Thursday May, 16 2024 05:58:55 PM

NDBC BIDA BALITA (1.6.16)

 • 17:45 PM Fri Jan 6, 2017
938
By: 
NDBC NCA

NEWSCAST

JANUARY 6, 2017 (FRIDAY)
7and00 AM

HEADLINESand

1. Shoot-to-kill order sa mga pugante
sa North Cotabato District Jail, itinanggi ng DILG

2. 43 pugante
ng North Cotabato District Jail, balik kulungan na

3. Lider ng teroristang grupo napatay
ng mga pulis at Militar sa Sarangani Province

4. Yellow Bus, sinunog na naman sa Sarangani province

Mariing pinabulaanan ni Interior
Secretary Mike Sueno ang diumano’y paglalabas ng shoot-to-kill order laban sa
mga pugante ng North Cotabato District Jail o NCDJ matapos ang nangyaring
jailbreak kamakalawa.Paliwanag ni Sueno, bagaman may
otoridad sila na ipag-utos ang shoot-to-kill order sa Philippine National
Police laban sa mga preso ay hindi nila ito gagawin hanggat di manlalaban ang
mga ito.

Giit ni Sueno, hindi naman maganda kung
basta na lamang papatayin ang mga ito ng walang kalaban-laban dahil sa wala ito
sa polisiya na sinusunod ng DILG.

Pero nilinaw ng kalihim na sakaling
manlaban ang mga pugante sa ginagawang hot pursuit operation ay mapipilitan
silang paputukan o gantihan ang mga preso.

Samantala, itinanggi rin ni PNP
Spokesman S/Supt. Dionardo Carlos na mayroon silang natanggap na shoot to kill
order laban sa mga preso.

