Saturday May, 18 2024 12:55:20 PM

NDBC BIDA BALITA (2.17.17)

 • 18:55 PM Fri Feb 17, 2017
905
By: 
NDBC

NEWSCAST

FEBRUARY 17, 2017 (FRI)
7and00 AM

HEADLINESand

1. ONLINE APP ng Notre Dame
Broadcasting Corporation, ilulunsad ngayong araw kasabay ng 60th
anniversary ng DXMS AM – RADYO BIDA

2. Pamilya ng dating NPA commander, humingi ng tulong sa Army dahil may amadong umaaligid sa kanilang lugar sa ARakan, N. Cotabato.

3. Anak ng dating gobernador, itinalaga
bilang bagong DILG Provincial Director ng South Cotabato

4. Mass vaccination ng mga aso, pinalalakas sa South Cotabato. Targetand 70 percent dapat may bakuna ngayong taon NAGDIRIWANG ngayong araw ng IKA-60
anibersaryo ang DXMS AM Radyo Bida ng Notre Dame Broadcasting Corporation.

Kaugnay nito, may inihandang mga
aktibidad ang himpilan para sa kanilang masugid na taga-pagtangkilik sa loob ng
anim na dekada.

Kaya naman inaanyayahan ang lahat na
makisaya at lumahok sa mga aktibidad na gaganapin sa City Mall simula aas nuebe
ng umaga ngayong araw hanggang alas dose ng tanghali.

May libreng medical consultation at mga
gamot para sa may mga karamdaman.

Magbibigay din ng libreng anti-pneumonia
vaccine para sa mga may edad 60 taong gulang at immune booster naman para sa
mga kabataan.

Nakatakda ring mamahagi ng libreng
reading eye glasses ang himpilan mamaya sa abot sa isang daang indibidwal edad
50 to 60 years old.

Inaanyayahan din ang lahat ng sumali sa
videoke singing contest para sa pagkakataong manalo ng magagandang papremyo.

May mga ipamimigay ding gift packs para
sa mga maswerteng manonood.

Samantala, kasabay ng 60 anibersaryo ng
DXMS Am Radyo Bida ay pormal na ring ilulunsad ng NDBC ngayong araw ang NDBC
iRadioNet App.

Mula ngayon, maaari ng mapakinggan ang
inyong paboritong programa, mga drama at musika sa Radyo Bida sa pamamagitan ng
inyong mga android smartphones, kahit saan at kahit kailan.

I-Download lang ang NDBC iRadioNet App
mula sa inyong Google Play Store at i-install sa inyong cellphone.

Sinabi ni NDBC Chief Executive Officer
Fr. Jonathan Domingo, OMI na hangad ng Happy FM at Radyo Bida na maka-agapay sa
modernong panahon at maabot ang mas maraming mga tagapakinig saan mang bahagi
ng bansa at ng mundo.

PALAISIPAN pa rin ngayon
sa mga otoridad at maging sa kanyang mga magulang ang dahilan ng pagbigti ng 28
taong gulang na dalaga na nakatakda sanang ikasal ngayong Abril.

Patay na nang abutan ng
kanyang mga magulang si Mary Anne Abalde, dakong ala sais kinse kagabi sa Block
20, Fr. Buldoc Street, ND Village, barangay Rosary Heights 8, Cotabato city.

Si Abalde ay kahera ng
St. Benedict College.

Batay sa inisyal na
imbestigasyon ng City PNP, bago nagpakamatay so Abalde ay nagpapadala na ito ng
mga text message sa kanyang mga magulang na tila nagpapa-alam.

Nabatid na wala sa
kanilang bahay ang mga magulang ni Abalde nang gawin nito ang pagpapatiwakal.

Kaya laking gulat na
lamang ng mga ito nang matagpuan ang kanilang anak na nakabitin at wala ng
buhay sa kanilang kusina. NAHAHARAP
NGAYON sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of
2002 ang tatlong mga pinaghihinalaang drug addict matapos na mahuli sa aktong
naghihithit ng iligal na droga sa loob mismo ng silid ng isang lodge na nasa
Don Rufino Alonzo St., Cotabato City.

Sinabi ni
Police Station 1 commander Police Sr. Insp. Tirso Pascual na nakatanggap sila
ng sumbong mula sa isang concerned citizen hinggil sa mga nag nag-pa-pot
session umano sa Room 312 at Room 315 ng Agong lodge.

