Saturday May, 18 2024 01:58:40 PM

NDBC BIDA BALITA (2.10.17)

 • 15:49 PM Fri Feb 10, 2017
860
By: 
NDBC NCA

NEWSCAST

FEBRUARY 10, 2017 (FRI)
7and00 AM

HEADLINESand

1. No. 1 suspected drug lord ng Maguindanao, naaresto sa Cotabato City
2. LIMANG MGA hininalang miembro ng
Budol-Budol Gang sa Kidapawan City, kalaboso

3. LALAKING nag amok, nabaril at
napatay ng barangay tanod, sa Tupi, South Cotabato

4. Crime incidence sa REgion 12, bumaba ayon sa PNP5. First Inaul Festival sa Maguindanao, nagsimula na INARESTO ng
pinagsanib na pwersa ng PDEA ARMM at Cotabato City PNP ang number 1 sa priority
target list ng pamahalaan na si Northern Kabuntalan ABC president

Fatima Daud
Baliwan.

Sinabi ni PDEA
ARMM regional director Bryan Babang na nadakip si Baliwan pasado alas tres ng
hapon kahapon sa Jose Lim Senior Street sa Cotabato city.

Ayon kay Babang,
ang 44 taong gulang na asawa ni dating Northern Kabuntalan mayor Muslimin Usman
Baliwan at kasalukuyang chairperson ng Barangay Kapimpilan ay matagal na nilang
target.

Nakuha mula
kay Baliwan ang isang malaking sachet ng shabu, limang cellphones, isang passbook
account, mga IDs at credit cards, susi at ang sasakyang land cruiser Prado na
may plakang XSF 868.

Arestado rin
ang mga kasamahan nitong sina Norodin Daud Baliwan, 27 years old na taga ND
Village, Barangay Rosary Heights 8 ng lungsod, Basir Dadtem Baliwan, 21, taga Nuro,
Upi, Maguindanao at Anwar Guiamad Guiamalon 32, na isang tanod sa barangay
Rosary Heights 8.

Nakuha rin
mula sa mga suspek ang walang lisensya na cal. 45 pistol at pitong mga bala.

Sa ngayon
inihahanda na ang kasong paglabag sa RA 9165 at RA 10591 sa mga suspek.

NANAWAGAN NGAYON si Social Security
System o SSS Cotabato City Branch manager Sukarno Pendaliday sa lahat ng mga
delingkwenteng miembro na samantalahin ang

kanilang Loan Restructuring Program.

Ito, ayon kay Pendaliday, ay para
mabawasan ang kanilang mga bayarin at muling mapakinabangan ang mga benipisyo
bilang mga miembro ng SSS.

Sinabi ni Pendaliday na sa ngayon ay mahigit
600 na mga SSS member sa lungsod ang naka-avail na ng SSS Loan Restructuring
Program.

Aniya, abot na sa 8.7 million pesos ang
nabawas sa mga bayarin sa Salary Loan, Emergency loan at Calamity loan ng abot
sa 630 SSS members na nag-avail ng programa.

Nabatid na ang Loan Restructuring
Program ay para sa mga miyembro ng SSS na may pagkaka-utang

Ang programang ito ay magtatapos naman
sa April 27, 2017.

Samantala, hinggil naman sa dagdag na
isang libong piso sa buwanang pensyon ng mga SSS pensioner, sinabi ni
Pendaliday na anumang araw mula ngayon ay magiging epektibo na ito.

Ayon kay Pendaliday, handa na silang
ipatupad ang naturang dagdag-pensyon ngunit hinihintay na lamang nila ang pinal
na abiso mula kay P. Duterte. IPINAGMALAKI ni
Maguindanao Governor Esmael ‘Toto’ Mangudadatu na unti-unti ng nakikilala ang
Inaul Hand-woven Fabric ng lalawigan sa buong bansa at sa buong mundo.

Ito, ayon sa gubernador
ay dahil na rin sa pagkakaroon nito ng worldwide exposure sa Miss Universe
beauty pageant kung saan ginamit ng mga kandidata ang Inaul fabric sa kanilang
mga suot na gown.