Sa ngayon higit isang daan pa ang
bilang ng mga preso na tinutugis pa rin ng pinagsanib na pwersa ng PNP, BJMP at
ng AFP. Umakyat na sa 43 bilanggo ang naibalik sa kulungan matapos salakayin ng grupo ni Kumander Derby ang North Cotabato District Jail sa Barangay Amas, Kidapawan City.Walong inmates na rin ang kumpirmadong nasawi kaugnay rito. Mula sa bilang na lima, nadagdagan pa ito ng tatlo kahapon kung saan ang dalawa na wala pang pagkakakilanlan sa ngayon ay mula sa Matalam area habang ang isa naman ay inihatid lamang sa Provincial Hospital na kinilang si Jun Ayob Endaila na taga Kapinpilan, Midsayap. Sinabi ni Police Chief Ins. Joyce Birrey ng PNP North Cotabato, mula sa 40 preso, 22 rito ang pinakahuling naaresto sa Barangay Bangilan, Kabacan, North Cotabato. Ito ay pangunguna naman ni Kabacan Mayor Herlo Guzman Jr., at Chief of Police Senior Inspector Ronnie Cordero, katuwang ang Philippine National Police-12 Public Safety Company, 7th IB at Kabacan PNP. Ayon kay Cordero, nakatanggap raw sila ng mga imporamsyon na may presensya ng umano nakatakas na preso sa brgy. Bangilan. Kaagad naglunsad ng operasyon ang pulisya at militar kung saan hinuli ang mga pumuga. Iginiit ni Cordero na nagkahabulan pa sa mga preso pero tuluyan naman silang nahuli. Bandang ala una y medya ng hapon agad silang iprenisenta kay Mayor Herlo Guzman at kay Governor Pax Mangudadatu ng Probinsiya ng Sultan Kudarat. Agad namang itinur over ng PNP at ni Mayor Guzman ang nabanggit na mga pugante kay North Cotabato Acting Governor Shirlyn Macasarte. Sa ngayon tuloy tuloy ang ginagawang hot pursuit operation ng mga otoridad para maibalik sa kulungan ang mga nakatakas na preso. Iminungkahi ni 3rd District Board Member, Soc Pinol ang paglipat ng North Cotabato District Jail mula sa kinalalagyan nito sa Provincial Compound sa ibang lugar matapos ang nangyaring pinaka malaking jail break sa buong bansa kamakalawa ng umaga.Sa opisyal na liham ni Board Member Pinol kay Cotabato Acting Governor, Shirlyn Macasarte-Villanueva, sinabi nitong ang pag lipat ng provincial jail labas ng compound ng kapitolyo ang isa sa kanyang suhestion na ipapasa sa muling pag bukas ng session ng Sangguniang Panlalawigan.Nabatid na hindi lamang nangyari ngayon ang madugong jail break kundi sa dati pang mga gobernador. Ang pag tanggal sa Provincial Jail mula sa propedad ng kapitolyo ay para mawala ang hinala ng karamihan na ang mga provincial officials ay may kasalanan sa naturang pagtakas.Sa press conference noong nakaraang araw, muling ipinahayag ni Governor Macasarte na sa ilalim ng pangangasiwa ng BJMP National ang Cotabato District Jail at hindi ng provincial Government.Pero Giit ng gobernadora na hindi sila nagkulang ng suporta sa BJMP. Kasabay nito, ipinanukala din ni Board Member Pinol ang paglipat ng lahat ng mga high risk inmate mula sa Cotabato District Jail papuntang Bicutan jail katulad ng ginawa ng nakaraang administrasyon sa mga Abu Sayyaf terrorists.Bagamat nasa pasya umano ng majority sa mga kasamahan nito sa Provincial Board ang kanyang mga panukala, naniniwala si Board Member Pinol na malaking tulong ito upang mawakasan na ang palaging banta ng pag-atake ng mga armadong grupo sa Provincial jail. Iminungkahi ngayon ni Kidapawan City Councilor Ruby Padilla-Sison, Committee Chair ng Human Rights, ang isang resolusyon sa Sangguniang Panglungsod ng Kidapawan kaugnay sa pag-imbestiga sa pagpaslang kay brgy. Patadon Kagawad Satar Manalondong.Laman ng resolusyon ni Councilor Sison ay una pagpapahayag ng simpatiya sa pagkamatay ng opisyal. Pangalawa ang pagsasagawa ng impartial, independent investigation sa totoong nangyari bago napabaril si Manalundong ng PNP-SAF kasabay ng kanilang manhunt operation sa mga pumugang preso sa North Cotabato District Jail.Una nang ibinunyag ng PNP na nanlaban si Manalondong matapos na naging target matapos matanggap ang report na umano tinango siyang dalawang pugante sa kaniyang bahay. Pagkatapos ng pamamaril ay nagnegatibo sa mga pugante ang bahay ni Manalondong. Si Manalondong ay dating lider ng MILF na ngayon ay kagawad ng Brgy. Patadon, Kidapawan.Matapos lumabas ang dalawang bersyon sa pangyayari nais lamang ni Councilor Sison na imbestigahan ang insidente at para makamit rin ng kaanak ng biktima ang hustisya rito. Kahapon, inaprubahan din ng SP members ang nabanggit na resolusyon kaugnay sa bubuuing independent investigating body. Hinikayat ngayon ng PNP
North Cotabato ang mga pumugang inmate sa Cotabato District Jail sa Barangay
Amas na kusa nang sumuko.

Kaugnay nito, may
direktiba nang ipinababa si Cotabato Acting Goveror Shirlyn Macasarte-Villanueva
sa mga alkalde ng lalawigan, na puwedeng sa kanila sumuko ang mga pugante kapag
nag-aalangan ang mga bilanggo na sumuko sa mga pulis.

Una nang binanggit ni
BJMP Jail Warden Supt. Peter John Bungat na hindi lahat ng mga nakawalang preso
ay plinanong tumakas.
Aniya may nagsabi raw
kasing susunugin ang pasilidad kapag hindi lumabas ang mga inmates kaya
napilitan lamang ang iba na tumakas.

Sa ngayon patuloy pa rin
umanong tinutugis ng PNP at Armed Forces of the Philippines ang higit isang
daan pang nakatakas na bilanggo.

Samantala, maari namang makipag-ugnayan ang mga
kaanak ng mga preso sa PNP sa pamamgitan ng kanilang Hotline sa numerong
09183906069.

Sinabi ni Police Chief
Insp. Joyce Birrey, ng PNP North Cotabato na kung may mga katanungan sila kaugnay
sa kanilang mga kaanak na nakakulong sa BJMP ay pwede silang tumawag o magtext
sa nabanggit na numero.

Bukas rin ang nabanggit
na hotline sa publiko na magbibigay ng impormasyon sakaling may mapansing presensya
ng pugante sa kanilang mga lugar. Handang magpadala ng
karagdagang puwersa ang pamunuan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at
Philippine National Police (PNP) sa iba’t ibang bilangguan sa bansa partikular
na sa Mindanao at Metro Manila.

