotabato

3. Magsasaka patay sa pamamaril sa
Banga, South Cotabato

4. Most wanted suspected terrorist Commander Tokboy, patay sa police at Army operation Umakyat na sa walo ang napatay sa
madugong jail break sa North Cotabato District Jail o NCDJ sa Amas Complex,
Kidapawan City, na naganap alas-dose y media ng madaling araw, kahapon.

Sa report mula kay Police Chief Ins.
Joyce Birrey ng Cotabato Police Provincial Office, sa mga napatay, anim rito
mga preso na tumakas, kasama ng higit isang daan at limampung iba pa.

Kinilala ang mga napatay na sina – Joey
Aranas, Allan Tolentino, Edcel Liscano, Adonis Sedenio, at Rapacon Ambolodto,
pawang may mga kasong drug trafficking.

Patay rin sa attack ang gwardya ng
provincial jail na si Jail Officer 1 Excell Rey Vecido, at ang kagawad ng
Barangay Patadon na si Datu Satar Manalundong na umano napagkamalang isa sa mga
lider ng mga umatake sa presuhan.

SAMANTALA, dalawa ang sugatan sa jail
attack -- isa rito ang preso na si Jason Angkanan na may kasong illegal drugs
na taga-Purok Krislam, Barangay Poblacion ng bayan ng Kabacan at ang isa pa ay
sibilyan na ‘di pa kinilala sa report na umano nahagip ng bala habang tinutugis
ng mga awtoridad ang mga pugante.

Sa may 158 na pumugang mga preso, 12 na
ang naibabalik sa district jail – ilan rito nahuli sa may Barangay New Bugasong
at Lower Malamote sa bayan ng Matalam, North Cotabato, na kinilalang sina
Richel Valles Flores, Joreste Robles Perdido, at Ruta Coremo.

Kabilang rin sina Wennie Rota Koremo,
Faisal Tiburon, Joselito Tomines, Jerome Oguit, habang kinilala naman ang mga
sugatang sina Peter John Arana, tumakas at nasa ICU at Sorelo Quino, isang
sibilyang na taga-Sitio Puas Inda.

Patuloy naman na biniberepika ng mga
otoridad ang report na ang breakaway group ng Moro Islamic Liberation Front
(MILF) ang nasa likod ng naturang pag-atake na pinangungunahan ni Kumander Esmael
‘Derbi’ Nasser.

Sa ngayon, nasa heightened alert pa rin
ang Amas District Jail kasama ang paligid ng Provincial Capitol compound. PATULOY NA inirereklamo
ngayon ng mga bilanggo sa Maguindanao
Provincial Jail na nasa PC Hill, Cotabato city ang masikip at napaka init
nilang mga selda.

Ito ay makaraang isang
inmate na naman ang nasawi matapos ma heatstroke bago sumapit ang bagong taon.

Sinabi ni Maguindanao
Provincial Jail warden Macapagal Blao na siksikan pa rin ang mahigit dalawang
daang inmates dahil hindi pa naayos ang ibang mga selda na dapat ay lilipatan
ng ibang mga bilanggo.

Ang biktimang namatay
noong December 29, 2016 ay kinilala lang sa pangalang si Tragona na naisugod pa
sa pagamutan pero hindi na nasalba pa ng mga doktor.

Nabatid na nitong mga
nagdaang buwan ay ilan rin sa mga bilanggo ang binawian ng buhay dahil sa sakit
bunsod ng sobrang init at sikip sa loob ng kanilang selda.

Marami rin sa mga ito ang
nagkaroon ng sakit sa balat.

Samantala, posibleng taon
pa ang hihintayin bago tuluyang matapos ang ipinatayong 50-million jail and
rehabilitation facility sa Buluan, Maguindanao na tugon sa dumaraming bilang ng
mga bilanggo sa probinsya. Naka-heightened
alert ngayon ang Davao City Jail matapos ang nangyaring jailbreak sa North Cotabato
District Jail kung saan 158 preso ang nakatakas.

Ayon kay Jail
Senior Supt. Amelia Talento, regional director sa Bureau of Jail Management and
Penology (BJMP) 11, alerto sila ngayon dahil sa nasabing pangyayari.

Ito ay dahil
sa may mga high profile inmates din na nasa Davao City Jail na nauugnay sa teroristang
grupo kung saan ang iba ang mula pa sa central Mindanao.