Sinabi ni Mangudadatu na
inaasahan na nila ang pagdagsa ng mas marami pang demand para sa Inaul ngayong
idinaraos ang kauna-unahang Inaul Festival sa lalawigan.

Kahapon, February 9,
pormal na nagbukas ang mga pangunahing aktibidad kaugnay ng 1st
Inaul Festival na dinagsa ng libo-libong mga Maguindanaon at mga bisita mula sa
iba’t ibang panig ng bansa.

Ang Inaul festival ay
binuksan sa pamamagitan ng parada na sinundan ng maiksing programa at
pagpaparinig ng bagong Inaul Festival theme song na gawa ni Jeff Mendez.

Sinabayan pa ito ng iba’t
ibang katutubong sayaw ng mga Maguindanaon kung saan ibinida ang mga ipinagmamalaking
Inaul malong.

Samantala, binuksan din
kahapon ang Inaul exhibit tampok ang mga Inaul gown na ginamit sa Miss Universe
pageant.

Binuksan din kahapon ang
Trade Expo tampok naman ang mga produkto mula sa iba’t ibang mga bayan sa
Maguindanao.

Sa gabi ay nag concert
naman ang sikat na alternative rock band na Calla Lily.

Sabi ni Governor
Mangudadatu, marami pang mga aktibidad na dapat abangan at tunghayan hanggang
February 14, kaya inaanyayahan nito ang lahat na makisaya sa 1st
Inaul Festival na ginaganap sa Buluan, Maguindanao. Sugatan ang
isang magsasaka matapos barilin ng hindi pa nakikilalang suspek sa loob mismo
ng kanyang tinutuluyang bahay pasado kagabi sa Barangay Bitu, Datu Odin
Sinsuat, Maguindanao.

Kinilala ni
DOS PNP chief of police Police Chief Insp. Achmad Alibonga ang biktima na si
Komi Tabilo Sangki 43 years old.

Ayon sa
inisyal na imbestigasyon ng pulisya, habang naghahanda ng kanyang hapunan ang
biktima ay nagulat na lamang ito nang barilin siya ng hindi pa nakikilalang
suspek gamit ang hindi pa natukoy na uri ng baril.

Nagtamo ng
isang tama ng bala sa kanyang dibdib ang biktima na agad namang isinugod sa pagamutan
sa Cotabato city.

Patuloy pa ring
inaalam ng pulisya kung ano ang motibo sa pamamaril at kung sino ang nasa likod
nito.

Hinabol ng
isang pulis ang isang snatcher matapos tangayin ang cellphone ng kanyang anak
habang binabaybay nila ang Jose Lim Sr. Street sa lungsod alas onse y medya ng
umaga kahapon.

Kinilala ni
P01 Aguinaldo Navos Jr., ang snatcher na si King Suan Usman 19 anyos, walang
asawa at trabaho na taga barangay Poblacion Uno ng lungsod.

Ayon sa
report, hinabol ni Navos ang suspek hanggang sa SK Pendatun Avenue kaya nabawi
nito ang G1 cherry mobile cellphone ng kanyang anak na si Moraida Guiaman Asi.

Sa ngayon
nasa kustudiya na ng Police Station 1 ang suspek habang inihahanda na ang kaso
laban sa kanya.

Samantala, sa
Midsayap, North Cotabato naman

Nadakip ang
hinihinalang notoryus na magnanakaw.

Nadakip ng
Midsayap PNP ang suspek na si Nicole Etchibaria, 24 years old, Single, walang
trabaho at taga barangay Villarica, Midsayap.

Pasado alas
10 ng umaga kahapon ng maaresto ng mga pulis si Etchibaria sa barangay Central
Glad, Midsayap matapos na pasukin nito ang isang tindahan at kinuha ang cash na
walong libong piso.

Ngunit
napansin siya ng may ari na agad sumigaw at humingi ng saklolo.

Nabatid na
ang nadakip na suspek ay sangkot din sa lang kaso ng pagnanakaw sa Pigcawayan,
North Cotabato.

BALAK ng
Cotabato city LGU na bumili ng green energy solar at wind panels para pailawan
ang lungsod.