Kapwa inihayag nila AFP
Public Affairs Office Chief Col. Edgard Arevalo at PNP Spokesman S/Supt.
Dionardo Carlos na handa silang tumugon sa panawagan ni Interior Secretary Mike
Sueno upang tiyakin ang seguridad sa mga pangunahing bilangguan sa bansa.

Una nang inamin ni Sueno
na malaking aral para sa kanila ang nangyaring jailbreak sa North Cotabato
District Jail kaya’t sisikapin nilang hindi na ito mauulit pa sa mga susunod na
panahon.

Samantala Kinumpirma naman
Sueno ang mga ulat na posibleng nasa Metro Manila na ang Mindanao-based terrorist
group na Maute.

Pahayag ito ni Sueno
ilang araw bago pa man ang pista ng poong itim na Nazareno, kung saan sa araw
ng Lunes nakatakda ang Traslacion na inaasahang dadaluhan ng milyon-milyong
katao. SINUNOG NG MGA HINIHINALANG miembro ng komunistang grupo ang isa pang Yellow Bus Line unit sa Kiamba, Saranggani alas 6:45 kagabi.Sinabi ni PRO-12 spokesperson Supt. Romeo Galgo Jr na ang panununog sa YBL Bus unit No. 1-69 ay naganap sa Sitio Linek, Barangay Nalus, Kiamba, Sarangani.Mula Gen. Santos City ang bus na minamaneho ni Marvin Carson nang isa sa mga pasahero ang pumara at bumaba sa naturang lugar. Pero kasabay ng kanyang pagbaba ay sumakay naman ang tatlong armado at nagdeklara na bus lang ang kanilang sadya.Pinaliko ang bus ilang metro mula sa highway at pakatapos ay sinilaban. Agad na tumakas ang mga suspect.Ito ang pag-walong kaso ng panununog sa southern Mindanao mula Nov. 13, 2016. Ang arson ay naganap sa Tantangan, Sto Nino at Polomolok sa South Cotabato, Koronadal City, Maasim at Kiamba sa Sarangani, Digos City at Magsaysay Davao del Sur. Nakatakdang
iturn-over ngayong araw ang 150-million pesos na pondo para sa pagpapalawak ng Lamitan
City Port sa Basilan.

Inaasahang
si ARMM Governor Mujiv Hataman ang mangunguna sa naturang turn-over ceremony
kasama ang mga regional officials.
Sinabi
ni Engr. Soler Undug, Basilan district engineer, na ang naturang port ay may
80 metro haba habang 20metro naman ang lapad para mas maraming ma-accommodate na
sea vessels kabilang na Roll-on Roll-off o (Ro-Ro) ferries.

Ang
pondo ay magmumula naman sa 2016 infrastructure budget ng ARMM Public Works and
Highways kung saan una na itong sinimulan noong April 2016.
Ang
ARMM ay may sea ports na nag-ooperate din sa Jolo, Sulu Bongao, Tawi-Tawi at
Lamitan City, Basilan pati na mga sub-ports ng Siasi sa Sulu Maluso, Basilan
Mapun, Sitangkai, at Sibutu ng Tawi-tawi. Pinasisibak ngayon si BJMP North Cotabato Jail Warden Supt. Peter John Bungat dahil sa nagyaring jail break sa Brgy. Amas, Kidapawan City.Ang nasabing panawagan ay mula sa mga mamamayan ng North Cotabato kasabay sa nangyaring Jail Attack kamakalawa ng madaling araw.

Nais nilang matanggal si Bungat sa puwesto para hindi na maulit pa ang naturang pagsalakay ng pinaniniwalaang MILF breakaway group sa bilangguan.
Samantala, sinabi ni Bungat na target ngayon ng hot-pursuit operation ang bayan ng Matalam partikular ang Barangay F. Valdevieso, New Bugasong, Central Malamote, West Patadon at Barangay Dungguan sa bayan ng Mlang.Posible pa umanong tataas ang bilang mga mga mahuhuli dahil sa nagpapatuloy na pagtugis ng PNP Special Action Force, militar at BJMP Special Tactics and Response kasama na ng tropa ng militar.
Sisimulan na sa Bayan ng Makilala ang pagsasagawa ng Community Based Monitoring System o CBMS ngayong buwan.