Pinaiigting
na rin ng Bureau of Jail Management and Penology o BJMP ang kanilang komunikasyon
sa Davao City Public Safety and Security Command Center lalo na sa intelligence
monitoring nga mga otoridad.

Tiniyak naman
ni Talento na hindi mangyayari sa City Jail ang nangyari sa Cotabato District
Jail. ITINANGGI
ngayon ng pamunuan ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters o BIFF at maging ng
Moro Islamic Liberation Front o MILF na may kinalaman ang kanilang grupo sa
Amas jail attack.Sinabi
ni MILF-Bangsamoro Islamic Armed Forces Spokesperson Von Al-haq na hindi nila
aktibong myembro si Kumander Derbie na sinasabing nanguna sa naturang pag
atake.Kasabay
nito ay umapela si Al Haq sa mga otoridad at maging sa media na magsagawa muna
ng malalimang imbestigasyon kaugnay ng nasabing insidente at huwag agad-agad na
magsagawa ng konklusyon at ituro ang kanilang grupo.Samantala,
sa panig ng BIFF, sinabi ng kanilang tagapagsalita na si Abumisry Mama na hindi
nila kilala si Kumander Derbie na nanguna sa pagatake sa nasabing pasilidad at
tanging si Kumander Agila lamang ang kanilang kinilalang pinuno sa lalawigan ng
North Cotabato. Tinyak ng
National Democratic Front of the Philippines o NDFP na sa kabila ng hindi pa
rin napagbibigyang kahilingan nila na palayain ang ilang mga political
prisoners ay magpapatuloy pa rin ang peace talk sa pagitan ng kanilang grupo at
gobyerno ng Pilipinas.

Gaganapin ito
sa January 18 hanggang 25 sa Rome, Italy.

Sinabi ni
NDFP senior legal counsel Rachel Pastores, ipagpapatuloy nila ang ika-tatlong
yugto ng pakikipag-usap sa gobyerno upang buksan na rin at tuluyang linawin ang
isyu ng pagpapalaya sa mga political prisoners lalo pa't hanggang ngayon ay
hindi pa rin umano nakikitaan ang pamahalaan ng anumang hakbang para sa
naturang isyu. Mariing itinanggi ni Senior Superintendent Emmanuel Peralta, ang provincial director ng North Cotabato, na nagkaroon sila ng failure of intelligence gathering at security lapses sa North Cotabato District Jail.Sa press briefing kahapon sa kapitolyo, sinabi ni Peralta na nito pang December 31 hanggang madaling araw ng January 1 naglagay sila ng higit 500 mga pulis sa paligid ng jail facility.Ito’y matapos makatanggap ng impormasyon na aatakehin ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters o BIFF ang provincial jail para i-rescue ang mga kasama nila na nakakulong sa naturang bilangguan.Pero nito lang January 3 ay kailangang mag-pullout ang mga tropa nila sa erya para tugunan ang mga report na may mga bayan sa North Cotabato na pasasabugan ng mga bomba.Habang ang buong puwersa ng 39th Infantry Battalion ng Philippine Army ay inalis din sa Amas jail matapos italaga bilang augmentation force sa lalawigan ng South Cotabato para tugisin ang mga rebeldeng New Peoples’ Army na responsable sa panununog ng mga bus doon.Samantala, inamin naman ni Jail Warden Supt. Peter John Bungat na ang pasilidad mismo ng BJMP ang isa sa mga dahilan ng pagkatakas ng mga preso.
Dagdag pa raw rito ang likurang bahagi ng kulungan kung saan unang nangyari ang pang-aatake dahil doon ang nagiging entry point ng mga attakers.Sa ngayon, magpapatuloy ang hot pursuit operation sa tatlong mga area sa North Cotabato at kabilang na rito ang mga bayan ng Matalam, Mlang at Kidapawan City.

Aasahan din ang bubuuing ‘HOTLINE’ para sa mga pamilya ng mga nakatakas na preso na umano nadamay lang sa nasabing pagtakas.Ito ang ipinahayag ni North Cotabato Acting Governor Shirlyn Macasarte sa press conference kahapon.