Sinabi ni City
Mayor Cynthia Guiani-Sayadi na naging interesado ang lokal na pamahalaan
matapos na mai-presinta sa kanya ang nasabing teknolohiya.

Ayon kay
Sayadi, kung magugustuhan ng iba pang mga kasamahan niyang opisyal sa lungsod
ang naturang pasilidad ay kukuha ang City LGU ng apat na libung street lamps para
pailawan ang mga lansangan ng lungsod.

Napag-alaman
na gawa sa limang metro ang taas ng poste nito at may LED lights, wind turbine
at may dalawang solar panels na kayang pa-andarin ang CCTV camera na kunektado
sa nasabing poste.

Ang nasabing
transaksiyon ay isasakatuparan sa pagitan ng City LGU at China.

Layunin ng
proyekto na itaguyod ang pagiging eco-friendly city ng Cotabato city.

Hindi naman
nabanggit ni Sayadi kung magkano ang halaga halaga ng anturang solar-powered
street lights.

Kulungan ang bagsak ng dalawang babae at tatlong lalaki na pinaniniwalaang miembro ng budol-budol gang matapos

maaresto sa Kidapawan City kahapon ng umaga.

Kinilala ang mga ito na sina Rosevelt Subiza Cantiga, 30, Jocel Getutua Espinosa, 33, Wilma Tague Hediga, 35,

parehong taga Kawit District, Pagadian City, Patrick Bustos Cañete ng brgy Garang, Tangub, Misamis Occidental,

at isang Sydney Waga, 22, na taga Poblacion Initao, Misamis Oriental.
Salaysay ng mga biktima sa Radyo Bida, naglalakad lang raw sila patungong RCBC sa Dayao Street nang bigla na

lamang sumulpot ang mga suspek.Ayon sa kanila una raw silang inalok ng tatlong lalaki ng libreng payong, sunod ang mga herbal products na may

naka tatak na Panyawan Herbal Products at sunod ay pinakitaan na sila ng isang last two ticket.Paliwanag ng mga suspek sa kanila bibigyan raw sila ng numero at mananalo sila ng siyam na libong piso sa

sunod-sunod na tatlong gabi kapalit na kanilang 1 thousand pesos.

Abot raw sila ng halos labindalawang biktima na muntik nang maloko. Isa sa mga biktima ay agad namang nakahalata kaya agad itong nagsumbong sa mga otoridad na naka pwesto sa

palengke at nasakote naman ang mga suspek.
SAMANTALA, sa panayam naman ng Radyo Bida kay City Mayor Joseph Evangelista kilala na raw ang limang mga suspek na mga

manloloko at miembro ng budol budol gang na nambibiktima sa Kidapawan City. Paalala ngayon sa publiko na maging mapanuri at mapagmatyag sa lahat ng panahon at agad na magsumbong sa mga

otoridad lalo na kung may mapansin na kahina hinalang tao sa paligid lalo na ngayong nagpapatuloy ang weeklong

celebration ng Kidapawan City.
Matapos ang dalawang linggong monitoring ng Matalam PNP sa Sitio Imelda, brgy. Taguranao, Matalam, kumpirmadong

wala na raw ang presesnya ng mga armadong grupo doon.Ito ang tahasang ipinahayag ni Police Chief Inspector Sunny Leoncito, ang hepe ng Matalam PNP.

Ayon sa opisyal, pagkatapos raw ng enkwentro noong January 24 sa Sitio Imelda ilang mga armadong grupo pa ang

namamataan sa erya.Halos kada gabi rin ay lumilikas ang mga kababaihan at bumabalik lang sa umaga para sa kanilang mga kabuhayan.

Dahil na rin sa patuloy na monitoring ng PNP at militar sa erya dahan dahan ng nawala ang nasabing lawless

armed group.Di rin makumpirma ni Leoncito kung anong grupo ang kanilang naka enkwentro at hindi rin siya sigurado kung sila

ba ay mga miembro ng NPA.

