Saturday May, 04 2024 02:54:04 PM

NDBC BIDA BALITA (2.11.17)

 • 18:39 PM Sat Feb 11, 2017
770
By: 
NDBC

NEWSCAST

FEBRUARY 11, 2017 (SAT)
7and00 AM

HEADLINESand

1. Surigao City, niyanig ng Magnitued 6.5 earthquake, 15 patay, daan-daan sugatan2.Walang recruitment na ginagawa ang MNLF sa South Cotabato, ayon sa PNP at MNLF official3. Komposisyon ng expanded Bangsamoro
transition commission kumpleto na, Gov. Hataman nangako ng suporta sa komisyon4. NIYANIG NG MAGNITUDE 6.7 ang lalawigan ng Surigao del Norte at Surigao City kagabi at nagresulta ng pagkasawi ng apat katao at pagkasugat ng mahigit 100 iba pa.Abot naman sa 27 aftershocks ang naitala ng Philippine Instittue of Volcanology and Seismology. Tectonic in origin ang dahilan ng pagyanig na natukoy 14 kilometer silangan ng Surigao City.Ayon sa provincial disaster office, may mga natibag na gusali, mga sasakyan na nabagsakan ng mabibigat na bagay at may mga nasirang gusali at tahanan din.Niatala ng Phivolcs ang mga aftershock saDinagat islands, Burgos and Libjo in Surigao del Norte and San Jose in Dinagat and parts of Southern Leyte. Pinakahuli ang magnitude 2.3 ganap na alas 7:45 ng umaga ngayon sa Dinagat island.Naramdaman ang lakas ng pagyanig kagabi sa mga sumunod na lugar - Intensity VI- Surigao City andamp Pintuyan, Southern Leyte.Intensity V - Mandaue City, San Ricardo, Limasawa andamp San Francisco, Southern LeyteIntensity IV- Hinunangan, Southern Leyte andamp Butuan CityIntensity III- Hibok-hibok, Camiguin, Tolosa andamp Tacloban, Leyte, Bislig City, Gingoog City, MisamisOrientalIntensity II- Cagayan de Oro City, Talocogon City, Agusan del Sur, Dumaguete City, Cebu City Kumpleto na ang komposisyon ng Expanded
Bangsamoro Transition Commission na babalangkas sa bagong batas para sa
Bangsamoro.

Ito ang inanunsiyo ni Presidential
Adviser on the Peace Process Secretary Jesus Dureza
bilang bahagi ng implementation process ng Bangsamoro Comprehensive Agreement
na pinirmahan ng gobyerno at Moro Islamic Liberation Front noong March 2014.

Ang pagpapalabas sa pangalan
ng 21 kakatawan sa
Bangsamoro Transition Commission
ang magiging hudyat
para magsimula na
ng trabaho para sa
Bangsamoro law na titiyak sa genuine political autonomy
sa mamamayan sa Mindanao.

Welcome naman kay ARMM gov. Mujiv Hataman ang appointment ng mga bagong miembro ng expanded BTC.Nangako si Hataman na susuportahan niya ang BTC na ang pangunahing layunin ay upang bu-uin ang enabling law para sa GPH-MILF comprehensive Agreement on Bangsamoro na para mabuo na ang bagong political entity sa Muslim Mindanao. Laking gulat na lamang ng
isang security guard ng Mall of Alnor nang tutukan siya ng baril ng isang hindi
pa nakikilalang kawatan dakong alas onse kagabi sa parking area ng Mall of
Alnor sa Cotabato City.Kinilala ang biktima na
si Badrudin Guiamil 41-anyos, may asawa, na taga brgy. Malagapas ng lungsod.

Salaysay ng biktima sa
imbestigador ng Police Station 2, laking gulat na lamang niya na bigla na
lamang siyang nilapitan ng suspek at tinutukan ng kalibre 45 pistol.

Agad na kinuha ang kanyang
hand-held radio, samsung g-1 na cellphone at ang kanyang security patch.

Humingi ng tulong si
Guiamil sa kanyang mga kasamahan at agad na ipinagbigay alam sa mga pulis ang
nasabing insidente.

