Thursday May, 02 2024 02:38:32 PM

NDBC BIDA BALITA (1.7.16)

 • 18:17 PM Sat Jan 7, 2017
803
By: 
NDBC NCA

NEWSCAST

JANUARY 7, 2017 (SATURDAY)
7and00 AM

HEADLINESand

1. Malacañang, tiniyak na kontroladao
ang Drug War sa bansa

2. PNP 12,
Kinondena ang panunog na naman ng bus sa Sarangani Province

3. Manhunt Operation sa mga pumugang
preso sa North Cotabato District Jail, patuloy pa rin4. Tribal chieftain, patay sa pamamaril sa South Cotabato

Mariing pinabulaanan at pinalagan din
ng Malacañang ang lumabas na balita sa British newspaper na The Guardian kung
saan sinasabing 'out-of-control' na ang anti-drug war ni Pangulong Rodrigo
Duterte at kailangan na raw mahinto.

Sinabi ni Communications Sec. Martin
Andanar, kontrolado ni Pangulong Duterte ang sitwasyon at patunay dito ang
report mismo ng PNP, survey result ng SWS at matataas na trust rating ng
pangulo sa kanyang kampanya laban sa iligal na droga at iba pang kriminalidad.

Ayon kay Andanar, hindi makatwiran ang
panawagan ng The Guardian sa foreigncountries na patawan ng economic sanctions
ang Pilipinas dahil sa anti-drug war ni Pangulong Duterte.

Pero iginiit ni Andanar na hindi
kailanman ikokompromiso ng pangulo ang dignidad ng bansa kapalit ng mga foreign
aid.

Pursigido raw si Pangulong Duterte na
isalba ang bansa mula sa tuluyang pagkakalugmok bilang narco-state.

Umaasa ang opisyal na tratuhin ng ibang
bansa ang Pilipinas bilang sovereign nation at may kaukulang pagrespeto. Patuloy na ginagamot
ngayon sa ospital sa Kidapawan City ang isang helper matapos pagbabarilin ng
hindi pa nakikilalang uspek ala una ng madaling araw kahapon sa Quezon
Boulevard Kidapawan City.

Kinilala ang biktima na
si Marcelo Urbon, 42-anyos na taga Nursery Phase 2 ng lungsod.

Sa imbestigasyon ng PNP,
may kausap lang sa lugar ang biktima ng lapitan ito ng dalawang suspek sakay sa
isang motorsiklo at agad na pinagbabaril.

Agad ding tumakas ang mga
suspek matapos ang pamamaril patungong barangay Nuangan.

Narecover naman ng scene
of the crime operatives sa lugar ang walong mga basyo ng caliber 45 na ginamit
ng mga suspek sa pagbaril sa biktima.

Sa ngayon, sumailalim na
sa Surgical Operation ang biktima dala narin sa tama ng bala sa kanyang
katawan.

Patuloy naman ang
ginagawang imbestigasyon ng PNP sa kung ano ang motibo ng mga suspek sa
pagbaril kay Urbon. Tiniyak
ngayon ni Lt. Col Harold Argamosa, battalion commander ng 39th IB ng Philippine
Army na hindi sila hihinto sa pagbibigay ng tulong at suporta sa mga pulis para
maibalik sa kulungan ang mga presong naka takas sa North Cotabato District
Jail.

Inamin ni
Argamosa na hindi naging mabigat ang kanilang assessment hinggil sa intelligence
report sa umano rescue operation sa BJMP.

Ito matapos
ang kanilang dalawang araw na pagpapatrolya sa paligid ng kulungan December 31
hangang January 1 pa lamang.

Base sa
kanilang monitoring negatibo ang lugar sa mga armadong grupo dahilan para
bumalik sila sa kanilang mga normal duty.

Nilinaw din
nitong walang nangyaring pull-out.

Ayon kay
Argamosa, tinatayang aabot sa 40 mga tauhan ng 39th IB ang nakadeploy bago
paman ang pang-aatake sa BJMP kasama ang iba pang augment forces mula sa PNP.

Samantala,
nilinaw din ng opisyal na ibang taunahan ng 39th IB ang kaniyang idineploy sa
South Cotabato at hindi ito parehang mga personnel na ipinadala sa BJMP. Nangako
kahapon si Ombudsman Conchita Carpio-Morales na tatapusin niya ang
imbestigasyon sa kontrobersyal na Mamasapano incident bago lisanin ang puwesto
sa 2018.

May
mahigit 60 katao ang nasawi sa madugong sagupaan sa pagitan ng mga elemento
PNP-Special Action Force (SAF), Moro Islamic Liberation Front at Bangsamoro
Islamic Freedom Fighters sa Mamasapano, Maguindanao noong January 25, 2015.