Nabanggit rin raw ng ilang mga residente na hinihingan raw sila ng tatlong piso kada puno ng goma na kanilang

pag-mamay ari bagay naman na ikinatakot ng mga residente at magsasaka.Sa ngayon nagpapasalamat na ang mga residente pati mga barangay officials dahil ligtas na sa anumang gulo at

gyera ang kanilang lugar.
Ginawaran ng Kidapawan City LGU ang barangay Ginatilan bilang Best Performing Barangay ng lungsod.

P200,000 cash prize ang tinanggap ng mga opisyal mula kay City Mayor Joseph Evangelista kung saan ay iginawad

sa kanila ang award sa pagdiriwang ng Barangay Night sa City Gym.Ang parangal ay sa ilalim ng LGU Award and Incentive Program na kumikilala sa kakayahan ng barangay na mamuno,

tama ang pamamahala sa pondo at mahusay na pagbibigay serbisyo publiko alinsunod sa mga pangunahing agenda ng

City Government.Ikinatuwa naman ni brgy. Ginatilan Chair Roger Putolan ang premyo dahil nagbunga ang kanilang pagpupunyagi.

Ayon kay Putolan gagamitin nila ang cash award para sa ibayong pagbibigay serbisyo publiko sa kanilang mga

constituents.Maliban pa sa Ginatilan, napili rin sa top 5 na mga barangay ang Indangan Linangcob na siyang nanalo noong

2016 Nuangan at Birada.

Cash prices din ang tinaggap ng mga nabanggit na barangay.Nanalo naman bilang Best Barangay Council for the Protection of Children ang brgy. Mua-an Best in Health ang

brgy. Perez Best in Public Safety/ Disaster Preparedness ang brgy. Balabag Best in Revenue Generation ang

brgy. Sudapin at Best in Education – ang Kalasuyan at Most improved Barangays naman ang brgy. Singao Kalaisan

at Nuangan.Hinimok naman ni Mayor Evangelista ang iba pang barangay officials na pamarisan ang mga magagandang halimbawa

ng mga nanalong barangay ngayong 2017.
Nasa kustodiya na ngayon ng Magpet PNP lock up cell ang kanilang top 3 most wanted person matapos maaresto sa

Sitio Lawan, barangay Ilian, Magpet North Cotabato pasado ala una ng hapon kahapon.Kinilala ang suspek na si Rudolfo Ligad, 65-anyos na residente rin ng nabanggit na lugar.

Si Ligad ay nahaharap sa kasong two counts of rape.

Sa pamamagitan ng warant of arrest ng korte na may criminal case number 1811-1812-2013 ay naaresto ang suspek.Nabatid sa report na non-bailable ang naturang kaso.

Samantala, huli din ang top 8 most wanted person ng Matalam PNP sa barangay New Pandan, Matalam North Cotabato.Ang suspek na si Reynaldo Domingo Virginia ay nahaharap sa kasong frustrated murder.

Naaresto si Virginia sa bisa ng warrant of arrest sa kanya ng Regional Trial Court Branch 22 Kabacan.Alas dos ng hapon kahapon ng isilbi ang warrant kontra sa suspek pero wala ito sa lugar.

Pasado alas kwatro ng hapon nang matanggap ng Matalam PNP ang report na nakita raw ang suspek sakay sa kanyang

motorsiklo patungong barangay Tibao sa bayan ng Mlang.Agad naglunsad ng pursuit operation ang mga otoridad at doon matagumpay na nasakote ang suspek.

Agad din itong dinala sa Matalam PNP lock up cell.