Kaya naman
agad na nagsagawa ng operasyon ang City PNP sanhi para maaresto ang mga suspek
na sina Hannycris Valle, Abdulhalik Kadatuan at isang kinilala lang sa
pangalang Rajib.

Nakuha mula
sa kanila ang isang malaking sachet at walong maliliit na plastic heat sealed
sachets ng pinaghihinalaang shabu, isang glass tooter, apat na lighters at
isang aluminum foil.

Ang mga
suspek ay nasa kustodiya na ngayon ng Police Station No. 1

Samantala,
huli rin kahapon ng hapon ang drug suspect na nakilalang si si Thong Usman alyas
Thong, 36 anyos may asawa, walang trabaho at taga Sitio Binugit, barangay Tamontaka
Dos ng lungsod.

Nadakip ang
suspek sa malapit sa barangay Hall ng barangay RH8 sa lungsod

Si Usman ay
nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165.

Nabatid na
una ng sumuko si Usman sa mga pulis noon kaugnay sa kampanya ng pamahalaan
kontra iligal na droga.

Matapos ang tatlong
araw na intelligence monitoring ng mga pulis sa suspek ay na nasakote ito matapos
mapatunayang patuloy ito sa paggamit ng iigal na droga. Magbibigay ng temporary security assistance ang 39th Infantry Battalion ng Philippine Army sa pamilya ni Rey

Rabadon sa Arakan, North Cotabato.Ito ang tiniyak ni 2nd Lt. Silver Belvis ang spokesperson ng 39th IB matapos na humiling asawa ni Rey sa

militar dahil sa naoobserbahan na armadong grupo na umaaligid sa kanilang lugar.

Nasa brgy. Malibatuan, Arakan kasi ibinurol ang bangkay ni Rey Rabadon na dating kumander ng New People's Army

ng Guerilla Front 51.Ayon sa asawa ni Rey na dati ring NPA member posible raw na siya ang target ng armadong grupo.

Dahil dito, nangako naman ng security assistance ang militar para sa pamilya hanggang mailibing ito sa darating

na Feb 18.

Samantala, maliban sa security assistance plano ring magbibigay ng tulong pinansyal ang militar pati na ng

Arakan LGU.Matatandaang si Rey Rabadon ay binaril ng umano miembro ng New People's Army sa brgy. Malibatuan, Arakan noong

February 8, 2017.

Patuloy ding nangangalap ng ebidensya ang PNP at AFP para sa posibleng ikadarakip ng mga responsable sa

nabanggit na krimen.
Mahigpit ngayon ang monitoring ng President Rpxas Disaster Risk and Mangement Council sa mga low lying areas

matapo maitala ang malakas na pagbuhos ng ulan mula pa noong nakaraang araw hanggang kagabi.
Ilang mga low lying areas kasi meron ang bayan na kadalasang binabaha mula sa ilog sa Brgy. Binay at Ipuan

bayan ng Magpet.

Kabilang rin na binabantayan ang mga barangay ng Poblacion, Indaoman, Kabang-bangan, Alegria, New Cebu, at

barangay Labuo.Ayon kay Josiah Salvador, MDRRMC Officer III , wala namang may naitalang casualty sa nabanggit na pag-ulan

habang patuloy na minomonitor kung mga pananim ba na nasira dahil sa lakas ng buhos ng ulan.

Kahapon, sinuspendi ang klase sa mga paaralan ng bayan ng President Roxas at Antipas, dahil sa naturang pag

ulan na dulot ng tail end of a cold front.Ang nabanggit na deklarasyon ay mula mismo sa dalawang mga alkalde ng bayan.

Sa Pres. Roxas, inanunsyo ni Mayor Jamie Mahimpit, ang suspension of classes bago paman ang pagsisimula ng

kalse sa umaga base na rin sa hiling ng ilang guro at estudyante na mula pa sa malalayong barangay.Nais lamang ni Mayor Mahimpit at ni Antipas Mayor Egidio Cadungon na masiguro ang sigeridad ng lahat ng

estudyante maging ng mga guro sa mga paaralan.
-00-Muli na namang nakatanggap ng pangkabuhayan assistance ang piling residente ng Magpet North Cotabato.

Nabatid na abot sa 170 mga indibidwal ang nakatanggap ng livelihood program kagaya ng sari-sari store, bigasan

at iba pa.Ito ay sa ilalim naman ng PANGKABUHAYAN ASSISTANCE ng Department Of Labor and Employment o DOLE buttoms up

budget program sa pamamagitan ng Public Employment and Services Office ng Magpet LGU.