Makaraang
tumanggap ng Tandang Sora Award kahapon para ngayong taon mula sa QC government
ay sinabi ni Morales na wala siyang tiyak
na araw pero kukumpletuhin ang imbestigasyon sa Mamasapano bago umalis
sa tungkulin.

Noong
July 2015, inaprubahan ni Morales ang preliminary investigation proceedings
laban kay PNP chief Dir. Gen. Alan Purisima, ex-SAF chief Police Director
Getulio Napeñas Jr. at siyam na iba pang
police officials na responsable
sa naturang sagupaan.

Tiniyak ngayon ni Kidapawan City Mayor Joseph Evangelista na nananitiling ligtas at matatag ang lungsod sa kabila nang nagyaring Jail Attack sa BJMP North Cotabato madaling araw noong January 3.
Dahil dito naghigpit na rin ng seguridad ang lungsod lalo na sa posibleng diversionary tactics ng mga lawless groups na responsableng sa nasabing pang-aatake.
Iginiit rin ng alkalde ang kahandaan ng kasalukuyang public safety program ng lungsod kagaya ng security points ng mgg establisyemento, CCTV Cameras, mobile responders at community-based intelligence.
Positibi rin ang opisyal na maibabalik sa kulungan ang iba pang preso na nakatakas.
Hiling lamang nito sa mga barangay officials na palakasin ang kanilang force multiplier monitoring para sa agarang ikadarakip ng mga pugante.
Dahil sa nagpapatuloy ngayon na manhunt operation ng mga otoridad kontra sa mga pumugang preso sa North Cotabato District Jail, Sumampa na sa 58 preso ang muling nahuli at napatay.
Ito ang kinumpirma ni Police Chief Ins. Joyce Birrey ng PNP North Cotabato.
Sa nasabing bilang, sampu na ang napatay, 46 ang nahuli, habang dalawa naman ang nasa ospital.
Kaugnay nito, mas pinaigting pa ngayon ng mga operatiba ng pulisya at militar ang kanilang manhunt operation laban sa iba pang mga pugante na patuloy pang pinaghahanap.
Ilalagay na rin ang larawan ng iba pang pugante sa mga matataong lugar sa probinsiya para sa ikadarakip ng mga ito.
Posible kasing nakalabas na ng probinsiya ang ibang pugante.
Samantala, hinigpitan na rin ng Davao del Sur Provincial Police Office o DSPPO ang seguridad ng buong lalawigan.
Utos ngayon ni DSPPO Provincial Director Sr.Supt. Samuel Gadingan sa lahat ng mga hepe ng PNP station ng Davao Del Sur na magsagawa ng random checkpoint.
Ito ay para magsagawa ng inspeksyon sa mga sasakyan at motoristang papasok at lalabas ng probinsiya.
NDBC Patay ang dalawang preso matapos tumalon mula sa Patrol Car ng Kidapawan City PNP kahapon ng umaga.
Kinilala ang mga nasawi na sina Ginda Angkil at Faisal Bansilan na may mga kasong extortion, murder at robbery hold-up.
Ayon sa report sakay ang dalawa sa Police Patrol Car ng City PNP para iturn-over na sana sa PNP headquarters sa Amas, Complex matapos silang maaresto noong unang araw ng manhunt operation.
Pero pagdating nila sa bahagi Barangay Paco, Kidapawan, biglang tumalon sina Angkil at Bansilan sa nasabing sasakyan.
Nagtangka pa umanong lumaban ang dalawang pugante kaya napilitang barilin sila ng mga tauhan ng Bureau of Jail Management and Penoloy (BJMP) dahilan ng kanilang kamatayan.
Saludo si Kabacan mayor Herlo Guzman Jr sa ginawa ng mga barangay Official ng Bangilan, Kabacan matapos nilang mahuli ang 22 pugante ng North Cotabato District Jail.
Una rito namataan ng mga guro ng Bangilan Elementary School ang ibang pugante na nagtatago sa likod ng kanilang paaralan bandang ala sais ng umaga nitong January 5.
Matapos maibigay ng mga guro ang impormasyon hinggil sa mga nagtatagong pugante sa mga miyembro ng Barangay Council at Barangay Peace Action Team (BPAT) agad namang rumesponde ang Lokal na Pamahalaan ng Kabacan sa pamumuno ni Mayor Herlo P. Guzman, Jr. kasama ang mga miyembro ng PNP Kabacan, Philippine Army 7th IB, 38 IB ng 6ID at Kabacan Incident Quick Response Team.