Sinabi ng biktima na
namukhaan niya ang suspek na hinihinalang taga RH-8 ND village ng lungsod.

Sa ngayon tinutugis na ng
mga pulis ang nasabing suspek. NAGPAPATULOY
ang masasayang aktibidad sa week-long celebration ng 1st Inaul Festival sa
Maguindanao.

Ngayong
umaga, gaganapin sa Buluan Gym ang Kategelan sa Maguindanao Battle of Talents
Grand Finals.

Sampung
talentadong Maguindanaon ang magtatagisan ng galing at magpapamalas ng kanilang
natatanging talento sa Buluan gym.

Sinabi ni
Ketegelan chair Leonor Pascual, ang naturang mga finalist ay sinala pa mula sa
isinagawang audition sa iba't ibang mga bayan sa Maguindanao.

Ayon kay
Pascual, ang grand winner ng Kategelan ay mag uuwi ng 50 libong pisong cash
prize.

Kasabay nito,
inaanyayahan ni Pascual ang lahat na saksihan ang pambihirang pagkakataong ito.

Samantala,
gaganapin din ngayong umaga ang kauna unahang Rodeo o horse-riding skills competition
sa Buluan Pilot School grounds.

May concert
naman ang mga Moro performers ngayong gabi na tinaguriang A NIGHT WITH THE MORO
IDOLS.
Bukas,
February 12 ay gaganapin naman ang Grand Coronation Night ng Palamata Nu
Maguindanao sa Buluan gym

Magiging
bisita sa okasyon sina Ms. Universe top 6 finalist Maxine Medina at Ms.
International 2016 Kylie Versoza.

Ikinaalarma
na ng Cotabato City Veterinary Office ang ulat na sampu katao ang nakagat ng
asong gala sa tatlong mga barangay sa Cotabato City.

Ito ang pahayag City Veterinarian Dr. Robert Malcontento
kasabay ng paalala sa publiko na mag-ingat laban sa nasabing hayop.

na
gumagala umano ang nasabing hayop sa bahagi ng Sinsuat Avenue hanggang sa Notre
Dame Village sa lungsod.

Ang sampu
katao na nakagat ng nasabing aso ay nasa pangangalaga na ngayon Cotabato
Regional and Medical Center na nasa maayos na kondisyon matapos na mabigyan ng
anti-rabies vaccine.

Karamihan sa
mga nakagat ay mga residente ng Rosary Heights 7, 8 at 9 dahilan para kanya ng
hinimok ang mga barangay opisyal sa lugar na hulihin ang nasabing aso at
isailalim sa mercy killing para hindi na madagdagan ang mga mabibiktima nito.

Umaapela
naman si Malcontento sa mga biktima na patuloy na sasailalim sa medication para
matiyak ang pagkawala ng virus sa kanilang katawan.

Agad na
dumulog kahapon sa himpilan ng Police station 2 ang tiyahin ng biktimang si
Mohamed Usop Ampatuan, 34 anyos estudyante ng CCSPC na taga shariff aguak,
maguindanao upang ireport na nakita ng isa sa kanilang kaanak ang motorsiklo
nito na minamaneho ng isang lalaki sa Sinsuat ave. Cotabato City.

Matatandaang,
natagpuang palutang-lutang ang bangkay ng biktima sa Tamontaka river,
partikular sa Sitio Siawan, Tamontaka, Datu Odin Sinsuat Maguindanao umaga ng
Febraury 4.

Nabatid na
umalis ng kanilang bahay ang biktima noong january 31, 2017 sakay ng kanyang
kulay asul na Suzuki raider na may license palte na LC 20013 napinaniniwalaang
tinangay ng hindi pa nakikilalang mga suspek.

Ayon sa
report, naka-gapos sa likod ang kamay ng biktima at may tiewire na nakatali sa
kanyang leeg ng matagpuan ito ng ilang mga residente sa lugar.