Isa sa mga nakabinipesyo nito ay ang fish vendor na si Josephine Umandak, residente ng barangay Poblacion

Magpet.Ayon kay Aling Josephine, malaking tulong ang nabanggit na programa ng gobyerno para sa ikalalago ng kanilang

negosyo maging sa kanilang pinansyal na aspeto ng pangangailangan.Ipinaalala naman ni Magpet Mayor Florenito Gonzaga sa mga benepisyaryo kasabay ng turn-over ceremony kamakalawa

na ingatan at pahalagahan ang nasabing mga gamit at pangkabuhayan na kanilang natanggap mula sa gobyerno.
Inilibing na kahapon ang pulis na si PO2 Jerome Ruefa, isa sa mga namatay sa nangyaring enkwentro kontra sa

suspek sa kasagsagan ng pursuit operation ng mga otoridad sa brgy. Dolores, Antipas, North Cotabato.

Nabatid na nabaril si Ruefa at napatay matapos makipagbarilian sa target ng kanilang operasyon na si Boyet

Patubo, na siyang itunuturong lead suspect sa pamamaril sa radio blocktimer na si Marlon Muyco sa bayan ng

Mlang.Ayon kay Cotabato Police Provincial Office Public Information Officer Supt. Joyce Birrey naisampa na ng CPPO

ang patong patong na kaso kontra kay Boyet Patubo at sa kapatid nitong si Mark Patubo.Patong patong na kaso ang kinakaharap ng dalawa kabilang na ang Double Murder at Double Frustrated Murder.

Double murder para sa pagkamatay ni Po2 Ruefa at Agent Cabalinan at Double Frustrated Murder para sa mga

sugatan na sina Po2 Avina at Po1 Edu.Sa ngayon isinailalim sa Hospital arrest si Boyet Patubo habang at large naman si Mark Patubo matapos itong

tumakaspagkatapos ng insidente.

Mas malalim pa ngayon na imbestigasyon ang ginagawa ng mga otoridad sa nabanggit na insidente.
Matapos isinailalim sa internal cleansing ang hanay ng mga pulis sa buong bansa at pagpapatigil sa lahat ng operasyon kontra iligal na droga nakatutok ngayon ang Cotabato Police Provincial Office o CPPO sa gyera kontra illegal gambling.Nabatid na ilang mga indibidwal na ang nahuli sa North Cotabato dahil sa iligal na sugal partikular ang last-two game.

Ito ay sa pamamagitan na rin ng Executive Order No.13 ni Pangulong Rodrigo Duterte na nag-uutos sa lahat ng PNP stations na ipatupad ang war against illegal gambling.Sinabi ni CPPO PIO Supt. Joyce Birrey, mas pinalalakas ngayon ng PNP ang kanilang kampanya kontra sa nabanggit na iligal na sugal.

Katunayan 15 kaso na ang na-ifile ng PNP sa mga nahuling sangkot kaugnay rito.

Aasahan rin ang pagpapatupad ng One Time Big Time Operation ng PNP sa buong lalawigan para tuluyan na itong mapuksa.Ayon kay Birrey magpapatupad rin sila ng Oplan Tokhang para hilingin rin ang mga operators at Financier na itigil na ang nabanggit na gawain. Inireklamo ni
Shariff Aguak Mayor Maroup Ampatuan sa National Irrigation Administration o NIA
– Maguindanao ang problema nito sa tubig.

Sinabi ni
Ampatuan na apektado ang pananim ng mga magsasaka sa maraming barangay sa bayan
dahil sa kawalan ng tubig.
ANiya, hindi kasi
naa-abot ng tubig ng NIA sa ilalim ng pangangasiwaan ng Kabulnan Irrigation
System ang nasa walong barangay sa bayan.

Partikular na
tinukoy ng alkalde na lubhang apektado ang mga barangay ng Bialong, Tila at
Malingao.

Pero kung ang
supply aniya ng tubig ang pag-uusapan, igiit ng alkalde na sapat naman ito.

Ang problema
nga lang aniya, walang nagmamantina sa irigasiyon.

Sa panig
naman ni NIA Maguindanao Provincial Manager Akas Basilan, sinabi nito na nagpatawag
na siya ng pagpupulong ng mga magsasaka sa lugar kasama na ang mga irrigator.