Naging maagap namang tumugon ang nasabing barangay sa mga pangangailangan ng mga pugante gaya ng pagbibigay ng tubig, tsinelas, gamot, komportableng mapagsisilungan habang nasa loob pa sila ng Barangay at ang mismong Kagawad pa umano ang personal na nagluto at nagpakain sa mga nasabing pugante.
Ayon rin sa isang Barangay Worker, bandang alas kwatro ng umaga, kanila na umanong namataan ang mga pugante sa may bandang tubuhan ng barangay.
Aniya, kanilang kinurdon ang nasabing area at kanila umanong siniguro ang maximum tolerance sa nasabing insidente. Warning shots lamang ang kanilang ibinigay, wala rin umanong nasaktan, pagkahuli nilagyan agad ng posas, pinatulog, pinainom ng tubig at pinakain. Dahil dito pinuri ni Mayor Guzman ang liderato ng Barangay Bangilan sa pagpapakita nila ng katatagan, kababaan at kagandahang loob sa mga 22 na pugante. Nangangamba si Police Regional Office 12 Information Officer Superintendent Romeo Galgo na makakaapekto sa negosyo at kabuhayan ng mamamayan ang sunod sunod na punonog ng mga bus sa rehiyon.Ang insidente ayon kay Galgo ay mariin namang kinondena ng PNP.
Ito ang sinabi ni Galgo kasunod ng pagsunog na naman ng armadong grupo sa isang bus ng Yellow Bus Line o YBL sa Barangay Nalus, bayan ng Maitum, Sarangani Province.
Ayon kay Galgo, mahalaga ang public transportation dahil ito ang pangunahing gamit ng mga mamamayan sa Sarangani sa pagdadala ng kanilang mga produkto sa pamilihan.
Nabatid na ang bus na mula Koronadal ay pinara ng isa sa mga sakay na suspek sa Barangay Nalus, kung saan naghihintay ang ang iba nitong kasama.
Pinababa naman ng mga suspek ang 19 na pasahero ng bus bago ito binuhusan ng gasolina at tumakas.
Ayon kay Galgo, inaalam pa ng pulisiya kung sino ang mga suspek sa panunog ng bus sa Maitum at kung may kaugnayan ito sa iba pang kahalintulad na insidente sa South Cotabato.
Sinabi ni Galgo na dahil sa insidente, irerekomenda ng PNP 12 sa iba pang police units sa region 12 na maglagay ng police marshall sa mga bus sa kanilang lugar.
Sa ngayon ang mga police marshall ay nakatalaga pa lamang sa mga bus na bumibyahe sa South Cotabato.
Naghigpit na rin ng seguridad ang pamunuan ng South Cotabato Provincial Rehabilitation and Detention Center na mas kilala din sa tawag na provincial jail.
Ito ayon kay OIC Provincial Jail Warden Juan Lanzaderas ay kasunod ng pagsalakay ng armadong grupo at pagtakas ng mga preso sa North Cotabato Provincial Jail.
Ayon kay Landeras nagdagdag ng 16 na jail guards ang provincial government sa pasilidad.
Sinabi ni Lanzaderas na regular ding nagpapatrolya ang mga kasapi ng provincial police office at Koronadal City PNP sa paligid ng provincial jail.
Sa kabila nito, naniniwala naman si Lanzaderas na mahihirapan ang sinumang may balak na salakayin ang South Cotabato Provincial Jail.
Ayon kay Lanzaderas ang piitan ay matatagpuan kasi sa mataong lugar at sentro ng lungsod.
Bukod dito ayon kay Landeras ang may 20 high profile inmate sa lugar ay walang kinabibilangang grupong maaring magligtas sa kanila.
Ipinahayag ni ni Lanzaderas, mga preso mismo ang nagsusumbong sa mga kasama nilang may balak na tumakas.
Ayon kay Lanzaderas mariin nilang binabantayan ngayon 1,226 na preso sa provincial jail.
Dead on the spot ang isang tribal chieftain matapos mabiktima ng pamamaril sa bayan ng Norala,South Cotabato.
Kinilala ang biktima na si Venie Diamante, 43 anyos, B’laan at nakatira sa Sitio Lambusong, Barangay Puti, Norala, South Cotabato.
Lumabas sa inisyal na imbestigasyon ng pulisiya na si Diamante na Municipal Tribal Cheftain ng Norala ay pauwi na sana sakay ng motorsiklo nito nang tambangan sa kanilang lugar.
Ang biktima ay nagtamo ng multiple gunshot wounds na naging sanhi ng kanyang dagliang pagkasawi.
Narekober ng mga pulis sa crime scene ang limang basyo ng 45 pistol at dalawang fired catridges ng 12 gauge shotgun.
Hindi pa batid ng pulisiya kung sino ang mga salarin at ano ang motibo ng mga ito sa pagbaril sa biktima.