NDBC BIDA BALITA
Pinagpipilian pa ng lokal na pamahalaan ang tatlong mga alternatibo para mare-habilitate ang Lake Sebu, South Cotabato.
Sinabi ni Lake Sebu Mayor Antonio Fungan na kabilang sa maaring gawin para maisalba sa pagkasira ang lawa ang paglimita sa mga fish cages ng hanggang 10% lamang .Iginiit ng alkalde na dapat lamang payagan na maglagay ng mga fish cage ang mga mamamayan ng Lake Sebu.
Ayon kay Fungan bukod sa sobrang dami ng fish cages, nakaapekto din sa lawa ang dami ng feeds na pinapakain ng mga dayo at malalaking fish cage operators sa kanilang mga alagang Tilapia ,Ipinahayag ni Fungan na posible ring ipatuad ang pansamantalang pagtigil ng operation ng mga fish cages at 25 taong moratorium sa produksyon ng Tilapia sa Lake Sebu.Tiniyak naman ni Fungan na bago magdesisyon, didingin ng lokal na pamahalaan ang hinaing ng mga resort owners, fish cage operators, concerned government agencies at mga mamamayan mismo ng Lake Sebu.Ito ang ipinahayg ng alkalde kasunod ng pagsailalim sa State of Calamity sa Lake Sebu bunsod ng fish kill.
Ayon kay Fungan dahil sa fish kill abot sa may P124 million pesos ang nalugi sa mga fish cage operators ng Lake Sebu.Sinabi ni Fungan na gagamiti ng pantulong sa mga apektadong mamamayan ang bahagi ng P3 million Quick Response Fund ng local government unit. Nakinabang sa tulong pangkabuhayan ng Department of Labor and Employment o DOLE ang 52 mga displaced at active na mangagawa ng Dole Philippines sa Polomolok,South Cotabato.Ayon kay DOLE 12 OIC Regional Director Albert Gutib ang may P1 million pesos na halaga ng tulong ay ibinigay sa Association of Displace and Active Dole Philippines Employees o ADADE .
Ito ay upang makatulong sa pagpapaunlad ng kanilang agri-veterinary supply trading project.Sinabi ni Gutib na ang tulong sa ADADE ay resulta ng pakikipag tulungan ng kompanya, lokal na pamahalaan ng Polomolok, at Barangay sa DOLE.
Ang Barangay Cannery sa Polomolok ay nagbigay ng P100 counterpart sa mga benipisyaryo ng livelihood program na ipinatupad sa pamamagitan ng DOLE Integrated Livelihood and Emergency Employment Program o DILEEP.Hinikayat naman ni Cannery Barangay Chairman Antonio Octavio ang mga benepisyaryo ng programa na tumulong sa pagpapalago ng kanilang negosyo at maging transparent sa kanilang mga transakyon.
Naniniwala naman si ADADE President Risaly Vela, na dahil sa livehood assistance magkakaroon na ng permanentang mapagkakakitaan ang kanilang mga myembro. Maglulunsad ng localized communication materials para mapaigting ang paglaban sa dengue sa mga barangay ang pamahalaang panlalawigan ng South Cotabato.Ayon kay Provincial Health Promotions Officer Marifort Rodel, ang mga health communication materials ay nakatuon sa pagpapalaganap ng paglaban sa sakit na dengue sa mga komunidad.
Ituturo sa publiko na tukuyin ang lugar na pamguran ng lamok na ngdadala ng dengue, pati na rin ang tamang 4o clock habit.Sinabi ni Rodel na pupulungin din nila ang mga opisyal ng barangay sa mga lugar na may pinakamaraming kaso ng dengue.
Ito ayon kay Rodel ay upang marinig ang kanilang at makapagpatupad ng mas angkop na programa kontra dengue.Kinumpirma ng Provincial Epediomology Surviellance Unit o PESU na 26 ang nasawi dahil sa dengue sa South Cotabato noong nakaraang taon.
Pinakamaraming dengue cases ay naitala sa Koronadal City at Tupi
Tumaas din sa 106 percent ang dengue sa South Cotabato noong 2016 kumpara noong 2015.Sinabi ni Rodel na ang dengue communication material ay lulunsad kasabay ng Asean Dengue Day sa Hunyo.
Nakapagtala ng 8,119 index crime ang pulisiya sa buong region 12 noong 2016.
Ayon kay Police Regional Office 12, Regional Operations and Plans Division Chief, Police Senior Superintendent Rolly Octavio ito ay mababa sa 12,999 index crime sa rehiyon noong 2015.
Kinumpirma ni Octavio na 2,935 sa mga index crimes na ito ay ay crimes against person.
Kabilang dito ayon kay Octavio ang murder, homicide, rape at physical injury na umabot sa 1,826 cases, pinakamaraming kaso nito ay naitala sa North Cotabato
Umabot naman sa 2,940 ang crime against properties sa region 12 noong nakaraang taon.
Ito ay kinabibilangan naman ng robbery, carnapping, cattle rustling at theft na umabot sa 2,940 cases na ang kung saan pinakamraming biktima ay nasa South Cotabato.
Ipinahayag ni Octavio na ang pagbaba ng index crime sa SOCCSKARGEN ay resulta ng pinaigting na programa ng pulisiya.
Kabilang sa mga programang ito ayon kay Octavio ang Police Integrated Patrol System, at pagtalaga ng 98% na police sa mga strategic areas.
Nakatulong din sa kampanya kontra krimen ng PNP ayon kay Octavio ang pakikipagtulungan sa kanila ng mga mamamayan.
Patay ang lalaking nagwala matapos mabaril ng barangay Tanod sa liblib na Sito ng Tubo, Barangay Acmonan, Tupi, South Cotabato.
Kinilala ang napatay na si Lindo Guli, 45 anyos, may asawa at nakatira din sa lugar.
Nabatid sa imbestigasyon ng pulisiya na si Guli ay binaril ng tanod habang nagwawala na may hawak na itak at hinaharangan ang mga dumadaang naka-motorsiklo.
Si Guli ay binaril ng tanod na si Felipie Piang, 47 anyos .
Ito ay matapos umanong atakehin bitbit ang itak ang mga rumespondeng tanod.
Ang napatay na si Guli ay hindi na umabot ng buhay sa ospital matapos magtamo ng tama ng baril sa kanyang hita.
Hindi pa batid ng pulisiya kung ano ang naging dahilan ng pagwawala nito.
Tapos na ng Philipone Rural Development Program o PRDP ng Department of Agriculture ang 21 mga proyektong pang imprastruktura nito sa buong Mindanao.
Nagpapatuloy naman ang konstruksyon ng 236 pa nilang mga proyekto.Ito ang lumabas sa coordination meeting ng PRDP na pinangunahan kamakailan lang ng mga opisyal ng DA 12.
Kaugnay nito, hinimok naman ni PRDP Deputy Project Director Araceli Morano ang Regional Project Coordinator Officers sa Mindanao na paigtingin pa ang pakikipag ugnayan sa mga lokal na pamahalaan.Layon nito na mapabilis pa ang pagpapatupad ng mga PRDP projects.
Sinabi naman ni DA 12 OIC-Regional Technical Director for Operations at RPCO 12 Coordinator Dr. John Pascual, na ang mga advanced program tools ng PRDP kagaya ng value chain analysis at expanded vulnerability and suitability analysis, ay nakakatulong upang mas mapaigting ang pagkamit ng sapat na supply ng pagkain sa bansa.