Sa ngayon
patuloy pa rin ang ginagawang imbestigasyon ng mga pulis sa nasabing kaso. Kulong
ngayon ang dalawang indibidwal nang maaresto ng pinagsanib pwersa ng Cotabato
Provincial Public Safety Company, 39th IB at Kidapawan City PNP dahil sa
pagbitbit nito ng armas sa check point sa Kilometer 114, brgy. Binoligan,
Kidapawan City.

Ang
mga suspek ay kinilalang sina Abiden Guimadil HadjiSucor at isang Dapsi Lucman
Matto.

Si
HadjiSucor ay nakuhan ng caliber pistol Colt, isang magazine at pitong bala
habang si Matto naman ay nakuhanan ng 45 caliber pistol, magazone at limang
bala.

Ang
checkpoint na isinagawa sa nabanggit na lugar ay bahagi sa ipinatupad na
seguridad ng mga otoridad dahil na rin sa nagpapatuloy na weeklong
celebration ng lungsod.

Dahil
dito agad na dinala ang dalawa sa City PNP lock up cell habang itinurn-over na
rin sa Crime laboratory ang mga baril na nakuha sa kanila. Itinaggi ng Moro National Liberation Front o MNLF ang pangrerecruit umano ng kanilang grupo sa mga bayan ng Tampakan, Lake Sebu, T’boli at Banga sa South Cotabato.Ayon kay MNLF, deputy commander for operation ,3rd Brigade, General Staff, Bangsamoro Armed Forces Commander Sukarno Adam, malaking kasalanan sa kanilang grupo ang mang-recuit ng mga menor de edad.Ito ayon kay Adam ay nakasisira rin sa imahe ng Bangsamoro.
Ang pagpapaalam sa publiko ng umano’y pananamantala ng isang grupo gamit ang pangalan ng MNLF ay personal na inihingi ng tulong ni Adam sa South Cotabato Police.Sinabi ni Adam na may grupo na ipinagbibili sa mga mamamayan ang pekeng ID ng MNLF sa halagang P500.
Binigyan diin ni Adam na walang kapalit na halaga ang lehetimong ID ng MNLF na kanilang ipinamimigay. Buhay pa ang dalawang mga sundalo na dinukot ng mga umano’y New Peoples Army o NPA sa Columbio, Sultan Kudarat noong nakaraang lingo.Ito ang tiniyak sa Radyo Bida ni Sultan Kudarat Governor Pax Mangudadatu.Ayon kay Mangudadatu, mismong tumawag sa kanya ang mga NPA na dumukot sa mga sundalo at tiniyak na buhay pa ang mga ito.Gayunpaman ayon kay Mangudadatu, wala na sa bayan ng Columbio ang mga ito.Sinabi din ni Mangudadatu na siya ring Regional Peace and Order Council 12 Chair na sana ay palayain ng mga rebelde ang mga sundalo na walang kondisyon at ransom.
Ayon kay Mangudadatu, maguusap pa umano sila ng mga kidnapper ng dalawang mga sundalo.Matatandaan na sina Sgt. Solaiman Calucop at PFC Samuel Garay ng 39 IB na sakay ng motorsiklo ay hinarang at tinangay ng armadong grupo sa Barangay Telefas, Columbio, Sultan Kudarat.
Sasailalim sa lifestyle check ang mahhigit 6,000 pulis sa Region 12.
Ayon kay Police Regional Office o PRO 12 Regional Director Chief Superintendent Cedrick Train, ito ay bilang kabahagi pa rin ng cleansing o paglilinis sa kanilang hanay.Ipinahayag ni Train na kailangan ng mga pulis na lumagda sa oath of undertaking bilang patunay na handa ang mga ito na magpa-lifestyle check.
Layon nito na matiyak na walang kinalaman ang mga pulis sa iligal na droga.Iginiit ni Train na kahabagi din ng lifestyle check ang pagalam sa paguugali ng mga pulis at kung nakatapos ang mga ito ng kolehiyo.
Sinabi ni Train na sinimulan na ang cleansing sa mga police ng region 12 bago pa man ito ipagutos ng kanilang national headquarters.Ayon sa police official, makatutulong din sa cleansing ng PNP ang publiko sa pamamagitan ng pagsumbong sa mga tiwali o scalawag na mga pulis.