Sa pamamagitan nito, malalaman kung ilan ang bilang ng mga mahihirap na pamilya sa bayan.Kabilang sa kanilang mga e-susurvey, ay kung ilang mga pamilya ang hindi nakakakain ng tatlong beses sa isang araw, ilan ang hindi napag-aral ang kanilang mga anak, pati na rin ang pag tukoy sa average income ng bawat pamilya.Ito ay pangungunahan ng Municipal Planning and Development Council o MPDC.

Ayon kay Nonoy Legarda, MPDC officer, na magtatagal ng tatlong buwan ang kanialng gagawing survey.

Dagdag pa nito, na malaking tulong ang CBMS para sa investment policy at decision making.Sinabi naman ni Makilala Mayor Rudy Caoagdan, na ang isasagawa nila ito dahil target nilang ma-profile ang bawat pamilya sa kanilang Munisipalidad.

Sa kasalukuyan ay abot sa 21,000 na kabahayan ang Bayan ng Makialala.

NDBC BIDA BALITA Napatay ng pinagsanib na pwersa ng pulisiya at militar sa Kiamba, Sarangani Province ang umanoy lider ng teroristang grupo.
Kinilala ni Police Regional Office 12 Director, Chief Superintendent Cedric Train ang suspek na si Jaafar Maguida alyas TOkboy
Ayon kay Train si Maguida ay lider ng grupong Ansar Al Khilafa Philippines SOCCSKSARGEN.Si Maguida ayon kay Train ay nakorner ng mga pulis at militar sa Angel Beach Resort sa barangay Kitagas, Maasim,kasunod ng matagal na pagmanman sa kanya ng mga otoridad.
Si Maguida na nanlaban umano sa mga pulis at militar ay nasawi dahil sa mga tama ng bala ng baril na natamo nito.Inaresto din ng mga otoridad ang mga kasama ni Maguida na sina Mataha Arboleda, Esmael Sahak at Morhaban Veloso.
Ang Ansar Al Khalifa ay sinasabing may kaugnayan sa ekstremistang grupong ISIS na responsable sa pangre- recruit ng mga kabataan para maging katuwang sa paghahasik ng karahasan sa bansa. Hindi nagpatinag sa buhos ng ulan ang mga mamamayan ng Koronadal City kahapon at matagumpay pa rin na naidaos ang parada at drumline competition.
Ang aktibidad ay nilahukan ng mga tanggapan ng gobyerno, pribadong sector at mga pribado at pampublikong eskwelahan sa lungsod.Marami sa mga nakilahok sa parada ay may dalang mga payong para pananggalang sa ulan.
Hindi naman inalintana ng mga kakahok sa drumline competition ang ulan at todo hataw pa rin sa kanilang performance sa mga pangunahing kalye ng lungsod.Ang parada at drumline competition ay tampok sa pagbubukas ngayong araw 17th Hinugyaw Festival at 77th Foundation Anniversary ng Koronadal City.Tinanghal naman na Champion sa drumline competition ang Koronadal National Comprehensive High School, First Runner Up ang Allah Valley Academy ng Surallah,at Second Runner ang Esperanza National High School sa Koronadal City.Ipinahayag naman ni Koronadal Mayor Peter Miguel na ang masayang selebrasyon, matiwasay at maunlad na lungsod na tinatamasa ngayon ng mga mamamayan ay bunga ng kabayanihan ng mga taong unang dumating sa Koronadal City.Ito ay ipinagpasalamat naman ng alkalde.
Ayon naman sa keynote speaker sa opening program na si Philippine Statics Authority 12 Regional Director Atty. Maqhatar Manulon mula 31,437 noong 1950 lumubo na ngayon sa 174,942 ang populasyon ng Koronadal City.Ito ayon kay Manulon ay patunay sa patuloy na pagunlad at pagpapanatili ng kapayapaan sa kabila ng magkakaibang kultura ng mga mamamayan ng lungsod.
Ang selebrasyon ay magtatapos sa January 10, araw mismo ng pagkakatatag sa Koronadal City.
Nagpapatupad ng mahigpit na seguridad ang pulisiya kaugnay sa ginaganap ngayong 17th Hinugyaw Festival at 77th Foundation Anniversary ng Koronadal City.Ayon kay Koronadal City Chief of Police, Superintendent Barney Condes, ito ang dahilan ng mariing pagbabawal sa pagdadala ng back pack sa mga lugar kung saan ginaganap ang pagdiriwang.Ipinahayag din ng police official na bawal ding magdala ng matatalim o matutulis na bagay ang mga manonood.Umapela din si Condes sa publiko na patuloy na maging mapagmatyag para sa katiwasayan ng lungsod.