Tiniyak ng gobernadora na magbibigay sila ng update kaugnay rito kasama na ang mga miembro ng Spcial Action Committee ng probinsiya.
Nagpahayag na rin ng suporta si Mlang Mayor Atty. Russel Abonado sa mga otoridad na tutulong siya at ang buong bayan ng Mlang sakaling may mapadpad na mga inmates sa kaniyang area of responsibility.Nabatid na isa din ang bayan ng Mlang na posibleng magiging exit point ng mga tumakas na preso at ng mga armadong responsable sa pang-aatake ng North Cotabato District Jail.Ayon kay Abonado, nagpababa na raw siya ng derektiba sa Mlang PNP para ipaalam sa mga barangay Captains ang kanilang mga gagawin.Samantala, maging si Matalam Mayor Sheryl Catamco ay nagpahayag na rin ng kaniyang suporta kaugnay sa krisis ngayong kinakaharap ng North Cotabato.

Katunayan kahapon apat na mga pugante ang nahuli ng mga operatiba ng PNP sa bayan ng Matalam.

Ayon kay Catamco tutulong rin pati mga barangay officials sa operasyon ng PNP at militar.
Siniguro rin ngayon ni Catamaco ang seguridad ng buong Matalam lalo na't karamihan sa mga nakatakas na preso ay ikinokonsiderang High Risk Criminals. Pinakakasuhan na ng Office of the Ombudsman ng kasong paglabag sa Anti – Graft and Corrupt Practices Act, malversation at malversation thru falsification of public funds si Dating North Cotobato Rep. Gregorio Ipong, Dating DSWD Sec. Esperanza Cabral at 3 iba pa.

Ito ay kaugnay sa maanomalyang paggamit ni Ipong sa kanyang 9.4 milyong pisong pork barrel fund sa pamamagitan ng special release allotment order na inilabas noong Enero 2007.
Ayon sa Ombudsman idinaan ni Ipong ang pondo sa DSWD, bilang implementing agency at sa Economic and Social Cooperation for Local Development Foundation Incorporated, bilang NGO partner.Ang pondo ay para sana sa medical missions, health materials at iba pang gamot para sa constituents at livelihood assistance para sa 75 pamilya, na hindi umano natanggap ng mga umanoy beneficiaries.Kasama nina Ipong at Cabral sa kaso sina DSWD Usec. Mateo Montaño, Leonila Hayahay at Roberto Solon ng Economic and Social Cooperation for Local Development Foundation Incorporated.
Dismayado sa mga Otoridad

Ikinadismaya ng Pamilya Manalundong ang nangyaring pagpatay sa kanilang kaanak na si Brgy. Patadon Kagawad Satar Manalundong na umano binaril ng mga miembro ng Special Action Force at militar alas syete ng umaga kahapon sa Brgy. East Patadon, Kidapawan City.
Sa panayam ng Radyo Bida sa asawa ni Kagawad Satar na si Haydee, palabas raw ng bahay ang kanyang mister sakay ng motorsiklo para kausapin ang grupong SAF na umano nasa labas na ng kanilang compound.

Pero binaril raw siya ng mga ito.Ayon kay Haydee, mismong si Kagawad Satar pa raw ang nagbigay ng impormasyon sa ilang opisyal ng gobyerno kaugnay sa naturang pang-aatake.Inamin naman nitong dating leader ng MILF si Kagawad Satar pero wala na itong koneksyon ngayon sa nabanggit na grupo.

Itinanggi rin niyang may itinagong inmates na kasama sa mga tumakas ang asawa. Samantala ang pahayag na ito ng Asawa ni Kgwd Satar ay taliwas naman sa pahayag ni Sr. Supt. Emmanuel Peralta, CPPO Director ng North Cotabato.

Ayon kay Peralta, nanlaban raw si Satar dahilan para barilin ito ng mga otoridad sa kasagsagan ng kanilang hot pursuit operation.Ibinunyag ni Peralta na posibleng may kaugnayan si Satar sa nangyaring pag-atake ng armadong grupo sa North Cotabato District Jail.Panawagan ngayon ng pamilya Manalundong kay City Mayor Joseph Evangelista, na imbestigahan ang insidente para malaman ang katotohanan at maging ang hustisya ng pagkamatay ng kanilang kaanak.
Inalerto na ng PNP Region 12 ang lahat ng mga PNP station sa buong rehiyon.

Ito ay kasunod naman ng nangyaring Jail break sa loob ng Bureau of Jail Management and Penology o BJMP sa North Cotabato kahapon ng madaling araw.Dahil dito nakahightened alert status ang PNP-Region 12.