Pagbubunyag
pa ni Basilan, problema kasi ang ilang mga magsasaka sa lugar na bumubutas at hinaharang
ang daluyan ng tubig sa irigasyon.

Giit pa ng
NIA Maguindanao Manager, sapat at sobra-sobra
pa ang tubig para sa mga magsasaka kaya imposibleng magkulang tubig sa
irigasyon.

Hindi rin aniya
nasusunod ang mga schedule na itinatakda para dito. Tatangap ng entry para sa Brigada Eskwela Jingle Writing Contest ang Department of Education o Deped ngayong Pebrero at Marso.
Ito ay ayon kay DepEd 12 OIC Regional Director Arturo Bayucot.Ayon kay Bayucot, layon ng patimpalak na hikayatin ang mga eskwelahan na ipakita ang talento ng kanilang mga estudyante sa pamamagitan ng pagbuo ng campaign jingleAng mananalong jingle ayon kay Bayucot ay gagamitin ng Deped para makahikayat ng mas maraming partisipante sa kanilang Brigada Eskwela ngayong 2017.
Ang patimpalak ay bukas sa lahat na elementary pupils at high school students, sa mga pampublikong eskwelahan, indibidwal man o grupo.Ayon kay Bayucot dapat gamitin lamagn sa MP3 Format na jingle ang wikang Filipino .
Ang mananalong entry ay iaanunsyo ng Deped sa March 31.Ang premyo sa division level ay nakadepende sa Division offices, habang tiyak naman na tatanggap ng P7,000 ang mananalo sa regional level.
Ang regional winner ang ng magiging kinatawan naman ng region 12 sa national level kung saan may naghihintay na P30,000 sa mananalong entry.Ayon kay Bayucot ang mga interesadong magpadala ng entry ay makipagugnayan lamang kay DepEd 12 Brigada Eskwela-Adopt-a School Focal Person Agnes Taruc, o sa kanila mismong eskwelahan.
Balik kulungan ang isang nakapagyansa na suspected drug pusher matapos maaresto sa operasyon laban sa iligal na droga ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA 12 sa Koronadal City.Kinilala ni PDEA 12 Information Officer Kath Abad ang suspek na si Jeffrey Pudadera, 37 anyos helper/delivery boy at nakatira sa Navarro Street, Barangay General Paulino Santos, Koronadal.Nakuha ng mga PDEA agent sa bahay nito ang 1 malaki at 3 maliliit na sachet ng suspected shabu na nagkakahalaga ng mahigit P37 thousand at drug parapernalia.Ito ay maliban pa sa sampung maliliit na sachet na hindi pa selyado na naglalaman ng umano’y shabu.
Si Pudadera ay naaresto matapos umanong magbenta ng P500 na shabu sa isang PDEA agent.Ang suspek na nakakulong na ngayon sa PDEA lock up cell sa General Santos City ay nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act.
Tinututukan ngayon ng lokal na pamahalaan ang pagpapaganda sa bike lane ng Koronadal City.
Ayon kay Koronadal City Mayor Peter Miguel, itinalaga na maglinis at magtanim ng mga bulaklak sa magkabilang bahagi ng bike lane ang iba’t ibang Departamento ng City government.Ayon kay Miguel layon ng pagpapaganda sa bike lane ay upang magdadalawang isip ang mga pasaway na motorsita, na dumaan dito.Ang pagdaan ng mga masasakyan sa bike lane na nagsisilbi ring walk lane ay mariing ipinagbabawal para iwas aksidente.
Binigyan diin ni Miguel na dinesenyo ang bike lane para sa mga nais mag-ehersisyo at hindi para sa mga sasakyan na nais umiwas sa trapiko.Isa ito sa mga paraan sa pagsulong ng lokal napamahalan ng malusog na pangangatawan sa mga mamamayan ng Koronadal City.Ang bike lane ay matatagpuan sa kahabaan ng General Santos Drive mula Rotonda area hanggang city hall.