Sulu Gov. Sakur Tan to seek BARMM office of chief minister

INANUNSYO ng Bangsamoro Grand Coalition o BGC ang kanilang pag-endorso kay Sulu Governor Abdusakur Tan na tumakbo bilang BARMM Chief Minister sa May...

5 preso nakatakas sa Parang detention facility, tulong ng publiko hiniling ng PNP

Nanawagan ang mga otoridad sa Parang, Maguindano del Norte na makipagtulungan sa kanila kung sakaling may mga nakakita sa mga lalaking nasa larawan...

NGCP scheduled power interruption for May 19 cancelled

What: CANCELLED NOTICE OF National Grid Corporation of the Philippines POWER INTERRUPTION When: Sunday, May 19, 2024 | 7:00 - 8:00 AM | 5:00...

Cotabato Light: Increased generation costs lead to a rise in the overall electricity rate

COTABATO CITY - The overall residential rate of Cotabato Light & Power Company (Cotabato Light) increased by P1.90 per kilowatt hour (kWh)...

Lalaking taga Cotabato City patay sa pamamaril sa Sultan Mastura, Maguindanao Norte

PATAY on the spot ang lalaking naka motor nang pagbabarilin ng mga gunmen sa Sitio Amadeo, Brgy. Boliok, Sultan Mastura, Maguindanao del Norte,...