Tinukoy ni Police Supt. Romeo Galgo Jr, Spokesperson ng Police Regional Office 12 ang mga kalapit na probinisya ng North Cotabato na posibleng pagtaguan ng mga tumakas na inmate pati na mga umatake rito.

Kabilang na rito ang Sultan Kudarat at Maguindanao.Target naman ngayon ng hot-pursuit operation ng mga otoridad ang bayan ng Matalam partikular ang Barangay F. Valdevieso, New Bugasong, Central Malamote, West Patadon at Barangay Dungguan sa bayan ng Mlang. Isasara pansamantala sa mga turista ang Lake Holon sa bayan ng T’boli, South Cotabato.
Ayon kay T’boli Mayor Dibu Tuan ang pagbabawal sa pagakayat sa tourist destination ay magtatagal mula Enero a syete hanggang sa Marso a dyes ngayong taon.Saklaw ng tempraryong pagsara sa lawa ayon kay Tuan ang mga lokal at banyagang turista.
Ayon kay Tuan layon ng temporary closure ay upang mabigyan daan ang ilang mga tourism projects sa lugar.Sinabi ni Tuan na kabilang dito ang pagsasailalim sa refresher course sa mga fronotline tourism personnel ng lokal na pamahalaan.
Aayusin din ng Municipal government ng T’boli ang mga pasilidad sa naturang tourist destination.Ito ayon kay Tuan ay maliban pa sa biodiversity assessment na gagawin ng lokal na pamahalaan sa paligid ng Lake Holon.
Ang Lake Holon na matatagpuan sa tuktok ng Mt, Melebingoy sa T’boli ay paboritong akyatin ng mga turista dahil sa luntiang kapaligiran nito.Minsan na rin itong kinilala bilang pinakamalinis na inlad body of water sa buong bansa.
Dahil sa Lake Holon, nakilala ang bayan ng T’boli bilang isa sa top 100 Sustainable Tourist destinations a buong Mundo ng isang European organization kasama ang bayan ng Lake Sebu sa South Cotabato.
Humabol pa sa mga sugatan sa bagong taon ang isang 29 anyos na lalaki sa Surallah,South Cotabato.
Ito ay matapos mabiktima ng paputok, ilang araw matapos ang pagsalubong sa bagong taon.Kinilala ang biktima na si Jomar Robles, nakatira sa barangay Canahay, Surallah.
Ang biktimang si Robles na naputulan ng hinliliit ay agad namang nakalabas sa South Cotabato Provincial Hospital sa Koronadal City.
Nabatid na ang umanoy lasing na si Robles ay naputulan ng daliri matapos tamaan ng sinindihang kwitis na hindi nito nabitawan.Nabatid batay sa tala ng Provincial Health Office na 29 ang nabiktima ng paputok sa South Cotabato mula Nobyembre 25 hanggang Enero 2017
Pinakarami sa naputukan ay naitala sa bayan ng Norala na mayroong 8 lima sa Koronadal tig 3 sa Polomolok at Surallah tig 2 sa Banga, Tampakan, at T’boli at isa sa Lake Sebu.
Wala namang sugatan dahil sa paputok ngayong taon sa mga bayan ng Sto. Nino at Tantangan.

Sinimulan ang anim na araw na 77th Foundation Anniversary at 17th Hinugyaw Festival ng Koronadal sa pamamagitan ng parada sa mga oras na ito.
Magtatapos ang parada sa South Cotabato Sports Complex kung saan gaganapin ang opening program .Magiging keynote speaker sa Programa si Philippine Statistics Authority 12 Regional Director Atty. Maqhatar Manulon.
Ayon kay City Mayor Peter Miguel, kasunod nito ang drumline competition na lalahukan ng iba’t ibang eskwelahan sa lungsod.Ilan sa mga pinakaabangang aktibidad sa selebrasyon ang LGBT night sa Rizal Park sa January 6.
Gaganapin maman sa South Cotabato gym sa January 7 ang The Search for Lakambini ng Koronadal 2016.Ang beauty pageant ay lalahukan ng labinisang nagagandahang dilag na kumakatawan sa mga barangay, tanggapan ng gobyerno at pribadong sector sa Koronadal City.Tampok naman sa huling araw ng selebrasyon sa January 10 ang Pyesta Kolondatal Grand Parada Showcase.Sinabi ni Miguel na maliban sa celebrity dance showcase gabi gabi ,may matatanggap na pangkabuhayan showcased mula sa lokal na pamahalaan ang maswerteng mamamayan.Ang pagdiriwang ng 77th Foundation Anniversary at 17th Hinugyaw Festival ng Koronadal ay naka angkla sa temang Bridging Diversity Towards Lasting Peace and Prosperity,
Awayan sa lupa ang motibo na tinitingnan ng pulisiya sa pagpaslang sa isang magsasaka sa Banga, South Cotabato.
Kinilala ni Banga PNP Investigator Roldan Apostol ang biktima na si Pena (Penya) Sakim, 48 anyos, at nakatira sa Barangay Malaya, Banga.Ayon kay Apostol si Sakim ay dead on the spot dahil sa tama ng bala ng 12 gauge shotgun sa maselang parte ng katawan.Sinabi ni Apostol sa Radyo Bida na suspek sa krimen ang kapwa magsasaka ng biktima na si Billy Panes,nakatira rin sa Barangay Malaya, Banga.Ang suspek na tumakas matapos gawin ang krimen ay sumuko naman sa Cafgu na si Godofredo Avance Jr,makalipas ang ilang oras.
Inihahanda na ng pulisiya ang pagsasampa ng kasong pagpatay laban sa suspek.