Inaasikaso na ngayon ng Overseas Workers Welfare Adminsiration o OWWA region 12 ang pagpapapuwi sa bangkay ng Overseas Filipino Worker o OFW na si Susan Padojinog.Si Padojinog isa sa nga nasawi nang masunog ang tinutuluyan nito sa Oman noong Pebrero 5.Ayon kay OWWA 12 Program and Services Division Chief Kristelyn Casires, ito ang naging tugon ng ahensya sa hiling mismo ng mga kaanak ng nasawing OFW.Sinabi ni Casires na pinuntahan na rin ng mga kawani ng OWWA 12 ang pamilya ni Padojinog sa Sibsib, Tulunan North Cotabato.
Ang nasawing si Padojinog ay nagtatrabaho bilang hairstylist sa golden coast trading sa Oman. Tiniyak ni Casires na matatanggap din ng pamilya ni Padojnog ang mahigit P200 thousand pesos na life insurance nito.
Ito ay maliban pa sa livelihood assistance at scholarship sa kanyang anak. Nasawi habang ginagamot sa ospital ang isa katao na nasangkot sa road crashed sa Koroandal City.
Kinilala ang biktima na si Arnolfo Jibala, 56 anyos, at nakatira sa Barangay Morales sa lungsod.Ayon kay POI Ruel Mamon ng Koronadal City traffic section patawid na sana si Jibala sakay ng motorsiklo mula Purok Kaugnayan patungong purok Siodina sa Barangay General Paulino Santos.Ngunit huminto ito sa gitna ng highway dahil sa dami ng mga dumaraang sasakyan.
Ayon kay Mamon, eksakto namang nag-overtake sa sinusundang sasakyan ang paparating na motorsiklo at aksidenteng nabangga ang biktima.Kinilala naman ang driver ng motorsiklo na nakabangga kay Jibala na si Datu Nur Sayaton.
Si Sayaton na sugatan din sa insidente ay nagpapagaling pa sa isang ospital sa Koronadal City.
Nagsimiula nang pumili ng kanilang magiging kinatawan sa AGri-Talino quiz Bee ang mga eskwelahan sa region 12.Ayon kay DA 12 Information Officer Nelly Ylanan, bawat division ng Deped ay kailangang pumuli ng pambato sa regional championship match sa Koronadal City sa Marso.Sinabi ni Ylanan na kabilang sa mga paksang tinatalakay sa Agri-Talino quiz bee ang makabagong teknolohiya sa pagsasaka at pangingisda, agriculture-related current events, key agricultural areas, crops, livestock, fisheries, at maraming iba pa.Layon ng patimpalak na mahikayat ang mga estudyante sa senior high school na kunin bilang subject of specialization ang Agrikultura.Ang Agri-Talino Quiz bee ng DA na nasa ikaapt na taon na ngayon ay bukas na rin sa mga pribadong eskwelahan.

DENR-12 MANP Cotabato documents encounter with "Ibong Adarna"

KIDAPAWAN CITY - Four birds of the Philippine Trogon (Harpactes ardens), a bird species associated with the mythical Ibong Adarna, were documented...

Cotabato Light announces power service interruption in DOS

COTABATO CITY - The Cotabato Light and Power Company (Cotabato Light) has announced a scheduled power interruption affecting Dinaig Proper to Tapian...

Barangay treasurer sa Cotabato City, anak na babae, patay sa ambush, isa pa sugatan

COTABATO CITY - DEAD on arrival sa pagamutan ang dalawang biktima na kinilalang si Mhadz Mamantal, Treasurer ng Mother Barangay Bagua, driver ng...

21 kilos shabu seized in Zamboanga City PDEA sting

COTABATO CITY - Anti-narcotics agents seized P145.5 million worth of shabu from four dealers entrapped in Barangay Mampang in Zamboanga City on...

2 cops linked to murder of police captain in Maguindanao Norte surrender

CAMP SK PENDATUN, Maguindanao del Norte - Two of five suspects who gunned down a police captain in a public market of Poblacion 2 in Parang,...