Nakapagtala ng 6164 na kaso ng dengue ang provincial health office ng South Cotabato mula Enero hanggang Disyembre 24 noong nakaraang taon.Ayon kay South Cotabato Provincial Health Officer Dr. Rogelio Aturdido Jr, ito ay mas mataas ng 100.5 percent kumpara sa 3075 dengue cases sa lalawigan sa kaparehong panahon noong 2015.Pinakarami pa rin sa mga nagkasakit dengue na umabot sa 1665 ay nasa Koronadal City, pangalawa ang tupi na may 1,291 At pangatlo ang Polomolok na mayroong 503.
Sa l1 local government unit sa South Cotabato, may pinakamababang 178 dengue cases ang bayan ng Tampakan.
Pinakamarami din sa mga nabiktima na umabot sa 919 ay nasa 11 hanggang 20 anyos.Payo naman ng Provincial Health office sa mga mamamayan na nakararanas ng matagal at pabalik balik na lagnat, agad na magpatinginsa doctor
Naunang nang umapela si Aturdido sa publiko na para iwas dengue ugaliin ang paglilinis ng kapaligiran sa pamamagitan ng pagsira sa bagay o lugar na maaring pamahayan ng lamok na magdadala ng sakit na dengue fever
Arestado sa anti illegal drug operation ng mga pulis ang dalawang suspected drug pusher sa Koronadal City.
Kinilala ni City Anti Drug Abuse Council o CADAC permanent representative Glorio Sandig ang isa sa mga suspek na si Edgar Sanchez, 29 anyos.
Binigyan diin naman ni Sanchez na napadaan lamang siya sa Martinez Subdivision, Barangay Zone IV kung saan siya naaresto.
Kasama din sa inaresto balut vendor na si Hermie Chavez, 24 anyos nakatira din sa Barangay Zone IV.
Ayon kay Sandig, nakuha sa mga suspek ang dalawa at isang medium sized ng sachet ng suspected shabu, at P500 marked money. Nauna nang ipinahayag ni Koronadal Chief of Police, Superintendent Barney Condes na tuloy pa rin ang maigting na pagtugis ng pulisiya sa mga illegal drug personalities sa lungsod. Dead on the spot ang isang tribal chieftain matapos mabiktima ng pamamaril sa bayan ng Norala,South Cotabato.
Kinilala ang biktima na si Venie Diamante, 43 anyos, B’laan at nakatira sa Sitio Lambusong, Barangay Puti, Norala, South Cotabato.
Lumabas sa inisyal na imbestigasyon ng pulisiya na si Diamante na Municipal Tribal Cheftain ng Norala ay pauwi na sana sakay ng motorsiklo nito nang tambangan sa kanilang lugar.
Ang biktima ay nagtamo ng multiple gunshot wounds na naging sanhi ng kanyang dagliang pagkasawi.
Narekober ng mga pulis sa crime scene ang limang basyo ng 45 pistol at dalawang fired catridges ng 12 gauge shotgun.
Hindi pa batid ng pulisiya kung sino ang mga salarin at ano ang motibo ng mga ito sa pagbaril sa biktima.

Police captain patay sa pamamaril sa Parang public market

PATAY on the spot si Police Captain Roland Moralde matapos makipagbarilan sa isang lalaking may dala-dalang armas sa public market ng Parang,...

State of Calamity, idineklara na sa buong BARMM dahil sa matinding epekto ng El Niño

COTABATO CITY - IDINEKLARA na ang State of Calamity sa buong Bangsamoro Region batay sa inilabas na Proclamation No. 002 s. 2024 ng Office of the...

Marawi anti-drug op nets P6.8-M shabu, suspect arrested

MARAWI CITY - In the battle against illegal drug trafficking, joint operatives from PDEA LDS (lead unit); Marawi City Police Station, CDEU, PDEU/PSOG...

PDEA-BARMM buy bust nets 3 drug peddlers, P6.8-M shabu

DATU ODIN SINSUAT, Maguindanao Norte - Abot sa P6.8 million na halaga ng shabu ang nakumpiska sa tatlong mga drug suspects sa drug buy bust...

3 militiamen slain, 3 hurt in Lanao Sur ambush

CAMP SK PENDATUN, Maguindanao Norte  – Three militiamen were killed while three others were injured in an ambush by still unidentified gunmen in...