Nasa pangangalaga na ngayon ng Philippine Eagle Center o PEC sa Davao City ang Philippine Eagle na nailigtas sa bayan ng Maitum, Sarangani Province.Ayon kay Maitum Mayor Alexander Bryan Reganit, ang pagkakatuklas sa naturang agila ay patunay na mayaman pa rin sa likas yaman ang kanilang lugar.
Nabatid na ang Philippine Eagle ay unang nakita ng 28 anyos na si Gibson Badal sa kanilang lugar sa Barangay Batian noong January 2.Sinabi ni Badal na nang lapitan nito ang ibon na may isang metro ang tangkad na tila nanghihina,hindi ito lumipad.Isang Alver Caasi naman na nagkaton na bumisita sa lugar ang pumigil sa mga mamamayan na huwag ibenta ang ibon dahil maaring makasuhan ang mga ito.Agad naman itong iniligtas ng mga staff ng Maitum LGU at PEC.
Ayon kay Reganit, ang Barangay Batian sa Maitum kung saan natagpuan ang agila ay malapit sa Mt. Busa na tahanan ng iba’t ibang uri ng ibon at iba pang hayop na nanganganib na mawala.Banta naman sa bundok ang land conversion, kaingin, illegal mining, at hunting ayon sa Environmental Conservation and Protection Center ng Sarangani Provincial Government. PATAY ang most wanted person ng SOCCSKSAGEN region matapos ang isinagawang joint Army and police operation sa Barangay Kitagas, Kiamba, Sarangani province.Kinilala ni PRO-12 regional Chief Supt. Cedrick Train, ang nasawing high value target na si Mohammad
Jaafar Maguid alias Commander Tokboy,’ leader of Ansar Khalifah Philippines
(AKP), lider ng grupo na sumusuporta sa ISIS.Kinilala naman ni Train ang mga naarestong tauhan ni Commander Tokboy na sina Matahata Dialawe Arboleda, Esmael Sahak alias Mael and Morhaban Veloso
alias Bugoy.

PNP wants Maguindanao Norte prosecutor out of slain cop's case

MANILA – The Philippine National Police (PNP) has sought the inhibition of a Maguindanao del Norte prosecutor from the case involving the fatal...

2 NPAs die in clash with Army in Lebak

CAMP SIONGCO, Maguindanao del Norte – Nasawi ang dalawang mga kasapi ng teroristang komunista matapos na makipagbakbakan sa mga operating units...

2 drug peddlers arrested, over P1-M worth shabu seized in Cotabato City

COTABATO CITY  – Two big-time drug peddlers were arrested and over P1 million worth of shabu was seized from them during an entrapment operation...

"Octogenarian" green sea turtle released back to the wild in SarBay

KORONADAL CITY - An elderly female green sea turtle, locally known as ‘pawikan’ that was rescued in Barangay Luma Kiamba, Sarangani Province, has...

Drug peddler, huli sa drug buy bust sa Delta Bridge, Cotabato City

HULI ang isang drug suspek sa ikinasang drug buy bust operation ng PNP sa Brgy. Salimbao, Sultan Kudarat, Maguindanao Del Norte, pasado alas 5 ...