Payo ni Condes sa mga mamamayan kapag nakakita ng kahina hinalang tao o bagay, huwag magpanic at sa halip ay isumbong ito sa PNP hotline na 0949 706 9194.Sa oras ng emergency, pwede ring humingi ng tulong ang mga mamamayan sa Bureau of Fire Protection o City Health Office.
Nagsimula nang dumagsa sa Business One Stop o BOSS ng lokal na pamahalaan ng Koronadal ang mga mamamayan.
Ito ay upang kumuha o mag-pa renew ng kanilang business permit.Ayon kay Koronadal Business Processing and Licensing Service Office Head Gilbert Gayosa , sa pamamagitan ng BOSS tatlong mga steps lamang ang maaring sundin para makakuha o makapag renew ng business permit sa lungsod.
Unang dapat gawin ng mga mamamayan ay magsumite ng form at mga requirement sa Business Permit Licensing Division .Ikalawang dapat gawin ayon kay Gayosa ay magbayad ng business tax at iba pang bayarin sa City Treasurer’s Office.
Pinakahuli ayon kay Gayosa ay babalik ang mga aplikante sa kanilang tanggapan para sa approval ni Koronadal City Mayor Peter Miguel.
Ang BOSS ay magtatagal naman hanggang sa January 20
Matapos mailigtas ang isang Philippine Eagle, inirekomenda ng Philippine Eagle Foundation o PEF na alamin kung may posibleng pares pa ng Agila na maaring paramihin sa Maitum Sarangani Province.Ayon kay PEF Director For Research and Conservation Dr. Jayson Ibanez, kapag nahanap na ang pinamumugaran ng naturang ibon, dapat hikayatin ng lokal na pamahalaan ang mga residente na tumulong sa pangangalaga nito.Ito ayon kay Ibanez ay sa pamamagitan ng pagbuo ng isang community-based conservation program.
Ayon kay Ibanez kapag napatunayan na mayroong breeding pair,o nesting pair sa Maitum, ito aniya ay hudyat ng pagkakaroon ng sistimatikong programa sa pangangala ng Philippine Eagle sa Maitum at Busa mountain range.
Paliwanag ni Ibanez , ang presensya ng magasawang agila ay patunay na maari pang pamuhayan ng naturang endangered specie ang isang lugar.Ayon kay Ibanez, kadalasan kasi hindi na umaalis sa kanilang kinagisnang teretoryo ang mga Agila.
Ito ang ipinahayag ni Ibanes matapos ang pakakaligtas sa isang Agila sa Barangay Batian, Maitum, Sarangani.Ang Agila ay unang nakita ng isang Gibson Busal noong January 2 saBarangay Batian na sakop ng Mt. Busa Complex.
Ang nailigtas na agila ay nasa pangangalaga na ngayon ng Philippine Eagle Center sa Davao City.

2 NPAs die in clash with Army in Lebak

CAMP SIONGCO, Maguindanao del Norte – Nasawi ang dalawang mga kasapi ng teroristang komunista matapos na makipagbakbakan sa mga operating units...

2 drug peddlers arrested, over P1-M worth shabu seized in Cotabato City

COTABATO CITY  – Two big-time drug peddlers were arrested and over P1 million worth of shabu was seized from them during an entrapment operation...

"Octogenarian" green sea turtle released back to the wild in SarBay

KORONADAL CITY - An elderly female green sea turtle, locally known as ‘pawikan’ that was rescued in Barangay Luma Kiamba, Sarangani Province, has...

Drug peddler, huli sa drug buy bust sa Delta Bridge, Cotabato City

HULI ang isang drug suspek sa ikinasang drug buy bust operation ng PNP sa Brgy. Salimbao, Sultan Kudarat, Maguindanao Del Norte, pasado alas 5 ...

OPAPRU: IRR of amnesty grant to fast-track ex-rebels' integration

MANILA – The release of the implementing rules and regulations (IRR) of amnesty proclamations issued by President Ferdinand R. Marcos Jr. would...