Umaasa si Aurora Andrea De Pedro ng mas malakas at matibay na pagtutulungan sa lokal na pamahalaan tungo sa mas mabuting pamamahala ng lalawigan.Si De Pedro ang bagong talagang Provincial Director ng Department of the Interior and Local Government o DILG South Cotabato.Bago tinanggap ang hamon para maging South Cotabato DILG Provincial director, si De Pedro ay naging Executive Assisant ni DILG Secretary Mike Sueno sa loob ng pitong buwan.Pinalitan naman nito si Lailyn Ortiz na itinalaga bilang OIC Assistant Regional Director ng DILG Region 12.
Ang turn over ceremony sa mga bagong opisyal ng DILG ay dinaluhan mismo ni DILG Secretary Mike Sueno sa Koronadal City.Si De Pedro ay anak ni dating South Cotabato Second District Congressman at Governor HIlario de Pedro III.
Voice Clip….Si DILG South Cotabato OIC Provincial Director Aurora Andrea de Pedro.
Doble kayod ngayon ang mga kawani ng Provincial Veterinary office ng South Cotabato para mabakunahan ang may 70 porsyento ng aso sa lalawigan.Sinabi ni OIC Provincial Veterinarian Flora Bigot na obligado na magsagawa ng anti rabies vaccination ang kanilang tanggapan.Ayon kay Bigot ito kasi ang pinakamurang solosyon para mapigilan ang pagkalat ng rabbies.
Sinabi ni Bigot na sa halagang P10 piso maari nang mabigyan ng anti rabbies vaccine ang isang aso.Nilinaw ni Bigot na ito ay nakasaad sa anti rabbies ordinance ng lalawigan bilang counterpart ng mga pet owners para matiyak na ligtas sa rabbies ang bawat tahanan.Matatandaan na noong nakaraang taon,abot sa 43,000 na aso sa South Cotabato ang nabigyan ng anti rabbies vaccine.
Gayunpaman nais pa rin ng PVET na mabakunahan ang may 70 porsyentong aso sa South Cotabato ngayong 2017.
Magsasagawa rin ng castration para sa mga alagang aso ang PVET sa Marso.
Nabatid batay sa datus ng Provincial Epediomology and Surviellance Unit o PESU na walo katao ang nasawi dahil sa rabbies sa South Cotabato noong nakaraang taon.Tatlo sa mga biktima ay may edad 10 anyos pababa.
Lima sa mga nasawi ay nakagat ng mga aso na hindi nabigyan ng bakuna kontra rabbies. Tinanggap na masaya ng mga magsasaka sa Pigcawan sa North Cotabato ang mga interbensyong pang-agrikultura na handog sa kanila ng Department of Agriculture o DA 12.
Ito ay kasabay ng paglunsad ng Pagkain para sa Masa Program ng ahensya sa bayan.Ayon kay Pagkain Para sa Masa at Normalization Program Coordinator Andres Manglapus ang tulong pang agrikultura ay napakinabangan ng 150 mga magsasaka.
Ang mga ito ay kasapi ng Bulocaon Farmers Association at Datu Binasing Farmers Association ng bayan ng Pigcawayan, North Cotabato.Pinaalalahanan ni DA 12 Regional Exective Director ang mga magsasaka naitanim ang mga binhi at ipatupad ng maayos ang mga proyekto.
Ito ay upang makatanggap ng mas marami pang tulong mula sa DA.
Inaasahan namang maipapatupad din ang kahalintulad na programa sa 37 mga conflict affected barangay sa mga munisipyo North Cotabato, Sultan Kudarat, Sarangani at Maguindanao province.

Sulu Gov. Sakur Tan to seek BARMM office of chief minister

INANUNSYO ng Bangsamoro Grand Coalition o BGC ang kanilang pag-endorso kay Sulu Governor Abdusakur Tan na tumakbo bilang BARMM Chief Minister sa May...

5 preso nakatakas sa Parang detention facility, tulong ng publiko hiniling ng PNP

Nanawagan ang mga otoridad sa Parang, Maguindano del Norte na makipagtulungan sa kanila kung sakaling may mga nakakita sa mga lalaking nasa larawan...

NGCP scheduled power interruption for May 19 cancelled

What: CANCELLED NOTICE OF National Grid Corporation of the Philippines POWER INTERRUPTION When: Sunday, May 19, 2024 | 7:00 - 8:00 AM | 5:00...

Cotabato Light: Increased generation costs lead to a rise in the overall electricity rate

COTABATO CITY - The overall residential rate of Cotabato Light & Power Company (Cotabato Light) increased by P1.90 per kilowatt hour (kWh)...

Lalaking taga Cotabato City patay sa pamamaril sa Sultan Mastura, Maguindanao Norte

PATAY on the spot ang lalaking naka motor nang pagbabarilin ng mga gunmen sa Sitio Amadeo, Brgy. Boliok, Sultan Mastura, Maguindanao del Norte,...